Share

Chapter 45

Kasalukuyan na akong nandito sa kwarto na tinutulugan ko rito sa bahay ni Michael. Kanina pa ako nakahiga rito matapos naming mag-usap ni Michael sa hallway.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog. Ang tangi ko lang ginawa magmula kanina ay ang magpaikot-ikot dito sa kama at isipin ang mga bagay na patuloy na bumabagabag sa akin.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Umaasa na baka 'di magtagal ay makalimutan ko na ang kung ano mang mga nangyari nitong nakaraan.

Kinagat ko pa ang pang ibaba kong labi.

Ilang araw ko pa lang nakikilala si Michael, pero ang dami na kaagad nangyari. Mga pangyayari na ni-minsan ay hindi pumasok sa isip ko na mararanasan ko.

Muli kong idinilat ang aking mga mata bago ako mabagal na umupo sa kama. Isa pa sa bumabagabag sa akin sa mga oras na ito ay ang mga sinabi ni Mommy.

Sa totoo lang, gusto ko talaga makausap si Michael. Marami akong gustong itanong, marami akong gustong malaman.

Napabuntong hininga ako nang muli na namang pumasok sa isip ko ang n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status