Share

Chapter 55

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Magmula nang makausap ko si Redenn at Tyron kanina ay halos hindi na mawala sa isip ko ang mga bagay na patuloy na gumugulo rito.

Malalim akong napabuntong hininga. Mas nadagdagan pa ang mga katanungan ko matapos nang mga narinig ko kanina lang.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Kriminal ba sila Michael? Nalilito ako. Mas nakagulo pa sa isip ko ang sinabi nila Tyron na hindi kayang pumatay ni Michael ng tao, ngunit ng dahil sa akin ay nagagawa niya. Ilang beses niyang ginawa.

"Ayos ka lang ba, anak?" mabilis akong napalingon sa tabi ko nang marinig ko ang boses ni Mommy.

"Mommy," pagtawag ko sa kanya.

Mabilis naman siyang ngumiti sa akin.

"Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin bago ako tuluyang nilapitan.

Napangiti naman ako. Mabuti na lang nandito ang pamilya ko, kahit papaano ay mababawasan ang worries na meron ako.

"Hindi pa po, mommy. Maya-maya na po ako. Hindi pa naman po ako nagugutom," sagot ko bago ako muling napatingin sa kalangitan.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status