Share

Chapter 60

Ylona? Sino si Ylona?

Nanatili ang tingin ko sa lamesa kahit pa wala na roon ang cellphone ni Michael. Hawak na niya iyon ngayon at nasa itaas na siya nitong bahay.

Hindi ako makaimik. Para kasing may kung anong tinik na nakabara ngayon sa aking dibdib. Malalim akong napabuntong hininga.

Nitong nakaraan ko pa iniisip kung bakit ba ganito ang tama sa akin ng mga bagay na 'to. Mga bagay na kinalilito talaga ng sobra ng isip ko.

Napahinga ako ng malalim bago ko niligpit ang mga plato namin na parehong walang bawas ang mga laman.

Napatingin pa ako sa paligid ko. Sanay akong walang kausap, pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kalungkutan. Parang sa mga oras na ito ay kailangan ko ng kung sino mang makakasama at makakausap.

Napahinga muli ako ng malalim bago ako tumuloy sa kusina at doon inilagay ang mga niligpit kong plato.

Matapos no'n ay mabagal na akong umakyat papunta sa itaas at naglakad papunta sa kwarto kung saan ako ngayon natutulog.

Maaga pa, ngunit ang paligid ay 'd
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status