Share

Chapter 4

KINABUKASAN ay maaga pa lang ay sobrang abala na ng mga kasambahay sa manson ng mga Gomez. Nagtataka man ay ginawa na lang ni Dravis ang mga gawaing nakatoka sa kaniya.

Nakasalubong niya si Celestina nang mapadaan siya sa salas bandang alas sais ng umaga. As usual, hindi niya pa man ito binabati ay nakaismid na ito sa kaniya. Akmang magsasalita siya nang unahan siya nito sa pagtikhim.

“Pagkatapos mong maglinis, pupuwede ka nang maglamiyerda sa kung saan mo man gustong pumunta. ‘Wag kang uuwi mamayang gabi. Ayaw kong makita ang pagmumukha mong pakalat-kalat dito,” anito saka siya tinalikuran.

Napakunot ang kaniyang noo dahil sa tinuran ng ginang ngunit hindi kalaunan ay nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga.

She’s still mad at me because of last night, he thought.

He shrugged off the heavy feeling and continued doing his remaining tasks.

Pagkatapos ng mga gawain ay lumabas si Dravis para makipagkita sa isang lalaki. Kahit naman kasi hindi siya sabihan ni Celestina na umalis ay talagang aalis siya ngayong araw.

He was wearing a simple pair of white pants and black polo shirt. Sobrang casual lang ng kaniyang suot pero dahil ma-appeal, matangkad, at guwapo siya ay sapat na iyon para pagtinginan siya ng mga tao.

Dravis texted the man he was going to meet that he was already on his way to their meeting place.

Sa isang five star restaurant kung saan ay VIP ang binata, ang meeting place ng taong kaniyang kakikitain. Hindi tulad kahapon, nag-Grab siya papunta sa restaurant.

Hindi niya naman sana kailangang problemahin ang masasakyan kung nasa kaniya lang ang mga kotse niya. Kaso hindi niya makuha ang mga iyon sa kanilang mansyon dahil naka-hold lahat ng ari-arian ng kaniyang pamilya.

Kung tutuosin ay pupuwede niya namang hingiin ang mga iyon sa kaniyang lolo, lalo na at sinusuyo siya nitong bumalik sa pamilya nila ngunit hindi niya gagawin ang bagay na iyon.

“Good morning, Sir Dravis,” bati ng isang matangkad na lalaki nang makarating ito sa VIP room na kaniyang ipina-reserve.

Hindi na nagpaumanhin ang kaniyang kausap dahil nauna si Dravis. Maaga lang talaga siyang dumating sa pinag-usapan nilang oras ng pagkikita habang ito naman ay on time lang na dumating.

Tinanguan niya ang bagong dating saka sinenyasan itong maumupo. Hinintay niyang makapag-settle muna ito bago siya naglabas ng itim na folder.

He tapped his hand on the folder. Nakuha ng kaniyang ginawa ang atensyon ng lalaki.

“Is this the proposal, sir?” tanong nito na kaniyang ikinatango.

Nabanggit niya kagabi sa text ang tungkol sa proposal.

Saglit na natahimik ang lalaki at kinuha ang folder para basahin. Hinintay niya itong matapos habang ipinapa-serve niya ang appetizer.

“You want me to take charge of the new company you will establish, sir?” gulat nitong tanong pagkatapos pasadahan ang nilalaman ng proposal.

“Yes . . .” He took a lot of effort to say that word without stuttering. Halos pabulong lang iyon ngunit sapat na para marinig ng kausap niya.

“But, sir . . . are you sure you want me to handle it?”

Tumango si Dravis saka kibit-balikat na uminom ng tubig.

Sigurado na siya. Bago siya pumunta sa restaurant ay pinag-isipan niya muna ang lahat nang maigi. Halos wala siyang naging tulog sa pag-iisip ng mga dapat gawin sa kompanyang kaniyang sisimulang buohin.

Napakatagal niyang pinagplanuhan ang bagay na iyon. Sa susunod na taon niya pa sana balak simulan ang pagtatayo ng kompanya ngunit ang nangyari kahapon ang naging mitsa para madaliin niya ang pag-uumpisa niyon.

“Thank you so much for your trust, sir. I won't let you down.”

Huminga siya nang malalim bago sumagot. “I . . . know,” aniya saka ngumiti nang tipid.

Kinakaya niya namang magsalita nang maayos ngunit isa o dalawang salita lang ang kaya niyang bigkasin nang hindi nauutal. 

Mataas ang kumpiyansa niya kay Harold Trinidad. Ito ang kanang kamay niya sa Wood Works Enterprises. It was a company that he secretly founded five years ago. Kilala iyong exporter ng mga magagandang kalidad ng furniture sa iba’t ibang bansa sa Asia, Europe, at America.

He was earning billion dollars without his family’s knowledge. Walang nakakaalam na siya ang nagmamay-ari ng kumpanyang iyon dahil sinadya niyang hindi ipaalam ang katauhan niya sa lahat ng mga empleyado, investors, at clients nila sa nagdaang mga taon.

Si Harold ang humaharap sa lahat ng meetings at events. Ito ang naging kamay at mukha niya sa kumpanya habang siya naman ang nagtatrabaho behind the scenes.

Kaya ang tiwala niya kay Harold ay sinubok na ng tagal ng panahon. Alam niyang kaya rin nitong i-manage ang bagong kumpanyang itatayo niya.

Pagkatapos nilang kumain at pag-usapan ang mga plano sa bagong kumpanya ay dumiretso siya sa pauwi. Inabot sila ng alas kuwatro sa  pag-uusap kahit pa si Harold lang ang madalas magsalita. Nagbigay din kasi ito ng report sa kaniya patungkol sa mga nangyayari sa Wood Works.

Hindi sinunod ng binata si Celestina. Pupuwede naman kasi siyang magkulong na lang sa kuwarto kung ayaw talaga siya nitong makita. Masyadong malaki ang mansyon para magkita silang dalawa.

Habang nasa sinasakyang Grab car ay biglang tumawag sa kaniya ang matandang katiwala ng kaniyang lolo.

“Master Dravis, Don Silvestre heard that you want to build a new company, and he wants to invest a billion dollars as a start-up fund.”

Napakunot ang kaniyang noo sa pagtataka dahil wala naman siyang ibang pinagsabihan kundi si Harold lang. At alam niyang imposibleng si Harold ang nagbalita ng bagay na iyon sa kaniyang lolo dahil hindi naman nito kilala ang kaniyang kanang kamay.

Saan niya naman kaya nalaman ‘yon? he thought.

Akmang magtatanong siya kung saan nalaman ni Ed ang balita nang maalala niyang ang restaurant na kinainan nila kanina ay affiliated sa business ni Don Silvestre. 

Hindi na siya nagtaka kung nakarating agad dito ang ilan pa sa napag-usapan nila ni Harold sa loob ng VIP room dahil may mga waiter na pabalik-balik para mag-serve ng pagkain habang pinaguusapan nila ang kumpanya na nais niyang ipatayo.

He sighed and dropped the call without answering Ed.

Kaya niya naman kahit walang magbigay sa kaniya ng start up funds. Ayaw niyang magkaroon ng utang na loob sa kahit kanino, lalong-lalo na sa taong nagpalayas sa mga magulang niya.

Pagkabalik ni Dravis sa mansyon ay ganiyon na lang ang gulat nang makitang maraming mga magagarang sasakyan ang nakaparada sa malawak na garahe ng mga Gomez.

Pagkapasok niya sa loob ng mansyon ay agad niyang naramdaman ang bigat ng hangin sa paligid. May kaniya-kaniyang business ang mga tao ngunit parang kahit anong oras ay may biglang sisigaw at mag-aaway.

Karamihan ng tao sa loob ay mga pamilyar sa kaniya ang mukha. It looked there was like a family reunion that he was not aware of.

Doon niya lang din napagtanto kung bakit abalang-abala ang mga kasambahay kaninang umaga at kung bakit din siya sinabihan ni Celestina na huwag uuwi ngayong gabi. Ayaw nitong maging bahagi siya ng family reunion ngayong gabi.

“Well, well . . . look who’s here?” ani Franco na unang nakapansin sa kaniya. Pinsan ito ni Calista na kasing edad niya.

Napatingin sa kaniya si Celestina na abala sa pagtipa sa mamahalin nitong phone.

Agad na nalukot ang mukha ng ginang nang makita siya. Akmang magsasalita ito nang pangunahan ni Audrey, pinsan din ni Calista.

“Hindi ka ba nasabihan na para sa mga Gomez lang ang reunion na ito?” Tumayo si Audrey mula sa kinauupuang couch para lapitan siya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “In all fairness, hindi ka hitsurang loser ngayon pero hindi ka pa rin belong,” mapanuyang ani pa nito saka umalis para kumuha ng isa pang kopita ng wine.

“Audrey, Franco, tama na ‘yan . . .” saway ni Calista sa mga pinsan nito bago siya nilapitan.

Calista gave him a peck on the lips in front of her family.

“Yuck! Gross!” rinig niyang nandidiring saad ni Audrey ngunit nagkibit-balikat siya.

KAHIT pa sobrang na-disappoint ang dalaga kay Dravis kagabi ay kakampihan niya pa rin ang binata. At isa pa, wala na iyon sa kaniya. Ang mahalaga ay narito na ito ngayon kasama niya. Nabawasan ang bigat na kaniyang nararamdaman sa dibdib.

“You’re too whipped cous, arranged lang naman kayo niyan,” Imbes na tumigil ay sumagot pa si Franco kay Calista.

“I doubt itutuloy pa ang kasal. ‘Di natin kailangan ng pabigat sa pamilya natin,” panggagatong pa ni Julia.

“Oo nga. Bakit ba nandito pa ‘yan? Kung ako kay Auntie Celestina, pinalayas ko na ‘yan. Such a disgrace!” Halos pandirihan tiningnan ni Resty si Dravis.

“Hoy, grabe kayo. ‘Wag naman kayong ganiyan, baka umiyak . . .” pananaway ngunit may halong panunuya ni Christina.

Nagtawanan ang mga kamag-anak ni Calista na nakarinig niyon.

HUMINGA lang nang malalim si Dravis at ikinalma ang sarili. Hindi naman siya na-offend pero hindi niya lang maiwasang malungkot dahil ayaw sa kaniya ng mga kamag-anak ng babaeng mahal niya.

Ayaw ng mga ito sa kaniya dahil sa estado ng pamilya niya ngayon. Na para bang pera at estado lang ang importante sa mga ito.

Napailing si Calista saka mahigpit na pinisil ang kamay niya. Tila ba nanggigil na ito ngunit pinipigilan lang na sumabog sa galit.  

“Don’t mind them,” bulong nito sa kaniya saka siya tinangay sa isang bakanteng couch.

Nang maupo silang dalawa ay tumigil na sa panunuya ang mga pinsan ni Calista ngunit bumalik na naman ang weird na bigat ng hangin. Tahimik na nagmasid sa paligid si Dravis katulad ng palagi niyang ginagawa.

***To be continued***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status