Share

Chapter 43

Nanatili akong nakatayo kung nasaan ako sa mga oras na ito.

Nanghihina ang mga paa ko, gusto kong maupo sa kalsada at hayaan ang mga tao na pagtinginan ako.

Ang lugar na ito, ang kulay ng kalangitan... ito ang araw na 'yon, ang araw na namatay ang pinakamamahal kong ama.

Nanatili lang akong nakatayo habang nakatingin sa paligid. Bakit, bakit ako narito?

Nanatili ang tingin ko sa matandang lalaki na may tulak tulak na sorbetes. Hindi ko alam kung ilang minuto lang akong nakatayo at nakatingin sa kanya, hanggang sa unti unti nang mawala ang mga bata sa paligid niya.

Gusto kong umiyak. Sana hindi ko na lamang nakita ang matandang ito, sana hindi ko na lamang nakita ang ice cream na ibinibenta niya.

Patuloy lang akong nanatiling nakatayo habang nakatingin sa kanya hanggang sa mapansin ko ang isang kulay puting sasakyang tumigil sa tabi.

Mabilis na napakunot ang aking noo. Sobrang pamilyar nito sa akin. Sobra na para bang nagdudulot 'yon ng kakaibang pakiramdam sa loob ko.

Kinagat ko ang pa
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status