Malamig ang simoy ng hangin kakatapos lamang ng bugso ng ulan. Mabuti na lang talaga at nakasabay na si Elise sa huling biyahe ng jeep bago pa tumaas ang baha kung hindi tiyak na kung hindi siya basang basa ay malamang stranded siya sa labas ng building ng pinapasukang kompanya.
Maglilimang buwan na mula ng matanggap siya bilang janitress sa building na iyon. Sapalaran talaga ang lahat, Ang inaplyan niya sa agency ay sa hotel sana at gusto niya sa mga hotel pero ayon sa agency ay janitress sa isang printing press ang available. Sinunggaban na niya dahil reasonable naman ang sahod yun mga lang natural may kaltas ang agency niya for six months. Kababa pa lamang niya sa jeep at pahakbang na sa tapat ng gate niya ng marinig niya ang pagbabasag ng bote at nagkakagulo sa terrace ng bahay nila. Agad na pumasok sa gigiwang giwang na gate si Elise at tinakbo ang kapatid niyang nakita niyang hawak ang basag na bote. “Jef! Hoi!! Ano to? anong nangyayayri dito?” sigaw ni Elise ng datnan ang magulong terrace ng bahay nila , puro basag na bote at pati ang chicharon at kornik ay nakakalat na rin. Lango sa alak sng kapatid niya pati ang ibang naroroon at basag ang ulo ng lalaking nasa kabilang side niya, Kilala niya ito si Natoy ang lalaking kaaway na kapatid niya. “Eh nakakapikon yang gagong yan, siya na nga itong mali siya pa ang matapang king inang yan hambalusin ko ang gagong yan eh” sabi ng kapatid niya. “Hoy Natoy ano ba ang nanyari?” tanong ni Elise. Kailangan niyang tanungin ang alaki dahil sa tototo lang kilala niya si Natoy. Pero inambahan ng suntok ng kapatid niya ang lalaki kaya muli itong napasiksik sa sulok. “Ano ba Jef? tumino ka pwede ba?” sigaw ni Elise. “Ano Natoy? ano bang nangyari talaga?” “Sige kang kupal ka subukan mo lang, subukan mo lang” singit ng kapatid niya. "Tangina naman Jef manahimik ka nga? malamang ikaw na naman ang may kasalanan ng lahat” sabi in Elise. "Bakit ako na naman?Ako na naman? Palagi ka na lang ganyan porke ikaw ang kumikita diti palagi mo na lang isinusmbat” sabi ni Jef. “Anak ka ng kumag,Ano yun? Saan nanggaling yun? Asan ang panunumbat dun? Pikon na taning n iElise. "Bakit ?Totoo naman poalaging ikaw ang nagsisimula ng gulo hindi ba? hindi ba?” sabi ni Elise. “Sus, wala naman talagang tama sayowala na kaming ginawang tama. Makalayas na nga lang.Ang pangit nyo kabondo g mga leche! Walang kuwenta dito peste” sabi ng kapatid niya na sabay umalis ng walang lingon lingon. Sanay na siya? Ilang taon na ba? magwa walk out pero kapag naubusan ng pera kung hindi uuwi para mangupit, uuwi para manguntang kuno. Sumunod naman sa kapatid niya ang ilang mga kainuman. Ang naiwan lang ay si Natoy at dalawa pang kainuman ng kapatid. “Pasensya na Elise, nagalit kase si Jef kase hindi ko sinunod ang gusto niya" sabi ni Natoy. “Bakit ano na namn bang kalokohan ng naisip ng kapatid ko” usisa ni Elise. “Gusto kase niyan na ipanakaw sa akin ang inaheng manok nina mang Istong eh bukod sa may asong bagong panganak doon eh malalagot ako sa inang dahil kakapiyansa lang nila sa akin ng makulong ako noon dahil din sa utos ng kapatid mo” sabi nito. “Eh bakit nyo ba kase sinusunod ang gonggong na yun” sabi ni Elise. “Eh kase sa tuwing tatanggi kami ganito ang nagyayari. Hind naman kami makapalag dahil sa tatay mong tanod saka pinagyayabang niyang mapapangasawa mo ang isang Mandrigal. Kilala sa bayan yun at makapangyarihan at wala kaming laban” sabi ni Natoy. “Lintek ka talaga Jeffrey sakit ka ng ulo. Asan ba ang kuya?...ang inay?..... inay” sigaw ni Elise pero walang sagot na narinig ang dalaga. “Wala si Aling Lita Elise, umalis ang nanay mo pinuntahan dito nina aling Remy eh" “Lintek malamang sa tongitan na naman yun pupunta at doon na aabutong ng tsismisan at hanggang gabi na yun" sabi ni Elise. “Oi Natoy eto ang limang daan pagamot mo tung sugat mo. Magpunta ka sa center at patingnan mo yang sugat mo sa ulo” sabi ni Elise. “Salamat Elise, maganda ka na mabait pa ang layo mo sa kapatid mo” sabi in Natoy. “Sus nambola ka pa gusto mo madagdagan ang tama mo sa ulo ha" sabi in Elise. “Ay mali, masungit pala!” sabi nito sabay karipas ng takbo. Napabuntong hininga na lamang si Elise. Ganito na lang ba parati ang aabutan niya sa bahay? Kinuha ni Elise ang dustpan at walis saka winalis ang nagkalat na bubog. Kahit naman hindi nagkaroon ng away at basagan sa bahay nila siya at siya pa tin naman ang maglilinis ng kalat at pinag inuman ng dalawa niyang kapatid. Mas malala nga yung kuya niya dahil hanggang kuwarto niya nabababoy ng mga babaeng pokpokin na kinakaladkad nito sa bahay nila. Pagdating niya sa loob ng bahay ay mga hugasin naman nang sasalubong sa kanya at natural walang laman ang kaldero. Himala at magugunaw ang mundo kapag may naabutan siyang sinaing. Kaya naman hindi pa man nakakapagbihis ng uniporme sa trabaho ay naghuhugas na ng pinggan si Elise sabay nagsaing ng kanin habang nagbabati ng itlog at nagbukas ng sadinas. Sarilign sikap na lalang siya para may laman ang sikmura bago magpahinga. Ganito ang araw araw na eksena ni Elise. Minsan pa nga pati pag tulog niya at pamamahinga na dapat ay nagagambala pa dahil minsan uuwi ang ama niyang lango sa alak at walang ibang tatayo para buksan ito ng pinto kundi siya. Kapag tinikis naman niya at mamgkunwaring tulog ay siya pa rin ang malilintikan at masasaktan at mamumura dahil siya ang malapit sa pintuan. Nakahiga na sa wakas si Elise matapos makapaghilamos, pagod siya kaya pati ang talukap ng mga mata niya ay para ng hinihila. Maaga na naman siyang babangon para sa panibagong hamon. Bago naipikit ni Elise ang mga mata sumagi sa isip niya ang guwapong mukha ng kababatang si Kenzo. Kaklase niya eto mula grade five hanggang makatapos ng high school. Suplado ito at yun naman ang mga tipo niya sa lalaki. Mabait naman ito kapag nakakasalubong niya lalo na pag pinapahiram niya ng payong dahil tamad itong magdala. Matamis ang mga ngiti nito kaya ayun dahil sa nahuhumaling siya sa tamis ng ngiti nito nagtitiyaga siya sa dahon ng saging para ipayong paguwi habang na kay Kenzo ang payong niya. Naalala ni Elise ang sinabi ni Natoy na pinagmamalaki daw ng kapatid niya na mapapangasawa niya ang kababata. Napangiti si Elise. Sana nga para dream come true na siya. Hindi naman dahil sa mayaman ito kundi dahil sa ulitimate crush talaga nila ang binata noon pang high school sila. Labis nga ang lungkot niya ng magaral ito sa Amerika at nawala ng halos limang taon. Pero fiesta naman pagbalik nito sa mansion ng mga Madrigal at fiesta din ang mga mata niya dahil bumalik si Kenzo na saksakan ng guwapo. Kasama na nitong bumalik ang kapatid nitong panganay na kasing guwapo din ng love of her life. Nakatulugan na ni Elise ang pangangarap na isang araw maging asawa ni KenzoKaya sabihino sa akin, ano pang laban ko?Meron pa ba akong dapat ipaglaban diba wala na? Ayoko na!!" sabi Elise. "Pero Elise........"pilit ni Kevin pero muling nagsalita si Elise. "Tama na Kevin, sa inyo na lang yang yaman nyo. Ngayon kung hindi mo na rin lang ako tutulungan dahil hindi ako babalik sa mansion, kung pwede huwag mo na rin akong hanapin.Pabayaan mo na ako pabayaan mo kami ng anak ko kung saan kami makarating. Hindi ko alam kung pano ko bubuhayin ang bata na to pero alam ko na kakayanin ko" Sabi ni Elise. "Sa tingin mo madali yun? Para sayo madali yun Elise, para sayo madali lang gawin yun kasi dun ka lang naman naka focus eh. Mahal mo si Kenzo.Ngayon di mo na mahal si Kenzo. Galit ka kay Kenzo. Kaya damay na lahat.Patang gnaun lang ka somple sng lahat. Elise, buksan mo naman yung isip mo. Please naman kahit sa huling pagkakataon mag isip ka muna. May kakampi ka"sabi ni Kevin. "Nandito ako.Pag usapan natin to.Hindi kita ibinabalik dun para makisama ka ulit sa kap
"Okay lang naiintindihan ko. Kaya nga sabi ko na lang sa sarili ko.Tutulungan na lang kita ng patago. Aalalayan na lang kita ng patago. Hanggang sa makabangon ka at pagkatapos gagawin ko ang lahat, para maibalik ka sa dapat mong lugar. Babawiin natin kung ano yung karapatan mo. Paaalalayan kita sa mga abogado para makuha mo ang dapat ay para sayo. Karapatan mo ang bumalik sa mansyon. "Wait teka lang anong pinagsasabi mo?" "May karapatan kang tumira doon, Kung ayaw na talaga sayo ni Kenzo at kung nakipaghiwalay nga talaga si Kenzo, bahala siya sa buhay niya. Pero bilang legal na Madrigal, mananatili ka sa bahay na yun. Lalo pa at dinadala mo ang tagapagmana ng mga Madrigal. "Kevin alam mong isinusumpa ko ng maging Madrigal hindi ba?" ano to?" takang tanong ni Elise. Sa totoo lang mas gugustuhin pa niyang itakas na lang sana siya ni Kevin. Mas nais niyang mamuhay ng tago at malayo kasama ang binata kesa ang naririnig niya ngayon. Ngunit napagisip isip ni Elise na maaaring hindi
Para namang binatukan si Kevin sa mga narinig na iyong sa hipag.Tama ba ito, duwag nga ba siya?hindi na rin niya alam pero isa lamang ang mali sa sinabi ni Elise yun ay ang salitang awa.Alam niya sa sarili niya noon pa na hindi awa ang nararamdaman niya. "Elise, hindi ito dahil sa awa. Hindi mo kailangan mamalimos ng awa" sabi ni Kevin. "So dahil sa ano eto kung ganun? Hindi mo rin masagot? Ano? Dahil ba ayaw mong mabuking ni Kenzo na tinulungan mo ako? Na yung asawang pinalayas niya ay tinutulungan mo? Yun ba yun? kelan ka pa natakot kay Kenzo? Baliktad na ba ang mundo?"Tanong ni Elise. "No..Hindi iyong ganun Elise.." "Then ano? Anong dahilan at tinutulungan mo ako?At bakit dapat patago?" medyo histerikal ng tanong ni Elise. "Kung hind ka na aawa eh di ano? bumabawi ka ba?ginagawa mo ba ito dahil ba gi guilty ka pwes hindi ko kailangan yun.Huwag ka ng bumawi kase lalo lang akong nasasaktan" sabi niya na hindi na napigilang ilabas ang totoong damdamin. "Elise....." "Tw
Bagamat nag aalala sa kung ano na ang nangyayari kay Elise. Kinakailangan ni Kevin na maghintay ng tamang sandali.Nanatili siya sa sala sa madilim na sulok na yun At hinintay ang tamang pagkakataon. Nang tumahimik na ang lahat ay saka dahan dahang pumasok si Kevin sa silid ni Elise. Sa pag aakalang tulog na ang hipag dahil tahimik na ay binalak niyang silipin saglit ito.Ang tanging nais niya ay silipin lamang talaga ito at icheck kung okay na na ito. Nagpanic din kase siya sa tawag ni Pepay kanina. Nang nakarating na siya sa condo saka lamang niyan naisip na hindi naman nga pala siya puwedeng makita ni Elise. Nais niya na lamang ngayon ay pagbigyan ang bulong ng kanyang damdamin na masilayan man lamang kahit sandali ang itinatanging hipag. Ngunit pagbukas ni Kevin ng pinto ay nakita niyang wala sa kama si Elise. Inalihan ng kaba ang binata Kaya't ang pagsilip na sana ay unang balak lang ay nasundan ng paghakbang papasok. Patingkayad pang dahan dahang humakbang si Kevin pap
Nalilito si Kevin sa ponagsasasabi ng kanyang katiwala.Hiindi niya malaman kung naalimpungatan lamang ba ito. "Sir ang tinutukoy ko po ay iyong polo ninyo na madalas na inaamoy ni mam Elise sir. yung polo mo na ha sabi mo eh hawak nya sa pagtulog na pinalalaban niya sa akin at pagkatapos ay pinalalagyan niyo sa akin ang inyong pabango Ay nawawala ho sir. Hindi ho mahanap ni ma'am at hindi ko rin ho ito mahanap" balita ni Pepay sa amo sa kabilang linya. "Panong nawala? eh sabi mo ay inilaban mo siya?so nan mapupunta yun? Hanapin mong maige" utos ni Kevin. "Ay Sir, nahalughog ko na ho ang buong bahay ninyo pero hindi ko ho talaga makita eh kaya ako tumawag sir kasi kase Bukod kasi sir sa kuwan hindi ko na makita nga yung polo, yung pabango ninyo ay ubos na rin sa loob ng dalawang linggo" sabi pa ni Pepay. "Gusto ko ho sanang kumuha na lamang ng damit ko tapos ay lagyan ko nung pabango ninyo at ibibigay ko sa kanya kaya lang ho ay baka mahalata niya. Kaya sir hindi ko talaga alam
Pero ang mga pagdududang iyon ni Elise ay mas nadagdagan dahil sa isang kakaibang pangyayari na nagpatibay lalo sa kitob niya. Isang umaga ay napansin ni Elise ang polo na madalas niyang katabi sa kanyang pagtulog ay may kakaibang nangyayari. Minsan nagigising siyang nakatupi ito ng maayos gayung alam niyang nakalatulog siyang yakap iyon. Alam niyang hawak niya at hindi niya itinitupi bago matulog. Pero nagigising siya na nakatupi ito ng maayos. Nung minsan nakita niya itong nakasampay na ang Ibig sabihin ay pwedeng nilabhan ni Pepay, sesermunan sana niya ang babae kung bakit nilabhan dahil mawawala ang amoy ni Kevin doon pero nahiya si Elise. Wala namang alam yung katulong at lalong baka magmukha siyang OA bukod pa sa ayaw niyang ipaalam na pinaglilihian niya ang amoy ng kanyang bayaw. Nalungkot si Elise ng makitang nilabhan na ito ni Pepay, mamomoroblema siya kung paano iibsan ang sama ng pakiramdam sa hating gabi at madaling araw, ang amoy lamang kase ng polo na iyon ang na