LOGIN
Year 2019
Pinaikot ni Sheilla Mae ang mga mata nang makita na naman niya si Kent Wilson na nasa paanan ng hagdan at tila ba may hinihintay. Hindi niya tuloy alam kung aakyat pa ba siya sa classroom o hindi na lang siya papasok. Makita pa lang kasi ang pagmumukha nito ay umiinit agad ang ulo niya. Kahit nga marinig lang ang pangalan ng lalaki ay nag-aalburoto na ang bumbunan niya.
Ewan din ba niya pero naiirita talaga siya sa presensiya ng binata. Palagay niya ay kumukulo talaga ang dugo niya kapag nakikita niya ang lalaki. At hindi niya talaga mapigilan ang sarili niya o kahit sabihan na lang ang sarili na kumalma. Hindi yata applicable ang word na ‘yon sa vocabulary niya kapag si Kent na ang pag-uusapan.
Hindi niya matukoy kung bakit siya galit dito o bakit siya nakararamdam ng inis. Wala namang ginawa ang lalaki na masama sa kaniya. Hindi nga rin sila close. Hindi nga rin siya sure kung kilala ba siya nito o hindi. O baka hindi nga rin nito alam na nag-e-exist siya sa mundo. Sa totoo nga ay hindi nga sila nagkausap kahit isang beses lang. Ni hindi nga siya nito napagtoonan ng pansin.
Baka iyon siguro ang ikinagagalit niya, ang hindi nito pagpansin sa kagandahan niya. Sa ganda ba naman niyang ‘to ay hindi pinapansin? Parang nakakababa ng dignidad ang ginawa nito sa kaniya. Napaismid na lang siya. Pakialam ba niya kung hindi siya nito kilala.
Really, Mae? Gusto mong mapansin ka ng isang playboy? Napaikot niyang muli ang kaniyang mga mata. Kailanma’y hindi niya inaasam na magtagpo ang kanilang mga landas.
Third year college na siya nang lumipat sa kanilang departamento ang playboy na si Kent Wilson Orquina. Yes, isa itong playboy! Paano niya nasabi? Base lang din sa mga kwento-kwento sa department nila. Sabi pa nga ng iba ay halos naging girlfriend na daw ng lalaki.
Hindi niya rin sukat akalain na lilipat ito sa departamento ng Education, kilala kasi si Kent na magaling sa larangan ng pagluluto.
At isa iyan sa talento ni Kent na kinahuhumalingan ng mga kababaihan sa paaralan nila. Muli niyang napaikot ang mga mata.
Patuloy sa paglakad si Mae hanggang sa humakbang siya upang umakyat na sa hagdan, nasa ikalawang palapag kasi ang classroom na gagamitin nila sa isang subject, nang bigla siyang harangin ng lalaki.
Heto na naman, bakit ako ang naisipan ng lalaking ito na harangan?
“Excuse me? Dadaan po ako, nakaharang ka,” wika niya pero parang walang narinig ang binata, sa halip ay ngumiti pa ito pagkatapos niyang sabihin ang mga kataga.
“You know what, may klase pa ko ako. Kung wala kang importante na sasabihin, please lang, huwag kang humarang,” dagdag niya nang hindi talaga tuminag si Kent.
“Ang cute mo pala,” saad nito sa kaniya. Napataas niya ang kaniyang kilay.
“Teka lang ha? Parang iba yata ang narinig ko eh—.”
“May ibibigay ako kaya kita hinintay dito,” sabi nito sa kaniya at may kinuha sa bulsa. “Poem ko 'yan, Mae. I am hoping na masama 'yan sa next published ng school publication natin. Nakita ko kasi na ikaw pala ang current Editor-in-chief sa campus,” dagdag nito. “Bye! See you around.”
Patakbo itong umalis at naiwan siyang nakatulala.
Marunong palang sumulat ng tula ang isang Kent Wilson Orquina?
Ilang minuto pa siyang nakatayo sa hagdan bago nakabawi sa pagkabigla. Naabutan pa siya ni Vanessa na hawak-hawak pa ang papel na binigay ng binata. Dali-dali niya itong ipinasok sa bulsa ng school uniform niya.
“Ano 'yon? Love letter?” intrigang tanong ng pinsan niya. Agad naman siyang umiling.
“Eh ano?” muling tanong nito sa kaniya at kumuha sa popcorn na hawak niya. “Sarap nito ah, saan ka bumili?”
“Literary works, may nagpasa,” agad niyang sagot. “Hindi na uso ang love letter ngayon, Vanessa. Oo, masarap talaga ang libre, 'no?”
“Sabagay. Tara na, nasa classroom na raw si Sir,” sagot nito at hindi pinansin ang biro niya.
Totoo namang masarap ang libre, bulong niya sa sarili.
PAGKATAPOS ng klase ay nagpaalam na siya sa pinsan na sa Blossom muna siya tatambay. Blossom ang pangalan ng school publication nila.
Kahit ilang oras na ang lumipas, hindi pa rin maalis sa isipan niya ang pag-uusap nila noʼng playboy na iyon. Sino bang mag-aakala na marunong pala iyong magsulat ng tula? Ni kahit sa panaginip niya ay hindi niya maimagine na nagsusulat pala iyon.
Nagbuga siya ng hangin bago itinulak ang pinto ng opisina ng Blossom. Sa loob ng isang linggo ay ngayon pa lang siya nakabisita sa opisina, wala rin naman kasi siyang gagawin pa. Kahapon pa siya nagbigay ng anunsiyo na nagbubukas ang pinto ng Blossom para sa mga nais magpasa ng mga literary works nila. Marahil, nabasa iyon ni Kent kaya naisipan nitong magbigay.
“Good morning, Chief,” bati ni Clark sa kaniya, ang Layout Artist ng Blossom.
“Clark, good afternoon.”
Tumawa naman ito sa naging sagot niya at napatingin sa cellphone nito. “Alas-dose na pala. Kumain ka na?” tanong nito.
Umiling siya. “Hindi pa nga eh,” sagot niya habang tumatawa.
“Halata nga, nababaliw ka na naman eh. Lika, kain tayo. Libre ko.”
“Wow, released sa 4Pʼs?” tumatawa na naman niyang tanong.
Kinurot siya nito sa braso. “Hindi uy, binigyan ako ni Tito. Birthday ko kasi kahapon.”
“Ay hala, happy birthday.”
“Himala, late ka sa balita,” sagot nito at humalakhak.
Kilala kasi siya bilang chismosa. Pero hindi naman talaga siya chismosa, medyo lang. Halos lahat ng mga balita sa campus ay alam niya. Siya kasi ang takbuhan ng mga estudyante upang ibalita ang mga pangyayari. Sa loob ng isang taon na pagiging Editor-in-chief niya sa Blossom, halos kilala na siya ng lahat.
“Tara na, libre mo diba?”
“Dios mio, Chief. Nagbibiro lang ako eh,” napakamot pa ito sa ulo habang tumatawa na sumagot sa kaniya.
“Huwag kang magbiro sa taong gutom, Clark.” Binuksan niya ang pinto ng opisina at inilahad ang kamay niya. “Lumabas ka na at kakain na tayo. Ako na ang lilibre sayo, nahiya naman ako,” humalakhak niyang wika.
Agad namang lumabas si Clark sa pinto.
“Chief, nakarecord 'yon. Walang bawian.” Tumakbo pa ito patungong canteen. Napailing na lang si Mae.
Bago pa siya nakalabas ng pinto ay nahagilap niya ang nakangiting si Kent Wilson. Nakangiti itong nakatingin sa kaniya. Nang magtama ang kanilang mga mata ay kumaway ito.
“Hi, Mae.”
Hindi na alam ni Mae kung paano siya napapayag. Ang alam lang niya ay ilang minuto matapos silang mag-usap sa hallway, ay narito na siya ngayon, nakaupo sa likod ng motor ni Kent. At kasalukuyang umaandar iyon.Mahigpit ang kapit niya sa gilid ng upuan at pilit iniiwasan ang sarili na humawak dito. Kahit ilang linggo na silang mag-jowa ni Kent ay parang nahihiya pa rin talaga siya sa boyfriend niya.Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni Kent. Hindi rin nito sinabi. At sa totoo lang hindi rin siya nagtanong.Ano bang ginagawa mo, Mae?Tahimik siyang napabuntong-hininga habang pinagmamasdan ang kalsadang nadadaanan nila. Pinagmamasdan na lang niya ang mga ilaw ng poste na unti-unting nagsisindi, mga taong pauwi na, at mga sasakyang dumadaan na tila walang pakialam sa gulong nasa isip niya.Dapat ay kinakabahan siya ngayon diba? Dapat ay nag-iingat siya. Pero bakit parang kabaligtaran ang nararamdaman niya?May kaba, oo pero may halo ring excitement.Isang bagay na hindi niya kayang
Hapon na nang matapos ang huling exam.Pagod na pagod si Mae. Parang may martilyo na pumupokpok sa ulo niya at sobrang bigat pa ng kaniyang ulo. Gusto na lang niyang umuwi para makapagpahinga at makatulog na rin. Gustong-gusto ng bumawi ng katawan niya sa pagtulog. Parang hindi lang ulo niya ang mabigat ngayon, pati mga mata niya.Idagdag pa ang pagod niya sa exam, hindi lang sa mga tanong na kinailangan niyang sagutan buong araw kundi sa sarili niyang pilit kinokontrol ang isip at damdamin.Ang hirap palang magpigil, bulong ng utak niya. Paglabas niya ng classroom kasama si Vanessa, agad siyang sinalubong ng ingay ng hallway, mga estudyanteng nag-uusap, nagrereklamo, nagtatawanan. Naririnig pa niyang nagyayabangan ang iba tungkol sa mga sagot ng mga ito kanina.Normal.Lahat ay normal maliban sa kanya. Hindi na normal ang sakit ng ulo niya.“Grabe, Mae! Math pa lang kanina, parang gusto ko nang umiyak,” reklamo ni Vanessa habang naglalakad sa tabi niya. Umiiling-iling pa ang pinsan
“Ano bang ginagawa niyo?” tanong ni Manang Fe, pero ang tono nito ay hindi mapanghusga kundi puno ng aliw.“W-wala po!” mabilis na sagot ni Mae, pero agad din siyang napaisip.Sht. Kailangan ng dahilan! Kilala niya si Manang Fe at alam niya kung anong tumatakbo sa utak nito ngayon. For sure ay iniisip nito ang iniisip niya.“M-Magrereview po kami,” bigla niyang dagdag, halos magkandautal. “Exam week po namin ngayon.”Saglit na natahimik si Manang Fe at napatingin ito kay Kent. Pagkatapos ay bumalik ang tingin sa kaniya na para bang sinusukat kung gaano katotoo ang sinasabi niya.“Review?” ulit nito.“Opo!” mabilis niyang sagot, sabay tango nang sunod-sunod. “May… may kailangan po akong ipaintindi sa kanya. Sa subject.” Tinuro pa niya si Kent.Bahagya siyang napalunok matapos sabihin iyon. Hindi niya alam kung convincing ba siya. Pero nang sumulyap siya kay Kent ay nakatingin ito sa kanya. At halatang pinipigilan ang sarili na huwag ngumiti.“Talaga?” tanong ni Manang Fe, ngayon ay may
Pagkaputol ng tawag ay tila bumalik ang katahimikan sa kwarto ngunit ibang katahimikan na ito. Hindi niya alam kung anong sunod niyang gagawin. Parang ayaw niya tuloy patayin ang tawag nila ni Vanessa at hayaan na lang itong magsalita ng kung ano-ano kaysa sa ibalik ang atensyon niya kay Kent. Pero syempre, hindi naman pwede kung gano’n.Dahan-dahang ibinaba ni Mae ang cellphone sa tabi niya. Hindi niya agad kayang tumingin kay Kent. Ramdam pa rin niya ang init ng katawan nito na napakalapit sa kaniya na para bang hindi pa tuluyang nawawala ang nangyari kanina.At sa totoo lang ay ayaw niya ring mawala iyon.Ngunit ngayon ay hindi na niya alam kung saan siya titingin o kung ano ang sasabihin. Nawala na yata ang tapang na napulot niya kanina.“Kaya pala…” mahina niyang sabi na pilit binabasag ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. “Tinanggal mo siya kanina.” Mahina niyang dagdag. Naalala niya tuloy na siya nga pala ang nag-utos dito na tanggalin ang pinsan sa GC nilang tatlo.May ba
Hindi na namalayan ni Mae kung kailan siya napasunod.Parang kusa na lang siyang hinila ng mga paa niya papasok sa loob ng kwarto, kasunod si Kent at sa isang mahinang tunog ng pagsara ng pinto, tila tuluyan nang nahiwalay ang mundong nasa labas sa kung anong meron sa pagitan nila.Bumalot ang katahimikan sa kanilang dalawa ni Kent at tila nakikiramdam sila sa isa’t isa. Pero ang katahimikang iyon ay mas maingay pa sa anumang ingay. ‘Yong katahimikan na maririnig na niya ang pagpintig ng puso niya.Nakatayo siya sa gilid ng kama niya, habang si Kent ay ilang hakbang lang ang layo sa kaniya. Nakatingin ito sa kanya na para bang may matagal na itong pinipigilan at ngayon ay nasa hangganan na.Ang dibdib niya ay mabilis na umaangat-bumaba. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa kaba o sa iniisip niyang mangyayari sa kanilang dalawa ngayon. Ayaw man niyang aminin pero gustong-gusto ng puso niya ang balak ng kaniyang isipan ngayon. At ngayon nga, kung hihilingin man ni Kent ulit ay hindi si
At sa pagitan ng gate ay naroon nga si Kent. Hindi pa rin makapaniwala si Mae sa nakikita niya. Pinuntahan pa talaga siya nito sa bahay nila.Napahinto siya, tila biglang nawalan ng lakas ang mga tuhod niya. Hindi siya agad nakagalaw na parang may kung anong humigpit sa dibdib niya habang nakatitig sa lalaking kanina lang ay nasa maliit na screen ng cellphone niya.Ngayon ay narito na ito. Sa harap niya. Totoo. Humihinga.At nakatingin sa kanya na parang siya lang ang nakikita nito sa buong mundo.Ang ilaw mula sa poste sa labas ay marahang tumatama sa mukha ni Kent, nagbibigay-lalim sa matitigas nitong features, sa panga nitong mahigpit, sa mga matang madilim at tila may pinipigilang kung ano.At doon pa lang ay ramdam na niya.Hindi ito simpleng pagkikita. Hindi ito basta pagbisita. May ibang dala ang gabing ito. May mas mapanganib.“Kent…” halos bulong na lumabas sa labi niya.Ngunit hindi ito sumagot.Sa halip, dahan-dahan itong lumapit sa gate at ang bawat hakbang ay kontrolado,







