I was standing, unable to move when I felt a lump on my throat. I don't know if my mind was tricking me right now but I can see Michael with her--with Ylona. I bit my lower lip to stop myself from sobbing and crying. I start talking to myself. Patuloy ako sa pagsasalita habang patuloy ko na nilalagyan ang plato ni Michael. Wala pa rin siyang imik sa kasalukuyang ginagawa ko. Matapos ako sa paglalagay sa plato niya ay sinimulan ko namang lagyan ang sa akin. "Maraming salamat talaga," sabi ko pa bago ko siya tinignan. Nakita ko namang nakakunot ang kanyang noo na nakatingin sa plato niyang ngayon ay punong-puno na ng iba't-ibang klaseng ulam. "Kumain ka na. Alam ko namang kanina ka pa nagugutom," sabi ko pa bago ako patuloy na naglagay ng pagkain sa aking plato. Nakita ko namang napailing ang kanyang ulo bago siya bahagyang natawa. "Do I look like a pig?" natatawang tanong niya bago ako nilingon. Mabilis ko naman siyang tinignan. "Pig?" naguguluhang tanong ko. Nakita ko namang
Sana namamalikmata lang ako. Sana mali ang nakikita ko. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Akala ko, akala ko pareho kami ng nararamdaman. Nanatili ako rito sa aking kwarto habang tulala pa rin na nakatingin sa kabinet kung nasaan ang mga gamit namin ni Ranie. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako nakakapagdesisyon kung ano nga ba sa mga ito ang dapat kong dalhin. Malalim akong napabuntong hininga. "Bakit nandito ka pa, Renice?" rinig kong tanong ng isang pamilyar na boses mula sa aking likod. Mabilis ko siyang nilingon. Nakatayo siya ngayon sa tabi ng pinto. "Wala ba kayong pasok ng asawa mo?" rinig ko pang tanong niya sa akin. Nginitian ko naman siya kahit alam ko na hindi naman ako gagantihan ni Ranie ng ngiti pabalik. "Wala naman sigurong pasok 'yon," simpleng sagot ko. Tumango naman si Ranie sa akin bago niya tinignan din ang kabinet na pinaglalagakan ng aming mga damit. "Dalhin mo na lang ang mga 'yan. Lahat naman 'yan ikaw ang bumili," sabi pa nito sa akin. Natahimik na
I was trying all the way home. I didn't know that I could still cry this all out after dad's death. It was as if I'd just died, like someone just killed me. "This is your room," sabi ni Michael sa akin. Nakatayo kami ngayon sa tapat ng isang malaking pinto. "Dito? Ako?" tanong ko habang nakatingin sa kanya. "Yes," simpleng sagot niya bago naglakad papalayo sa akin. Nanatili naman akong nakatayo sa harapan ng pinto kung saan niya ako iniwan, pero ang mga mata ko ay nanatiling nakasunod sa kanya. Kinagat ko naman ang pang-ibaba kong labi bago ko binuksan ang cellphone kong kanina pa nasa loob ng aking bag. Napahinga ako ng malalim. Lowbatt na kasi ngayon ang cellphone ko, at 'di ko alam kung paano ko tatawagan at sasabihin kay mommy na hindi ako makakauwi ngayong gabi. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko tungkol sa trabaho ko. Hinawakan ko ang doorknob ng pinto nang magsisilbi kong kwarto rito sa bahay ni Michael. Mabagal ko itong binuksan at mabagal ko ring sinilip ang lo
Sana hindi ko na lang minahal si Michael. Sana hindi na lang din siya nagpakita ng interest sa akin. Nanatili akong nakaupo sa tapat ng study table. Kagat-kagat ko ang pang-ibaba kong labi habang mahinang humihikbi. Nakapatong na ngayon sa study table ang nagkahiwa-hiwalay ng parte ng cellphone ko. Nagsisisi ako. Maling-mali na humingi ako ng tulong sa siraulong katulad ng lalaking 'yon. Malalim akong napabuntong hininga. Kasalanan ko rin, kasalanan ko rin na umasa ako na kahit papaano ay may mabuting puso naman ang Michael na 'yon. Masyado ko kasing dinala ang sarili ko sa mga naging maliit na pag-uusap namin kanina sa ibaba. Napahinga ako ng malalim. Walang kahit anong cellphone ang makakapalit dito. Ito pa kasi ang cellphone ni Daddy. Ito 'yong cellphone at huling hawak-hawak niya bago siya mamatay. Galing pa 'to kay daddy. Binigay 'to sa akin ni mommy dahil sa tuwing nakikita niya ito ay naaalala niya ang araw na nagpabago sa buhay naming lima. At ngayon, wala na 'to. Sinira
I was standing in the midst of chaos. I was still confused, and somehow hesitant on what should I do. I was contemplating whether to move on my current place or to leave. My mind wasn't with me, I thought I would be able to function like I used to, but I was wrong. It seems like I unconsciously accepted the fact that I would never be able to help Michael. I closed my eyes and let the frustration eat the whole me. "Dito na lang," sabi ko kay Michael habang nakatingin sa paligid ng mataong palengke. Mabagal ang usad namin ngayon dahil maraming tao ang namamalengke. Hindi ko sinabi kung anong lugar ito basta sinabi ko kung saan dapat kami daraan kaya ngayon ay nandito kami. Hindi siya umimik kaya muli ko siyang tinignan. "Dito na lang tayo," ulit ko ngunit nanatili pa rin siyang nagmamaneho. "Ayaw mo ba rito?" tanong ko pa. Nilingon naman niya ako bago niya ibinalik ang kanyang atensyon sa paligid. "Why here? There's a lot of place to go," sabi naman niya sa akin. Napasandal nam
Nakatulala lang ako sa lalaking nasa harapan ko. Parang hindi na siya ang lalaking nakilala ko ilang buwan na nakakaraan. Kasalukuyan kaming tahimik na nakaupo sa loob ng sasakyan na dala-dala nila Tyron at Redenn. Nagmamaneho si Tyron ng sasakyan habang nakaupo naman sa tabi nito si Redenn na naging maya't-maya ang naging pagsipol habang nakatingin sa labas ng sasakyan. Ako naman ay nanatili lang na nakaupo sa tabi ni Michael na hanggang ngayon ay tahimik na nakaupo sa tabi ko. Kanina pa siya walang imik. Tahimik at diretso rin siyang nakatingin sa labas ng sasakyan. Kung titignan, mukhang may malalim siyang iniisip. "Ah, Michael? Okay lang ba ang lahat?" rinig kong biglang tanong ni Tyron na focus sa pagmamaneho. Hindi naman kaagad umimik si Michael. "Kumain lang talaga kami. Walang samaan ng loob. Pfft," rinig kong rebat naman ni Redenn. Akala ko ay mag-re-react na si Michael ngunit nanatili lang siyang tahimik habang nakatingin pa rin sa labas ng sasakyan. "T*ng*na mo! Umayo
Friendship is such a big word. In your life, you will going to meet a lot of peole; while walking on a hallway, roaming, and even sitting on a fast-foodchain but having a friend that you can really rely on is rare. It was not easy to have someone that you can constantly lean on if you are having a hard time. And on my case, I don't have one. That's why I envy Michael so much, even though he has a though life and a not-so good background, at least he have Redenn, and Tyron. I smile enviously. I hope I have a friend to. Tulala lang akong nakaupo habang nandito sa loob ng sasakyan ni Michael. Hindi ako umiimik magmula kanina pa. Hindi ko rin kasi alam kung bakit muling pumasok sa isipan ko ang nangyari labing-dalawang taon na ang nakakaraan. Ang maalala ang bagay na 'yon ang isa sa pinaka ayaw kong nangyayari. Pero hindi ko alam kung bakit paulit-ulit akong hinahatak pabalik ng nakaraan. Sa sobrang sama ng pakiramdam ko, hindi ko na namalayan na nakasakay na kami ni Michael ng ele
Michael and I were staring on each other. I didn't know that I was still capable to stare at him like this after what had happened to the two of us. The longing was still here, I still do missed him, but that's it. I know we couldn't be together anymore. "Dito na lang," sabi ko kay Michael habang nakatingin sa paligid ng mataong palengke. Mabagal ang usad namin ngayon dahil maraming tao ang namamalengke. Hindi ko sinabi kung anong lugar ito basta sinabi ko kung saan dapat kami daraan kaya ngayon ay nandito kami. Hindi siya umimik kaya muli ko siyang tinignan. "Dito na lang tayo," ulit ko ngunit nanatili pa rin siyang nagmamaneho. "Ayaw mo ba rito?" tanong ko pa. Nilingon naman niya ako bago niya ibinalik ang kanyang atensyon sa paligid. "Why here? There's a lot of place to go," sabi naman niya sa akin. Napasandal naman ako sa upuan bago ako napahinga ng malalim. "Mura lang kasi ang bilihin dito sa palengke, hindi katulad sa mga grocery store. At saka, ayoko sagarin ang utang