Nakaupo ako ngayon sa isang mesa kasama sila Tyron at Redenn. Kanina pa wala si Michael, hindi naman niya nabanggit sa akin kung saan siya pupunta."Redenn, Tyron, nasaan si Michael?" tanong ko sa dalawa na busy sa pagtingin sa kanya kanya nilang cellphone.Napatingin sa akin si Tyron pero hindi niya ako sinagot. Tumingin muna siya sa gawi ni Redenn bago niya ito siniko."G*go, nasaan daw si Michael?" tanong nito. Mabilis namang tumingin sa akin si Redenn bago niya kinamot ang gilid ng kanyang kilay."Hindi ko rin alam, Renice. Hindi nagsabi si Michael kung saan siya pupunta. Basta umalis na lang siya at ibinilin ka sa amin," biglang sabi nito.Hindi ko kasi alam na umalis pala si Michael kanina. Gumamit kasi ako kanina ng banyo, at sa paglabas ko, doon ko lang nalaman na umalis na pala si Michael."Hindi siya nagsabi sa inyo kung saan siya pupunta?" nagtatakhang tanong ko.Napatingin naman si Redenn kay Tyron bago siya tumango."Wala siyang ibang sinabi sa amin kung hindi ang ingatan
Nanatili kaming magkayakap ni Michael, ngunit agad akong humiwalay sa kanyang pagkakayakap nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto kung nasaan kaming dalawa.Mabilis ding itinutok ni Michael ang hawak niyang baril sa pinto at handa na iyong paputukin ano mang oras mula ngayon."Michael!" biglang sigaw ng lalaki na kanina lang ay kasama ko sa isang lamesa bago nagkagulo.Agad ibinaba ni Michael ang hawak niyang baril nang makita niya si Redenn at Tyron na ngayon ay may mga bahid na ng dugo sa paligid ng kanilang katawan."Anong nangyari sa pag-uusap niyo? Bakit biglang may pagsabog?" sunod sunod na tanong ni Tyron bago isinara ang pinto.Hindi naman sumagot si Michael. Mabilis lang siyang tumalikod bago pumunta sa isa pang pinto na nandito rin sa kwarto."Na-secure ko na ang exit natin in case na mangyari itong bagay na ito. Buti na lang at maganda ang naging plano natin. Ang gulo talaga ng underground world," narinig kong sabi ni Redenn bago sumunod ng paglalakad sa amin ni Michael.P
Redenn's POVWala pa ring malay si Renice sa mga oras na ito. Dalawang araw na rin siya na narito sa hospital at hanggang ngayon ay wala pa ring progress ang sitwasyon niya."Hanggang ngayon, Ty, sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa nangyari kay Renice," sabi ko kay Tyron habang pareho kaming nakaupo sa sofa na narito sa private room kung nasaan si Renice."Huwag mong sisihin ang sarili mo. Wala namang may gusto nitong nangyari," sagot naman sa akin ni Tyron bago kami sabay na napatingin kay Michael na dalawang araw na ring walang tulog at nakamasid lang sa babaeng hanggang ngayon ay nakahiga sa kama at walang malay.Hanggang ngayon hindi ko pa rin makuha ang punto ng pagsama kay Renice. Baka nga para talaga 'yon makita niya kung gaano kagulo ang mafia world. Hindi ko rin alam kung bakit nauwi sa plan B ang dapat ay maayos na pakikipag-usap ni Michael sa matandang hukluban na 'yon. At mas lalong nalilito ako sa sinabing ina-assess ni Michael si Renice."Pang-ilang illegal transaction na
"I said don't move!" istriktong sabi sa akin ni Michael nang sinubukan ko muling umupo. Masama ang tingin niya sa akin at mukhang ano mang oras mula ngayon ay kaya niya akong biglang saktan. "K-kaya ko na!" pagpupumulit ko. Hindi ko na kasi gusto pang manatili sa hospital na ito dahil mukhang dito ako tuluyang magkakasakit. "Tss. As if I am going to allow you," biglang sabi ni Michael bago siya naupo sa dulo ng kama kung saan ako ngayon nakahiga. Mabilis na kumunot ang noo ko nang dahil sa kanyang sinabi. "Ano ang ibig mong sabihin?" nakakunot ang mga noong tanong ko. Tumingin siya sa akin ng masama. "You're not allowed to go home yet. Not until your doctor tell us so," sagot naman niya sa akin bago niya inilabas ang kanyang cellphone. Hindi naman na ako nakasagot. Tanging pagbuntong hininga na lamang ang tanging nagawa ko. Muli akong bumuntong hininga. Ang dami kong katanungan tungkol sa mga nangyari noong nakaraan. Ang daming bumabagabag sa isip ko na hinahanapan ko ng kasa
Tahimik lang akong nakaupo sa sasakyan ni Michael habang binabagtas namin ang daan pauwi sa villa. "Do you want to eat anything?" tanong nito sa akin. Marahan ko naman siyang nilingon. Matapos ang naging pag-uusap namin kagabi ay parang ibang Michael na ang nasa harapan ko. "Hindi na. Gusto ko na lang siguro umuwi muna," sabi ko bago ko siya tuluyang tinignan. Nakita ko ang kanyang naging pagtango bago siya ngumiti. "Okay then. Paglulutuan na lang kita," sabi niya sa akin. Natigilan naman ako. Hindi ko alam kung kailan ba ako masasanay sa trato sa akin ngayon ng lalaking 'to. Simula kagabi ay panay na ang ngiti niya at nag-iba na ang trato niya sa akin. Nalilito ako. Hindi na ako sumagot at malalim na lang akong huminga upang mahabol ang paghinga kong parang napugto ng dahil sa sinabi niya. Hindi na kami muli umimik. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Nalilito ako sa dapat na gawin ko sa harap ng lalaking 'to. "Renice," pagtawag nito sa akin. Mabagal ko siyang nilingon bago
Tulala akong nakatingin ngayon sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nawala sa mood matapos nang mga narinig ko kanina.Ang maalala ang sinapit ni daddy ay patuloy na gugulo sa isipan ko hanggang sa makilala ko kung sino ang walang hiyang nakapatay sa kanya at tinakbuhan ang kanyang nagawa.Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari noong araw na 'yon. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko."Are you okay?" mabilis akong napatingin sa aking likod matapos kong marinig ang boses ni Michael.Kaagad kong pinunasan ang luha kong kanina pa kusang tumutulo."O-oo naman," sagot ko bago ako huminga ng malalim at nilingon siya.Nakita ko ang kakaibang emosyon sa kanyang mga mata."What's the matter?" biglang tanong nito bago naglakad papalapit sa akin.Hindi naman ako kaagad nakaimik. Ni-minsan kasi wala pa akong pinagsabihan sa madilim na nakaraan ng aming pamilya. Hanggang maaari ayokong may ibang makaalam no'ng bagay na 'yon dahi
Ilang araw na ang lumipas matapos ang naging pag-amin sa akin ni Michael, at matapos ang naging huli naming pag-uusap. Inaamin ko naman sa sarili ko na gusto ko rin siya pero natatakot ako, natatakot ako na may kapalit ang lahat ng 'to. Kasalukuyan akong pababa ngayon sa hagdan nang mapansin ko si Michael na nakatayo hindi kalayuan sa hagdan. Huminga muna ako ng malalim bago ako nagpatuloy sa paglalakad. "Let's eat," narinig kong biglang sabi ni Michael bago ko naramdaman ang presensya niya sa aking likod. Nakatayo na ako ngayon sa tabi ng sofa habang hawak ang bag na gagamitin ko sa pagpasok sa opisina. "Hindi na ako kakain," sabi ko bago ako napahinga ng malalim. Hindi pa rin kasi naaalis sa isipan ko ang naging pag-uusap namin nitong nakaraan. At matapos ang araw na 'yon, ito na ang naging sunod na pag-uusap naming dalawa. Hindi ko alam kung umiiwas din ba siya sa akin, o busy lang siya. "You haven't eaten your breakfast yet," alam kong nakakunot ang noo ni Michael habang si
"It was Ylona, my ex-girlfriend," sabi niya sa akin bago ako tinitigan sa mata. Natahimik naman ako. Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong nawala sa mood. "Siya pala," sagot ko naman bago ako napatingin sa sahig. "Bakit pala hindi mo pa tinatanggal?" tanong na kusang lumabas mula sa labi ko. Huli ko na nalaman ang nasabi ko nang makita ko ang pagdaan muli ng isang emosyon sa mga mata ni Michael. "I don't have spare time to do so. Those pictures were already there even before. It was Ylona who put those," sagot niya bago muling uminom sa hawak niyang bote. Hindi naman ako kaagad nakaimik. Hindi ko alam kung bakit nawala ako sa mood ng tuluyan. "Sino nga pala si Ylona?" tanong ko. Kahit alam ko na kung sino siya, gusto ko pa rin malaman kung ano nga ba siya sa buhay ni Michael. Hindi naman siya kaagad sumagot ngunit kita ko kung paano nagbago ang mood niya. "I don't want to talk about her nor to hear her name. She was someone I really want to forget," sabi niya bago tumingin