Share

Chapter 42

Naglalakad ako sa kawalan papunta sa kung saan. Hindi ko talaga alam kung nasaan ako. Basta, nasa gitna ako ng purong kadiliman.

"Daddy?" salitang lumabas mula sa labi ko. Hindi ko rin alam kung bakit siya ang hinahanap ko.

"Daddy? Nasaan ka po?" tanong ko bago ako nagsimulang maglakad. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit may kakaiba akong nararamdaman

Nakakaramdam ako ng kakaibang lungkot. Lungkot na parang nakabaon na sa puso ko. Pakiramdam ko kulang ako, pakiramdam ko may mali sa akin.

"D-daddy? Pakiusap, sumagot ka po," sabi ko bago ako patuloy na naglakad papunta sa kung saan.

Wala akong ibang matanaw kung hindi ang purong kadiliman.

Gusto kong tumakbo pero hindi ko alam kung ano nga ba ang madadatnan ko sa dulo nito. Natatakot ako na baka wala siya rito.

"Daddy!" sigaw ko bago ako huminto sa paglakad.

Nanatili akong nakatayo lang ng hindi ko malaman kung ilang minuto. Muli na sana akong maglalakad ngunit nagulat ako nang may marinig akong tumatakbo mula sa malayo.

Napakunot a
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status