Share

Chapter 62 – Jealousy-Fueled Anger

Author: M.E Rodavlas
last update Last Updated: 2025-05-25 19:13:36

"Masaya ka ba?" Tanong ni Nigel. Ka-holding hands nito si Nathalie habang naglalakad-lakad sila sa isang leisure park.

Tumakas lamang sila sa kani-kanilang responsibilidad sa kumpanya para lamang magkita at mamasyal.

"Oo, naman. Pero alam mo, hindi ko alam kung manghihinayang ba ako o ano. Oo, inaamin ko nung una ay parang asiwa akong tanggapin si lyka at ang ipinagbubuntis n'ya, pero naisip ko, anak ni kuya yun e. Saka wala namang kasalanan yung bata kung nabuo man s'ya dahil sa masamang hangarin ng nanay n'ya. Pero, yun nga...... hindi naman pala totoo. Wala lang, kung kailan natanggap ko na ang lahat ay saka naman namin malalaman na......"

"Nat...." Tumigil sa paglalakad si Nigel at ngumiti sa nobya. "Nanghihinayang ka rin ba dahil wala na'ng mangyayaring kasalan? Alam mo, puwede naman natin ituloy yun e."

"Ha? Anong...."

Magtatanong pa lang si Nathalie nang biglang lumuhod si Nigel. Mula sa kanyang bulsa ay dinukot n'ya ang isang kahon ng singsing. "Alam kong mabibigla ka kapag g
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 65 – Resolution

    Nang magkamalay ay napabilikwas ng bangon si Nathalie. Agad sumariwa sa alaala n'ya ang nangyari kanina nang mawalan s'ya ng malay. Pupunta dapat s'ya sa restroom ng isang gas station nang may bigla na lamang umatake sa kanya sa kanyang likuran. Sinunggaban s'ya nito at kinaladkad sa kung saan habang ang kasama naman nito ay may ipinaamoy sa kanya na kung ano sa isang panyo. Nang mapagmasdan n'ya ang paligid ay napag-alaman n'yang nasa abandonadong lugar s'ya. Takot ang bumalot sa kanya habang nayakap n'ya ang kanyang sarili. Nagkaroon s'ya ng tanong sa kanyang isipan, kidnap for ransom kaya ang dahilan ng pagkakadukot sa kanya? Nang maisip n'ya na maaaring yun nga ang dahilan ay nabawasan kahit paano ang takot na nararamdaman n'ya. Kung iyon nga ang dahilan ay tiyak na makakapag ransom sila, huwag lang sanang makaisip nang hindi nararapat sa kanya ang mga kumidnap sa kanya.Napabalikwas s'ya nang biglang magbukas ang kalawangin at maingay na pinto. May pumasok na dalawang lalaki na

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 64 – Lost

    Biglang sinakal ni Nigel si Elaine. "Talaga bang gusto mo akong maging kriminal, ha Elaine? Talaga bang gusto mo akong piliting pumatay ng tao, ha?" Pumiglas si Elaine at galit na kumawala mula kay Nigel. "Talaga bang hindi mo na ako kayang tanggapin, ha nigel? Bakit parang ang hirap-hirap para sa'yo na gawin ang hinihiling ko? Hindi ba't minahal mo naman ako noon–" "Oo, pero dahil nabulag ako!" Singhal ni Nigel na nagpatahimik sa babae. "Dahil nagkamali ako! Nagkamali ako ng taong minahal. Kung hindi mo ako niloko at nagpakilalang nagligtas sa akin sa sunog, tingin mo ba ay mamahalin kita?" Nanigas si Elaine. Halos malimutan na n'ya ang panloloko at ang pagsisinungaling na ginawa n'ya, pakiramdam tuloy n'ya ay nasampal s'ya. "Kunsabagay, kasalanan ko rin naman e, dahil nagpaloko ako. Ni hindi ko man lang naisip na huwad ka. Alam mo, isa ka sa pagkakamali ng nangyari sa buhay ko. Sana talaga ay hindi na lang kita nakilala, dahil kung hindi dahil sa'yo, hindi ko sana masasaktan a

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 63 – Demand

    Nang mailabas na ni elaine ang kanyang nararamdamang pagkabigo ay saka lang s'ya natauhan na pinagtitinginan na pala s'ya. Dumukot s'ya ng pera sa kanyang clutch bag at inilapag sa mesa, saka s'ya walang lingon-lingon lumabas. Sumandal muna s'ya sa isang pader dahil tinalaban na s'ya ng alak at ngayon ay nahihilo na s'ya.Dinukot n'ya ang kanyang cellphone at tinawagan si Nigel. May sampung beses siyang sumubok ngunit puro voicemail lang ang sumasagot sa kanya. 'Bakit? Bakit hindi ko s'ya ma-contact? Bin'lock kaya n'ya ako, o baka, nagpalit na s'ya ng number?' sunod s'yang tumawag sa abroad. "Hello dear, I just want to confirm if I won't be thrown in jail by anyone here once I exposed myself?""Yes, they don't have the right. Besides, doesn't your boyfriend happen to be a top-notch international lawyer?" Sagot ng isang lalaki sa kabilang linya."Really? Thank you dear. I finally felt relief.""No problem, babe. Anything for you.""Okay, see you.""Bye, I love you.""I love you, too."

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 62 – Jealousy-Fueled Anger

    "Masaya ka ba?" Tanong ni Nigel. Ka-holding hands nito si Nathalie habang naglalakad-lakad sila sa isang leisure park.Tumakas lamang sila sa kani-kanilang responsibilidad sa kumpanya para lamang magkita at mamasyal. "Oo, naman. Pero alam mo, hindi ko alam kung manghihinayang ba ako o ano. Oo, inaamin ko nung una ay parang asiwa akong tanggapin si lyka at ang ipinagbubuntis n'ya, pero naisip ko, anak ni kuya yun e. Saka wala namang kasalanan yung bata kung nabuo man s'ya dahil sa masamang hangarin ng nanay n'ya. Pero, yun nga...... hindi naman pala totoo. Wala lang, kung kailan natanggap ko na ang lahat ay saka naman namin malalaman na......""Nat...." Tumigil sa paglalakad si Nigel at ngumiti sa nobya. "Nanghihinayang ka rin ba dahil wala na'ng mangyayaring kasalan? Alam mo, puwede naman natin ituloy yun e.""Ha? Anong...."Magtatanong pa lang si Nathalie nang biglang lumuhod si Nigel. Mula sa kanyang bulsa ay dinukot n'ya ang isang kahon ng singsing. "Alam kong mabibigla ka kapag g

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 61 – The Return

    Hindi sinagot ni Nico ang ina, binalingan uli nito ang namumutlang si lyka. "Nasaan ang tiyahin mo?" Naguguluhan na si Lucille. "Teka nga, ano ba talaga ang nangyayari, ha, Nico?" Humila ng silya si Nico at naupo. "Mamaya ko na sasagutin ang tanong mo, ma. Gisingin n'yo po si daddy at tawagin n'yo po ang tiyahin nito. Kailangan nating magharap-harap ngayon.Dahil tila nahulaan na ni Lyka kung ano ang susunod na mangyayari ay umiyak na ito sa pag-aalala at takot. Tapos na sila, ito na nga ang sinasabi n'ya. Wala talagang lihim at panloloko ang hindi magbubunyag, ngunit hindi n'ya akalaing ganito kabilis ito darating. Umiiyak n'yang tinawagan ang kanyang tiyahin, at dahil nakatunog ito na tila may problema si Lyka ay kaagad itong nagpaalam sa mga kalaro nito sa saklaan.Humahangos na'ng dumating si rina. Papasok pa lang ng villa ay malakas na niyang tinatawag ang pamangkin, tila nawala sa isip nito na nakikipanuluyan lang sila sa pamamahay ng iba "Lyka! Lyka! Anong nangyari? Bakit

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 60 – The Truth Revealed

    "Um, h-hello.... Kuya Nigel? S-si Lyka 'to."Kumunot ang noo ni Nigel nang malaman kung sino ang tumawag sa kanya. Ibaba na sana niya ang telepono ngunit pinigilan s'ya nito: "S-sandali! Huwag mo munang ibababa. P-pasensya na kung tinawagan kita nang ganitong oras, wala kasi akong lakas ng loob na umamin sa mga tao dito dahil nahihiya ako sa kanila." "Speak. Anong kailangan mo?" "A-ano kasi...." Sasabihin na sana ni Lyka ang tungkol sa gusto n'yang aminin, nang bigla namang dumating si Rina. Nabitiwan niya ang kanyang cellphone sa gulat. "O, anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa natutulog? Huwag mong sabihing nagpapapresko ka dito e may aircon naman ang kuwarto mo." Hinila niya si Lyka sa kamay. "Halika na, bawal sa BUNTIS ang nagpupuyat." Bago tuluyang magpatangay sa tiyahin ay dinampot muna ni Lyka ang kanyang cellphone sa damuhan.Samantala, nagtaka na lang si Nigel sa kabilang linya nang bigla s'yang mawalan ng kausap. Ini-off na n'ya ang kanyang cellphone para wala na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status