Ilang metro na lang ang layo ni Caroline mula sa pintuan ng kwarto ng boyfriend niya. Pinuntahan niya ito para sana isurpresa pero para bang siya ang masosorpresa dahil sa mga damit na nagkalat sa sahig sa sala. Napalunok si Caroline, nasa harap na siya ng pintuan at rinig na rinig niya ang maingay na ungol ng kung sinong babaeng kasama ng boyfriend niya. Tiningnan niya ang doorknob pero nanginginig ang mga kamay niya.
Tumalikod na si Caroline dahil para bang hindi niya kayang makita ang nangyayari sa loob pero napahinto rin siya. Kung hindi niya bubuksan ang pintuan hindi niya malalaman kung sino ang babae ng boyfriend niya. Gusto niyang makasiguro kung boyfriend niya ba talaga ang nasa loob ng kwarto. Lakas loob niyang hinarap ang pintuan at binuksan ang doorknob. Nang makita niya ang nangyayari ay natutop niya ang bibig niya. Nakadog style ang mga ito at nakaharap sila sa pintuan kaya kitang kita nila kaagad si Caroline.
“Oh shit!” gulat na saad ni Aubrey nang makita niya ang kapatid niya. Mabilis na umalis si Isaac sa ibabaw ni Aubrey at binalot nila ang katawan nila ng kumot.
“Caroline,” kinakabahan na tawag sa kaniya ni Isaac.
“Aubrey, why?” iyun na lang ang lumabas sa bibig ni Caroline. Hindi niya maintindihan kung bakit ang kapatid niya ang kasama ng boyfriend niya ngayon kahit na half-sister lang sila, kapatid pa rin niya ito. Iniwas na ni Caroline ang tingin niya saka niya tinalikuran ang mga traydor sa buhay niya.
“Caroline, please, let’s talk.” Wika ni Isaac nang habulin niya si Caroline pero hindi na siya pinakinggan ni Caroline. Tuluyan na siyang lumabas ng condo ng boyfriend niya dahil para bang sinasaksak ang puso niya na makita ang kapatid niya kasama ang boyfriend niya. Sa dami ng babaeng pwedeng maging babae ng boyfriend niya, bakit ang kapatid pa niya?
Pigil ang pag-iyak ni Caroline habang nagmamadali siyang umalis ng condo. Nakayuko lang siya dahil nahihiya siyang makita ng mga taong nakakasalubong niya na umiiyak siya.
“Caroline!” malakas na tawag ni Isaac sa kaniya pero mas binilisan na ni Caroline ang tumakbo hanggang sa makarating na siya sa labas at sumakay ng sasakyan niya. Inis namang sinabunutan ni Isaac ang buhok niya nang makaalis na si Caroline.
Dumiretso si Caroline sa isang bar-restaurant. Wala siyang balak mag-inom, hindi niya lang alam kung saan siya pupunta. Hindi masyadong maliwanag ang bar-restaurant kaya kahit umiyak si Caroline hindi yun mapapansin.
“What’s your order ma’am?” tanong sa kaniya ng isang lalaki. Hindi naman sumagot si Caroline, napatingin na lang siya sa panyong iniaabot sa kaniya. “Do you want to try our sorrowful sweetness?” masigla pang alok sa kaniya ng lalaki pero nananatiling nakayuko si Caroline. Tinanggap niya ang panyo at pinunasan ang mga luha niya.
“Do you want to marry me?” tanong niya sa lalaki na ikinagulat nito.
“I’m sorry ma’am pero hindi ako kasama sa menu.” Sagot ng lalaki.
“I’ll pay you triple of your salary just marry me.” Desidido pa ring saad ni Caroline. Tinitigan naman ng lalaki si Caroline, napapaisip kung broken ba ito o pressure lang siya sa buhay kaya nag-aalok ng kasal. “Please marry me,” wika pa rin ni Caroline saka siya tumingala para tingnan ang lalaking nasa harapan niya. Bahagya na lang siyang nagulat ng makita niya ang itsura nito. Gwapo ang boses ng lalaki pero hindi niya inaasahan na may mahahaba itong buhok at bigote.
Napangisi naman ang lalaki dahil naalala niya ang pangungulit sa kaniya ng kaniyang ina, kapag nagpakasal siya baka tumigil na rin ang kaniyang ina na pilitin siyang magpakasal sa ex-fiancee niyang manloloko.
“Okay, I’ll marry you.” Sagot ng lalaki sa kaniya. Tipid na lang na ngumiti si Caroline saka siya tumayo at hinila na ang lalaki palabas ng bar-restaurant. Nagtungo sila ng civil registrar para magpakasal sila. Hindi na alam ni Caroline kung anong pumapasok sa isip niya, masyadong masakit para sa kaniya ang nakita niya. Tatlong taon na sila ng boyfriend niya at hindi niya inaasahan na lolokohin siya nito lalo na at wala naman silang naging problema tungkol sa babae sa nakalipas na taon sa relasyon nila.
Nakatulalang tiningnan ni Caroline ang hawak niyang marriage contract. Hindi niya akalain an ikinasal na siya sa lalaking hindi niya kilala.
‘Tama ba ang ginagawa ko?’ tanong niya sa sarili niya saka niya tiningnan ang lalaking ilang metro lang ang layo sa kaniya. Napalunok na lang si Caroline saka siya tipid na ngumiti, nangyari na ang nangyari. Wala na siyang magagawa dahil kasal na sila. Siguradong isang malaking sampal kay Isaac kapag nalaman niya ng kasal si Caroline.
“Let’s go, Caleb.” Tawag ni Caroline kay Caleb saka sila sumakay sa sasakyan ni Caroline. Palihim na tinitingnan ni Caleb si Caroline at alam niyang tila ba pinagsisisihan na ni Caroline ang desisyon niya. Napangisi na lang siya dahil hindi na sila pwedeng umatras lalo na at nakarehistro na ang kasal nila.
Umuwi si Caroline kasama ang asawa niya at lahat ng pamilya niya ay naghihintay sa kaniya sa sofa. Masama ang tingin sa kaniya ng kaniyang ama dahil sa lalaking kasama niya.
“Who is he, Caroline?” malamig at seryosong tanong sa kaniya ng kaniyang ama. Napalunok naman si Caroline.
“He’s my husband, Dad.” Sagot niya. Tinawanan naman siya ng half-sister niyang si Aubrey.
“You’re husband? Kailan ka pa ikinasal? Magpapakasal ka na nga lang, sa isang lalaking mas mahirap pa sa daga.” Pang-aasar ni Aubrey. Masama namang tiningnan ni Caroline si Aubrey saka niya naikuyom ang kamao niya. Pagkatapos nitong agawin ang boyfriend ni Caroline, mas lakas pa siya ng loob na manlait ng ibang tao.
“In my office, now.” Maawtoridad na wika sa kaniya ng kaniyang ama. Sumunod naman si Caroline sa kaniyang ama at iniwan si Caleb sa sala. Nanghuhusga naman ang mga mata ng pamilya ni Caroline na nakatingin kay Caleb dahil sigurado silang nanggaling ito sa mahirap na pamilya, walang ari-arian, walang maipagmamalaki, walang education.
Napapikit na lang si Caroline nang hampasin ng kaniyang ama ang table nito.
“You’re husband?! Ano bang pumapasok sa isip mo Caroline?! Malapit nang magpropose sayo si Isaac at nagpaalam na siya sa amin. Why are you doing this?!” galit na galit na wika sa kaniya ng kaniyang ama. Sa lakas ng boses ni Winston ay rinig na rinig sila hanggang sa sala.
“Isaac cheated on me, Dad.” Sagot ni Caroline.
“Is that a valid reason para magpakasal ka sa lalaking mas mababa pa sayo? Tell me that you’re lying, sabihin mo sa aking hindi pa kayo kasal.” Lalong napayuko si Caroline. Kinuha niya ang contract marriage na nasa bag niya saka niya iyun ipinakita sa kaniyang ama. Inis namang napahilamos si Winston sa mukha niya.
“Are you crazy?!” napapikit na lang si Caroline nang muntik siyang sampalin ng kaniyang ama. Natatakot na rin siya at para bang nagising na rin siya sa naging desisyon niya na hindi niya pinag-isipan niya.
“I’m sorry, Dad.” Nakayuko niyang wika.
“Sorry? Anong magagawa ng sorry mo? Ginawa mo na ang hindi dapat! Ipapahiya mo ang pamilya natin dahil sa lalaking yun. Saan mo ba yun nakilala? Sa street, sa bar, saan?! Sa itsura niya, para siyang adik. Kapag may nangyari sa loob ng bahay na ‘to ng dahil sa lalaking yun, kaya mo bang akuin ang kasalanan niya?” hindi nakasagot si Caroline. Nanatili siyang nakayuko habang nilalaro ang mga daliri niya.
“Matalino ka Caroline pero saan napunta ang utak mo ngayon? Umalis ka sa harapan ko bago kita masaktan at itakwil bilang anak ko.” Bahagyang yumuko si Caroline saka niya iniwan ang kaniyang ama sa loob ng office nito. Nang makalabas siya ay tiningnan niya ang pamilya ng kaniyang ama.
“Maswerte ka dahil hindi ka pa itinakwil ni Daddy, alam mo namang magdidiwang kaming lahat kapag pinalayas ka na niya rito.” Nakangising saad ni Aubrey. Tiningnan ni Caroline si Caleb na blangko lang ang mukha na para bang walang pakialam sa paligid niya. Napabuntong hininga na lang siya saka niya hinila si Caleb papasok sa kwarto niya.
Kaya niya bang magkaroon ng kasama sa isang kwarto?
“Don’t worry, alam kong hindi ka komportable na makasama ako. Okay na akong matulog sa sahig.” Wika ni Caleb, nakahinga naman ng maluwag si Caroline pero hindi pa rin siya sigurado kung mabuting tao ba ang pinakasalan niya.
“Let’s eat outside, mainit pa ang ulo ng pamilya ko dahil sa ginawa ko. Let’s eat outside.” Ani ni Caroline saka siya naunang lumabas pagkatapos nilang ibaba ang mga gamit ni Caleb. Lumabas na silang dalawa ng bahay para sa restaurant kumain ng tanghalian.
Umiling si Caroline, naikuyom naman na ni Kirsten ang kamao niya. Ang pinakaayaw pa naman ni Kirsten sa lahat ay yung cheater. Nasaktan ang kapatid niya dahil cheater ang naging girlfriend nito, nasaktan siya dahil cheater din ang ex-boyfriend niya. Humugot ng malalim na buntong hininga si Kirsten. Nag-iingat pa rin siya na hindi masaktan at masigawan si Caroline.“Tell me what happened, tell me about your pregnancy, tell me about the real father of your baby, I’ll listen.” Wika ni Kirsten saka iniwas ang paningin kay Caroline. Makikinig siya pero hindi niya maipapangako na mapapatawad niya si Caroline.“Hindi ko alam kung sino ang ama ng baby ko.” Tipid na wika ni Caroline. Nagsalubong ang mga kilay ni Kirsten sa sinabi nito saka niya ito tiningnan.“Pwede bang sabihin mo na sa akin lahat lahat. Ayaw ko ng bi
Samantala naman, binisita ni Kirsten si Caroline dahil wala naman siyang gagawin sa kompanya. Maaga niyang natapos ang mga trabahong binigay sa kaniya ng kaniyang ama. May mga dala-dala na siyang pagkain para sa kanila ni Caroline. Aayain niya sana itong magmeryenda sa labas ng kompanya pero naalala niyang buntis nga pala ito. Ayaw niya namang may mangyari ulit sa hipag niya at sa magiging pamangkin.Paglabas niya ng elevator ay dumiretso na siya sa office ni Caroline pero habang naglalakad siya ay may nakasalubong siya. Iiwasan pa sana niya ito pero masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi niya na nagawang umiwas pa kaya tumapon sa babaeng kasalubong niya ang binili niyang smoothie na para kay Caroline.“What the hell?!” galit na sigaw ng babaeng nabuhusan ng smoothie.“I’m sorry, bigla ka kasing sumulpot kaya hindi kita
Napahilamos si Caleb sa mukha niya at panandaliang natahimik. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon niya. Hindi niya alam kung anong isasagot niya. Gulat pa ang buong pagkatao niya. Nasa loob pa rin ng kwarto ni Brianna si Caleb. Malakas ang kabog ng puso niya dahil sa sinabi ni Jasper. Humugot siya ng malalim na buntong hininga.“Ulitin mo nga yung sinabi mo. Anong pangalan ang binanggit mo? Siguraduhin mong hindi ka nagbibiro Jasper dahil mapapatay kita oras na mali ang hinala mo.” May diin niyang wika. Nagbabanta ang tinig niya. Confident naman si Jasper sa nalaman niya.“Tama ang narinig mo at alam kong totoo ang nalaman ko. Nandito pa ako ngayon sa hospital dahil bumalik ako nang iwan ko kayo ni Brianna sa office mo. Nurse lang ang nakausap ko at sinabi niya sa akin kung sino ang aksidenteng na-inseminate ng mga doctor. Hindi pa man sigurado pero kaila
Samantala naman ay hinahanap ni Jasper ang babaeng na-inseminate ng mga doctor. Hindi niya ito sinasabi kay Caleb dahil gusto niya lang na makilala ang babaeng pinagbubuntis ang anak ni Caleb para kung sakali mang magbago ang isip ni Caleb at ipahanap nito ang anak niya, alam ni Jasper kaagad ang isasagot niya.Pinuntahan ni Jasper si Doc Jerrimy pero wala na ito sa hospital kung saan siya nagtatrabaho. Bumalik si Jasper sa sasakyan niya. Napapahilot na lang siya sa sintido niya. Wala siyang ibang nakausap kundi si Doc Jerrimy at Doc Katie pero pareho ng wala ang mga ito sa hospital. Alam niya naman kung anong dahilan, alam niyang takot ang mga ito kay Caleb dahil sa pagkakamaling nagawa nila.“Kailangan ko pa ba siyang hanapin?” usal ni Jasper sa sarili niya. Napabuntong hininga si Jasper saka siya tumango sa sarili niya. “I need to find her,” ani ni Jasper
Sa paglipas ng mga araw ay mas itinuon ni Caleb ang atensyon at oras niya sa asawa niya. Sa pag-aalagang ginagawa ni Caleb kay Caroline ay natutuwa ang puso ni Caroline. Tila ba biglang nawala lahat ng gumugulo sa isip niya lalo na ngayong tanggap na ni Caleb ang baby niya.Habang nasa balcony sila ng kwarto nila ay nagkwekwentuhan sila. Nakaupo sila sa mahabang sofa, nakasandal si Caleb sa kamay ng sofa habang nakasandal din si Caroline sa kaniya. Yakap-yakap ni Caleb mula sa likod si Caroline habang pinapanuod nila ang pag-aagaw ng dilim at liwanag.“Gusto mo ba magshopping na tayo ngayong sabado ng mga gamit ni baby?” wika ni Caleb.“Hindi ba parang masyadong maaga pa? Hindi pa natin alam ang gender niya.”“Oo nga pala,” ani ni Caleb saka siya natawa. “Excited lang
Pinuntahan kaagad ni Caleb si Caroline sa hospital ng malaman niyang idinala ito sa hospital dahil sa pananakit ng puson niya. Pagdating niya ng hospital ay tinanong niya kaagad sa nurse station kung saan dinala si Caroline. Sinabi naman kaagad ng mga ito kung saang kwarto dinala si Caroline.Pagpasok niya sa loob ng kwarto ay nakahiga na sa kama si Caroline habang nasa gilid ng kama si Kirsten na siyang nagdala kay Caroline sa hospital.“Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa niya hinihintay.” Saad ni Kirsten.“Naipit lang ako sa traffic. Kumusta siya?” nag-aalala niyang tanong saka siya naupo sa upuan na nasa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ni Caroline.“Ang sabi ng doctor masyado siyang stress kaya siya dinugo. Hindi pa makapit ang kapit ng baby niyo kaya kailangan bed rest m