Habang nag-oorder ng pagkain sa counter si Caroline ay may lalaki namang lumapit kay Caleb.
“Sir, you’re here, kailan ba kayo babalik sa mansion? Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa inyong ina sa tuwing nagtatanong siya sa akin kung nasaan ka. Nakahanda na ang sasakyan niyo sa labas pabalik ng mansion.” Wika ng lalaki kay Caleb. Tiningnan naman muna ni Caleb si Caroline na nasa counter at kausap pa ang nasa front desk.
“Just tell her na hindi mo alam kung nasaan ako that’s it. Don’t you dare to tell her where I am, if you do, you will become a dead meat.” Maawtoridad at malamig na wika ni Caleb sa secretary niya. Isang taon na ang nakalipas simula nang umalis si Caleb at itago ang tunay niyang pagkatao. Pagod na pagod na siya sa pangungulit ng kaniyang ina na pakasalan niya ang ex-fiancee niya. Tinataguan niya rin ang mga taong gusto siyang patayin, gusto niyang malaman kung sino sa kompanya niya ang gusto siyang pabagsakin at patayin.
“Leave now, hindi ka pwedeng makita ng asawa ko.” Wika ni Caleb na ikinagulat ng secretary niya. Isang taon lang nawala ang Boss niya pero may asawa na ito?
Nang bumalik si Caroline sa table nila ay umalis na rin ang secretary ni Caleb.
“Who is that? Do you know him?” tanong ni Caroline saka niya sinundan ng tingin ang lalaking papalabas na ng restaurant. Napakunot ng noo si Caroline dahil sa itsura at paraan pa lang ng pananamit ng lalaki ay para bang nagmula siya sa mayamang pamilya.
“I don’t know him, may itinanong lang siyang lugar na hindi ko rin naman alam.” Sagot ni Caleb na ikinatango na lang ni Caroline. Nagsimula na silang kumain at pansin ni Caleb ang pananahimik ni Caroline. Alam niyang malalim ang iniisip nito.
“Pwede ko bang malaman kung anong dahilan kung bakit gusto mong magpakasal kaagad? Is it because of pressure from your family or may iba pang dahilan?” kuryosong tanong ni Caleb habang kumakain. Ilang segundo pa ang lumipas bago sumagot si Caroline.
“My boyfriend cheated on me, I saw him having sex with my sister.” Natawa at napailing na lang si Caleb.
“So, you marry me for revenge? Do you think this is a good idea or pinagsisisihan mo na sa mga oras na ‘to ang naging desisyon mo? Wala ka sa sarili mo nang pakasalan mo ako. What are you going to do kapag nagising ka na?” napatingin si Caroline kay Caleb, seryoso ito at sa paraan ng pakikipag-usap ni Caleb para bang nagmula ito sa elite family na may mataas na pinag-aralan. Naipilig na lang ni Caroline ang ulo niya, paanong magiging member ng elite family si Caleb gayong sa itsura pa lang niya, alam niya ng sa mahirap na pamilya ito nagmula.
Hindi sinagot ni Caroline si Caleb at nagpatuloy na lang siyang kumain. Nang matapos silang kumain ay bumalik na rin sila sa bahay nina Caroline. Hindi alam ni Caroline kung paano niya haharapin ang kaniyang ama dahil sigurado siyang galit pa rin ito kaya dumiretso na siya sa pool area.
Samantala naman nang malaman ni Isaac ang pagpapakasal ni Caroline ay pinuntahan niya kaagad ito.
“Totoo ba na nagpakasal ka sa isang lalaking mas mahirap pa sa daga?” tanong ni Isaac saka niya mahigpit na hinawakan sa braso si Caroline. “Yes, I made a mistake pero bakit hindi mo na muna ako kinausap? It’s just a sex, Caroline, pero ikaw nagpakasal sa lalaking hindi mo kilala? Sa ginawa mo, pinalaki mo lang yung gulo! Kaya kong itama ang pagkakamali ko pero ang pagpapakasal mo, mababago mo pa ba yun?!” galit na galit na saad sa kaniya ni Isaac.
“Let me go, Isaac.” Ani ni Caroline habang pilit niyang inaalis ang pagkakahawak ni Isaac sa kaniya pero hindi siya pinakawalan ni Isaac. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin kay Caroline.
“Are you kidding me? Pipiliin mo ang lalaking yun over me? Ano bang meron ang lalaking yun? Mabibigyan ka ba niya ng magandang buhay?! Anong pamilya ba siya nabibilang or should I ask kung saang basurahan mo siya nakita?” nanggagalaiting tanong ni Isaac. Hindi matanggap na ipinagpalit siya ni Caroline sa lalaking walang kayamanan.
“Just leave me alone at magfocus ka na lang kay Aubrey.” May diing wika ni Caroline at pilit pa ring inaalis ang pagkakahawak ni Isaac sa kaniya pero mas lalo iyung hinigpitan ni Isaac.
“Ouch! You’re hurting me,” daing ni Caroline.
“I-divorce mo ang lalaking yun and marry me instead.” Ani ni Isaac.
“No, hindi ko pakakasalan ang katulad mong manloloko. Bakit sa dami ng babaeng pwede mong ikama, bakit ang kapatid ko pa?! Bakit?! Nasasaktan ka dahil nagpakasal ako sa ibang lalaki? Hindi mo ba naiisip kung gaano akong nasasaktan dahil may nangyari sa inyo ni Aubrey. Kahit na sabihin mo it’s just a sex, para sa akin hindi lang yun sex! You broke my heart, Isaac!” nasasaktang sigaw ni Caroline. Napapadaing na lang siya dahil lumulubog na ang mga kuko ni Isaac sa braso niya.
“It hurts!” daing ni Caroline.
Nang makita ni Caleb ang pananakit ni Isaac kay Caroline ay mabilis niya itong itinulak palayo kay Caroline saka niya hinila palapit sa kaniya si Caroline.
“Are you okay?” tanong ni Caleb, tumango lang naman si Caroline pero nag-iwan ng bakas ang mga kuko ni Isaac sa braso niya. “Leave her alone,” wika ni Caleb kay Isaac pero ngumisi lang si Isaac.
“And what are you going to do? Wala kang magandang edukasyon, ni hindi namin alam ang pinanggalingan mo, wala kang maipagmamalaking kayamanan. Alam ko naman na pumayag ka kaagad na pakasalan si Caroline para makaahon ka sa hirap. Ang mga katulad mo, gagamitin mo lang si Caroline. Pilit na isisiksik ang sarili para lang makawala sa kahirapan.” Panlalait ni Isaac saka niya tiningnan si Caroline. “You will regret choosing this trash, Caroline. Sisiguraduhin kong gagapang ka pabalik sa akin.” Dagdag pa ni Isaac saka siya umalis.
Inalis ni Caroline ang pagkakahawak ni Caleb sa kaniya saka siya naupo sa bench. Napansin naman ni Caleb na dumudugo na ang sugat ni Caroline dahil sa mga kuko ni Isaac. Pumasok sa loob ng bahay si Caleb para manguha ng first aid kit saka niya binalikan si Caroline.
“What are you doing? Don’t touch me,” masungit na wika ni Caroline pero hindi siya binitiwan ni Caleb.
“Lilinisan ko lang ang sugat mo at lalagyan ng ointment, gusto mo bang mag-iwan ‘to ng scar sa braso mo?” masungit ding saad ni Caleb. Napapairap na lang si Caroline pero hinayaan niya na lang si Caleb sa gusto niyang gawin.
Sumapit ang dinner time nila, magkakasabay silang lahat na kumain. Kasama na rin nila si Caleb sa hapag kainan.
“Seryoso ka ba talaga Caroline na isasama mo ang lalaking yan sa harap namin para kumain?” nakataas ang kilay na saad ni Emily, ang stepmother ni Caroline.
“Hindi ba mas bagay sayo na sa sahig kumain? Ganun naman kayo sa pinanggalingan mo diba? Ang kapal naman ng mukha mong sumabay sa amin dito sa hapag kainan na kumain.” Masungit ding wika ni Aubrey.
“Bigyan niyo naman ng respeto ang asawa ko.” Seryosong wika ni Caroline, hilaw namang natawa sa kaniya ang stepmom niya.
“Nang dumating ka dito sa pamilya na ‘to, tinanggap ka namin kasama ang lola mo tapos ngayon magdadagdag ka pa ng pakakainin? Gusto mong bigyan namin ng respeto ang asawa mo? Binigyan mo ba kami ng respeto ngayong ihaharap mo sa amin ang pulubi mong asawa?” nandidiring saad ni Emily.
“That’s enough, kumain na lang kayo ng tahimik.” Pagpipigil ni Winston sa pamilya niya.
“But Dad, wala ka man lang bang gagawin para paalisin ang asawa ni Caroline? Paano kung may sakit pala yan, mahahawaan tayo, gagamitin niya rin ang mga ginagamit natin.” Reklamo pa rin ni Aubrey.
“Oh really, Aubrey? Ikaw ba? Hindi ka ba nandiri na nakipagsex sa boyfriend ng iba?” anas ni Caroline na ikinangitngit ng mga ngipin ni Aubrey.
“I said, enough! Kakain ba kayo o mag-aaway na lang? One more word, itatapon ko sa inyo ang mga pagkain na nasa harapan.” Galit na wika ni Winston. Tumahimik naman na ang pamilya niya at walang nagawa kundi ang kumain.
Tahimik lang naman si Caleb, napapaisip siya kung bakit para bang galit na galit kay Caroline ang kaniyang ina at ang kapatid niya. ‘Is she an illegitimate daughter?’ tanong ni Caleb sa isip niya saka niya tiningnan si Caroline na tahimik nang kumakain.
Nang matapos silang kumain ay dumiretso na si Caroline sa kwarto niya, nakasunod naman sa kaniya si Caleb. Nagtungo ng balcony si Caroline at akma sanang magsisindi siya ng sigarilyo nang kunin yun ni Caleb sa kaniya.
“Hindi mo ba alam na masama ‘to sa kalusugan mo?”
“Bakit ka ba nangingialam? Pinakasalan lang kita for revenge pero sa tingin ko mas pinalala ko lang ang sitwasyon. From now on, you’re just my husband in paper. Hindi mo pakikialamanan ang personal kong buhay.” Naiinis niyang wika saka siya tumingin sa kawalan.
“What are you in this family? Hindi mo ba tunay na ina ang kasama natin sa hapag kainan kanina?” kuryoso pa rin niyang tanong.
“She’s my stepmother,” tipid niyang sagot na ikinatango na lang ni Caleb. Hindi na inabala ni Caleb si Caroline at hinayaan niya na itong mapag-isa sa veranda. Inilibot ni Caleb ang paningin niya sa loob ng kwarto ni Caroline. Maliit pa ito kumpara sa kwarto niya sa mansion nila. Pansamantala siyang nakatira sa isang condo at nagtatrabaho bilang waiter sa bar-restaurant kung saan niya nakilala si Caroline.
Hindi niya alam kung hanggang kailan siya mananatili rito sa bahay ng mga Adams.
“Adams?” mahinang wika ni Caleb dahil para bang naaalala niyang may partnership ang Adams sa kompanya nila. Napapangisi na lang siya pero wala siyang planong isiwalat ang tunay niyang pagkatao.
Thank you for reading my story until the end. So much appreciated po sa mga sumuporta sa story kong ito lalo na sa mga dati ko ng readers. Thank you po sa paghihintay ng pagpublish ko ng mga bagong story. Baka gusto niyo rin pong basahin ang isa kong ongoing na story title, CHASING MY BEAUTIFUL DOCTOR. Sana suportahan niyo rin po ang isusulat ko pang mga stories. Pafollow na lang po ako para kung sakaling may bago po akong story, may mareceive po kayong notification. May isusunod na po ako ulit na story title TAMING THE CRAZY TYRANT HEIR kung sakaling maaprobahan. Sana basahin niyo rin po pero bago ko ipublish yun, tatapusin ko muna yung isa ko pang story. Kayo po na mga readers, mas prefer niyo po ba talaga ang taguan ng anak, secretary x CEO, contract marriage, arrange marriage, one night stand? Gusto ko sanang sumubok ng ibang daloy ng story pero dahil mas masusunod ang readers, natatakot akong gumawa dahil baka langawin lang at ayaw ko namang mangyari yun dahil mas gusto ko yung
Naghintay pa siya ng halos limang minuto bago dumating si Caleb. Sumakay naman siya kaagad sa passenger seat saka niya matamis na nginitian ang asawa niya.“Kumusta? Ayos lang ba pakikipagkita mo sa kanila?” tanong ni Caleb. Masigla namang tumango si Caroline.“Oo naman, Aubrey is not mad at me. She also apologize. Alam mo ba love, gumaan yung dibdib ko. Alam mo yung parang nabunutan ka ng tinik? Ganun yung nararamdaman ko ngayon. Alam kong hindi pakitang tao yung ginawa ni Aubrey sa akin, I feel it, I feel that she’s sincere.” Tuwang-tuwang pagkwekwento ni Caroline dahil nakangiti pa ito. Natutuwa naman sa kaniya si Caleb. He is happy because his wife now has peace of mind.“You happy?” tumango-tango naman si Caroline na para bang isang bata. Napapangiti na lang si Caleb. “I’m glad that you’re happy.” Dagdag pa ni Caleb dahil sa tuwing nakikita niyang kinikilig sa tuwa ang asawa niya ay masaya na rin siya.Dumiretso na silang dalawa sa kulungan kung saan nakakulong si Emily. Nang mak
Bago ang oras ng fireworks ay naghanap na sila kaagad ng magandang pwesto para makita rin ng kambal ang makulay na kalangitan. Magkahawak kamay silang mag-asawa habang nasa stroller pa rin ang kambal. Masaya ring nakangiti si Elsie dahil ngayon lang siya nakakapag-out of country.“It’s so beautiful,” usal ni Caroline habang namamanghang pinapanuod ang sunod-sunod na pagputok ng fireworks.“Mas maganda ka pa rin diyan love.” Wika ni Caleb.“Nambobola ka na naman.”“Hindi naman ako nambola kahit kailan sayo love.” Sagot naman niya. Napapangiti na lang si Caroline. Tahimik nilang pinanuod ang magagandang fireworks hanggang sa matapos ito. Nang tingnan nila ang kambal ay pareho nang nakatulog kaya hinayaan na lang nila ito.Masaya silang namasyal maghapon. Nang matapos ang fireworks ay bumalik na sila sa hotel para makapagpahinga dahil panibagong pasyal na naman kinabukasan.Nauna nang magshower si Caroline habang si Caleb ang nagbabantay sa kambal. Maaga ring nakatulog si Elsie dahil sa
Napagdesisyunan nilang i-celebrate ang 6 months ng kambal sa Disneyland kasama si Kirsten, Elsie at Jasper. Matapos ang kasal ng mag-asawa ay umuwi na rin ng Pilipinas si Jasper dahil marami siyang trabaho na kailangan niyang gawin. Hindi na rin sila nagkita ni Kirsten simula noon. Bihira rin sila mag-usap sa cellphone dahil kay Jasper ibinigay lahat ng trabaho.Magkikita kita na lang sila sa Hong Kong. Madaldal at palatawa na rin ang kambal sa tuwing kinakausap ang mga ito. Maingay na rin sila kaya sila ang halos bumuboses sa loob ng bahay.“Bukas ng gabi tayo manunuod ng fireworks.” Wika ni Kirsten habang nakatingin siya sa listahan ng gagawin nila. Nasa hotel na sila at nagpapahinga. Sisimulan na rin nilang mamasyal pagkatapos nilang makapagpahinga at kumain.Nang matapos silang kumain ay dumiretso na sila sa lugar na pupuntahan nila. Tig isa ng stroller ang kambal kaya hindi sila nahihirapan na buhatin ang mga ito. Tuwang-tuwa rin ang kambal dahil marami na naman silang nakikita.
Nang matapos ang kasal nila ay umuwi rin sila kaagad sa bahay nila. Nagbook ng hotel si Kirsten para sana sa unang gabi nila pero hindi na pumunta si Caroline at Caleb dahil hindi kaya ni Caroline na lumayo sa mga anak niya.Si Kirsten at Elsie ang nag-alaga sa mga bata at hinayaan na makapagpahinga ang mag-asawa. Hindi rin nila muna pinapunta ang mga magulang nila sa bahay nila kaya dumiretso ang mga ito sa hotel. Hindi pa sila close para papuntahin ang mga ito sa bahay nila.Napabuntong hininga naman si Zara nang makarating sila sa hotel. Kinuha niya ang cellphone niya sa bag niya saka niya tiningnan ang mga picture niya kasama ang kambal. Napapangiti na lang siya kapag nakikita niya ang picture ng kambal.“They are so adorable,” wika niya. Nagbibihis naman si Henry ng marinig niya yun.“Akala ko hindi mo na matatanggap ang mga apo mo kay Caleb.” Saad nito. Napabuntong hininga naman si Zara.“Akala ko kaya ko silang i-ignore pero hindi pala. Mas lamang pa rin ang dugo kesa tubig. Ng
Inilibot ni Caroline ang mga mata niya. Ngayon pa lang niya makikita kung sino ang mga bisita nila. Nang maramdaman niyang may nakatitig sa kaniya ay tiningnan niya ito. Sumalubong naman sa kaniya ang mga mata ng ina ni Caleb. Alam niyang imbitado rin ito pero hindi niya akalain na pupunta ito lalo na at ibang babae ang gusto nito para kay Caleb. Bahagyang yumuko si Caroline saka niya iniwas ang paningin niya.Muli niyang tiningnan ang ibang bisita nila. Napatingin naman siya sa lumapit sa kaniya. Tipid siyang ngumiti ng makita niya ang kaniyang ama. Bahagya itong nakangiti sa kaniya, tila ba napakalungkot ng mga mata niya.“Congrats anak, masaya ako dahil may sarili ka ng pamilya ngayon. Ang dami kong pagkukulang sayo, ang dami kong kasalanan sayo. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kung gaano ka kahalaga sa akin bilang anak ko. Naging bunga ka man ng isang pagkakamali pero sana alam mong minahal ko rin ang mama mo. Mali, hindi ko dapat sabihin na bunga ka ng isang pagkakamali dah