Share

Chapter 6

KASALUKUYANG nasa loob sina Dravis at Calista ng kuwarto ng dalaga. Tapos na ang reunion na nauwi lang sa iringan ng magkakamag-anak.

Palakad-lakad ang dalaga habang si Dravis naman ay nakaupo sa upuan sa tapat ng tukador. Nakaharap siya sa kaniyang fiancee.

“I”m so sorry that you had to witness and hear those . . .” paumanhin kay Dravis ng fiancee.

Masyadong maraming nangyari sa gabing iyon ngunit dahil immune na si Dravis sa mga pinagsasabi ng mga Gomez ay ang kaniya na lang inaalala ay si Calista. Naisip niyang hindi deserve ng dalaga na tratuhin sa ganoong paraan ng mga kamag-anak nito.

Tumayo si Dravis at nilapitan si Calista. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat ng dalaga para saglit itong mapatigil sa paglalakad.

“A-ayos l-lang a-ako . . .  I-ikaw, y-you o-okay?” he asked in a concerned tone.

Matagal siyang pinagkatitigan ng fiancee. Makikita sa mga mata nito ang pagod, lungkot, at pag-aalala.

Sa huli ay naluluhang umiling ang dalaga saka yumakap nang mahigpit kay Dravis.

“I’m not okay . . .” pag-aamin nito bago tuluyang umiyak habang nakasubsob sa kaniyang dibdib.

Marahang hinaplos-haplos ng binata ang likod ng fiancee para I-comfort ito.

Hindi nagsalita si Calista at hinayaan naman iyon ni Dravis. Ang mga impit na paghikbi at pagsinghot lang ng dalaga ang naririnig sa loob ng kuwarto. Calista’s cries pained Dravis. Nasasaktan siya para sa dalaga.

I can’t bare to see you crying, my love. I’ll do everything to help you, he said at the back of his mind.

“I keep on thinking if I wasn’t good enough to manage our family company. Maybe Uncle Enrico was right. Hindi nga ako nababagay magmana ng kumpanya . . .” panimulang pag-o-open ni Calista kay Dravis.

Hindi kumibo ang binata at hinintay ang mga susunod na sasabihin pa ng fiancee. He was there to listen.

“I love the company. I’m doing everything I can to manage it but why did it end up like this? We’re losin investors. Kasalanan ko ba? I keep on thinking that.”

Matiyagang nakinig si Dravis sa lahat ng mga hinaing at saloobin ng dalaga. Hinintay niya itong kumalma bago ito iniupo sa couch na nasa paanan ng kama.

Dravis cupped Calista’s face and wiped her tears. Hinalikan niya ito sa noo bago tumikhim.

“T-things l-like t-this h-hap-p-pen r-really i-in t-the b-business w-world. H-hav-ving b-big c-competitors a-are i-inevitable. P-pero a-ang C-Calista-ng k-kilala k-ko a-ay h-hindi s-sumusuko . . . Y-you’re v-very p-pasionate, h-hard w-working, a-and . . . i-intelligent. I-I b-believe n-na k-kaya m-mong p-pantayan o-o m-mahigitan a-ang m-mga c-competitor n-ng k-kumpanya n-n’yo . . .” It took him some time to finish saying those.

Ngunit kahit pautal-utal ay napagaan niyon ang loob ni Calista.

“B-better n-now?” tanong ng binata.

May munting ngiti na sumilay sa mga labi ni Calista.

“Thank you so much for being here. It means a lot to me . . .” anang dalaga sa napapaos na boses.

“I-I’ll a-always b-be h-here f-for y-you . . .”

“I love you, Dravis. Don’t ever leave me, okay?”

Tumango ang binata. Hinding-hindi niya iiwan ang dalaga.

“I-I l-love y-you m-more . . .”

Calista kissed him on the lips after that. Saglit lang tumagal ang halik na kanilang pinagsaluhan dahil ang binata ang unang kumalas nang dumako ang mga kamay ni Calista sa butones ng suot na polo shirt ni Dravis.

“N-no . . . W-we’ll w-wait t-till t-the w-wedding, h-hindi b-ba?”

Ngumuso na parang bata si Calista.

“Bakit ba kasi napaka-gentleman mo? Nakakainis minsan,” pabulong na komento nito ngunit narinig naman iyon ni Dravis.

Natawa si Dravis.

“Y-you s-should f-focus o-on d-doing a-a g-good b-business p-proposal a-and p-presentation . . . I-I’m h-here i-if y-you n-need help.”

Nanlaki ang mga mata ni Calista nang ipaalala ni Dravis ang dapat gawin ng dalaga sa gabing iyon.

“Ay, oo nga pala! Buti pinaalala mo. Saka na lang tayo maglambingan, ha? I need to polish my proposal.”

“Y-you a-already h-have a-a b-business p-proposal?”

“Actually, yes. It needs some polishing na lang.”

Napatangu-tango naman si Dravis.

“T-that’s v-very g-good. D-do y-you n-need h-help?”

Agad na umiling si Calista.

“I’ll be fine. Magpahinga ka na. I know napagod ka rin ngayong araw. You deserve to sleep early tonight.”

“O-okay . . . G-good n-night, C-Cal.”

Hindi na ipinilit ng binata na tulungan si Calista para hindi na humaba ang usapan nilang dalawa.

Pagkatapos nilang magpaalam sa isa’t isa ay lumabas na rin si Dravis mula sa kuwarto ng dalaga. Walang tao sa hallway nang lumabas siya kaya matiwasay siyang nakababa sa kaniyang kuwarto.

SAKTONG hatinggabi nang magising si Dravis mula sa pagkakahimbing. Naisipan niyang i-text si Calista para itanong kung gising pa ang dalaga.

Cal, are you still up?

Kaagad naman itong nag-reply sa kaniyang text.

Yes. Still doing the presentation. Why are you still awake? You should be sleeping.

Natulog na ako kanina. Naalimpungatan lang. Do you need help?

No. I’m fine. Patapos na rin naman na ako. Thank you, love. I really appreciate the offer.

Okay. Rooting for you!

Pagkatapos ang saglit na palitan nila ng mensahe ay naisipan ni Dravis na dalhan ng midnight snack ang fiancee kaya tumayo siya at nagtungo sa kusina. Gumawa siya ng tuna sandwich at cappuccino na parehas paborito ni Calista.

Dim lights na lang ang mga ilaw sa bawat sulok ng mansyon. Ang ilaw na lang din sa ilalim ng cupboard sa kusina ang kaniyang binuksan nang makarating siya roon para hindi sayang sa kuryente. He was humming a random tune while preparing Calista’s snacks.

Kaya niya namang mag-hum at kumanta kahit pa may stuttering disorder siya. Sa katunayan ay maganda ang boses niya sa pagkanta.

Ang explanation sa kaniya ng doktor noong nadiskubre nila ang kaniyang talento ay dahil right brain ang responsible sa music activities ng mga tao habang left brain naman ang responsible sa language and speech activities. Right brain ang gamit niya sa pagkanta kaya hindi siya nauutal.

Tahimik na naglakad ang binata patungo sa kuwarto ng fiancee na nasa ikalawang palapag habang bitbit ang tray na naglalaman ng sandwich, kape, at tubig.

At dahil digital naman ang door lock ng kuwarto ay hindi na siya kumatok. He punched the code and entered Calista’s room. Medyo madilim ang kabuohan ng kuwarto ngunit nakabukas ang lampshade sa office desk ng dalaga. Nakabukas din ang laptop ngunit nakadukdok na ang kaniyang fiancee sa lamesa nito.

Naiiling na inilapag ni Dravis ang tray sa center table saka nilapitan si Calista sa kinauupuan. Sinubukan niya itong gisingin ngunit masyado nang malalim ang pagkakahimbing nito. Pinangko niya ang dalaga at inihiga nang maayos sa kama.

You must be so tired, my love. Sleep well . . .

Hinalikan niya si Calista sa noo bago bumalik sa desk nito upang tingnan ang progress ng proposal na pina-polish ng dalaga. Parehas niyang binasa ang business proposal at ang presentation.

Wow! This is great! You make me fall in love with you again and again, Calista . . .

Napabilib si Dravis sa ganda ng business proposal na ginawa ni Calista ngunit hindi nga lang natapos dahil nakatulog na ang dalaga. May potensyal iyon at kailangan lang ng tamang funding para mag-work. Naisip niyang kailangan nga talaga ng kaniyang fiancee ng maraming investors.

Si Dravis na ang tumapos ng presentation habang sinusundan ang nilalaman ng business proposal na ginawa ni Calista. May ilang terms na kaniyang pinalitan para mapaganda laloang presentation.

Pinatay ng binata ang laptop saka binalikan ang natutulog na si Calista sa kama nito.

Masuyo niyang tiningnan ang fiancee.

You don’t have to worry about the competition. I’ll make sure that you’ll be the winner.

Dravis was thinking of using all of his connections and his own company to invest in Gomez Hotels and Resorts.

I got you, Cal.

***To be continued***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status