Share

Chapter 7

KINABUKASAN ay nagmamadaling bumangon si Calista dahil sa pakiramdam na parang may mali. Pagkadilat ay doon niya lang na-realize na nakatulugan niya pala kagabi ang paggawa ng presentation.

Ganoon na lang ang gulat ng dalaga nang makitang sumisilip na ang liwanag mula sa labas sa siwang ng kurtina ng binata sa kaniyang silid.

Hindi siya nagising sa tunog ng alarm clock kaninang alas singko. Masyadong malalim ang kaniyang tuog para hindi magising sa dalawang alarn na s-in-et niya ngayong umaga.

I’m so dead!

Nagmamadali siyang tumayo at tumakbo patungo sa kaniyang desk. Pagkarating niya sa harapan ng desk ay saglit siyang natigilan.

Wait . . . How did I end up sleeping on my bed? Nandito ako kagabi sa desk kagabi, e.

Napakunot ang noo ng dalaga nang makitang nakasarado na rin ang kaniyang laptop.

Did I close the laptop before I went to sleep?

Nalilito siya. Ang huli niyang naaalala ay sa desk talaga siya nakatulog.

Did I sleepwalk from here to my bed? Pero bakit nakapatay na yung laptop ko?

Calista sighed. Nagkibit-balikat na lang ang dalaga saka umupo. Kailangan niyang habulin ang oras. Kailangan niyang matapos ang presentation. Kahit I-input niya muna ang mga mahahalagang details at sa daan niya na lang dadagdagan ang mga iyon.

Binuksan niya ang laptop saka ikinabit ang charger. Kaunti na lang kasi ang karga niyon dahil nakalimutan niyang i*****k kagabi.

“What the? Tapos na?” gulat na gulat na anas ni Calista nang puntahan ang huling page na kaniyang iniwanan kagabi.

May mga dagdag na rin na slides hanggang dulo. Pinagkumpara niya ang nasa presentation saka ang nasa main paper ng business proposal at laking gulat niya nang accurate lahat ng nakalagay sa presentation. Maganda rin ang pagkakasulat ng lahat.

“Wow! Magic ba ‘to? Ginawa ko habang tulog?”

Nailing siya sa sarili. Alam niyang imposible ‘yon ngunit wala siyang mahanap na ibang dahilan para matapos ang kaniyang presentation habang natutulog siya.

“Anyways . . . Kahit ano pa mang magic ang nangyari, thank you pa rin. I can now breathe with ease,” aniya na parang nabunutan ng tinik sa dibdib.

Hinayaan niyang mag-charge ang laptop habang gumagayak. Mamaya niya na lang re-review-hin ang nasa presentation. Kagabi ay gumawa rin siya ng list ng mga kompanya na potential investor. Nag-send siya ng email sa kaniyang sekretarya bago matulog para makapagpa-sched ito ng appointment first thing in the morning today.

MAAGANG nagising si Dravis para magluto ng agahan ng mga Gomez. Hindi muna siya tutulong sa mga gawaing bahay ngayon. He would help Calista today. Siya ang magmamaneho para dito.

“Good morning, sir! Ang aga po nati ngayon, a!” bati ni Sally nang madatnan siya sa kusina.  

Tinanguan niya lang ito at binigyan ng tipid na ngiti.

Itinuloy niya ang ginagawa. Kumuha siya ng sticky note pagkatapos at sinulatan iyon.

'Paki microwave na lang mamaya ang pagkain para mai-serve nang mainit. Sasamahan ko ang Ma’am Calista n’yo ngayon kaya hindi ako maaasikaso. Salamat.' - Dravis

Idinikit niya ang sticky note sa takip ng mga pagkaing kaniyang inihanda.

Ang snacks na inihanda niya sana para kay Calista kaninang hatinggabi ay kaniyang ininit para sa kaniya. Nag-toast na lang siya ng tinapay bilang dagdag sa kaniyang almusal. Kumain muna siya bago bumalik sa kaniyang silid. Nauna na siyang kumain para hindi na siya masigawan pa ni Celestina mamaya kung makikisabay pa siya sa mga ito.

Naligo at gumayak ang binata. Isang pares ng casual na damit lang ang kaniyang sinuot. Puting polo shirt na may tatak ng sikat na brand sa kaliwang dibdib na naka-tuck-in sa isang pares ng kulay khaki na pantalon. Nakasuot din siya ng kulay brown na belt at kulay brown na top sider na sapatos.

Amoy na amoy ang panlalaking deo and body spray na kaniyang ginamit at maging ang kaniyang after shave. Naka-brush up ang kaniyang buhok na nakadagdag sa kaniyang appeal. Mas lalo siyang gumuwapo sa ayos na iyon.

Tanging isang mamahalin na pambisig na relo ang kaniyang alahas na suot sa katawan. Kahit hindi nakapang-corporate ay presentable naman ang kaniyang hitsura. Sinadya niyang mag-ayos kahit papaano para hindi na siya matahin masyado ng mga tao sa kumpanya ng mga Gomez kahit pa na hinid rin naman siya magtatagal doon.

At isa pa, may ibang lakad din si Dravis ngayong araw bukod sa ihatid-sundo ang kaniyang fiancee.

Tanging phone at wallet lang ang kaniyang dala nang lumabas siya sa kaniyang silid. Saktong pababa ng hagdan si Ginang Gomez kaya nakita siya nito.

“Aba! Nakapostura ka yata ngayon. Saan naman ang punta mo?” tanong ni Celestina habang nakataas ang kilay sa kaniya.

“I-ihahatid p-po s-si C-Calista . . .”

Natawa ang ginang sa kaniyang isinagot.

“We have a driver for that. Hindi na kailangan. Nagsayang ka pa ng effort. Maglinis ka. Napakarumi ng bakuran. Doon ka nababagay!”

Napayuko si Dravis ngunit sakto namang tumikhim si Calista na naabutan at narinig pala ang buong usapan.

“Mom, stop harassing Dravis. I told him to accompany me today. Hindi siya utusan. Fiancé ko siya kaya sa ‘kin siya sasama,” ani Calista kaya napatingin si Dravis sa direksyon nito na pababa na sa hagdan.

Nilampasan ng kaniyang finacee ang ina nito saka dumiretso sa kinatatayuan niya. Umabre siyete sa kaniya ang dalaga.

Calista was wearing a pair of nude female office suit. Nakalugay ang mahaba nitong buhok ngunit naka-pin ang magkabilang gilid para hindi mapunta ang mga buhok sa mukha ng dalaga. May bitbit itong hand bag at laptop bag.

Sinalo siya ng kaniyang fiancee kahit pa hindi naman talaga sila nag-usap kagabi na ihahatid niya ang huli sa trabaho. Ngayon niya pa lang sana sasabihin na ihahatid niya ang dalaga.

Lihim na napangiti si Dravis. Hindi man smooth ang relasyon nila dahil sa mga taong nakapaligid sa kanila, kakampi naman nila ni Calista ang isa’t isa.

Nakita ng binata kung paano umasim ang mukha ni Celestina nang makita ang anak nitong nakakuyapit sa kaniyang bisig.

“Bahala na nga kayo!” Imbes na kumontra ay iyon na lang ang sinabi ng ginang saka kibit-balikat na nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan.

Nakalampas na ito sa kanilang kinatatayuan nang bigla itong lumingon.

“Galingan mo ang paghahanap ng investors, hija . . .” anito na ang atensyon ay na kay Calista lang. Ni hindi siya nito tingnan.

Napangiti naman sa tabi ni Dravis si Calista. Kahit paano ay alam niyang natuwa ito sa sinabi ni Ginang Gomez. Malaking bagay para sa dalaga ang mga salitang iyon.

“Thanks, Mom. I will.”

Muling nagpatuloy si Celestina sa paglalakad papunta sa direksyon ng dining kung saan nauna na si Amante.

“H-hindi k-ka b-ba m-mag a-aalmusal m-man l-lang b-bago u-umalis?” tanong ni Dravis nang nagsimula na siyang hilahin ni Calista palabas ng mansyon.

Kinuha niya ang laptop bag na dala ng dalaga para hindi ito mahirapan.

“Hindi na. Mag-drive thru na lang tayo. Baka awayin ka na naman ni Mommy.”

Napatangu-tango siya. “O-okay . . .”

“Ang guwapo natin, a! Saan ka nga pala pupunta ngayon?” tanong ni Calista nang kapwa sila nasa loob na ng kotse nito. Ang binata ang nakaupo sa driver’s seat.

“I-ihahatid k-ka.”

“Really? Akala ko ay may iba kang lakad.”

 “I-ihahatid a-at s-sunduin k-kita. S-sabay d-din t-tayong k-kakain n-ng l-lunch k-kung a-ayos l-lang s-sa ‘yo?”

Kinikilig na humagikgik si Calista sa kaniyang mga sinabi.

“Sino ba naman ako para tumanggi kung ganito kaguwapo ang mag-aaya sa ‘kin?”

Napangiti si Dravis.

“I-ikaw t-talaga!” naiiling na sabi niya.

“No. It’s ikaw talaga. Hindi ka man lang nagsabi na may plans ka pala para sa atin today. Hindi ako prepared. Sana nag-dress ako para maganda ako sa lunch date natin.”

“A-ayos l-lang ‘y-yan. M-maganda k-ka n-naman k-kahit a-anong i-isuot m-mo." he said truthfully.

“Tama ‘yan para bagay tayo.”

Dravis bit his lower lip to surpres his smile. Kahit lalaki siya ay kinikilig pa rin siya sa mga pasimpleng panunudyo at banat ni Calista. Siya dapat ang gumagawa niyon ngunit nahihiya siyang bumanat dahil sa pautal-utal siya.

Siya ang nagkabit ng seat belt ni Calista bago sila tuluyang umalis.

Habang nasa daan ay abala ito sa pagbabasa ng presentation sa laptop nito.

“May iba ka bang pupuntahan after mo akong ihatid or hihintayin mo ako sa office?” tanong ng dalaga habang naka-focus pa rin ang paningin sa screen ng laptop.

“B-babalik a-ako b-before l-lunch. K-kakikitain k-ko l-lang s-si S-Sheldon . . .”

“Oh! I see. Tama ‘yan para hindi ka rin mainip while waiting for me. Ingat kayo. Say hi for me to him.”

“M-makakarating . . .”

“You can use my car para hindi ka na mag-Grab.”

“T-thank y-you C-Cal.”

“No worries, love. Just drive safely.”

“I-I w-will . . .”

Inihinto ni Dravis ang sasakyan sa harapan ng building ng kompanya ng mga Gomez nang makarating sila doon.

“Drive safely, Dravis. Update me ‘pag nagkita na kayo ni Sheldon.”

“Y-yes, C-Cal. I-ingat k-ka r-rin. Y-you c-can d-do i-it.”

He gave Calista a swift kiss on her cheek but the latter wanted more. Humarap ito kaya nagtama ang kanilang mga labi. Ang dapat sana ay mabilis na halik lang ay tumagal ng ilang segundo.

“That’s better . . . See you later, love!” Calista chuckled as she went off the car.

Kumaway ito sa kaniya bago tuluyang naglakad papasok. Napailing-iling si Dravis dahil doon.

Hinintay muna ng binata makapasok si Calista sa loob bago siya nagmaneho paalis. Hindi naman talaga si Sheldon ang kaniyang kakikitain.

***To be continued***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status