Share

Chapter 5

"This is your room," sabi ni Michael sa akin.

Nakatayo kami ngayon sa tapat ng isang malaking pinto.

"Dito? Ako?" tanong ko habang nakatingin sa kanya.

"Yes," simpleng sagot niya bago naglakad papalayo sa akin. Nanatili naman akong nakatayo sa harapan ng pinto kung saan niya ako iniwan, pero ang mga mata ko ay nanatiling nakasunod sa kanya.

Kinagat ko naman ang pang-ibaba kong labi bago ko binuksan ang cellphone kong kanina pa nasa loob ng aking bag.

Napahinga ako ng malalim. Lowbatt na kasi ngayon ang cellphone ko, at 'di ko alam kung paano ko tatawagan at sasabihin kay mommy na hindi ako makakauwi ngayong gabi. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko tungkol sa trabaho ko.

Hinawakan ko ang doorknob ng pinto nang magsisilbi kong kwarto rito sa bahay ni Michael. Mabagal ko itong binuksan at mabagal ko ring sinilip ang loob no'n.

Kaagad kong kinapa ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto. Madilim kasi ang loob nito at 'di ko rin makita ang lalakaran ko.

"Wow," bulong ko nang mabuksan ko na ang ilaw at makita ko ang loob ng kwarto.

Malaki ito at malawak, may makikita kang isang kulay brown na kama, sofa, at lamesa.

Mabagal akong naglakad papasok sa loob habang nakatingin sa paligid ko. Sobrang ganda naman dito. Walang-wala ang kwarto namin ni Ranie sa bahay.

Agad nawala ang tuwa at ngiti sa aking labi nang maalala ko si Ranie. Sana maaari ko silang patirahin dito, at sana maaari rin nilang maranasan na magamit ang mga gamit dito sa kwarto ko. Kahit sana magkakasama na lang kami rito.

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi bago ko ibinaba ang bag ko sa lamesa at lumabas ng kwarto.

Sa sobrang lawak ng bahay ni Michael parang maliligaw ako sa paglilibot dito.

"Saan nga ba ang kwarto nang lalaking 'yon?" tanong ko sa aking sarili habang patuloy ang paglandas ko sa mahabang hallway rito sa itaas.

Ang dami naman kasing kwarto, akala mo maraming nakatira rito at kasama sa bahay ang lalaking 'yon.

"Michael?" pagtawag ko sa kanya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang patuloy na tinatawag ang pangalan niya.

Hindi pa naman matagal simula nang iwan niya ako sa magiging kwarto ko raw, pero bakit wala siya rito? Nasa ibaba kaya siya?

Gusto ko lang kasi sanang malaman kung maaari ko bang patirahin sila mommy rito. Wala rin naman akong naaalala na nakalagay sa kontrata na bawal akong magsama ng iba sa pagtira ko rito.

"Michael, nasaan ka?" patuloy ko sa pagtatawag ko.

Hihinto na sana ako sa paglalakad nang makita ko ang isang bukas na pinto sa dulo nitong hallway.

Mabagal akong naglakad papalapit doon habang pigil ang aking paghinga. Hindi ko kasi alam kung bakit pakiramdam ko mali ang ginagawa kong pagpunta sa kwartong 'to.

Huminto ako sa tapat ng pinto. Medyo nakabukas ito at lumalabas sa maliit na uwang nito ang ilaw na nanggagaling sa loob ng kwarto.

"Ito na ata 'yon," bulong ko sa aking sarili bago ako nagkatok sa pinto.

Kagat labi kong kinakatok ang pinto, hoping na sana lumabas na ang lalaking 'yon para naman mawala na ang kung anong kaba na nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"Michael?" pagtawag kong muli.

Napahinga ako ng malalim. Nagpatuloy pa ako sa pagkatok kahit hindi ko na alam kung inabot na ba ako ng minuto rito.

"Hindi ata rito," sabi ko bago ako umayos mula sa pagkakatayo.

Akma na sana akong tatalikod at maglalakad pabalik sa kwarto nang bigla kong naramdaman ang pagbukas ng pintuan sa aking harapan.

Mabilis akong humarap pabalik sa kwarto.

"Michael--" hindi ko na natapos pa ang aking sanang sasabihin nang bumungad sa aking harap ang basa at nakatapis lang na tuwalyang si Michael.

"What?" tanong niya sa akin.

Mabilis na tumibok ang aking dibdib.

Sa sobrang lapit naming dalawa, ngayon ko lang nakita kung gaano ka-manly at ka-gwapo ang features niya. Ngayon ko lang din napansin kung gaano katangos ang kanyang ilong at gaano kanipis ang kanyang labi. Mahahaba rin ang kanyang mga pilik mata na bumagay lang sa butterscotch na kulay ng kaniyang mga mata.

"Ahh--" hindi ko na natapos pang muli ang aking sasabihin nang makita ko kung paano nanliit ang kaniyang mga mata.

"Spill it," sabi niya.

Peke akong ngumiti bago ako umatras ng isa mula sa kanya. Kailangan kong idistansya ang aking sarili, dahil kung hindi, baka tuluyan na akong mawalan ng hininga.

Ano ba 'tong nangyayari sa akin?

"Ang init, 'no?" sabi ko bago ko pinaypayan ang aking sarili gamit ang aking mga kamay.

Nakita ko namang kumunot ang kanyang noo.

"I don't have time to play with your f*cking games," sabi niya sa akin.

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. Hindi ko rin alam kung bakit nag-iinit ang buo kong mukha.

"Ahh, ano kasi," sabi ko bago ako tumingin sa tiled floor.

Iniiwas ko ang aking mga mata sa kanya, dahil alam ko na hindi ko masasabi ang nais ko kung patuloy akong titingin sa kanya.

"P-puwede ko bang patirahin dito ang pamilya ko?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa lapag.

Hindi agad sumagot si Michael sa akin kaya naman mabagal kong ibinalik ang aking paningin sa kanya.

Walang emosyon ang kanyang mukha habang nakatingin pa rin sa akin.

"Family is annoying, and a burden," diretsong sabi niya habang titig na titig sa akin.

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko tila biglang mas nag-init ang buo kong mukha, init na marahil ay dahil sa ngayong nararamdaman kong inis.

"Anong family is annoying, and a burden? Ganyan ba tingin mo sa pamilya mo? Kaya ka siguro mag-isa rito!" diretso at inis na sabi ko.

Pinaka ayaw ko sa lahat ay ang pinagsasalitaan ng hindi maganda ang pamilya ko. At pinaka ayoko sa lahat na nakakarinig ng hindi magandang salita tungkol sa pamilya ko.

"What? They are really a burden. Sorry but not sorry, I can't let them live with us," sagot niya sa akin.

Tila nagpantig naman ang tenga ko mula sa aking narinig.

"Edi 'wag! Aalis na lang ako rito!" sabi ko at akma na sanang maglalakad paalis nang bigla ko na namang narinig ang nakakairita niyang boses.

"Don't forget about the contract," sabi niya.

Mabilis ko siyang nilingon at pinandilatan ng mata.

"Mukha mo don't forget about the contract!" sabi ko at akma na sana muling aalis.

"Why don't you just stick with the plan, so your family can have a good life?" sabi niya.

Natigilan naman ako nang mag-sink in sa akin ang rason kung bakit ako pumayag sa deal na ito. At kung bakit kausap ko ngayon ang lalaking 'to.

Nilingon ko siyang muli.

"I can't let them live with us. I don't want people passing by on every corner of this house," sabi niya pang muli.

Hanggang ngayon nararamdaman ko ang mabilis na pagkabog ng aking dibdib. At ang pang-iinit ng aking mukha.

"Bakit?" salitang hindi ko inaasahan na lalabas mula sa aking labi.

Hindi naman siya umimik ngunit nakita ko ang pagdaan ng isang emosyon mula sa kanyang mga mata.

"Just stay with the fact that I don't want a lot of people roaming around here," sabi niya pa bago naglakad papalapit sa akin.

"And how are we going to do 'that' if your family is here?" tanong niya pa.

Mabilis na kumunot ang aking noo.

"Anong tinutukoy mo?" tanong ko habang titig na titig sa kanya.

"You know, the nasty?" sagot niya.

Mabilis na nanlaki ang aking mga mata.

"H-hindi ako pumayag do'n, 'no! Walang gano'n!" sabi ko bago ko niyakap ang aking sarili.

Nakita ko namang napangisi siya.

"But that is part of the contract and the agreement, isn't it?" tanong niya bago yumuko at inilapit sa aking mukha ang kanyang mukha.

Mabilis ko naman siyang tinulak bago ako mabilis na naglakad papalayo sa kanya.

"Manyak!" sigaw ko bago ako tumalikod at tuluyang lumakad palayo.

Narinig ko naman ang kanyang pagtawa.

"Sana mabilaukan ka ng sarili mong laway!" sigaw ko habang patuloy na naglalakad papalayo sa kanya.

Patuloy lang akong naglakad hanggang sa narating ko na ang magiging kwarto ko rito sa bahay na 'to.

Mabilis akong pumasok sa loob no'n bago ko mabilis na isinara at ni-lock ang pinto.

Napasandal pa ako sa pintuan bago ko mabilis na hinabol ang aking paghinga.

Hanggang ngayon ay naririnig ko ang paghalakhak ng lalaki 'yon. At hanggang ngayon ay mabilis ang kalabog ng aking dibdib.

Ipinikit ko ang aking mga mata bago ako napaupo sa sahig.

Kinagat ko pa ang pang-ibaba kong labi bago ako tumayo at naglakad papalapit sa bag ko na nakapatong ngayon sa lamesa.

Mabilis kong kinuha sa isang envelope ang kopya ko ng kontrata na pinirmahan naming dalawa.

Pigil ko ang aking hininga habang binabasa ko ng paulit-ulit ang bawat salita na nakapaloob dito. Hanggang sa nahagip na nga ng aking mga mata ang ilang mga salita na sana pala ay paulit-ulit ko ring binasa muna kanina.

Kahit isa lamang akong peke at naka-kontratang kaniyang maging asawa ng ilang buwan, kailangan ko pa rin palang punan ang mga pangangailangan niya. At kailangan ko rin palang gawin ang trabaho ng isang tunay na may bahay.

Nanghihina ang mga paang napaupo ako sa upuan sa tabi nitong mesa.

"Ano 'tong pinasok mo, Renice?" sabi ko sa aking sarili bago ko inihilamos ang aking kamay sa aking mukha.

Hindi maaari 'to!

×××

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status