Share

Chapter 5

NANG magsabi ang isang kasambahay na handa na ang kanilang hapunan ay nagkaniya-kaniyang nagsipuntahan ang mga miyembro ng pamilya ng mga Gomez sa dining hall. Kasabay maglakad ni Dravis si Calista habang magkahawak sila ng kamay.

Rinig na rinig ni Dravis na pinagbubulungan siya ng mga pinsan ng dalaga ngunit inignora niya lang ang mga iyon. Ang mahalaga ay katabi at kasama niya si Calista.

Pagkarating sa hapag ay ipinaghila niya ng upuan ang fiancee bago siya naupo ngunit hindi pa man nakalalapat ang kaniyang pang-upo sa malambot na cusion ng upuan ay nakarinig na siya ng hindi magandang salita.

“Hindi ka ba marunong mahiya? Bakit kakain ka kasama namin? Doon ka sa kabilang table, kasabay ng mga kasambahay,” ani Celestina.

“A loser like you can’t join us for dinner . . . Saka hindi ka naman Gomez. May mga pag-uusapan kaming hindi mo dapat marinig. Umalis ka na.”

“I don’t understand why you are still staying here, Dravis. Aunt Celestina, dapat inihahanap mo na si Calista ng mas mayamang mapapangasawa. Wala na siyang mapapala rito kay Dravis.”

Lahat ay gusto siyang paalisin. Ipinamumukha lalo ng mga kamag-anak ni Calsta na hindi belong si Dravis at hindi siya nararapat na naroon.

“Hijo, you should know your place. Nobody’s inviting you to dinner. You should know how to read the room,” anang lola ni Calista. Ito ang nakaupo sa kabisera.

Natahimik ang paligid nang magsalita ito. Kanina pa kasi tahimik na nagmamasid ang nakatatandang Gomez. Intimidating ang dating at tono nito kung magsalita.

She was a woman in her early seventies. Kahit kulay puti na ang lahat ng mga buhok nito at kulubot na ang balat ay makikita pa rin ang sigla at lakas nito. Everyone in the family respected the old lady.

Ngunit imbes na matigilan si Dravis ay nagpatuloy siya sa pag-upo at paglalagay ng table napkin sa kandungan ni Calista at sa kandungan niya. Nagpanggap siya na walang narinig dahil masyado na siyang immune sa mga pagtataboy sa kaniya.

“Grabe, ang kapal talaga ng mukha . . .” pagpaparinig sa kaniya ni Julia.

“Enough . . . Kung ayaw niyang umalis ay hayaan na natin siya. Kumain na tayo,” saway ni Amante bago sinenyasan ang mga kasambahay na nasa gilid para pagsilbihan sila.

Nasa kalagitnaan ng hapunan nang biglang naglabas ng balance sheet ang uncle ni Calista na si Enrico.

“Let’s proceed to the main agenda of this reunion. Wala tayo rito para magsaya. May kinahaharap na malaking problema ang kumpanya,” panimula ni Enrico bago tumingin nang matalim kay Calista. “Ma, I think you’ve trusted the company in the wrong hands. Look, ang laki ng inilugi natin simula noong si Calista ang naupo bilang CEO. Marami ring mga kliyente ang nawala.”

Napakunot ang noo ng nakatatandang Gomez.

“What do you mean, hijo?”

“Here, Ma. Look at this.” Tumayo si Enrico para iabot kay Susana ang balance sheet.”

Muling natahimik ang hapag na parang pati paghinga ay hindi puwedeng magkaroon ng tunog. Lahat ay nag-aabang sa mga susunod na mangyayari.

Calista was the favorite granddaughter of Susana. At dahil anak din ito ng panganay ng huli ay dito ipinamana ang kumpanya kahit pa babae ito.

Naglahad ng kamay si Susana sa isang kasambahay at agad naman nitong ibinigay ang salamin ng matanda.

Saglit nitong isinuot ang antipara saka tahimik na binasa ang nilalaman ng papeles na hawak.

“Ano’ng nangyari, hija?” malumanay na tanong ng matanda kay Calista pagkatapos makita ang nilalaman ng balance sheet.

Hinubad n Susana ang salamin na tanging ginagamit lang nito sa pagbabasa saka tiningnan nang maigi ang apo.

Napayuko naman ang dalaga sa sobrang hiya. Pakiramdam ni Calista ay isa siyang napakalaking failure sa pamilya nila. Lahat ng mga mata ay nakatingin sa kaniya ngayon. Ang iba ay tahimik siyang hinuhusgahanmga naghihintay lang na magkamali siya para palitan siya sa puwesto, at may ibang concern talaga sa kaniya.

Naramdaman ni Calista ang marahan na pagpisi ni Dravis sa kaniyang nalalamig na kamay mula sa ilalim ng lamesa. Nang mag-angat siya ng tingin ay binigyan siya ng binata ng ngiti na tila ba nagsasabing magiging maayos din ang lahat.

Tinanguan niya ito saka umayos nang pagkakaupo. She cleared her throat before she started explaining.

“Our biggest competitor used a high tech system for their hotels. Dahil po roon ay mas dinarayo na sila ngayon ng mga kliyente. The new technology that they’re using is too expensive. Kahit gumamit tayo n’on ay hindi pa rin sure kung mababawi natin agad ang magagastos bilang kapital.”

“Another thing is because of Dravis Salazar. Aware ang lahat sa kontrobersyang kinasasangkutan ng pamilya niya. Ayaw nang mag-invest sa atin ng mga investor dahil doon, Ma . . .”

“That’s not true, Uncle,” giit ng dalaga ngunit agad iyong ginatungan ng asawa ng kaniyang tito.

“Hija, we get that you’re young and in love but it’s the company that we are talking about here. We can’t risk.”

“Sheryl is right, Ma. We can’t risk.”

“Do you have any solution in mind, Enrico?” tanong ni Susana sa anak saka pinagsalikop ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa.

“It’s either Calista resigns or she cancels the engagement with Salazar and gets someone richer to be her husband.”

“That’s not fair, Uncle! Hindi pagpapakasal ko sa ibang lalaki ang solusyon sa problema ng kumpanya.”

Enrico chuckled. “Hija, baka nakalilimutan mo, ipinagkasundo ka ng mga magulang mo sa mga Salazar para lumaki pa ang kumpanya natin. Iyon din ‘yon. Don’t think highly of yourself. You lack skills and your parents know that so they decided to arrange your marriage with Dravis who is now nothing but a useless piece of shit!”

Hindi makapaniwalang tiningnan ni Calista ang kaniyang tiyuhin. Nanginginig na ang dalaga ngayon sa sobrang galit. Pulang-pula na ang mukha at leeg niya habang mahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao.

“Bawiin mo ang sinabi mo! Hindi ‘yan totoo!”

“Don’t deny the facts, my dearest niece. Tanggapin mo na lang ang katotohanan!”

“At sinong mas magaling? Ikaw?”

“Experience-wise, yes! I can’t believe Mama chose a kid to run the company,” naiiling na saad ni Enrico.

At dahil nagkakainitan at nagkakasigawan na ang dalawa ay pumagitna na si Susana.

“Enough! Maupo kayong dalawa at kumalma.” Marahas itong nagpakawala ng hininga saka lumingon sa direksyon ni Enrico. “At ikaw Enrico, never question my decisions . . .”

Hindi naman kumibo ang huli.

“If we can sign with more investors the better. Pupuwede tayong makabili ng bagong technology na papantay o hihigit sa ginagamit ngayon ng Hylos Hotels. Iyon muna ang unahin natin sa ngayon,” suhestiyon ni Amante nang sandaling humupa ang tensyon.

“Paano ngang mangyayari ‘yon? Wala nang gustong mag-invest sa atin dahil kay Dravis Salazar,” giit ni Cynthia, isa sa mga kapatid ni Amante.

“Kung ayaw hiwalayan ni Calista si Dravis, edi kay Don Silvestre tayo lumapit. Paniguradong hindi siya tatanggi dahil sila naman ang may kasalanan kung bakit pati kumpanya natin ay nadadamay sa problema ng pamilya nila,” suhestiyon ng isa pang tiyahin ni Calista. Sumang-ayon naman ang nakararami sa sinabi nito.

“M-maybe I-I c-can h-help . . .” ani Dravis kaya napunta sa kaniya ang atensyon ng lahat.

Everyone looked at him as if he said the most impossible thing.

“Ano namang maitutulong mo bukod sa magmakaawa sa lolo mo? I doubt it kung magawa mo nga nang tama dahil uutal-utal ka.” Pinagtawanan siya ng mga naroon dahil sa sinabi ni Franco.

“Tama na ‘yan . . .” saway ni Susana na siyang dahilan kung bakit natigil ang tawanan at muling tumahimik ang hapag.

“The company is in crisis so I’ll give everyone a fair chance. Lahat ng may posisyon sa inyo sa kumpanya ay may pagkakataong maghanap ng investor sa loob ng tatlong araw. Ang makakapag-close ng pinakamalaking deal ang siyang bagong mamamahala ng kumpanya . . .” dagdag pa ni Susana, dahilan kung bakit naging interesado ang lahat, lalong-lalo na si Enrico.

***To be continued***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status