Share

Kabanata 3.3

Author: Rhea mae
last update Last Updated: 2025-07-07 16:57:59

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Caroline habang nakatingin sa schedule niya. Sa susunod na linggo na ang anniversary ng kompanya nila. Tumingin siya sa veranda niya. Pinag-iisipan niya kung isasama niya ba si Caleb. Wala naman siyang gagawin sa araw na yun pero gusto pa rin niyang pumunta lalo na at parte rin naman siya ng kompanya. Alam niyang wala siyang makakausap dahil wala naman siyang kaibigan sa kompanya lalo na at kilala siya bilang anak sa labas ni Winston Adams. Mas gusto nila si Aubrey at naiintindihan naman yun ni Caroline dahil si Aubrey ang legal na anak. Naiintindihan niya naman ang nararamdaman ng half sister niya at ng pamilya ng kaniyang ama. Sino bang hindi magagalit sa isang anak ng kabit?

Tumayo siya sa kinauupuan niya saka siya nagtungo sa veranda para sana kausapin si Caleb. Napakunot siya ng noo nang hindi niya ito makita. Inilibot niya ang paningin niya sa buong veranda pero wala si Caleb. Alas sais na ng gabi pero ngayon niya lang napansin na wala pala ang asawa niya sa loob ng bahay nila.

“Is he mad at me because of what happened lately?” aniya sa sarili niya. Napabuntong hininga na lang siya. Iniisip kung saan nagpunta si Caleb. Bumaba na siya ng kwarto niya at tinanong ang mga katulong nila.

“Nakita niyo ba si Caleb?” tanong niya sa isang mabait na katulong sa kaniya.

“Umalis siya nung tanghali ma’am pero simula nang umalis siya hindi pa siya bumabalik.” Sagot nito. Napatango na lang si Caroline. Posible nga bang nagalit si Caleb sa kaniya? Kung sabagay, may karapatan naman talaga siyang magalit dahil ipinakilala niya itong isang pulubi at itinanggi ang tunay na status ng relasyon nilang dalawa.

Kinuha ni Caroline ang bag at susi ng sasakyan niya saka siya umalis ng bahay para hanapin si Caleb. Una niyang pinuntahan ang bar kung saan niya nakilala si Caleb dahil baka bumalik ito dun para magtrabaho.

Pagpasok ni Caroline sa loob ng bar ay sumalubong kaagad sa kaniya ang sari-saring amoy kahit na maaga pa. Nagtungo siya ng bar counter at tinanong ang barterder na nakaduty ngayon.

“Excuse me,” agaw atensyon niyang wika. Nakangiti naman siyang nilingon ng bartender.

“Si Caleb ba nagpunta rito?” tanong niya. Inisip naman ng bartender kung sinong katrabaho nila ang may pangalang Caleb pero wala siyang matandaan.

“Sigurado ka bang Caleb ang pangalan niya miss? Wala kasi akong kilalang Caleb dito.” Sagot ng bartender. Napakunot ng noo si Caroline dahil hindi siya pwedeng magkamali lalo na at alam niyang Caleb ang nakalagay sa marriage certificate nila ni Caleb.

“Hindi ko alam kung nagresign na siya dito o hindi pa pero dito ko siya nakilala at Caleb ang pangalan niya. Alalahanin mo lang baka sakaling makilala mo rin, I’m looking for him.” Aniya pa pero umiling ang bartender dahil kilala niya lahat ng nagtatrabaho sa bar pero walang Caleb na pangalan sa mga katrabaho niya.

“Ano bang itsura niya miss?”

“Mahaba ang buhok niya pati bigote, matangkad at may magandang pangangatawan.” Pagdedescribe niya. Napatango-tango naman ang bartender ng may marealize siya kung sino ang binabanggit ni Caroline.

“Baka si Dan ang sinasabi mo. Kung siya nga hindi Caleb ang pangalan niya kilala siya bilang si Dan dito. Yung wierdong lalaki na mahaba ang buhok at mga bigote. Kung nagpunta ka rito para hanapin siya, last week pa siya nagresign.” Saad ng lalaki. Nagtataka naman si Caroline kung bakit Dan ang pangalan ni Caleb sa bar.

‘Secret code niya ba yun?’ tanong pa niya sa sarili niya pero ipinagsawalang bahala niya na yun dahil si Caleb ang hinahanap niya. Inilibot niya ang paningin niya sa bar pero hindi niya makita si Caleb. Wala naman na siyang alam kung saan niya hahanapin si Caleb lalo na at sa bar niya lang naman ito nakilala. Napabuntong hininga na lang si Caroline at akma na sanang aalis nang harangin siya ng isang lalaki na may dala-dalang alak.

“Hi pretty lady, can I dance you?” nakangiti nitong saad. Bakas na sa mukha niya ang kalasingan kahit na maaga pa lang kung sabagay maliwanag pa lang naman ay nagbubukas na ang bar. Umiling lang naman si Caroline at lalampasan na lang sana ang lalaki nang muli itong humarang.

“Kung ganun, tanggapin mo na lang itong alak na bigay ko para sayo.” Ani pa ng lalaki at sinalinan ng alak ang wine glass. Kahit na nakita niyang wala itong inilagay na kung ano sa alak ayaw pa rin niyang inumin dahil hindi siya sigurado kung safe ba talagang inumin ang alak. Paano kung may gamot na pala sa baso o sa alak? Minsan na siyang nagkamali dahil sa pag-inom ng alak at ayaw niya nang ulitin pa yun.

“No, thanks.” Magalang niya namang pagtanggi saka siya umalis. Bigla namang nag-iba ang expression ng mukha ng lalaki dahil sa pagtanggi ni Caroline sa kaniya. Ininom niya ang alak saka niya pinunasan ang gilid ng labi niya gamit ang manggas ng damit niya at ngumisi.

Nilingon niya ang mga kasamahan niya saka nila sinundan palabas ng bar si Caroline. Akma na sanang sasakay si Caroline nang may biglang humarang sa pagbukas niya ng pintuan. Kunot noong tiningnan ni Caroline ang lalaki at nakikilala niya naman ito kaagad.

“What do you want?” tanong ni Caroline.

“Alam mo bang ang mga tipo kong babae ay ang mga hard to get. Uuwi ka na ba? Gusto mo bang ihatid na kita?” Nakangising saad ng lalaki. Napangiwi naman si Caroline dahil ang mga kagaya ng lalaking nasa harap niya ay alam niya na kung anong gusto ng mga ito.

“Excuse me, I need to go now.” Aniya at akma na sanang bubuksan ulit ang pintuan ng sasakyan niya nang muli siyang pigilan. Napabuntong hininga na lang si Caroline. She needs to find Caleb.

Ngumisi ang lalaki saka niya nilapitan si Caroline. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa susi niya. Inilibot niya ang paningin niya kita niya ang mga kalalakihan pa na nasa paligid niya lang. Napaatras si Caroline dahil sa takot. Hindi niya alam kung kanino siya hihingi ng tulong. May mga taong labas pasok sa bar pero tila ba walang pakialam ang mga ito sa paligid nila.

“Ano bang kailangan niyo? I need to go now.” Kalmado pa rin niyang saad.

“Binibini isang gabi lang, isang milyon sapat na ba yun?” alok sa kaniya ng lalaki. Naikuyom ni Caroline ang kamao niya. Tumingin siya sa mga labas pasok ng bar pero ni isa walang tumingin sa kaniya.

“Ibang babae na lang, hindi ko kailangan ang pera mo.” Sagot niya pero ngumisi lang ang lalaki. Kinikilala ni Caroline kung saan niya ba nakita ang lalaki. Nang makilala niya ang lalaki ay napalunok siya.

Siya ang bunsong anak ng gobernador ng lugar nila at marami na itong kagaguhan na ginawa pero never na nakulong dahil sa katayuan ng kaniyang ama.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nelen Nicolas
ang ikli naman author.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 9.3

    Abala si Caroline sa mga trabaho niya sa sarili niyang opisina. Itinuon niya na lang ang oras niya sa mga trabaho niya para hindi niya maalala si Caleb. Napatingin siya sa cellphone niya ng makita niya na namang may tumatawag dito. Alam niyang si Caleb ang tumatawag dahil kahapon pa ito tumatawag sa kaniya pero hindi niya sinasagot. Paano niya nalaman na number ito ni Caleb? Dahil sinagot niya ang tawag nito kahapon at sa boses pa lang ni Caleb ay kilalang kilala niya na ito.Ayaw niyang makipagkasundo kay Caleb. Kung makikipagkita man siya kay Caleb, wala silang ibang pag-uusapan kundi ang tungkol sa annulment nilang dalawa. Alam naman ni Caroline na gagamitin lang siya ng mga Adams para mapalapit sa mga Thompson at sigurado siyang magbabago ang pagtingin nila kay Caleb oras na nalaman nilang siya ang asawa niya. Ayaw niya namang gamitin ng pamilya niya si Caleb pagkatapos makatanggap nito ng mga masasakit na salita mula sa pamilya niya.Bumukas ang pintuan niya pero nakatuon pa rin

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 9.2

    Hindi makapaniwalang tiningnan ni Caroline ang ex-boyfriend niya. Ang lakas ng loob nitong magloko pagkatapos ay sasabihin na siya ang gustong pakasalan? Napapailing na lang siya. Siya ang niloko pero tila ba ang ex-boyfriend niya ang naiwan.“Tigilan mo na ako Isaac, ikakasal ka na tapos ako pa rin ang iniisip mo?” natawa si Caroline pero seryosong nakatingin sa kaniya si Isaac.“Anong gusto mong gawin ko? Ikaw ang gumugulo sa isip ko at sa tuwing nakikita ko ang lalaking pinakasalan mo gusto ko siyang suntukin, gusto kong sirain ang pagmumukha niya. Bakit mo pa ba ako pinapahirapan Caroline? Alam ko namang mahal mo pa rin ako, nasaktan ka lang sa ginawa ko kaya mo pinakasalan ang lalaking yun. Handa akong hintayin ka hanggang sa magdivorce na kayong dalawa. Handa akong tulungan ka na makipag-annul sa kaniya para mapabilis ang paghihiwalay niyo just marry me after.” Ramdam ni Caroline ang pagiging seryoso ni Isaac. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ni Caroline, bakit naaawa siya

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 9.1

    Simula nang huling makausap ni Caroline si Caleb ay hindi na ulit sila nagkita. Bahay at trabaho lang naman ang pinupuntahan niya. Ayaw niyang makita si Caleb ngayon at kung maaari lang sana ay huwag ng magsalubong ang mga landas nila. Bumaba na si Caroline sa mula sa kwarto niya. Naabutan niya namang abala si Aubrey sa pag-aasikaso para sa magiging kasal nila ni Isaac. Inilibot ni Caroline ang mga mata niya hindi niya naman makita si Isaac kaya nakahinga siya ng maluwag. Ayaw niya ng gulo.Nang makita ni Aubrey si Caroline ay ngumisi ito.“Ikinukulong mo ang sarili mo dahil iniwan ka na ng pulubi mong asawa?” pang-aasar ni Aubrey. Hindi naman siya pinansin ni Caroline. “I’m sure, marami na siyang ninakaw sa bahay natin pero hindi lang natin alam.” Masama namang tiningnan ni Caroline si Aubrey dahil sa pagbibintang na naman nito kay Caleb na wala namang proweba. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng pamilya ni Caroline na si Caleb na asawa niya ay si Caleb Thompson na CEO ng Thompso

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 8.3

    “This is Winston Adams, Mr. Thompson. Thank you for calling me. Gusto ko sanang malaman kung anong dahilan ng pagcancel niyo sa partnership ng mga business natin? Kung may nagawa man o nasabi ang anak kong si Caroline ako na lang ang humihingi ng pasensya in her behalf.” aniya. Hindi naman kaagad sumagot si Caleb dahil si Caroline pa talaga ang sinisisi nito.Napatikhim si Winston dahil nag-aalala siyang may nasabi siyang hindi nagustuhan ni Caleb.“Ano po bang kailangan naming gawin para ibalik niyo ang partnership natin?”“Are you willing to do everything?” seryosong tanong ni Caleb.“Of course, Mr. Thompson. Anything just say it.” Walang paligoy-ligoy niyang saad. Ngumisi naman sa kabilang linya si Caleb.“I want your daughter,” saad ni Caleb. Napakunot naman ng noo si Winston. Sino sa dalawa niyang anak ang gusto ni Mr. Thompson? Tiningnan ni Winston si Caroline, iniisip niyang hindi niya naman pwedeng ibigay si Caroline lalo na at kasal pa ito. Ayaw niyang madisappoint sa kaniya

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 8.2

    Nang makaalis si Caroline ay mabilis namang lumabas ng office si Caleb para sundan si Caroline. Naabutan niya naman itong naghihintay na magbukas ang elevator.“Caroline,” seryoso at blangko niyang tawag. Nilingon ni Caroline ang tumawag sa kaniya pero mabilis niya ring ibinalik ang paningin sa number ng elevator kung nasaang floor na ito. “Do you want to continue our partnership? Then don’t file our annulment at sumama ka sa akin as my wife.” Aniya. Hilaw namang natawa si Caroline. Wala siyang magawa kundi ang matawa na lang.Tanga ba ang tingin sa kaniya ng ibang tao? Bakit ba gustong gusto siyang lokohin ng mga taong akala niya ay mapagkakatiwalaan niya at matatawag niyang kakampi? Hindi pinansin ni Caroline ang sinabi ni Caleb. Wala siyang pakialam sa partnership ng mga kompanya nila. Ginawa niya na ang trabaho niya at hanggang dun na lang ang magagawa niya. Hindi niya na kasalanan kung ayaw na talaga ng mga Thompson na ituloy ang partnership nila.Nang bumukas ang elevator ay akm

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 8.1

    Naupo si Caroline sa sofa kahit na medyo naaapektuhan siya ng presensya ng CEO ng Thompson Legacy Group. Dala-dala niya ang proposal na idinala niya na rin noong mga nakaraang araw. Nakatitig lang siya sa lalaking nasa harapan niya habang abala ito sa pagtingin ng mga papeles. Nang tingnan siya nito ay mabilis na iniwas ni Caroline ang paningin niya saka siya tumikhim.“I’m Caroline Adams, Mr. Thompson from Adams Global Finance. Nabalitaan namin na gusto niyo pong i-cancel ang partnership sa kompanya namin? Maaari ko po bang malaman kung anong kailangan naming gawin para lang huwag niyong ituloy ang plano niyong pagkansela ng partnership ng mga kompanya natin?” seryoso niyang tanong pero hindi niya matagalan na titigan ang mga mata ng taong kausap niya.Pakiramdam niya kilala niya ito dahil ang mata ng taong nasa harapan niya at ni Caleb ay parehong-pareho. Napalunok si Caroline, malamig naman ang buong kwarto pero ramdam niya ang init. Kahit na hindi siya nakatingin kitang kita niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status