Kasalukuyan na akong nandito sa kwarto na tinutulugan ko rito sa bahay ni Michael. Kanina pa ako nakahiga rito matapos naming mag-usap ni Michael sa hallway.Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog. Ang tangi ko lang ginawa magmula kanina ay ang magpaikot-ikot dito sa kama at isipin ang mga bagay na patuloy na bumabagabag sa akin.Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Umaasa na baka 'di magtagal ay makalimutan ko na ang kung ano mang mga nangyari nitong nakaraan.Kinagat ko pa ang pang ibaba kong labi.Ilang araw ko pa lang nakikilala si Michael, pero ang dami na kaagad nangyari. Mga pangyayari na ni-minsan ay hindi pumasok sa isip ko na mararanasan ko.Muli kong idinilat ang aking mga mata bago ako mabagal na umupo sa kama. Isa pa sa bumabagabag sa akin sa mga oras na ito ay ang mga sinabi ni Mommy.Sa totoo lang, gusto ko talaga makausap si Michael. Marami akong gustong itanong, marami akong gustong malaman.Napabuntong hininga ako nang muli na namang pumasok sa isip ko ang n
Nakaupo ako rito sa loob ng walk-in closet. Kanina pa ako nag-iisa rito dahil hindi ko alam kung saan ba pumunta si Michael.Malalim akong bumuntong hininga. Madilim ang paligid at wala man lang akong naaninag na kahit anong liwanag.Nakasuksok ako sa pinaka-gilid nitong closet. Hindi ko alam kung saan dumaan papalabas si Michael, basta alam ko pumunta siya sa likod ng salamin dito at matapos no'n, 'di ko na alam kung saan siya pumunta.Napahinga ako ng malalim. Mas lalong dumami ang mga tanong na nasa isip ko. Mas lalong lumaki ang hinala ko sa ginagawa ni Michael.Hindi ko alam kung ligtas pa ba ako sa bahay na ito. Hindi ko alam kung ligtas pa akong manatili rito.Paano kung madamay ako rito? Paano kung madamay ang pamilya ko sa gulo na meron ang lalaking 'yon?Gusto kong malinawan sa mga bagay, at siguro naman deserve kong malaman ang totoo. Dahil baka ikapahamak ko kung wala akong alam sa totoong nangyayari sa paligid ko.Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi nang magawi ang tingin
Mahirap. Naging mahirap para sa akin ang mga nagdaang araw, pero ang makitang masaya ang pamilya ko ang isa sa mga bagay na nagpapagaan sa loob ko."Anak, kain na!" nakangiting pag-aya sa akin ni Mommy. Napangiti na rin ako.Ilang araw na akong nandito sa bahay ni Mommy. Magmula nang nangyari no'ng nakaraan ay mas pinili kong manatili rito sa bahay kaysa sa bahay ni Michael. Hindi na rin ako pumasok pa sa opisina ni Michael, pero dala-dala ko ang mga folder na naglalaman ng profile ng mga stockholder at investors ng Seth Corporation."Opo, Mommy. Maya-maya po ako, sunod na lang po ako," sagot ko naman kay Mommy.Maayos na rito sa bahay. Hindi ko kasi alam na sa ilang araw na pamamalagi ko sa bahay ni Michael ay napagawa na pala niya na pala ang bahay ni Mommy."Sigurado ka ba? Baka naman malipasan ka ng gutom," sagot naman pabalik sa akin ni Mommy.Ngumiti naman ako bago ako umiling."Okay lang po ako. May ginagawa pa rin po kasi ako," sagot ko naman bago ko itinaas ang folder na nakal
Naglalakad ako ngayon papunta sa Seth Corporation. Hindi na ako makapaghihintay pa na masagot ang mga tanong ko. Sasagutin ni Michael ang mga katanungan ko, o ititigil ko na ang kahibangan naming ito? Kailangan lang niyang mamili sa dalawa. Tuloy-tuloy akong naglakad papasok sa loob ng kompanya habang bahagyang nginingitian ang mga taong maaari kong makasalubong. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang nakakaalam na asawa ako kunwari ni Michael, at sino sa kanila ang walang alam. Hindi pa kasi ako formal na naipapakilala ni Michael sa board members at kung kanino pa. Pero ang bagay na 'yan ay wala na ngayon sa akin. Dahil mas pinagtutuunang pansin ko na ay malaman ang katotohanan. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang elevator na isa sa kahinaan ko sa lugar na ito. Huminga muna ako ng malalim bago ko pinindot ang elevator. Malalalim ang mga hiningang binitawan ko. "Renice?" mabilis akong napatingin sa kanang bahagi ko nang may marinig akong tumawag sa aki
Mabagal kong idinilat ang aking nanlalabong mga mata habang nakahiga ako sa isang matigas na papag. Madilim ang paligid at hindi ko alam kung nasaan nga ba ako sa mga oras na ito. Akma na sana akong uupo ngunit naramdaman ko ang pag-sakit ng aking tiyan. Kagat labi akong mabagal na umupo mula sa pagkakahiga. Napahawak pa ako sa aking ulo dahil bigla na lamang itong nanakit. At nang pakiramdam ko ay okay na ako, mabagal ko nang inilibot ang aking paningin sa paligid. Madilim dito at halos puno na ng alikabok. Ni-hindi ko rin maaninag ng maayos ang paligid dahil hanggang ngayon ay nanlalabo pa rin ang aking mga mata. "Nasaan ba ako?" tanong ko sa aking sarili bago ako huminga ng malalim upang habulin ang napupugto kong hininga dahil sa sakit ng aking tiyan. Hindi ko alam kung nasaan ako. Basta alam ko, uuwi ako sa bahay ngayon ni Michael para makausap siya. Basta alam ko kailangan ko siyang makita. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata habang nag-iisip kung bakit ako napunta rito
"M-michael," untag ko.Tinignan naman ako ni Michael mula ulo hanggang paa bago niya inayos ang aking buhok na ngayon pala ay sobra ng gulo."Look what these as*holes did on you," sabi niya sa akin bago napatingin sa sahig ng kwarto kung nasaan ako.Napatingin din ako sa gawing 'yon, na sana pala ay hindi ko na ginawa dahil kaagad akong nagsisi sa itsura ng mga lalaking kanina lang ay bumubugbog sa akin.Nakahiga na silang tatlo sa sahig habang naliligo sa mga sarili nilang dugo. Mapapansin din na maraming bala ang nakabaon na ngayon sa katawan nila."Don't look at them," narinig kong sabi ni Michael bago hinawakan ang aking kamay at hinila ako papalabas ng kwarto.Nanginginig naman akong naglakad kasunod niya. Pakiramdam ko ano mang oras ay maaari akong matumba dahil sa nararamdaman ko sa ngayon.Nang tuluyan na kaming nakalabas ng kwarto ay may nasa benteng lalaki ang nakahiga na ngayon sa sahig at kagaya sa mga lalaki sa loob ng kwarto, sila rin ay naliligo na sa sarili nilang mga d
Renice's POVMabagal kong binuksan ang mga mata ko. Nahihilo ako, at nandidilim pa rin ang paningin ko. Kagigising ko pa lang pero pakiramdam ko ang bigat-bigat ng buo kong katawan."Aray," sabi ko bago ako mabagal na umupo."Don't move," sabi ni Michael bago naupo sa tabi ko. Kaagad na lumubog ang parte ng kama kung saan siya naupo.Hindi naman ako nakagalaw kaagad dahil bukod sa nanghihina ang buo kong katawan, masakit din ito.Hindi rin naman ako nakaimik matapos niyang magsalita.Pareho lang kaming tahimik habang nakaupo sa kama. Hindi ko kasi alam kung bakit pakiramdam ko ay lasing na lasing ako at nanghihina pa ang buo kong katawan."I am sorry," sabi ni Michael. Kaagad ko naman siyang tinignan. Ngayon ko lang din napansin na may dala dala siyang box."I know sorry wasn't enough. I know you wants to hit me, to curse me," pagpapatuloy niya pa bago ako tinignan."I will gladly going to accept those, but first, allow me to put medicines on your wounds," dugtong niya pa bago inilapag
Tulala. Tulala lang akong nakahiga sa kama rito sa villa ni Michael. Wala kaming ibang kasama rito maliban sa aming dalawa. Patuloy pa rin sa pagtakbo sa isip ko ang mga tanong na gusto kong magkaroon ng kasagutan. Pero paano ko nga ba malalaman ang katotohanan kung ako mismo ay takot na alamin ang totoo? Malalim akong napabuntong hininga bago ako humiga ng maayos. Kanina pa ako nandito lang sa loob ng kwarto, bukod sa ayaw akong palabasin ni Michael, nanghihina pa rin ang buong katawan ko. Marahan kong iniangat ang braso ko at mga paa. Puno pa rin ito ng mga pasa at sugat, ngunit kung titignan, mas maayos na ang mga itong tignan. Napalingon ako sa kanang bahagi ko kung saan nakapwesto ang orasan. Ang bilis ng mga pangyayari, ngayon madaling araw na. Wala akong balita sa pamilya ko, maliban sa sinabi ni Michael na pupunta sila rito para samahan ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong patuloy na magtiwala kay Michael, hindi ko rin alam kung dapat na ba akong lumayo sa kanya o magpa