sure na kayong team West na kayoo? Hihi~ Last update tonight~ inaantok na po ako. Thank youuu <3
NANG MAKARATING SA LEE GROUP, Ilang sandali lang ay nagsimula rin agad ang meeting. Nasa conference room ang major shareholders ng Lee Group. Sa head seat, tahimik na nakaupo si Amber, the largest shareholder. Mabilis nagsimula ang meeting—usual agenda: oil, energy, defense. Mga kailangang i-maintain para manatiling stable ang kumpanya.Pero biglang nagsalita si Leo Veloso, board member ng Lee Group na nakaupo sa kaliwa ni Amber.“Director Rivera, the AI automation is the future of heavy industry. Fianke, our tech branch, has made progress, but we need additional R&D funds. I propose a 5 billion allocation to launch the project formally.”Natahimik ang lahat at napatingin kay Amber.Fianke wasn’t just a tech subsidiary—it was tied to a scandal. Once led by former director West Lee, the company was rumored to be managed by his lover, Zendaya. Kahit na si Amber na ang may-ari ng lahat ng shares ni West Lee, nanatiling Presidente ng Fianke si Zendaya.Amber had never publicly touched Ze
MATAPOS ANG EVENT AY KINAKAILANGANG bumalik ni Amber sa Pinas dahil sa board meeting ng Lee Group at kailangan ang kanyang presensya.Sa entrada ng airport, nakatayo si Jacob—matipuno, malamig ang ekspresyon, naka-itim na suit at may earpiece. Ilang sandali pa, narinig niya ang tawa ng isang babae. Mula sa VIP passage, lumabas ang dalawang babae. Ang isa, maliit at masayahin. Pero agad na lumipat ang tingin ni Jacob sa kasama nito.She had a presence that silenced the world around her.Matangkad, elegante, at may presensiyang parang kayang patahimikin ang buong paligid. Suot ang wide-leg trousers at white satin shirt na binigyang-hugis ng itim na sinturon. Naka-drape lang ang jacket sa balikat—fierce, boss-lady vibes. Bahagyang ngiti lang, pero sapat para kabahan ka.“Lady Amber,” bati ni Jacob. Nilampasan lang siya nito.“Yo, Mr. Martinez!” si Therese Aguinaldo, sekretarya ni Amber, ang masiglang bumati.Hindi naman siya pinansin ni Jacob at nagmamadaling hinabol si Amber para pagbuk
Book Two Synopsis:Since West’s death, Amber’s life didn’t get easier—it got more complicated. But through it all, she rose. Amber Lucille Rivera is now a renowned fashion designer, the heiress of Splendid Couture, and the acting Chairwoman of Lee Group. She’s powerful, composed, and untouchable… or so everyone thought.Until her Aunt Eliza pressures her to settle down with someone “suitable”—and Zavian Amiel Lacoste offers a tempting solution: marry him.A marriage of convenience. A contract sealed with hidden motives and buried feelings.But just when things start to make sense… A ghost from her past returns, bringing chaos, unanswered questions, and emotions she thought she had buried along with West.May pag-asa pa bang magwagi ang pag-ibig kung ang nakaraan ay pilit na humahadlang? Or will everything they’ve built be reduced to nothing more than a memory?323 - Words Among The BloomsOne year later.Nag-uumapaw ang palakpakan sa buong hall habang isa-isang tinatapos ng mga model
“If you can’t tell her,” anito. “Then give her this—your true heart.”Umalis ang robot.Lumipas ang panahon ay muli silang nagkita ng lalaki.He was dying. The model was shattered at his feet. All that remained was a broken man full of regret, buried beneath lies and pride.His last words to the robot were: “I failed. You must pick the moon.”Inilibing ng robot ang katawan ng lalaki. Umupo ito sa tabi ng libingan ng lalaki saka napatingala sa kalangitan kung saan kita nito ang buwan.“Moon,” bulong nito. “I’ve been chasing you for so long… When will you stop for me?”Mahaba ang kwento. Inabot ng daan-daang panel. Ngunit bigla, dalawang taon na ang nakalipas mula ng huling update.Biglang may naalala si Amber. Iyon din ang panahon na umalis si West patungong abroad. Buong akala niya ang hinahabol ni West ay si Zendaya… pero ngayon…Nagpatuloy siya sa pagbabasa, hanggang sa marating ang huling kabanata na kaka-update lang ilang araw bago ang bankete.Naalala ni Amber na palaging nakatuo
LEE VILLA.Pumasok sa loob si Amber, sinalubong siya ng mga kasambahay at nagsiyuko sa kanya. Magsasalita na sana si Aling Rosa nang pinigilan niya ito. Gano’n rin si Jacob na balak pa sanang sumunod sa kanya.Hindi na pinansin ni Amber ang mga tao sa paligid at nagtungo sa itaas, sa silid ng kanyang anak.Sa pintuan pa lang ay rinig na niya ang mahinang hikbi ng bata. Her chest tightened.Pumasok siya sa loob at nilapitan ang anak. Pinatong ni Amber ang kamay sa likod ng bata, pero agad iyon niwakli ni Maverick. Sisigaw na sana siya nang pagkalingon niya ay nakita niya ang kanyang ina.Agad itong napayakap sa ina at umiyak.“Mom…”Pinunanasan ni Amber ang luha ni Maverick. Hindi siya makapagsalita. Hindi pa bumabalik ang boses niya.“Mom… Paano na ‘to? The model Dad gave me was broken… I can’t fix it no matter what I do.”Napahikbi ang bata. “I won’t cry, Mommy…” pinunasan nito ang luha sa mukha. I promised Dad that I would never cry again. I’m a man, and men don’t cry.”Napangiti si
“Lady Amber, you’re awake,” ani Jacob.Napahawak si Amber sa kanyang ulo nang maramdaman ang sakit. Bigla siyang nakarinig ng putok ng baril kaya kaagad siyang napawak sa kanyang tenga.Doon niya naalala ang nangyari. Dumalo sila ni West sa bankete, paghulog ng mga rosas mula sa kisame, ang pagbagsak ni West sa sahig, ang duguan na katawan ng lalaki, at ang biglang pagdilim ng kanyang paningin.She opened her mouth to speak, pero walang boses ang lumabas mula sa kanya.Sinubukan muli ni Amber, pero wala. Naluluha siyang dinapo ang kamay sa leeg at sinubukan muling magsalita.“Ah…” tanging salita ang lumabas sa kanyang bibig.Nang mapansin iyon ni Jacob ay agad itong nagtawag ng doctor.“Her voice loss is temporary and caused by psychological reasons. Medications won’t work, so she needs to figure it out on her own,” seryosong wika ng doctor. “Try not to let her emotions fluctuate too much. She’ll get better if she lets things take their course.”Ramdam ni Amber ang kabog sa kanyang di