LOGIN
"Happy Anniversary, Love. Kanina pa kita hinihintay na umuwi. May sorpresa ako sa'yo," bati ni Elize sa kanyang asawa na kanina pa niya hinihintay na umuwi. Madalas itong gabi na umuwi at nasanay na siya. Ahh, mali, sinanay na pala niya ang sarili na ganito na ito umuwi. Pero ngayong gabi ay mas late na itong umuwi, halos ala-una na nga ng madaling araw kung tutuusin.
"What's so Happy about that?" pasinghal na sagot ni Kenzo.
Nanahimik si Elise. Sanay naman na siyang ganito ang trato ng kanyang asawa. Sa ilang pagkakataon, na kung tutuusin, mabibilang lamang sa kanyang mga daliri na itinuring siya nitong asawa; mas madalas pa nga na itinuturing siya nitong parang utusan lamang.
No choice si Elise, bukod kase sa asawa na siya nito, mahal niya si Kenzo. Bukod pa sa mga suwapang niyang pamilya na tila naka-jackpot sa nangyari sa kanya. Wala ng ginawa ang mga ito kundi ang sulsulan siyang magpakabait at maging masunurin upang maging matagumpay daw ang buhay niyang mayasawa
"May sorpresa ako sa'yo, love. Halika, umupo ka muna. Mukhang pagod ka, eh," sabi ni Elise, na niyakap ang asawa. Naamoy agad niya na medyo nakainom na naman ito. Sanay na rin siya, palagi naman mula nang magsama sila sa iisang silid.
"Ako rin may sorpresa…" sabi ni Kenzo, saka kinuha ang messenger bag na naitapon sa kama at hinugot doon ang isang folder at pagalit na inabot kay Elise.
"D-Divorce paper... dinidiborsyo mo na ba ako?" takang tanong ni Elise.
"Alangan namang yung maid ang dinidiborsyo ko bobo ka ba? Sino bang nakasulat na pangalan diyan?" singhal ni Kenzo.
"P-pero B-Bakit? Anong nagawa ko? May mali ba akong nagawa? Tell me kung may kailangan akong baguhin," sabi ni Elise.
"Bakit? Are you asking me that silly question? really? Gumising ka nga, Elise . Alam mong simula pa lang, sapilitan na ang kasal na ito. Kung hindi dahil diyan sa lecheng will ng lola mo at ng lola ko this will never happen," sabi ni Kenzo.
"But I thought okay, sayo, sabi mo noong nagkaharap-harap tayo, ano… di ba sabi mo pa nga matagal mo na rin akong crush noon at excited ka sa kasalan, pero bakit… anong nangyari…" Nanginginig ang boses ni Elize sa pagsabi. Gusto nang pumatak ang luha niya sa masakit na salita ni Kenzo.
"Wow ! You believe that? ang bobo mo talaga. Ang hirap sa inyong mahihirap ay ang bilis ninyong mauto at masilaw sa pera. Alam ko naman kung bakit atat kang mapakasal sa akin, hindi ba? Yun ay para guminhawa ka, kayo ng pamilya mo, tama ba? Ewan ko ba kung paano naiisip ni Lola na magugustuhan kita? Hindi ko lubos maisip na ang baba ng standard ng lola ko," sabi pa ni Kenzo.
Nasasaktan na si Elize sa lahat ng pangiinsulto nito, pero naniniwala siyang dapat siyang maging matatag at kumapit pa. Kapag nalaman ni Kenzo na magkakaanak na sila, baka magbago ang lahat. Iyon ang sorpresa niya sa asawa na hindi niya masabi-sabi. Bubuka na sana ang bibig ni Elise para sabihin ang kanyang sorpresa, pero muling inabot sa kanya ni Kenzo ang divorce paper na nabitawan niya sa pagkabilga kanina.
"Sign this now, at umalis ka na sa pamamahay ko bukas na bukas din," utos ng kanyang asawa.
"Ano!? Teka lang, Kenz,o baka pwede namang nating munang pag-usapan eto.Ayusin natin ang problema. Kung may mali ako, kung may pagkukulang ako, ayusin ko, Kenzo, babaguhin ko, please. Huwag mo sana akong paalisin," sabi ni Elise na tuluyan nang pumatak ang kanina pa pinipigilang mga luha.
All this time, tiniis niya ang turing sa kanya ni Kenzo. Sa loob ng maraming buwan, tiniis niya ang naging pangbabalewala nito sa kanya. Buong akala kase niya at umasa siyang mamahalin din siya ng asawa kapag naging mabuti siyang may bahay. Pero nagkamali pala siya.
"Kenzo, please, huwag kang magpadalos-dalos; dalos mag-usap muna tayo. Asawa mo ako, Kenzo. Saka may kailangan akong sabihin sa'yo," sabi ni Elise. "Yun na lamang ang pag-asa niya. Ayaw sana niyang gamitin iyon, pero baka kapag nalaman nito ang kalagayan niya ay magbago ang isip nito, pero yun nga ba ang tama?
"Ako rin may sasabihin sa'yo. We're over, Elise. Ilang ulit ko bang sasabihin? Tama na ang maraming buwan na pagtitiis ko. Tama na ang ilang buwang sakripisyo. Pala sa lola mo, isa lamang itong kasunduan ng kasal, pero hindi mo alam na itinali ako at sinakal ng dalawang matandang iyon, at ang nakakainis pa, may dagdag pa sa kasulatan ng lola ko na kailangang maging mag-asawa tayo sa loob ng isang taon bago ko mabuksan ang mana ko. Fuck! Elise, kailangan kitang pagtiisan at kailangan kitang pakisamahan kahit sukang-suka na ako dahil hawak ninyo ang lintek na pera ko," galit na sabi ni Kenzo.
"Kenzo…," hindi makapaniwala si Elize sa lahat ng narinig. Totoo ngang palabas lang ang lahat ng mga ipinakita nito? Kaya ba madalas na hatinggabi na ito umuuwi at kung minsan madalas nasa out of town. Iniiwasan nga ba siya nito at hinintay lamang na lumipas ang isang taon?
Ang.... ang nangyari sa kanila dahil lang ba sa lasing ito? o dahil lang ba sa kailangan din? Nasa kasunduan din ba?Maraming naging tanong si Elise habang tumutulo ang luha.
"Cut that bullshit drama, Elise, and sign this paper," utos nito. Natatranta at nanginginig si Elise, kaya halos hindi niya mahawakan ang papeles.
"Oh, why, wala kang magagawa, Elise. Tapos na ang kasunduan ng mga lintek na matatanda. Leave this house as soon as possible at si Soffie na ang iuuwi ko dito. My ex-girlfriend is back. Tapos na ang kontrata niya sa London and she is back for good," sabi pa nito.
Hindi na napigilan ni Elise ang pagtulo ng masaganang luha. Sa nanginginig na kamay ay pinirmahan niya ang divorce papers. Hindi pa man lumilipas ang ilang minuto ay nakita na niyang tinawagan ni Kenzo ang ex nito at pinauwi na sa mansion. Walang choice si Elise kundi magimpake at lisanin ang bahay na iyon ng alas tres ng madaling araw.
Baon ang lahat ng hinanakit at poot sa kanyang kapalaran. Isinumpa ni Elise na hindi na siya tatapak sa bahay na iyon. Dala ang ilang kagamitan at himas-himas ang tiyan na noon ay halos mag-apat na buwan na ay umalis si Elise sa buhay ni Kenzo na walang lingon-lingon.
Kaya sabihin mo sa akin, ano pang laban ko?Meron pa ba akong dapat ipaglaban? Di ba wala na? Ayoko na!!" sabi Elise. "Pero Elise........"pilit ni Kevin pero muling nagsalita si Elise. "Tama na, Kevin, sa inyo na lang 'yang yaman nyo. Ngayon, kung hindi mo na rin lang ako tutulungan dahil hindi ako babalik sa mansion, kung pwede, huwag mo na rin akong hanapin.Pabayaan mo na ako, pabayaan mo kami ng anak ko kung saan kami makarating. Hindi ko alam kung paano ko bubuhayin ang bata na 'to, pero alam ko na kakayanin ko," sabi ni Elise. "Sa tingin mo, madali yun? Para sa'yo madali yun, Elise. Para sa'yo, madali lang gawin yun kasi doon ka lang naman naka-focus eh. Mahal mo si Kenzo. Ngayon di mo na mahal si Kenzo. Galit ka kay Kenzo. Kaya damay na lahat. Parang ganun lang ka-simple ang lahat. Elise, buksan mo naman yung isip mo. Please naman, kahit sa huling pagkakataon, mag-isip ka muna. May kakampi ka,"sabi ni Kevin. "Nandito ako.Pag-usapan natin 'to.Hindi kita ibinabalik doon para m
"Okay lang, naiintindihan ko. Kaya nga, sabi ko na lang sa sarili ko.Tutulungan na lang kita nang patago. Aalalayan na lang kita nang patago. Hanggang sa makabangon ka at pagkatapos, gagawin ko ang lahat para maibalik ka sa dapat mong lugar. Babawiin natin kung ano yung karapatan mo. Paaalalayan kita sa mga abogado para makuha mo ang dapat ay para sa iyo. Karapatan mong bumalik sa mansyon. "Wait, teka lang anong pinagsasabi mo?" "May karapatan kang tumira doon. Kung ayaw na talaga sa iyo ni Kenzo at kung nakipaghiwalay nga talaga siya, bahala siya sa buhay niya. Pero bilang legal na Madrigal, mananatili ka sa bahay na yun. Lalo pa at dinadala mo ang tagapagmana ng mga Madrigal. "Kevin , alam mong isinusumpa ko na maging Madrigal, hindi ba?""Ano?" takang tanong ni Elise. Sa totoo lang, mas gugustuhin pa niyang itakas na lang sana siya ni Kevin. Mas nais niyang mamuhay nang tago at malayo kasama ang binata kaysa ang naririnig niya ngayon. Ngunit napag-isip-isip ni Elise na maaaring hi
Para namang binatukan si Kevin sa mga narinig na iyong sa hipag.Tama ba ito, duwag nga ba siya?hindi na rin niya alam pero isa lamang ang mali sa sinabi ni Elise yun ay ang salitang awa.Alam niya sa sarili niya noon pa na hindi awa ang nararamdaman niya. "Elise, hindi ito dahil sa awa. Hindi mo kailangan mamalimos ng awa" sabi ni Kevin. "So dahil sa ano eto kung ganun? Hindi mo rin masagot? Ano? Dahil ba ayaw mong mabuking ni Kenzo na tinulungan mo ako? Na yung asawang pinalayas niya ay tinutulungan mo? Yun ba yun? kelan ka pa natakot kay Kenzo? Baliktad na ba ang mundo?"Tanong ni Elise. "No..Hindi iyong ganun Elise.." "Then ano? Anong dahilan at tinutulungan mo ako?At bakit dapat patago?" medyo histerikal ng tanong ni Elise. "Kung hind ka na aawa eh di ano? bumabawi ka ba?ginagawa mo ba ito dahil ba gi guilty ka pwes hindi ko kailangan yun.Huwag ka ng bumawi kase lalo lang akong nasasaktan" sabi niya na hindi na napigilang ilabas ang totoong damdamin. "Elise....." "Tw
Bagamat nag aalala sa kung ano na ang nangyayari kay Elise. Kinakailangan ni Kevin na maghintay ng tamang sandali.Nanatili siya sa sala sa madilim na sulok na yun At hinintay ang tamang pagkakataon. Nang tumahimik na ang lahat ay saka dahan dahang pumasok si Kevin sa silid ni Elise. Sa pag aakalang tulog na ang hipag dahil tahimik na ay binalak niyang silipin saglit ito.Ang tanging nais niya ay silipin lamang talaga ito at icheck kung okay na na ito. Nagpanic din kase siya sa tawag ni Pepay kanina. Nang nakarating na siya sa condo saka lamang niyan naisip na hindi naman nga pala siya puwedeng makita ni Elise. Nais niya na lamang ngayon ay pagbigyan ang bulong ng kanyang damdamin na masilayan man lamang kahit sandali ang itinatanging hipag. Ngunit pagbukas ni Kevin ng pinto ay nakita niyang wala sa kama si Elise. Inalihan ng kaba ang binata Kaya't ang pagsilip na sana ay unang balak lang ay nasundan ng paghakbang papasok. Patingkayad pang dahan dahang humakbang si Kevin pap
Nalilito si Kevin sa ponagsasasabi ng kanyang katiwala.Hiindi niya malaman kung naalimpungatan lamang ba ito. "Sir ang tinutukoy ko po ay iyong polo ninyo na madalas na inaamoy ni mam Elise sir. yung polo mo na ha sabi mo eh hawak nya sa pagtulog na pinalalaban niya sa akin at pagkatapos ay pinalalagyan niyo sa akin ang inyong pabango Ay nawawala ho sir. Hindi ho mahanap ni ma'am at hindi ko rin ho ito mahanap" balita ni Pepay sa amo sa kabilang linya. "Panong nawala? eh sabi mo ay inilaban mo siya?so nan mapupunta yun? Hanapin mong maige" utos ni Kevin. "Ay Sir, nahalughog ko na ho ang buong bahay ninyo pero hindi ko ho talaga makita eh kaya ako tumawag sir kasi kase Bukod kasi sir sa kuwan hindi ko na makita nga yung polo, yung pabango ninyo ay ubos na rin sa loob ng dalawang linggo" sabi pa ni Pepay. "Gusto ko ho sanang kumuha na lamang ng damit ko tapos ay lagyan ko nung pabango ninyo at ibibigay ko sa kanya kaya lang ho ay baka mahalata niya. Kaya sir hindi ko talaga alam
Pero ang mga pagdududang iyon ni Elise ay mas nadagdagan dahil sa isang kakaibang pangyayari na nagpatibay lalo sa kitob niya. Isang umaga ay napansin ni Elise ang polo na madalas niyang katabi sa kanyang pagtulog ay may kakaibang nangyayari. Minsan nagigising siyang nakatupi ito ng maayos gayung alam niyang nakalatulog siyang yakap iyon. Alam niyang hawak niya at hindi niya itinitupi bago matulog. Pero nagigising siya na nakatupi ito ng maayos. Nung minsan nakita niya itong nakasampay na ang Ibig sabihin ay pwedeng nilabhan ni Pepay, sesermunan sana niya ang babae kung bakit nilabhan dahil mawawala ang amoy ni Kevin doon pero nahiya si Elise. Wala namang alam yung katulong at lalong baka magmukha siyang OA bukod pa sa ayaw niyang ipaalam na pinaglilihian niya ang amoy ng kanyang bayaw. Nalungkot si Elise ng makitang nilabhan na ito ni Pepay, mamomoroblema siya kung paano iibsan ang sama ng pakiramdam sa hating gabi at madaling araw, ang amoy lamang kase ng polo na iyon ang na
Malamig ang simoy ng hangin kakatapos lamang ng bugso ng ulan. Mabuti na lang talaga at nakasabay na si Elise sa huling biyahe ng jeep bago pa tumaas ang baha kung hindi tiyak na kung hindi siya basang basa ay malamang stranded siya sa labas ng building ng pinapasukang kompanya.Maglilimang buwan
Nagsimula talaga siyang magka crush kay Kenzo mula ng mabalitaan niyang sinapok daw nito ang school mate niya na nagnakaw ng baon nyang nilagang saging noong grade six pa lamang sila.Naulit naman iyon noong first year high scool na sila sa same school lang din. Ang school kase nila ay may elementa
"What Mama..! bakit ako? hindi ba dapat si Kenzo? gimbal na tanong niya sa ina. Noon pa niya sinanay ang sariling tawagin itong Mama, since ito naman ang nagsabi noon na tawagin siyang mama."Eh nasaan ba ang kapatid mong lagalag? saka utos naman yan ng lola mo ang alalayan mo ang kapatid mo. We ha
Unwanted 2Tahimik ang paligid ng mansion ng mga Madrigal ng dumating si Kenzo, pagdating niya galing America ay saglit lang siya sa Mansion at nagliwaliw na agad ang binata. Sa ibat ibang beaches ito nagpunta at sa kung saan saang mga tourist destination.Kung pwede nga lang ay ayaw na niyang um







