"Be my wife," rinig kong sabi ng lalaking nakaupo sa gitna ng dalawa pa.
Mabilis na tumibok ang aking puso. Tila nabingi rin ako dahil sa aking narinig.
"Ah, I am Renice Ocampo. I am applying for any position that your good company can offer," sabi ko habang nakatingin lang sa kanila.
Nakita ko namang napailing ang isa sa kanila habang natatawa naman ang isa. Mabilis na kumunot ang aking noo.
May nakakatawa ba sa mga sinabi ko?
Nakakatawa ba na okay lang sa akin ang kahit anong posisyon na maaari kong makuha sa kompanya nila?
"Look, I told you not to start it with that kind of--pfft!" sabi ng isa sa kanila habang pinipigilan ang kanyang pagtawa.
Teka, bakit pamilyar sa akin ang mukha niya?
"I don't know either. You know how I told him to start it with a proper introduction," sabi naman ng isa habang tumatawang nakatingin sa lalaking tumatawa rin.
Wala naman akong imik na nakatingin lang sa kanila hanggang sa nagawi ang aking tingin sa lalaking nasa gitna na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa akin at tila 'di naririnig ang mga pinagsasabi ng mga lalaking nasa tabi niya.
Magsasalita na sana ako nang biglang tumayo ang lalaki kanina na nakaupo sa kanang bahagi ng lalaking nasa gitna.
Nakangiti siyang lumakad papalapit sa akin bago niya itinaas ang kanyang kanang kamay.
Para naman akong napako mula sa aking kinatatayuan. Napakapit din ako sa upuan na malapit sa akin. Ang upuan na sana ay uupuan ko kanina lang.
"I am Redenn Monteleagre. Nice meeting you again, Miss," sabi niya ng may ngiti sa mukha. Naguguluhang nakatingin lang ako sa kanya.
At ngayong malapit na siya sa akin, naaalala ko na kung bakit nga ba pamilyar sa akin ang kanyang mukha.
Siya ang lalaki kanina na nakasalubong ko at nagturo sa akin ng daan para makarating dito.
"Still in shock?" nakangiti pa ring sabi nito.
Napailing naman ako bago ko nalilitong iniabot ang aking kanang kamay sa kanya.
"R-Renice Ocampo," sabi ko bago ako pilit na ngumiti.
Magsasalita pa sana ang lalaking ngayon na nasa aking harapan nang bigla kaming nakarinig ng isang malakas na kalabog mula sa 'di kalayuan.
Mabilis kaming napalingon sa pinagmulan ng tunog. Nakatayo na ngayon ang lalaking nakaupo sa pagitan ng lalaking nasa harap ko ngayon, at nang isa pang lalaki.
Naglakad siya papalapit sa amin bago siya huminto sa aking tapat.
"Wew," rinig kong sabi nang lalaking nagpakilalang Redenn bago siya naglakad palayo sa akin at sa lalaking ngayon ay nasa aking harapan.
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan at halos hindi makahinga sa harapan ng lalaking ito.
Napaigtad naman ako nang bigla niyang iabot sa akin ang isang ballpen. Nakakunot noo ko namang iniabot 'yon.
"You said earlier that you are applying for any position that my company can offer," panimula niya.
Napatango naman ako habang nanatili akong nakatingin sa kanya.
Ang ganda ng mga mata niya, bumagay lang sa shape ng kanyang mukha. Sobrang manly rin ng itsura kahit ng tindig niya.
"Miss?" rinig kong pagkuha niya sa aking atensyon. Agad ko siyang tinignan sa mukha.
"Y-yes, sir. Anything will do," sagot ko sa nanginginig na boses.
Mabilis ko namang itinago ang aking mga nanginginig na kamay sa aking likod.
Hindi ko alam kung ilang segundo o inabot na ba ng minuto kaming nakatayo at nakaharap lang sa isa't-isa.
Hindi ako makahinga. Parang ang init-init dito.
"Ahem," mabilis ko muli siyang tinignan. Tinignan niya ang kanyang kamay na ngayon ay nakataas pa rin at may hawak na ballpen.
"You said yes, are you backing out?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa akin.
"Kunin mo na 'yong ballpen, Renice. Para mapirmahan mo na 'yong contract na nandito sa ibabaw ng mesa," rinig kong sabi ng isa sa mga kasamahan ng lalaking nasa aking harapan.
Mabagal ko namang binitiwan ang aking paghinga bago ko iniangat ang nanginginig ko ng mga kamay para kuhain ang ballpen na hawak ng lalaking hanggang ngayon ay nasa aking harapan.
"Good," sabi niya matapos kong kunin ang ballpen na kanina lang ay hawak niya. Tinignan niya akong muli bago siya naglakad palayo sa akin at lumapit sa mesa na kanina lang ay kanilang kinauupuan.
Ano bang nangyayari? Nalilito na ako, hindi ko na alam.
"Tara rito, Renice," sabi no'ng Redenn.
Napahinga naman ako ng malalim bago ako naglakad papalapit sa kanila.
Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. At mas lalong hindi ko na alam kung bakit ganito ang hiring na nangyayari ngayon.
"Just read this fucking contract and fucking sign it," sabi ng lalaki. Napatingin naman ako sa kanya.
Ang sakit naman sa tenga ng mga mura niya.
"Hey, take it easy. Gan'yan lang talaga 'yan si Michael sa harap ng mga chikababes," sabi muli ni Redenn.
Tinignan ko naman siya at nakita kong nakataas na ang kanyang dalawang kamay sa ere na para bang sumusuko.
"Kalma! Nagbibiro lang, eh!" sabi muli ni Redenn habang natatawa at nakataas pa rin ang kanyang dalawang kamay.
Nilingon ko naman kung saan siya nakatingin. Nakita kong masama ang tingin sa kanya ng lalaking tinawag niyang Michael.
"Kung ako sa 'yo mananahimik ako habang maaga pa. Pero kung ayaw mo, sagot ko na pa-kape," sabi naman ng isa.
Tinignan ko naman siya. Nakatingin din siya sa akin bago tumayo sa kanina niya pang kinauupuan.
"By the way, I am Tyron Quino. Nice meeting you," sabi niya bago nakipagkamay sa akin.
Magsasalita na sana ako nang bigla kaming nakarinig ng isang tikhim.
"Pirmahan mo na, Renice. T*ngina kasi nitong si Tyron nakapadaldal," rinig kong sabi ni Redenn.
"You two, f*ck off," rinig kong sabi naman no'ng lalaking tinatawag nilang Michael.
"Wala na, uwian na," rinig kong maktol ni Redenn bago naglakad papalabas ng kwarto kung nasaan kami ngayon.
Ngunit hindi pa tuluyang nasasara ang pinto ay muli 'yong bumukas ang dumungaw ang ulo nang lalaking nagpakilalang Redenn.
"Congratulations!" rinig kong sigaw niya bago mabilis na sinarado muli ang pinto.
Narinig ko rin ang mga mura at mga yapak na akala mo hinahabol sila ng kabayo.
"Back to the business," rinig kong panimula ng lalaking nag-iisang kasama ko rito sa loob.
Tinignan ko naman siya at nakita kong naka-lean na siya sa lamesa habang naka-cross ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib.
"Sign it, or lose it?" rinig kong sabi niya.
Nanatili muna akong nakatingin sa kanya bago ako tuluyang lumapit sa lamesa at dinampot ang mga papel na nakalapag doon.
Nanlaki naman ang aking mga mata nang mabasa ko kung ano ang laman ng kontrata. Agad ko siyang tinignan gamit ang mga nanlalaki kong mata.
"You have five f*cking seconds to think before I rip it," rinig kong muling sabi niya bago niya kinuha ang phone niya na nakatago sa loob ng kanyang bulsa.
Nanlalaki ang mga matang binasa ko muli ang nakasulat sa papel na ngayon ay hawak ko.
"The rented wife contract," pabulong na basa ko bago ko nilingon ang lalaking ngayon ay may kausap na sa cellphone.
Nananaginip ba ako?
----
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa lalaking ngayon ay katabi ko at nagmamaneho. Hindi siya kaagad umimik pero nilingon niya ako.
"House," tipid na sagot niya sa aking tanong.
Napasandal naman ako sa upuan ng sasakyan niya.
Kinagat ko naman ang pang-ibaba kong labi no'ng maalala ko kung bakit ako narito ngayon sa tabi niya at papunta na kami sa bahay niya.
Flashback
Nanatili akong nakatingin lang sa papel habang mabagal kong binabasa ang mga nakasulat at nakapaloob doon. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral at hindi rin ako nakatapak sa kolehiyo pero dahil sa rami ng mga napasukan kong trabaho ay nakakaintindi at nakakapagsalita naman ako ng english.
"You have less than a minute to think before the assholes came back in here," rinig kong sabi niya.
Nanatali naman akong nakatingin sa kanya bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita.
"Tama ba pagkakaintindi ko rito? Gusto mo na magpanggap ako bilang asawa mo?" tanong ko habang titig na titig lang sa kanya. Tumango naman siya bilang tanging pagsagot.
"Pinagti-trip-an mo ba ako?" tanong ko gamit ang seryoso kong boses. Napakunot naman ang kanyang noo.
"I don't have f*cking spare time to fool around, idiot," sabi niya. Napanganga naman ako.
"Hoy! Hindi ako nakapag-aral ng kolehiyo pero naiintindihan ko mga pinagsasabi mo, 'no! Ako pa 'tong sinabihan mong tanga, eh ikaw 'tong may paganitong kontrata," sabi ko bago ko ipinakita sa kanya ang title ng kontrata na ngayon ay hawak ko.
"Anong tingin mo sa akin? Rentahan? Videoke? Bahay? Lupa?" tanong ko.
Hindi ko mapigilan ang inis na kasalukuyang nararamdaman ko.
"Stop blabbering. You will going to compensate well than what you can earn on any job that you will going to apply for," sabi niya.
Napakunot naman ang aking noo. Parang hindi ko nabasa ang isang 'yon.
"Read that contract before talking nonsense," sabi niya bago tinignan ang kanyang wrist watch.
Mabilis ko muling binasa ang kung anong nakasulat sa kontratang hawak ko.
Mabilis akong napatingin at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya.
Nakita kong napangisi siya.
"Sign it, or lose it?" ulit niya sa tanong niya kanina bago inilapit ang kanyang mukha sa akin.
Wala naman akong ibang nagawa kung hindi pakatitigan ang gwapo niyang mukha.
End of Flashback
Nakasaad kasi sa kontrata na 'yon na kahit magkano ang nais kong sahod at maaari kong makuha.
Ang magkunwaring peke niyang asawa ay gagawin ko para sa pamilya ko. Dahil kahit ano, handa akong gawin para mabigyan lamang sila ng magandang buhay.
"We're here," rinig kong sabi niya. Napalingon naman ako sa kanya bago ako napalingon sa bahay na ngayon ay nasa aming harapan.
Agad na nanlaki ang aking mga mata sa laki no'n at ganda. Ang mga ganitong uri ng bahay ay nakikita ko lang sa mga palabas, at hindi ko alam na darating ang araw na makakapasok at makakatira ako sa ganito kagandang bahay.
Nanatili akong nakatingin lang sa bahay na ngayon ay nasa aming harap. Sana maaari ko ring itira rito sila mommy, Ranie, at Reev.
Hindi ko pa nga alam kung paano sasabihin sa kanila na hindi ako makakauwi sa bahay. Hindi ko rin alam kung paano ipapaliwanag na ang trabaho ko ngayon ay magpanggap na asawa ng isang bilyonaryo.
Isa kasi sa terms ng kontrata namin ang pagtira ko rito sa bahay niya para mapaniwala ang attorney na may hawak ng last will and testament ng tatay niya na kami ay mag-asawa.
Magpapanggap kasi kaming mag-asawa hanggang sa makuha niyang buo ang kompanya ng kanyang ama. Nakasulat daw kasi sa last will and testament ng tatay niya na makukuha lang niya ng buo ang kompanya kapag nag-asawa siya.
Mabuti nga at tinawagan niya ulit sila Redenn at Tyron na mga kaibigan pala niya. Sila ang nagpaliwanag sa akin kaya naging malinaw para sa akin ang lahat. Sila rin ang nagsilbing witness namin sa pirmahan namin ng kontrata, pati na rin sa pirmahan ng peke naming wedding contract.
"Just get down here once you are ready," rinig kong sabi niya bago siya bumaba ng kanyang sasakyan.
Nanatili akong nakatingin sa lalaking naglalakad papasok sa loob ng bahay.
Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap, kahit hindi totoo ay Seth na rin ang apelyidong gagamitin ko.
Totoo ba talaga 'to?
×××
Malalim akong huminga nang makita ko si Michael na naglalakad papunta sa gawi namin ni Redenn. Nasa likuran niya si Tyron at tatlo pang hindi ko kilalang mga lalaki. Mabilis kong iniiwas ang aking paningin sa kanya. Dahil hindi ko kayang titigan ang maganda niyang mga mata. "Twenty minutes late," sabi ni Michael nang tuluyan ng makalapit sa amin. Nakatingin pa siya sa wrist watch niya. "Traffic," biglang sagot ni Redenn habang inaayos ang suit na kanyang suot. Hindi naman sumagot si Michael kaya roon na ako tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin. At may kung anong emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata. "Ahem," natatawang untag ni Tyron bago siniko si Redenn. Natawa naman si Redenn bago hinila si Tyron papunta sa kung saan. "Ano?" pagbungad ko kay Michael nang makita kong titig na titig pa rin siya sa akin. Napailing naman siya ng marahan bago muling tumingin sa akin. "Nothing," simpleng pagsagot lang niya. Napaiwas naman ako ng tingin. Nasa labas kami ng mansion at m
Papunta kami ngayon ni Michael sa conference room para sa susunod na meeting ko with the board members.Marahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha. Kaagad kong iniharang ang aking kamay upang mawala ang liwanag na ngayon ay patuloy na sumisilaw sa akin."Goo--" hindi ko na natapos pa ang kung ano sanang sasabihin ko nang matapos ko6ng tumingin mula sa aking likod ay wala na ang lalaking sa huli kong pagkakatanda ay katabi kong natulog kagabi."Michael?" pagtawag ko sa kanya. Baka kasi nasa cr lamang siya ng kwartong ito."Michael?" pagtawag ko ulit bago ako mabagal na umupo mula sa pagkakahiga at iniharang sa aking hubad na katawan ang comforter na kagabi ay sabay pa naming gamit.Nasaan ba ang lalaking 'yon?"Michael? Nasaan ka?" pagtawag ko ulit bago ako bumaba sa kama at hinanap kung saan inilagay ni Michael ang mga damit na suot ko kagabi. Napakagat naman ako ng pang ibabang la
I don't know how can someone be so harsh to someone. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko makakarinig kaming dalawa ni Michael ng malalang sermon galing sa board members. Magkasama na kami ngayom ni Michael. "What are you thinking?" biglang tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa meeting area. "W-wala naman. Medyo kinakabahan lang ako. Baka kasi malakasang sermon ang makuha natin sa kanila," sabi ko bago ako napabuntong hininga. Kinakabahan ako. Baka matanggal si Michael sa pagiging CEO nang dahil sa ginawa ko na naman kanina. "Tss. As if they can," sabi naman niya bago ko naramdaman ang marahang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay. "Hey, chill. They can't scold you so relax," sabi pa niya bago bahagya akong nginitian. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi upang mawala ang kung ano mang gulo na naiisip ko sa mga oras na ito. "Sigurado ka ba na hindi sila magagalit sa atin?" tanong ko naman upang mawala ang kung ano mang mga gulo na ngayon ay pumapasok sa isip ko.
"Kumusta ka naman, Renice?" rinig kong tanong sa akin ni Redenn habang diretsong nakatingin sa daan. Nakasakay kami ngayon sa sasakyan ni Redenn. Papunta kami ngayon sa Seth Corporation para asikasuhin ang mga bagay na naiwan ni Michael. "Ayos lang naman ako," sabi ko habang may pilit na ngiti. Hindi ako ayos. Walang maayos. Nasasaktan ako, parang bigla akong iniwan ni Michael matapos niyang makuha ang lahat lahat sa akin. "Galit ka ba, Renice?" biglang tanong ni Redenn matapos ang ilang segundong pagiging tahimik namin. "Ha? Bakit naman?" tanong ko bago ako napatingin ng diretso sa daan. Bakit naman ako magagalit? At kanino naman? "Dahil ilang araw ng 'di nagpapakita si Michael sa iyo?" sagot naman nito sa akin. Hindi ako kaagad nakaimik. Nakakaramdam ako ng inis, at tampo dahil bigla na lang siyang nawala ng walang pasabi. Pero hindi ko 'yon maaaring aminin dahil alam ko naman sa sarili ko na wala akong karapatan. "A-ano namang magagawa ko kung ayaw niya magpakita o kung gus
Patuloy ako sa pagbabasa ng mga laman ng folders na narito sa mesa ni Michael. Sa totoo lang kanina pa ako rito pero wala pa ako ni isang napipirmahan o naa-aprubahan na plano.Napahinga ako ng malalim. Bukod sa wala talaga akong alam sa ginagawa ko, hindi ko rin maintindihan bakit ganito ang nararamdaman ng puso ko.Nasasaktan ako. Hindi lang dahil sa sinabi ng sekretarya ni Michael, kung hindi dahil kay Michael mismo. Paano nga ba kung may kasama na siyang iba? Katapusan na rin ba 'yon ng kontrata naming dalawa? Tapos na ba ang trabaho ko sa kanya bilang rented wife?Binitawan ko ang ballpen na kanina ko pa hawak pero ni-isang beses ay hindi ko pa nagamit dahil wala pa naman akong napipirmahan na kahit ano.Napasandal pa ako sa swivel chair bago ako napatingin sa kisame.Kinagat ko rin ang pang ibaba kong labi nang maramdaman ko ang pagbigat ng aking mga mata at ang pang iinit nito.Kung nasaan man si Michael, sana maalala niya man lang ako. At sana naaalala niya rin ako kagaya ko n
Tulala lang akong nakatayo ngayon sa tapat ng elevator katabi si Michael. Ito na ang araw na 'yon. Ito na ang araw na makikilala na ako ng board members, at ito na rin ang araw na official na akong ipapakilala ni Michael hindi lang sa board at sa buong kompanya, kung hindi pati na rin sa mga kaaway niya sa underground world. "Hey, are you okay?" biglang tanong ng lalaking kasalukuyang katabi ko at mahigit na may hawak ng kanang kamay ko. Marahan naman akong ngumiti bago ako tumango. "Okay lang naman ako," sabi ko bago ako muling ngumiti. Ayaw kong ipakita kay Michael ang totoo kong nararamdaman. Ayaw kong makita niya na natatakot ako. Natatakot ako hindi dahil sa ihaharap ako sa mga taong isa sa dahilan kung bakit maganda ang takbo ng Seth Corporation ngayon, kung hindi dahil sa katotohanan na maaari muling malagay ang buhay ko sa tiyak na kapahamakan Hindi ko kaagad narinig ang sagot ni Michael, pero hindi rin nagtagal, narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga. "Why are