Share

Kabanata 38.2

Author: Rhea mae
last update Last Updated: 2025-08-25 00:01:12

Hindi maipaliwanag ni Kirsten ang kasiyahan na nararamdaman niya. Masayang masaya siya para sa kapatid niya. Kung sa mga nakalipas na mga taon ay hindi sila magkasundo at palaging magkakontra ang mga gusto nila ngayon naman ay sinusuportahan na nila ang isa’t isa. Yun lang naman ang hiling niya kung sakaling mag-asawa ang kapatid niya, susuportahan niya ito sa lahat basta kasundo niya ang magiging asawa ni Caleb.

“I’ll be the happiest sister in the world for the both of you. Excited na akong makita sila.” Natutuwang saad ni Kirsten habang nakatingin sa dalawang cake.

“Kumain muna tayo bago natin hiwain ang cake.” Saad ni Caleb. Nagsimula naman na silang kumain at lahat sila ay nagustuhan ang mga pagkain.

“Ano nga palang sabi sayo ng doctor mo? Kaya mo bang i-normal ang mga baby?” tanong ni Elsie ha

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Alfonso Gilec
More updates please
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 44.3

    Dumating na ang araw na kailangan na munang umalis nina Caroline. Inilalagay na ng mga katulong nila ang mga bagahe nila sa van na pagsasakyan nila. Nasa sala naman silang mag-asawa. Mahigpit na nakayakap si Caleb kay Caroline at ganun din si Caroline. Ayaw sana nilang maghiwalay pero kailangan.Bahagyang kumalas sa pagkakayakap si Caleb saka niya tinitigan ang mga mata ng asawa niya. Hinaplos niya ang buhok ni Caroline saka niya ito hinalikan sa noo.“Tatawag ako ng madalas. Kapag naboboring ka at gusto mong lumabas, magsabi ka lang kay Ate Kirsten para maipasyal niya kayo ni lola. Kapag may nararamdaman ka magsabi ka kaagad, naiitindihan mo? Huwag mong babalewalain ang mga nararamdaman mo.” Pagbibilin ni Caleb. Tumango naman si Caroline saka muling inihilig ang ulo sa dibdib ni Caleb.“Mag-iingat ka rin dito. Kapag wala kang

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 44.2

    Sabay-sabay silang kumain ng dinner. Pinag-iisipan ni Caleb ang sasabihin niya. Nakatulala siya habang ngumunguya. Bumalik na lang siya sa wisyo ng mapansin niyang may kumakaway na kamay sa harap niya. Ikinurap-kurap niya ang mga mata niya saka niya tiningnan ang asawa niya.“Kanina ka pa tulala, may iniisip ka ba?” tanong nito. Napatikhim naman si Caleb saka niya tiningnan ang ate niya na tahimik lang namang kumakain.“Ilang araw ko na kasing pinag-iisipan kung ilalayo na muna kita dito.” Wika niya na. Napatingin na sa kanila si Kirsten maging si Elsie. Natahimik naman si Caroline. “Love, iniisip ko lang ang kaligtasan mo at ng mga magiging anak natin. Masyado pang magulo kaya pinag-iisipan ko kung mas mabuting magstay muna kayo sa ibang bansa.” Saad niya. Kinakabahan na baka magalit sa kaniya ang asawa niya. Tipid namang ngumiti si Caroline.

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 44.1

    Pauwi na sana si Kirsten nang bigla siyang harangin ni Jayvie. Napapairap na lang si Kirsten dahil hindi siya tinitigilan nito. Iiwas na lang sana siya pero hinawakan siya ni Jayvie sa kamay. Inis naman inalis yun ni Kirsten.“Ano ba?! Sinabi ko na sayong huwag na huwag mo akong hahawakan, diba?! Nakakadiri ka!” wika niya saka niya kinuha ang alcohol niya at nilagyan ang parteng hinawakan ni Jayvie.“Ayaw mo ba talaga akong kausapin?” mahinahon na saad ni Jayvie.“Hindi mo ba ako titigilan?” may diin namang wika ni Kirsten.“Paniwalaan mo naman ako oh. Hinanap kita, Kirsten, pero dahil iba-ibang bansa ang pinuntahan mo sa mga nakalipas na taon nahirapan akong hanapin ka. Kailan mo ba ako paniniwalaan na hindi talaga kita niloko? Walang nangyari sa amin ni Shaira. Ipin

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 43.3

    Pagsapit ng gabi ay nakatulala lang na nakatingin si Caleb sa kisame. Tiningnan niya ang asawa niyang mahimbing ng natutulog sa tabi niya. Kinuha ni Caleb ang hotdog sa tabi ni Caroline saka ito dahan-dahan na ipinalit sa kaniya. Nakayakap si Caroline sa kaniya, gusto niyang lumabas muna ng kwarto kaya ipinalit niya ang hotdog ng sa ganun ay yun ang yakapin muna ng asawa niya. Nang makawala siya sa asawa niya ay dahan-dahan siyang bumaba ng kama. Lumbas na muna siya ng kwarto.Dumiretso siya ng kusina para manguha ng alak. Nang makakuha siya ay nagtungo siya ng pool. Nilagyan niya ng alak ang baso niya saka niya ito ininom. Iniisip niya kung ano bang dapat niyang gawin. Ayaw niya ng maulit ang nangyari ngayong araw. Hindi niya alam kung ano pang kayang gawin ng mga taong yun sa asawa niya.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Caleb. Muli siyang nagsalin ng alak sa ba

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 43.2

    Nang makarating sila ng prisinto ay nasa interrogation room na ang dalawang binatilyo. Pareho silang nakayuko habang tinatanong ng isang pulis. Nasa labas naman si Caleb at Jasper habang nakatingin sa tinted na salamin kung nasaan ang dalawang binatilyo.“Umamin na ba sila?” tanong ni Caleb.“Kasisimula pa lang sir ng pagtatanong sa kanila.” Sagot naman ng pulis. Seryosong nakatingin si Caleb sa dalawang binatilyo. Hindi niya kilala ang mga ito dahil sigurado namang outsider sila sa subdivision.“Bakit niyo ginawa yun? Saan niyo nakuha ang mga granadang ginamit niyo?” tanong ng pulis. Takot na takot naman na ang dalawang binatilyo.“Pasensya na po sir, hindi po namin alam na granada po pala yung ibinato namin. Inutusan lang kami ng isang lalaki na ipadala yung regalo.

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 43.1

    Nasa hardin si Caroline habang nagbabasa ng libro tungkol sa pagiging first time mom. Sumimsim siya ng juice niya habang nasa libro pa rin ang paningin niya. Halos tumalon ang puso ni Caroline nang may marinig siyang tila pagsabog. Mabilis niyang binitiwan ang hawak niyang baso at itiniklop ang libro. Papasok sana siya sa loob nang mapayuko siya ng muli niyang marinig ang pagsabog. Rinig niya na ang pagkakagulo ng mga kasambahay sa loob. May narinig na rin siyang putok ng mga baril kaya napapalunok na lang siya.“Caroline, apo!” malakas na sigaw ni Elsie. Tumayo naman si Caroline saka pinuntahan ang lola niya. “Pumasok ka sa kwarto mo, bilisan mo!” natataranta ng wika ni Elsie.“Ano bang nangyayari lola? Saan galing ang pagsabog na yun at ang putok ng mga baril?” hindi niya mapigilang itanong. Hinila naman na siya ni Elsie paakyat ng kwarto nila.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status