Malapit na ang birthday party ni Marianna Adams, ang lola ni Caroline sa father side. Lahat sila ay dadalo sa birthday party. Tiningnan ni Caroline ang itsura ni Caleb at sa itsura nito baka hindi siya payagang pumasok sa Adams Mansion. Ipinatawag ni Caroline ang designer at glam team niya. Mabilis namang dumating ang mga ito at may dala-dala na silang mga bagong suit ng panlalaki.
“Anong gagawin natin?” kuryosong tanong ni Caleb nang paupuin siya ni Caroline.
“Kailangan lang natin ng kaunting make-over. Gugupitan natin ang mahaba mong buhok, lilinisin natin ang bigote mo at mamimili tayo ng isusuot mo for my grandma’s birthday.” Anas niya, mabilis namang tumayo si Caleb.
“Wala kayong babaguhin sa itsura ko, pwede mong palitan ang mga damit ko pero huwag mong pakikialamanan ang itsura ko.” Seryoso at malamig na wika ni Caleb na bahagya pang ikinagulat ni Caroline.
“Pero sa itsura mo I’m sure pagtatawanan ka at huhusgahan ng mga bisita ni Lola.” Wika ni Caroline pero hindi pa rin pumayag si Caleb.
“Yun lang ba talaga ang iniisip mo o nahihiya ka lang dahil ganito ang itsura ko?” seryoso pa ring saad ni Caleb. Napapahilot na lang si Caroline sa sintido niya nang umalis si Caleb. Ayaw ni Caleb na baguhin ang sarili niya dahil oras na may nakakita sa kaniya sa birthday party ni Marianna Adams at nakilala siya, posibleng ipasundo na siya ng kaniyang ina.
Nang makaalis ang designer at glam team ni Caroline ay hinanap niya kaagad si Caleb. Nakita niya naman ito sa hardin at nakaupo sa duyan habang nakatingin sa kawalan. Naupo si Caroline sa bahaging dulo ng duyan saka niya tiningnan si Caleb.
“Bakit ayaw mong gupitan ang buhok mo at linisin ang bigote mo? 28 ka pa lang at hindi nagkakalayo ang edad nating dalawa pero sa itsura mo mas matanda ka pang tingnan sa mga 40 years old.” Mahinahon na saad ni Caroline.
“I have my own reasons,” tanging sagot ni Caleb.
“May tinataguan ka ba? May malaki ka bang utang, sangkot sa droga, may kasalanan sa batas? Anong dahilan para pahabain mo ng ganiyan kahaba ang buhok at bigote mo?” napalunok si Caroline nang masama siyang tiningnan ni Caleb. Mabilis niyang iniwas ang paningin niya dahil para bang papatayin na siya ni Caleb sa paraan ng pagtingin nito sa kaniya.
“Alam mo, akala ko pa naman naiiba ka sa pamilya mo. Hindi ka tumitingin sa panlabas na kaanyuan ng isang tao pero sa mga tanong mo, para bang sinasabi mong isa akong kriminal na nagtatago. Huwag kang mag-alala, hindi ako katulad ng iniisip mo. Mayaman naman ang pamilya mo diba? Kayang kaya nila akong ipakulong.” Masungit na sagot sa kaniya ni Caleb. Naguilty naman si Caroline sa mga sinabi niya. Hindi niya lang maiwasan na hindi mag-isip ng hindi maganda tungkol kay Caleb dahil hindi niya naman ito kilala.
“Where’s your family?” pag-iiba ni Caroline ng tanong. “You’re my husband now, gusto lang kitang makilala.”
“Ako na lang ang meron ako.” Tipid na sagot ni Caleb, naiinis naman si Caroline dahil napakasungit ni Caleb sumagot sa kaniya pero kinalma niya na lang ang sarili niya kesa mag-away sila ni Caleb.
“Wala ka ng pamilya?” tanong pa ni Caroline kaya masama siyang tiningnan ni Caleb. Nakagat na lang ni Caroline ang pang-ibaba niyang labi saka siya tumango-tango. Hindi pa ba naging malinaw ang sagot ni Caleb?
Sumapit na ang birthday party ng lola Marianna nila at gaganapin ito sa Adams mansion. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Caroline dahil hanggang ngayon hindi niya nakukumbinsi si Caleb na pagupitan ang buhok niya at linisin ang mga bigote niya.
Ayaw sana isama ni Caroline si Caleb pero huli na ang lahat dahil nalaman na ng lola Marianna niya ang pagpapakasal niya. Binigyan ni Caroline ng suit si Caleb pero hindi nagbago ang itsura nito. Mahaba at gulo-gulo pa rin ang buhok ni Caleb, mahaba rin ang mga bigote niya.
“Kailangan ko ba talagang sumama sa party? Hindi ba pwedeng maiwan na ako rito?” ani ni Caleb habang inaayos ang necktie niya.
“Nalaman na ni Lola Marianna ang pagpapakasal ko kaya wala na akong magagawa kundi ang isama ka. Ito lang ang pakiusap ko sayo, huwag kang gagawa ng gulo at huwag kang lalayo sa akin.” Habilin ni Caroline.
Nang maging handa na silang lahat ay sabay-sabay na silang umalis ng bahay nila sakay ng magkakaibang sasakyan. Nauna nang pumasok ang pamilya ng Daddy niya, sumunod naman silang dalawa ni Caleb. Masayang sinalubong ng ibang bisita ang pamilya nina Caroline pero ng makita nila ang kasama ni Caroline ay gumuhit sa mga mukha nila ang panghuhusga.
“Who is he?” kuryosong tanong ng isang matandang babae kay Winston. Tiningnan naman nila si Caleb na walang pakialam.
“He’s Caroline husband, senorita.” Nakangiting sagot ni Aubrey sa matanda. Nagulat naman sila dahil hindi nila inaasahan na ikinasal na pala ang isang anak ni Winston sa lalaking tila wala pang pinag-aralan.
“Are you okay, mija? Sabihin mo lang sa amin kung tinatakot ka ng lalaking yan.” Ani ng isang matanda kay Caroline. Tiningnan nila si Caleb na blangko lang na nakatingin sa kanila tila ba walang pakialam kahit husgahan pa siya.
“Winston, mijo,” masayang saad ni Marianna, ang ina ni Winston saka niya ito hinalikan sa pisngi. Isa-isa ring nginitian ni Marianna ang pamilya ni Winston hanggang sa makita niya si Caroline at ang lalaking katabi nito.
“Security, bakit niyo hinayaan na may makapasok na pulubi rito? Get him out.” Utos ni Marianna sa mga security niya.
“No, please, stop. He’s not a beggar, he’s my husband grandma.” Wika ni Caroline saka niya itinago sa likod niya si Caleb. Narinig naman yun ng ibang bisita ni Marianna. Hindi pa man nagsisimula ang program pero tila ba nasira na ang gabi ni Marianna. Tiningnan ni Marianna ang mapanghusgang mga mata ng mga bisita niya at pinagtatawanan na rin sila ng mga ito.
Sa kahihiyang naramdaman ni Marianna ay pinapasok niya sa loob ng bahay ang pamilya niya.
“Who is he, Caroline?! Siya ba ang ipinagpalit mo kay Isaac? What are you thinking?!” galit na galit na sigaw sa kaniya ng lola niya. Napapayuko na lang si Caroline habang kunot noong pinagmasdan ni Caleb ang pamilya ni Caroline. Tila ba lahat ng pamilya ni Caroline ay walang ibang nakikita kundi ang pagkakamali ni Caroline.
“Yeah, he is grandma. Hinahayaan ni Caroline na makasabay namin siya sa hapag kainan at nakakahiya na rin sa mga nakakakilala natin na ang asawa niya ay isang….” Tiningnan pa ni Aubrey si Caleb na tila ba nandidiri siya. “Ugh! This is disgusting, paano kung may sakit pala siya?” dagdag pa ni Aubrey. Napapangisi lang naman si Caleb habang pinapakinggan niya ang pamilya ni Caroline. Tiningnan niya na rin si Caroline na tahimik lang tila ba hindi niya alam kung paano niya ipagtatanggol ang sarili niya.
“Caroline, is this true? Answer me and tell me that you’re just joking!” galit pa ring saad ni Marianna.
“I am not, grandma.” Nakayukong sagot ni Caroline.
Akma sanang sasampalin ni Marianna si Caroline nang mabilis na humarang si Caleb kaya siya ang sumalo nang sampal na dapat ay kay Caroline.
“Don’t hurt her, Mrs. Adams, please.” Pakiusap ni Caleb pero maging siya ay sinampal ni Marianna.
“Ang kapal ng mukha mong nagpakasal sa apo ko, hindi ka nabibilang kahit sa anong pamilya, paano kita matatanggap?! Sinisira mo lang ang imahe ng apo ko at ng pamilya namin! And you came here without any gift for me?! What a shame!” galit na sigaw sa kaniya ni Marianna. Hindi akalain ni Caleb na mahalaga pala sa pamilya ni Caroline ang kapangyarihan. Mayaman ang pamilya nila at ang gusto rin nilang lalaki para kay Caroline ay nagmula rin sa mayamang pamilya.
“Don’t hurt my granddaughter, Marianna. Oo, nagkamali siya dahil nagpakasal siya ng hindi man lang sinasabi sa atin pero huwag niyo siyang sasaktan.” Pag-aawat na rin ni Elsie, ang lola ni Caroline sa mother side niya.
“Huwag mong pakikialamanan ang pamilya ko, Elsie. Magpasalamat na lang kayo dahil tinanggap ko pa si Caroline bilang apo ko kahit na anak lang siya ng anak mong malandi.” May diing wika ni Marianna. Hinila naman na ni Elsie ang apo niya palabas ng Adams mansion. Ayaw na ayaw niyang ipinapahiya ng mga Adams ang apo niya at ang anak niyang matagal ng nananahimik sa libingan.
Tahimik silang tatlo na sumakay ng sasakyan. Gusto nang bumagsak ng mga luha ni Caroline pero pinigilan niya yun. Ayaw niyang umiyak nang may nakakakita sa kaniya.
“Defend yourself sometimes, Caroline. Walang ibang makakatulong sayo kundi ang sarili mo. Kung hahayaan mong aapihin ka na lang ng pamilya ng ama mo, walang mangyayari sa buhay mo. Patuloy ka pa rin nilang ipapahiya.” Panenermon ni Elsie sa apo niya. Nanatili namang tahimik si Caroline habang nakikinig lang din si Caleb. Ngayon naiintindihan niya na kung bakit tila walang kakampi si Caroline sa loob ng bahay nila dahil siya ang illegitimate daughter.
Umiling si Caroline, naikuyom naman na ni Kirsten ang kamao niya. Ang pinakaayaw pa naman ni Kirsten sa lahat ay yung cheater. Nasaktan ang kapatid niya dahil cheater ang naging girlfriend nito, nasaktan siya dahil cheater din ang ex-boyfriend niya. Humugot ng malalim na buntong hininga si Kirsten. Nag-iingat pa rin siya na hindi masaktan at masigawan si Caroline.“Tell me what happened, tell me about your pregnancy, tell me about the real father of your baby, I’ll listen.” Wika ni Kirsten saka iniwas ang paningin kay Caroline. Makikinig siya pero hindi niya maipapangako na mapapatawad niya si Caroline.“Hindi ko alam kung sino ang ama ng baby ko.” Tipid na wika ni Caroline. Nagsalubong ang mga kilay ni Kirsten sa sinabi nito saka niya ito tiningnan.“Pwede bang sabihin mo na sa akin lahat lahat. Ayaw ko ng bi
Samantala naman, binisita ni Kirsten si Caroline dahil wala naman siyang gagawin sa kompanya. Maaga niyang natapos ang mga trabahong binigay sa kaniya ng kaniyang ama. May mga dala-dala na siyang pagkain para sa kanila ni Caroline. Aayain niya sana itong magmeryenda sa labas ng kompanya pero naalala niyang buntis nga pala ito. Ayaw niya namang may mangyari ulit sa hipag niya at sa magiging pamangkin.Paglabas niya ng elevator ay dumiretso na siya sa office ni Caroline pero habang naglalakad siya ay may nakasalubong siya. Iiwasan pa sana niya ito pero masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi niya na nagawang umiwas pa kaya tumapon sa babaeng kasalubong niya ang binili niyang smoothie na para kay Caroline.“What the hell?!” galit na sigaw ng babaeng nabuhusan ng smoothie.“I’m sorry, bigla ka kasing sumulpot kaya hindi kita
Napahilamos si Caleb sa mukha niya at panandaliang natahimik. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon niya. Hindi niya alam kung anong isasagot niya. Gulat pa ang buong pagkatao niya. Nasa loob pa rin ng kwarto ni Brianna si Caleb. Malakas ang kabog ng puso niya dahil sa sinabi ni Jasper. Humugot siya ng malalim na buntong hininga.“Ulitin mo nga yung sinabi mo. Anong pangalan ang binanggit mo? Siguraduhin mong hindi ka nagbibiro Jasper dahil mapapatay kita oras na mali ang hinala mo.” May diin niyang wika. Nagbabanta ang tinig niya. Confident naman si Jasper sa nalaman niya.“Tama ang narinig mo at alam kong totoo ang nalaman ko. Nandito pa ako ngayon sa hospital dahil bumalik ako nang iwan ko kayo ni Brianna sa office mo. Nurse lang ang nakausap ko at sinabi niya sa akin kung sino ang aksidenteng na-inseminate ng mga doctor. Hindi pa man sigurado pero kaila
Samantala naman ay hinahanap ni Jasper ang babaeng na-inseminate ng mga doctor. Hindi niya ito sinasabi kay Caleb dahil gusto niya lang na makilala ang babaeng pinagbubuntis ang anak ni Caleb para kung sakali mang magbago ang isip ni Caleb at ipahanap nito ang anak niya, alam ni Jasper kaagad ang isasagot niya.Pinuntahan ni Jasper si Doc Jerrimy pero wala na ito sa hospital kung saan siya nagtatrabaho. Bumalik si Jasper sa sasakyan niya. Napapahilot na lang siya sa sintido niya. Wala siyang ibang nakausap kundi si Doc Jerrimy at Doc Katie pero pareho ng wala ang mga ito sa hospital. Alam niya naman kung anong dahilan, alam niyang takot ang mga ito kay Caleb dahil sa pagkakamaling nagawa nila.“Kailangan ko pa ba siyang hanapin?” usal ni Jasper sa sarili niya. Napabuntong hininga si Jasper saka siya tumango sa sarili niya. “I need to find her,” ani ni Jasper
Sa paglipas ng mga araw ay mas itinuon ni Caleb ang atensyon at oras niya sa asawa niya. Sa pag-aalagang ginagawa ni Caleb kay Caroline ay natutuwa ang puso ni Caroline. Tila ba biglang nawala lahat ng gumugulo sa isip niya lalo na ngayong tanggap na ni Caleb ang baby niya.Habang nasa balcony sila ng kwarto nila ay nagkwekwentuhan sila. Nakaupo sila sa mahabang sofa, nakasandal si Caleb sa kamay ng sofa habang nakasandal din si Caroline sa kaniya. Yakap-yakap ni Caleb mula sa likod si Caroline habang pinapanuod nila ang pag-aagaw ng dilim at liwanag.“Gusto mo ba magshopping na tayo ngayong sabado ng mga gamit ni baby?” wika ni Caleb.“Hindi ba parang masyadong maaga pa? Hindi pa natin alam ang gender niya.”“Oo nga pala,” ani ni Caleb saka siya natawa. “Excited lang
Pinuntahan kaagad ni Caleb si Caroline sa hospital ng malaman niyang idinala ito sa hospital dahil sa pananakit ng puson niya. Pagdating niya ng hospital ay tinanong niya kaagad sa nurse station kung saan dinala si Caroline. Sinabi naman kaagad ng mga ito kung saang kwarto dinala si Caroline.Pagpasok niya sa loob ng kwarto ay nakahiga na sa kama si Caroline habang nasa gilid ng kama si Kirsten na siyang nagdala kay Caroline sa hospital.“Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa niya hinihintay.” Saad ni Kirsten.“Naipit lang ako sa traffic. Kumusta siya?” nag-aalala niyang tanong saka siya naupo sa upuan na nasa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ni Caroline.“Ang sabi ng doctor masyado siyang stress kaya siya dinugo. Hindi pa makapit ang kapit ng baby niyo kaya kailangan bed rest m