Nagluto ng pagkain si Caleb dahil wala naman siyang ginagawa. Naiwan siyang mag-isa sa kwarto ni Caroline dahil pumasok ito sa kompanya. Nang matapos siyang magluto ay inilagay niya na sa lunch box ang mga pagkain saka siya nagtungo sa kompanya ng mga Adams. Nananatiling mahaba ang mga buhok at bigote niya dahil oras na nilinis niya ang sarili niya marami na ang posibleng makakilala sa kaniya.
Pinuntahan ni Caleb si Caroline para ihatid ang mga pagkain na niluto niya dahil wala naman siyang ginagawa pero nasa meeting ito kaya naghintay siya sa labas ng conference room. Nang matapos ang meeting ay nagsilabasan na ang mga tao sa loob ng conference room at pinagtitinginan siya ng mga ito.
Kilala niya ang ibang lumabas mula sa conference room pero hindi niya na lang pinagtuunan ng pansin ang mga ito. Si Caroline ang hinihintay niyang lumabas para lang ihatid ang mga pagkain. Ayaw niyang makulong sa loob ng bahay ng mga Adams dahil pakiramdam niya ay mababaliw siya.
“Bawal ang pulubi rito, paano ka nakapasok?” tanong ng isang lalaki. Tiningnan ni Caleb ang sarili niya pero hindi naman mukhang pulubi ang suot niya. Mahaba lang ang buhok at bigote niya. Tahimik lang si Caleb, walang pakialam sa panghuhusga sa kaniya dahil hindi niya rin naman gustong isiwalat ang tunay niyang pagkatao.
Samantala naman ay busy pa si Caroline makipag-usap sa ibang board of directors. Naagaw lang ang atensyon niya nang marinig niya ang tawag sa pangalan niya kaya mabilis siyang lumabas. Nakita niya naman si Caleb na pilit nang pinapaalis ng dalawang gwardya. Napalunok siya saka niya tiningnan ang ilang mga binata na nakatingin kay Caleb at pinagtatawanan ito.
“Let him go, I know him.” Saad ni Caroline sa mga gwardya kaya pinagtinginan siya ng mga board of directors at business partner ng kompanya nila.
“Is it true na asawa mo siya?” natatawang tanong ng isang babae. Hindi naman nakasagot si Caroline. Binitiwan na rin ng mga gwardya si Caleb kaya lumapit na si Caleb kay Caroline.
“No, he’s not, isa lang siya sa mga pulubing tinulungan ko.” Pagsisinungaling niya, nasaktan naman si Caleb sa sinabi ni Caroline. Hindi dahil itinanggi siya bilang asawa niya kundi dahil pulubi ang pakilala ni Caroline sa kaniya. Alam niyang ikinakahiya na siya ni Caroline dahil sa itsura niya.
Nang maiwan silang dalawa ay hinarap ni Caroline si Caleb.
“What are you doing here? Dapat nagstay ka na lang sa bahay.” Naiinis na wika ni Caroline. Sumeryoso naman ang mukha ni Caleb saka niya iniabot kay Caroline ang lunch bag.
“Nagluto ako for your lunch, pasensya na kung napahiya kita at naabala.” Blangko niyang wika. Nang hindi naman kinuha ni Caroline ang lunch bag ay hinawakan na ni Caleb ang kamay ni Caroline at inilagay dun ang lunch bag bago siya tuluyang umalis. Gustong magsorry ni Caroline pero pinigilan niya ang sarili niya dahil hindi niya naman inutusan si Caleb na pumunta ito sa kompanya.
Nang makalabas si Caleb sa kompanya ay lumayo pa siya ng kaunti. May humintong magandang sasakyan sa harap niya saka siya sumakay at umalis na. Nasa driver seat naman ang executive secretary niya.
“Wala ka pa rin bang balak na magpakita sa pamilya mo sir? Kinuha na ng inyong ina ang mga magagaling na detective at imbestigador para ipahanap kayo. Kailangan na rin kayo ng kompanya.” Pangungulit na naman ni Jasper. Sa tuwing umaalis siya ay palagi siyang nag-iingat dahil alam niyang pinapasundan siya ng ina ni Caleb.
Isinandal lang naman ni Caleb ang likod niya sa sandalan at tumingin sa labas ng bintana habang salubong ang mga kilay niya. Iniisip niya kung babalik siya sa mansion nila at balak niyang isama si Caroline, sasama ba ito? Naipilig niya na lang ang ulo niya. Bakit ba siya nakakaramdan ng awa kay Caroline gayong hindi pa naman niya ito lubusang kilala?
“Siya nga pala sir, nabalitaan kong nakatira kayo ngayon sa mga Adams. Kilala niyo po ba sila personally?” kuryosong tanong ng secretary niya.
“No, their daughter Caroline is my wife.” Sa gulat ni Jasper ay natapakan niya ang preno. Nauntog si Caleb dahil hindi siya nakasuot ng seatbelt. Masama niyang tiningnan si Jasper.
“Pasensya na po kayo sir, nagulat lang ako sa sinabi niya. Tama ba ang pagkakarinig ko? Asawa niyo ang anak nila? Siya ba yung babaeng kasama niyo nitong mga nakaraang linggo sa restaurant?” patuloy nitong tanong. Tanging tango lang naman ang isinagot ni Caleb saka muling tumingin sa labas ng bintana.
“Paanong naging asawa niyo? Wala naman akong nababalitaan na may karelasyon kayo? Madalas ko naman kayong bisitahin sa bar na pinagtatrabahuan niyo dati.” Kuryoso pa rin nitong saad. Blangko lanng naman ang mukha ni Caleb.
“Magagamit ko siya kapag bumalik na ako sa bahay para hindi na ako ipilit ni mommy kay Brianna na magpakasal. Ang ayaw ko sa lahat ay ang binabalikan ang cheater. I’m not stupid to marry her.” Seryosong sagot ni Caleb. Napatango-tango na lang si Jasper dahil akala niya ay magseseryoso na ulit sa babae ang boss niya.
Nang makarating si Caleb sa secret villa niya ay nahiga siya kaagad at isinindi ang aircon. Electric fan lang kasi ang gamit niya sa veranda ng kwarto ni Caroline. Ginawang unan ni Caleb ang dalawang braso niya saka siya tumitig sa kisame. Pinag-iisipan niya kung babalik na ba siya sa bahay nila para pamahalaan niya na ulit ang kompanya ng pamilya nila. Wala rin namang pakinabang sa pamilya nila ang nag-iisa niyang ate. Wala itong ginawa kundi ang magtravel at magshopping sa iba’t ibang bansa.
Kung aakitin niya ba si Caroline na sumama sa kaniya, sasama ba ito sa kaniya? Seryoso ang mukha ni Caleb at seryosong nag-iisip. Paano niya mapapapayag si Caroline? Kung isisiwalat niya ba ang tunay niyang pagkatao, tatanggapin ba siya ni Caroline?
Salubong na salubong na ang kilay ni Caleb. Napapaisip pa rin siya kung ano bang tunay na ugali ni Caroline. Kung malalaman ba nito ang tunay na pagkatao ni Caleb at ang kalagayan niya sa buhay, matutuwa ba si Caroline? Ipapakita na ba nito ang tunay niyang ugali? Paano kung katulad din ito ng ibang babae na nasisilaw sa pera? Didikit lang sa kaniya dahil sa pera at katayuan niya? Napangisi na lang si Caleb saka siya napailing dahil sigurado siyang matutuwa si Caroline kapag nalaman nitong galing sa mayaman si Caleb.
Bumalik na si Caroline sa kwarto niya para makapagshower. Hinayaan niyang tumulo sa katawan niya ang maligamgam na tubig. Nakatulala lang siyang nakatingin sa pader. Ngayon lang sila madalas magkausap ng kaniyang ama, ngayon lang siya madalas ipatawag dahil may kailangan sila. Mapapansin ba siya kung wala silang kailangan sa kaniya? Sa loob ng maraming taon nangungulila siya sa pagmamahal at atensyon ng isang ama pero hindi niya yun nakuha. Nasa iisang bahay sila pero sa tuwing nagkakasalubong sila tahimik lang silang pareho. Nilalampasan lang siya ng kaniyang ama.Kung hindi niya kaya nakilala si Caleb, mangyayari ba ang lahat ng ‘to? Mukhang kailangan niya ring pasalamatan si Caleb dahil kahit papaano ay natututunan niya ng lumaban at tumayo sa sarili niyang mga paa.Halos kalahating oras siyang nakaupo lang habang hinahayaan na dumaloy sa katawan niya ang tubig. Nang matauhan siya ay saka siya naligo.Bumaba na siya ng kwarto niya para kumain pero napansin niyang nasa sala ang pami
Hanggang ngayon hindi pa rin nakikipagkita si Caroline kay Caleb. Hanggang ngayon pa rin ay kinukulit siya ng kaniyang ama para ng sa ganun ay makapagsimula na ulit sila sa mga panibagong project. Nilalaro ni Caroline sa mga daliri niya ang hawak niyang ballpen. Iniisip niya kung ano bang kailangan niyang sabihin at gawin kay Caleb para pumayag na itong magfile sila ng annulment.Napayuko naman si Caroline habang sabu-sabunot niya ang mga buhok niya. Siya ang nag-alok kay Caleb na magpakasal sila tapos siya rin ang mangungulit kay Caleb na magfile na sila ng annulment?Papayagan ba silang magfile ng annulment kung wala naman silang sapat na dahilan na ipapasa sa korte? Bumuga ng hangin si Caroline. Kinuha niya na ang mga papel na nasa gilid ng lamesa niya at itinuon niya na lang dun ang atensyon niya. Nang matapos ang maghapon na yun ay dumiretso na siyang umuwi sa bahay nila. Naabutan niyang nasa sala si Aubrey at Isaac na nanunuod.Alam niya namang may malaking TV sa loob ng kwarto
Pagpasok ni Caroline sa kusina nila ay naabutan niyang umiinom ng tubig si Isaac. Hindi niya alam kung babalik na lang ba siya sa kwarto niya o hindi na lang papansinin si Isaac? Babalik na lang sana siya sa kwarto niya nang bigla siyang sinukin. Nauuhaw na talaga siya lalo na at katatapos niyang mag-exercise.Bakit ba ang aga pa lang ay nandito na sa bahay nila si Isaac?“Iinom ka ng tubig?” tanong ni Isaac sa kaniya. Hindi na lang sumagot si Caroline saka siya nanguha ng baso at kukuha sana ng panibagong tubig sa fridge nila nang harangin siya ni Isaac. Hawak-hawak ni Isaac ang isang lagayan ng tubig. Isinahod na lang din ni Caroline ang baso niya. Ramdam niyang nakatingin si Isaac sa kaniya pero hindi niya ito tiningnan.“Pasensya ka na pala sa lahat ng nagawa ko sayo. Pasensya na rin sa inasal ko sayo noong anniversary ng kompanya niyo.” Malumanay na saad ni Isaac. Nang mapuno ang baso ni Caroline ay tumalikod na siya kay Isaac saka niya ininom ang tubig at inilagay sa lababo ang
Abala si Caroline sa mga trabaho niya sa sarili niyang opisina. Itinuon niya na lang ang oras niya sa mga trabaho niya para hindi niya maalala si Caleb. Napatingin siya sa cellphone niya ng makita niya na namang may tumatawag dito. Alam niyang si Caleb ang tumatawag dahil kahapon pa ito tumatawag sa kaniya pero hindi niya sinasagot. Paano niya nalaman na number ito ni Caleb? Dahil sinagot niya ang tawag nito kahapon at sa boses pa lang ni Caleb ay kilalang kilala niya na ito.Ayaw niyang makipagkasundo kay Caleb. Kung makikipagkita man siya kay Caleb, wala silang ibang pag-uusapan kundi ang tungkol sa annulment nilang dalawa. Alam naman ni Caroline na gagamitin lang siya ng mga Adams para mapalapit sa mga Thompson at sigurado siyang magbabago ang pagtingin nila kay Caleb oras na nalaman nilang siya ang asawa niya. Ayaw niya namang gamitin ng pamilya niya si Caleb pagkatapos makatanggap nito ng mga masasakit na salita mula sa pamilya niya.Bumukas ang pintuan niya pero nakatuon pa rin
Hindi makapaniwalang tiningnan ni Caroline ang ex-boyfriend niya. Ang lakas ng loob nitong magloko pagkatapos ay sasabihin na siya ang gustong pakasalan? Napapailing na lang siya. Siya ang niloko pero tila ba ang ex-boyfriend niya ang naiwan.“Tigilan mo na ako Isaac, ikakasal ka na tapos ako pa rin ang iniisip mo?” natawa si Caroline pero seryosong nakatingin sa kaniya si Isaac.“Anong gusto mong gawin ko? Ikaw ang gumugulo sa isip ko at sa tuwing nakikita ko ang lalaking pinakasalan mo gusto ko siyang suntukin, gusto kong sirain ang pagmumukha niya. Bakit mo pa ba ako pinapahirapan Caroline? Alam ko namang mahal mo pa rin ako, nasaktan ka lang sa ginawa ko kaya mo pinakasalan ang lalaking yun. Handa akong hintayin ka hanggang sa magdivorce na kayong dalawa. Handa akong tulungan ka na makipag-annul sa kaniya para mapabilis ang paghihiwalay niyo just marry me after.” Ramdam ni Caroline ang pagiging seryoso ni Isaac. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ni Caroline, bakit naaawa siya
Simula nang huling makausap ni Caroline si Caleb ay hindi na ulit sila nagkita. Bahay at trabaho lang naman ang pinupuntahan niya. Ayaw niyang makita si Caleb ngayon at kung maaari lang sana ay huwag ng magsalubong ang mga landas nila. Bumaba na si Caroline sa mula sa kwarto niya. Naabutan niya namang abala si Aubrey sa pag-aasikaso para sa magiging kasal nila ni Isaac. Inilibot ni Caroline ang mga mata niya hindi niya naman makita si Isaac kaya nakahinga siya ng maluwag. Ayaw niya ng gulo.Nang makita ni Aubrey si Caroline ay ngumisi ito.“Ikinukulong mo ang sarili mo dahil iniwan ka na ng pulubi mong asawa?” pang-aasar ni Aubrey. Hindi naman siya pinansin ni Caroline. “I’m sure, marami na siyang ninakaw sa bahay natin pero hindi lang natin alam.” Masama namang tiningnan ni Caroline si Aubrey dahil sa pagbibintang na naman nito kay Caleb na wala namang proweba. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng pamilya ni Caroline na si Caleb na asawa niya ay si Caleb Thompson na CEO ng Thompso