At dahil nga ayaw magpaawat ni Sophia ay ibinigay naman na muna ni FRancis ang kanilang anak kay Gerome para maawat niya ng maayos si Sophia dahil kitang kita niya sa mukha nito ang matinding galit. Agad namna niya itong yinakap mula sa likuran.“Phia, please. Tama na. Kailangan ka na ng anak natin kaya tama na yan. Pabayaan mo na siya sa mga pulis dahil tiyak naman na pagbabayaran niya ang mga ginawa niyang ito. Please calm down, Phia,” pagpapakalma pa ni Francis kay Sophia.Parang bigla namang natauhan si Sophia at hingal na hingal nga siya ng bitawan niya ang buhok ni Bianca na mukha ng bruha dahil sa sobrang gulo ng buhok nito.“Wal*ng hiy* kang babae ka. Hay*p ka,” sigaw ni Bianca at akmang susugurin na sana nito si Sophia na yakap yakap ni FRancis ng bigla nga itong harangan ng isang pulis habang ang isa namang pulis ay agad na itong pinosasan.“Bitawan nyo ako. Kailangan kong makaganti sa babae na iyan. Bitawan nyo ako,” galit na galit naman na sigaw ni Bianca.“Sige na po. Dal
CHAPTER 310“Sige. Pumapayag na ako. Tama ka, bakit ko nga naman isasama ang bata na ito gayong pwede naman tayong magkaroon ng sarili nating anak,” parang bata naman na sagot ni Bianca kay Francis at imbes na ibigay kay Francis ang bata ay ipinatong lamang nito ang sanggol sa upuan na malapit sa kanya kaya naman nanlaki ang mata ni Francis sa ginawa na iyon ni Bianca. Naging mabilis naman na ang mga sumunod na nangyari at inilang hakbang na lamang ni Francis ang pagitan nila ni Bianca lalo na ng makita niyang gumalaw ang bata at mabuti na lamang talaga at naging mabilis ang kilos ni FRancis at agad niyang nasalo ang kanilang anak ni Sophia na muntik na talagang mahulog.“Thank god, ligtas ka anak,” naiusal ni Francis habang hawak hawak na niya ang kanilang anak ni Sophia at hinalikan pa nga niya ito sa noo.Parang bigla namang naestatwa si Bianca sa bilis ng mga pangyayari at ang buong akala niya ay yayakapin siya ni Francis kaya ito tumakbo pero sa bata pala ang punta nito.“Akala
Napabuntong hininga naman si Francis dahil naiintindihan naman niya ang nararamdaman ni Sophia. Gusto lamang kasi talaga muna niyang mauto si Bianca para mabawi nga niya rito ang bata.Hindi naman nakatiis si Francis at yinakap na nga niya ng mahigpit si Sophia.“Please lang. Hayaan mo akong gumawa ng paraan. PInapasakay ko lamang siya para naman makuha ko ang loob niya at mabawi ko ang anak natin. Kagaya mo ay nag aalala na rin ako sa bata pero kailangan kong kumalma dahil walang mangyayari kung sasabayan ko siya. Please, Phia pagkatiwalaan mo sana muna ako ngayon,” mahinang mahina naman na bulong ni Francis kay Sophia habang yakap niya ito.Naipikit naman ng mariin ni Sophia ang kanyang mga mata dahil sa sinabi na iyon ni FRancis. Hindi na rin naman siya nagsalita pa at tanging pagtango na lamang ang naging tugon niya rito.Hinalikan naman ni Francis sa noo si Sophia at saka siya muling bumuntong hininga bago siya muling humarap kay Bianca.“Pinapapili mo ako, hindi ba? Kapag ba pin
CHAPTER 309Bigla naman natigilan si Bianca at napatingin nga siya sa sanggol na hawak niya. Pinakatitigan nga niya ito at saka siya muling tumingin kay Francis.“Kapag ba ibinigay ko sa’yo ang bata ay magiging akin ka na muli? Magsasama na tayong dalawa kasama ng bata na ito?” tanong pa ni Bianca kay Francis.Napalunok naman ng kanyang laway si FRancis dahil umaasa talaga siya na tatalab ang plano niyang ito kay Bianca.“O-oo, magsasama na tayo basta ibigay mo muna sa akin ang bata. Sige na,” sabi ni Francis at saka siya dahan dahan na humahakbang papalapit kay Bianca.Nagpalipat lipat naman ng tingin si Bianca sa batang hawak niya at pati na rin kay Francis. At nang mapansin niya na lumalapit na nga ito sa kanya ay dahan dahan din naman siyang umuurong kaya naman napatigil na lang talaga si Francis sa kanyang paghakbang.“Bianca paano mo—” hindi naman naituloy ni FRancis ang kanyang sasabihin ng may bigla ngang sumigaw na may likuran niya.“Ang anak ko!!! Hay*p ka Bianca. Ibalik mo
“Wal*ng hiy* ka talagang babae ka. Magbabayad ka talaga sa ginagawa mong ito. Wag na wag mong susubukan na saktan ang anak ko dahil baka hindi mo na talaga masilayan ang araw,” gigil pa na sabi ni FRancis at saka siya nagmamadali na lumabas sa silid na iyon.Agad naman na sinundan ni GErome si Francis at nagtawag na rin nga siya ng back up na mga pulis para samahan sila sa rooftop. Nag utos na rin siya na mag abang sa baba ng ospital dahil baka kung ano pa ang maisipan ni Bianca na gawin sa bata.Pinutol naman na ni Bianca ang kanilang tawag at saka niya pinakatitigan ang sanggol na kanyang hawak.“Napakagwapo mo namang bata ka. Kamukhang kamukha mo ang iyong ama sayang lang at baka hindi mo na makita pa ang magulang mo lalo na kung magmamatigas sila ngayon sa akin. Ang ama mo lang naman ang gusto ko e kaso ang nanay mo ay masyadong mapapel kaya heto at nadamay ka pa sa gulo na ito. Pero wag kang mag alala dahil kapag hindi ka pinalad na mabuhay ay makakasama mo naman ang iyong kapati
CHAPTER 308Sinundan pa nga nila ng sinundan kung saan papunta ang naturang nurse na may bitbit na sanggol hanggang sa nakita nila na dinala nga ito sa roof top ng naturang ospital.Muli naman nilang tiningnan ang kuha ng CCTv sa mga oras na iyon at nakita nila na naroon pa rin ang babae habang nakangiti na nakatingin sa camera ng CCTV.Nakita nila sa kuha ng CCTv na may kinuha ito sa bulsa nito at isa nga iyong cellphone at para bang may tinatatawagan nga ito.Lahat naman sila ay biglang nagulat ng may biglang tumunog na cellphone doon kaya naman napatingin sila sa kanilang mga cellphone.At ganon na lamang ang gulat ni Francis ng ang cellphone pala niya ang tumutunog na iyon at unknown number nga iyon. Napatingin pa siya sa mga naroon at napalunok pa siya ng sarili niyang laway bago niya sinagot ang tawag na iyon at linakasan din niya iyon para marinig ng iba pa niyang mga kasama sa silid na iyon ang sasabihin ng tumatawag sa kanya.“Hello, Love. Did you miss me?” malanding sabi ng