Share

Chapter 6

Author: Purpleyenie
last update Last Updated: 2021-09-07 22:27:37

Nanatili akong nakaupo sa upuan habang patuloy kong iniisip kung bakit nga ba pinili kong pumayag sa deal na 'to.

Napabuntong hininga ako.

"Para sa pamilya mo, Renice. Hindi ba?" pagkausap ko sa aking sarili.

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at saka ko kinuha ang cellphone kong lowbatt na.

Isa pa 'to sa iniisip at pinaka problema ko sa mga oras na 'to. Hindi pa alam nila mommy na hindi ako makakauwi. Sobrang biglaan kasi ng pagtira ko rito at pagkukunwari kong asawa ng manyak na 'yon.

Sinabunutan ko ang sarili kong buhok.

Wala akong charger, at hindi na ako papayagang umalis pa ng lalaking 'yon ngayon dahil halos hating gabi na.

Napasandal ako sa kinauupuan ko. May dadagdag pa ba sa mga iniisip ko sa mga oras na 'to?

"Aw," isang salitang kusang lumabas sa bibig ko nang maramdaman ko ang pagkulo ng aking tiyan.

"Sumabay ka pa," wala sa sariling untag ko.

Hindi pa pala ako kumakain mula kanina, kahit pag-inom ay hindi ko man lang nagawa.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Doon ko lang naalala na wala nga rin pala akong damit na maisusuot para sa gabing ito.

"Nakakainis," sabi ko bago mabilis na naglakad papalapit sa pinto ng kwartong 'to.

Kinagat ko naman ang pang-ibaba kong labi nang muli 'yong kumulo.

"Teka lang, makakakain din tayo," sabi ko bago ko binuksan ang pinto ng kwarto.

Sumilip muna ako mula sa kanan hanggang sa kaliwa bago ako tuluyang lumabas.

Mabuti na lang at wala rito ang lalaking 'yon.

Hindi man lang ba nakakaramdam ng gutom si Michael?

Nagsimula akong maglakad ng dahan-dahan pababa ng hagdan. Hindi ko alam kung nasaan ang kusina o kahit man lang ang banyo. Kapag sumama ang tiyan ko maliligaw muna ako bago ko mailabas ang sama ng loob ko.

"Saan kaya rito?" bulong ko sa aking sarili habang patuloy na nililibot ang buong bahay.

Maganda rito sa bahay ni Michael. Sobrang linis at hindi mo aakalaing isang binata ang nakatira. Wala kang makikita na kahit anong dumi sa kahit saan. Kahit ang mga picture frames ay maayos na nakasabit sa pader.

'Yon nga lang, wala kang makikitang kahit anong litrato ng tao rito. Puro lang mga litrato ng puno, kagubatan, beach, at buwan.

"Ang misteryoso naman ng lalaking 'yon," sabi ko sa aking sarili habang nakatayo sa tapat ng isang malaking painting. Painting ng babaeng tumatakbo.

"Aw," biglang sabi ko ulit nang muli na namang kumulo ang aking tiyan.

Nagugutom na talaga ako. Saan kaya rito ang kusina?

Nagpatuloy ako sa paglalakad, pero hindi pa rin nakatakas sa aking mga mata ang mga frames na nakasabit sa pader. Frames na gano'n pa rin ang litrato at painting. Pero napansin ko lang, sa bawat painting may makikita kang imahe ng babae na kung hindi nakaputi ay nakaitim.

"Ano 'yon?" tanong ko sa aking sarili nang may maamoy akong mabango sa hindi kalayuan sa akin. Kaagad kong sinundan ang amoy pati na rin ang liwanag na pinagmumulan ng lugar na 'yon.

Mabilis naman akong napahinto sa paglakad nang ma-realize ko na nandito na ako sa tapat ng kusina. At ngayon ay kitang-kita ko si Michael na nakatalikod sa akin at nagluluto ng pagkain.

Hindi ko alam kung ilang minuto ba akong nakatayo sa tapat ng kusina. Hindi ako makagalaw o makaalis man lang sa kinatatayuan ko.

"I thought you are not going downstairs anymore," rinig kong sabi niya.

Agad namang bumalik ako sa aking huwisyo nang marinig ko ang boses niya.

"G-gusto ko lang sanang malaman kung nasaan ang banyo," palusot ko.

Hindi ako kakain kasabay ng lalaking 'to. Bukod sa hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi niya sa akin kanina, hindi rin mawawala sa isip ko na hindi ko pa siya tuluyang kilala at maaari niyang magawa sa akin ang kung ano mang naisin niya.

Mabilis naman niya akong nilingon. Ilang segundo munang nanatili sa akin ang paningin niya, pero hindi nagtagal ay ibinalik niya ang kanyang atensyon sa plato sa kanyang harap.

"There's a bathroom on your room. So, I assume that you are here to take a dinner," diretsong sabi niya habang nakatingin pa rin sa kanyang plato.

"Hindi ko napansin, at hindi ko alam," sagot ko.

Muli niya akong nilingon bago niya kinagat ang kanyang labi. Hindi ko naman alam kung bakit ako napalunok.

"You can eat here. I am going to eat upstairs," sabi niya bago siya tumayo at hinawakan ang kanyang plato. Mabilis naman akong napaatras.

"B-bakit?" naguguluhang tanong ko.

Mabilis naman niya akong nilingon.

"So you can eat. I know you do not want to eat with me," sagot naman niya sa aking tanong.

Mariin ko namang pinikit ang aking mga mata. Magsasalita na sana ako ngunit sa aking pagdilat, wala na siya sa pwesto niya.

Lumingon muna ako ng ilang beses sa aking paligid upang makita kung saan na siya nagpunta, pero sa laki ng bahay na 'to ay hindi ko na siya natanaw pa.

Pero seryoso pala siya. Hindi ko akalain na aalis siya rito sa kusina at sa itaas na kakain para lang hindi ako mahiya.

Napahinga naman ako ng malalim. Pinahihirapan ko na ba siya?

'Di bale, babawi na lang ako sa kanya.

Muli akong lumingon sa paligid at sinigurado na wala na siya rito sa kusina. Naglakad pa ako ng ilang hakbang at luminga sa paligid.

Wala na nga talaga siya rito. Talagang tinotoo niya ang sinabi niyang sa itaas na siya kakain.

Nang masiguro na wala na nga siya ay agad akong bumalik sa kusina, at lumapit sa kitchen stove kung saan nakatayo kanina si Michael.

Agad na nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang isang putahe na gustong-gusto naming magkakapatid na niluluto ni mommy.

Nanatili akong nakatingin sa adobo na ngayon ay nasa aking harapan. Feeling ko nagiging madaya ako sa pamilya ko. Ako nandito sa bahay ni Michael at maayos ang tinutuluyan. Makakakain pa ng ganito. Habang sila nasa bahay namin, hindi pa ako sigurado kung kumain na ba sila ngayong gabi. Baka nga hindi pa sila kumain kahit pananghalian man lang.

Agad kong tinakpan ang kaldero at naglakad papalayo sa kitchen stove.

Nawala na ang gana ko. Hindi na lang ako kakain pa. Baka manghiram na lang ako ng charger kay Michael.

"Where are you going?" halos napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot sa aking harapan si Michael habang dala-dala ang isang plato at baso.

"Ah, tapos na akong kumain," sagot ko at akma na sana akong lalakad paalis sa kanyang harapan nang bigla niya akong harangan.

"But you haven't eaten anything yet," sabi niya habang diretsong nakatingin sa akin.

"Tapos na nga," sabi ko at iniiwas ang aking sarili sa kanya, ngunit kagaya kanina ay iniharang niya lang ang kanyang sarili.

"No. You're lying," sabi niya bago tumingin sa kusina.

Sinundan ko naman ang kanyang tingin.

"None in here has ever changed. Even the chair on the table is still on its place," sabi niya habang nakatingin pa rin sa kusina.

Mabilis ko naman siyang nilingon. Seryoso ba siya?

"Why are you lying? Ayaw mo ba ng ulam?" sabi pa niya.

Nagulat naman sa aking narinig.

"Marunong ka magtagalog?" gulat na tanong ko.

Hindi naman siya kaagad nagsalita.

"Marunong ka pala magtagalog tapos pinahihirapan mo pa akong intindihin 'yong mga sinasabi mo," sabi ko pa habang nakatingin pa rin sa kanya.

Magmula kasi kanina ay ngayon ko lamang siya narinig na nagsalita ng tagalog. 'Yong mga kaibigan niya lang na sina Tyron at Redenn ang narinig kong nagsalita ng tagalog.

"Tsk," tanging sagot niya bago naglakad paalis sa aking harapan.

Sinundan ko naman siya habang nakangiting naglalakad kasabay niya.

"Ayie! Magtagalog ka nga ulit. Parinig," biro ko habang natatawa.

"Tsk, idiot," rinig kong sabi niya habang naghuhugas ng kamay sa kitchen sink.

Ako naman ay nanatili lang na nakatayo sa tabi niya habang nakasandal sa pader.

"Dali na kasi!" pagpupumilit ko.

Hindi ko kasi alam kung bakit ang cute lang pakinggan ng boses niya kapag nagsasalita siya ng tagalong. Kapag english kasi ang salita niya ay hindi ko gaano naiintindihan dahil may accent siya.

"Can you please stop f*cking fooling around?" sabi niya bago tumingin sa akin.

Napakunot naman ang aking noo.

"Kanina mo pa ako minumura. Oo, 'di ako gaano nakakaintindi ng ingles pero alam ko kapag minumura ako," inis na sabi ko.

Nakita ko namang napailing siya.

"Take your dinner," sabi niya bago naglakad paalis sa aking harapan.

"Ayoko nga! Baka may lason pa 'tong luto mo, baka may plano ka palang patayin ako!" sigaw ko. Nakita ko namang huminto siya sa paglakad bago niya ako nilingon.

Napalunok naman ako ng laway ko.

Nagbibiro lang naman ako.

"Eat your dinner. Tomorrow will going to be a tiring day," sabi pa niya bago muling naglakad paalis sa kusina.

Hindi naman ako nakaimik. At hindi na rin ako umimik pa.

Muli akong tumingin sa kaldero na pinaglalagyan ng nilutong ulam ni Michael.

"Paano ba ako kakain kung ang pamilya ko ay hindi ko man lang alam kung nakakain na ba?" sabi ko sa aking sarili.

Napabuntong hininga ako. Paano ko maaatim na kumain ng masarap na ulam kung alam ko na baka sa mga oras na 'to ay hinahanap na ako nila mommy at nagbabakasali na may dala-dala akong ulam.

Mabilis muli akong naglakad paalis ng kusina at mabilis na umakyat sa itaas. Agad akong pumunta sa kwarto ni Michael at doon siya muling kinatok.

"What?" bungad na tanong niya nang buksan niya ang pinto ng kanyang kwarto. Nakakunot noo naman siyang titig na titig sa akin.

Kakapalan ko na ang mukha ko.

"Pwede ba ako makahiram sa 'yo ng charger? Lowbatt na kasi ang cellphone ko, baka kasi hinahanap na ako nila mommy," diretsong sabi ko.

Nakita ko namang sumeryoso ang mukha niya. Nagalit ko ba siya?

"What type of charger?" tanong niya bago pumasok muli sa kanyang kwarto.

"Sandali lang," sabi ko naman bago ako mabilis na umalis sa kanyang harapan.

Agad kong kinuha ang cellphone kong nakapatong sa lamesa at tumakbo pabalik sa kanyang kwarto.

Nakita kong nakatayo siya sa tapat ng kanyang kwarto habang hawak-hawak ang isang box.

"Ano 'yan?" nakakunot noong tanong ko habang nakatingin sa box. Nakita ko namang napatingin din siya sa box bago niya ibinalik ang tingin sa akin.

"A box of chargers perhaps?" sabi niya bago iniabot sa akin ang box.

Agad ko namang kinuha 'yon at naupo sa lapag. Mabilis akong naghanap ng charger na maaaring magkasya sa luma kong cellphone.

"What's that?" rinig kong sabi niya.

Agad ko naman siyang tinignan. Nakita kong nakatingin siya ngayon sa cellphone ko.

"Ang alin?" tanong ko pa.

"That?" nakakunot noong tanong niya habang nakatingin sa cellphone ko.

"Cellphone ko," sagot ko bago ako bumalik sa paghahanap ng charger.

Ngunit agad akong napahinto sa paghahanap nang maramdaman ko ang paghablot ni Michael sa cellphone ko mula sa aking kamay.

"Trash," rinig kong sabi niya bago ako nakarinig ng isang malakas na kalabog mula sa ibaba.

Agad ko siyang tinignan at nanlaki ang aking mga mata nang malaman ko kung ano ang bagay na lumikha ng malakas na tunog.

"Sira ka ba?!" bulyaw ko.

Pakiramdam ko sasabog ang ulo ko sa inis. Pakiramdam ko sasabog ako sa galit.

Mabilis akong tumakbo pababa ng hagdan at kinuha ang cellphone kong ngayon ay nagkalat na sa sahig.

Basag na rin ang screen nito at nagkalat na sa sahig ang mga parte nito.

Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak.

Matagal ko ng cellphone 'to. Kahit ganito 'to ay hindi ko 'to magawang ipagpalit dahil galing pa ito kay Daddy.

Hindi ko alam kung bakit, pero tanging pagluha na lamang ang tanging nagawa ko habang dinadampot ang nagkalat na parte ng cellphone ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatili sa sahig habang umiiyak. Basta alam ko, sobrang sama ng loob ko. Sobrang bigat ng dibdib ko. At gusto kong saktan ang lalaking 'yon.

"That's a crap. Just f*cking leave it," rinig kong sabi niya mula sa aking likod.

Agad ko namang hinawakan ng mahigpit ang aking cellphone at agad akong tumayo mula sa pagkakaupo.

Hindi ko naman alam saan nanggaling ang lakas ko ng loob. Basta ang alam ko, matapos kong lumapit sa kanya ay naramdaman ko ang pagdikit ng palad ko sa kanyang mukha. At nag-echo sa buong first floor ang tunog nang ginawa ko.

"Ikaw ang b****a! Ang sama ng ugali mo! Nagsisisi na ako na pinirmahan ko ang b****ang kontrata mo!" sigaw ko bago ako naglakad paakyat papunta muli sa kwarto.

Kung ibabalik lang ang oras, sana pala pinunit ko na lang ang kontratang 'yon.

Ayoko na! Ayoko na maging Rented wife ng isang manyakis at siraulong tulad ni Michael Seth!

×××

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lolit Cleopas
bakit hende paren ma open nanonood na ako nang vedio
goodnovel comment avatar
Marites Suan Silao
Kapakapanabik
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Rented Wife   Chapter 363

    Malalim akong huminga nang makita ko si Michael na naglalakad papunta sa gawi namin ni Redenn. Nasa likuran niya si Tyron at tatlo pang hindi ko kilalang mga lalaki. Mabilis kong iniiwas ang aking paningin sa kanya. Dahil hindi ko kayang titigan ang maganda niyang mga mata. "Twenty minutes late," sabi ni Michael nang tuluyan ng makalapit sa amin. Nakatingin pa siya sa wrist watch niya. "Traffic," biglang sagot ni Redenn habang inaayos ang suit na kanyang suot. Hindi naman sumagot si Michael kaya roon na ako tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin. At may kung anong emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata. "Ahem," natatawang untag ni Tyron bago siniko si Redenn. Natawa naman si Redenn bago hinila si Tyron papunta sa kung saan. "Ano?" pagbungad ko kay Michael nang makita kong titig na titig pa rin siya sa akin. Napailing naman siya ng marahan bago muling tumingin sa akin. "Nothing," simpleng pagsagot lang niya. Napaiwas naman ako ng tingin. Nasa labas kami ng mansion at m

  • The Rented Wife   Chapter 362

    Papunta kami ngayon ni Michael sa conference room para sa susunod na meeting ko with the board members.Marahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha. Kaagad kong iniharang ang aking kamay upang mawala ang liwanag na ngayon ay patuloy na sumisilaw sa akin."Goo--" hindi ko na natapos pa ang kung ano sanang sasabihin ko nang matapos ko6ng tumingin mula sa aking likod ay wala na ang lalaking sa huli kong pagkakatanda ay katabi kong natulog kagabi."Michael?" pagtawag ko sa kanya. Baka kasi nasa cr lamang siya ng kwartong ito."Michael?" pagtawag ko ulit bago ako mabagal na umupo mula sa pagkakahiga at iniharang sa aking hubad na katawan ang comforter na kagabi ay sabay pa naming gamit.Nasaan ba ang lalaking 'yon?"Michael? Nasaan ka?" pagtawag ko ulit bago ako bumaba sa kama at hinanap kung saan inilagay ni Michael ang mga damit na suot ko kagabi. Napakagat naman ako ng pang ibabang la

  • The Rented Wife   Chapter 361

    I don't know how can someone be so harsh to someone. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko makakarinig kaming dalawa ni Michael ng malalang sermon galing sa board members. Magkasama na kami ngayom ni Michael. "What are you thinking?" biglang tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa meeting area. "W-wala naman. Medyo kinakabahan lang ako. Baka kasi malakasang sermon ang makuha natin sa kanila," sabi ko bago ako napabuntong hininga. Kinakabahan ako. Baka matanggal si Michael sa pagiging CEO nang dahil sa ginawa ko na naman kanina. "Tss. As if they can," sabi naman niya bago ko naramdaman ang marahang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay. "Hey, chill. They can't scold you so relax," sabi pa niya bago bahagya akong nginitian. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi upang mawala ang kung ano mang gulo na naiisip ko sa mga oras na ito. "Sigurado ka ba na hindi sila magagalit sa atin?" tanong ko naman upang mawala ang kung ano mang mga gulo na ngayon ay pumapasok sa isip ko.

  • The Rented Wife   Chapter 360

    "Kumusta ka naman, Renice?" rinig kong tanong sa akin ni Redenn habang diretsong nakatingin sa daan. Nakasakay kami ngayon sa sasakyan ni Redenn. Papunta kami ngayon sa Seth Corporation para asikasuhin ang mga bagay na naiwan ni Michael. "Ayos lang naman ako," sabi ko habang may pilit na ngiti. Hindi ako ayos. Walang maayos. Nasasaktan ako, parang bigla akong iniwan ni Michael matapos niyang makuha ang lahat lahat sa akin. "Galit ka ba, Renice?" biglang tanong ni Redenn matapos ang ilang segundong pagiging tahimik namin. "Ha? Bakit naman?" tanong ko bago ako napatingin ng diretso sa daan. Bakit naman ako magagalit? At kanino naman? "Dahil ilang araw ng 'di nagpapakita si Michael sa iyo?" sagot naman nito sa akin. Hindi ako kaagad nakaimik. Nakakaramdam ako ng inis, at tampo dahil bigla na lang siyang nawala ng walang pasabi. Pero hindi ko 'yon maaaring aminin dahil alam ko naman sa sarili ko na wala akong karapatan. "A-ano namang magagawa ko kung ayaw niya magpakita o kung gus

  • The Rented Wife   Chapter 359

    Patuloy ako sa pagbabasa ng mga laman ng folders na narito sa mesa ni Michael. Sa totoo lang kanina pa ako rito pero wala pa ako ni isang napipirmahan o naa-aprubahan na plano.Napahinga ako ng malalim. Bukod sa wala talaga akong alam sa ginagawa ko, hindi ko rin maintindihan bakit ganito ang nararamdaman ng puso ko.Nasasaktan ako. Hindi lang dahil sa sinabi ng sekretarya ni Michael, kung hindi dahil kay Michael mismo. Paano nga ba kung may kasama na siyang iba? Katapusan na rin ba 'yon ng kontrata naming dalawa? Tapos na ba ang trabaho ko sa kanya bilang rented wife?Binitawan ko ang ballpen na kanina ko pa hawak pero ni-isang beses ay hindi ko pa nagamit dahil wala pa naman akong napipirmahan na kahit ano.Napasandal pa ako sa swivel chair bago ako napatingin sa kisame.Kinagat ko rin ang pang ibaba kong labi nang maramdaman ko ang pagbigat ng aking mga mata at ang pang iinit nito.Kung nasaan man si Michael, sana maalala niya man lang ako. At sana naaalala niya rin ako kagaya ko n

  • The Rented Wife   Chapter 358

    Tulala lang akong nakatayo ngayon sa tapat ng elevator katabi si Michael. Ito na ang araw na 'yon. Ito na ang araw na makikilala na ako ng board members, at ito na rin ang araw na official na akong ipapakilala ni Michael hindi lang sa board at sa buong kompanya, kung hindi pati na rin sa mga kaaway niya sa underground world. "Hey, are you okay?" biglang tanong ng lalaking kasalukuyang katabi ko at mahigit na may hawak ng kanang kamay ko. Marahan naman akong ngumiti bago ako tumango. "Okay lang naman ako," sabi ko bago ako muling ngumiti. Ayaw kong ipakita kay Michael ang totoo kong nararamdaman. Ayaw kong makita niya na natatakot ako. Natatakot ako hindi dahil sa ihaharap ako sa mga taong isa sa dahilan kung bakit maganda ang takbo ng Seth Corporation ngayon, kung hindi dahil sa katotohanan na maaari muling malagay ang buhay ko sa tiyak na kapahamakan Hindi ko kaagad narinig ang sagot ni Michael, pero hindi rin nagtagal, narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga. "Why are

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status