LOGIN“Good evening, Mom,” tawag-pansin ni Mae sa kaniyang Mommy na nasa laptop nakatuon ang paningin. Pero kahit ilang beses na siyang sumubok na kunin ang atensiyon nito, bigo pa rin siya. Ganito palagi ang eksena kapag nandito siya sa bahay. Wala siyang makausap.
Hindi niya rin alam bakit hindi pa siya nasanay. Mula yata no’ng grade school pa siya ay ganito na palagi ang setup nila. Okay na sa pamilya niya na may pagkain siya sa mesa at bahala na siya. Aalis siya ng bahay na hindi man lang nakakausap ang pamilya niya at uuwi siyang gano’n pa rin.
Napagpasyahan niya na lang na umakyat na ng kwarto. Dapat talaga sanay na siya eh. Wala namang bago. Sa loob ng dalawampu’t isang taon niya sa mundo, kailanman ay pahirapan talaga siyang kunin ang atensiyon ng Mommy niya. Bakit nga ba hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nasanay?
“Where are you going, Mae?”
Nahinto siya sa paghakbang. Sa tuno pa lang ng pananalita ng Mommy niya ay may bahid ng trahedya. Nagawa niya pa rin ang paglingon kahit nais ng lumayas ng puso niya dulot sa kaba na nararamdaman niya.
“Room po,” maikli niyang sagot.
Mas lumala ang kaba niya nang makita ang mata ng Mommy niya. Ano na namang nagawa ko?
“Bakit may 1.50 ka? Diba sabi ko, focus sa study. Focus! Nasaan ang utak mo, Mae? Nasaan!” pasigaw nitong saad. Pakiramdam niyaʼy parang yumanig ang buong bahay dahil sa sigaw ng Mommy niya. Nakita niya rin na biglang tumakbo ang isa nilang katulong papasok sa kusina.
Kinatatakutan ng lahat ang Mommy niya.
Wala na naman siyang nagawa, wala na naman siyang nasabi upang ipagtanggol ang sarili niya. Kung ang ibang estudyante ay natutuwa kapag nakatanggap ng 1.50, siya naman ay parang nasa impyerno.
“Sorry, Mom. Babawi po ako next sem,” saad niya. Ang paghingi na lang ng tawad ang kaya niyang gawin kahit hindi niya alam kung masama bang makakuha ng 1.50.
“Hindi ako natutuwa sa grades mo. Sino ang instructor mo sa subject na iyan?”
Taranta siyang napatingin sa Mommy niya. Ano na namang balak nitong gawin?
Bakit hindi kayang tanggapin ng Mommy niya ang mga achievements niya? Bakit palagi itong nakatuon sa mga mali at pagkukulang niya? Bakit ganoon?
“Don’t worry, Mom. Pagbubutihan ko po sa next sem. Medyo mahirap lang po ang subject na iyan.”
“You should. Ano na lang ang sasabihin ng mga kumare ko? Na may anak akong bobo.”
PINAKALMA niya ang sarili bago pinahid ang mga luha. Ang galing ano? Pinamukha pa talagang bobo siya. Padabog siyang umupo sa malambot niyang kama at doon pinagpatuloy ang pag-iyak.
Nagpapasalamat pa rin si Mae na hindi tumulo ang luha niya habang kaharap ang Mommy niya, ayaw na ayaw kasi nitong nakikita na mahina siya. Walang Alvarez na mahina, iyan palagi ang paulit-ulit nitong paalala sa kaniya.
Pero hindi naman maiwasang masaktan, lalo na kapag ang taong inaasahan mong aalalay saʼyo ay siyang tutulak sa iyo pababa. Pero ano nga bang bago? Matagal nang ganiyan ang Mommy niya.
Ni hindi nga nito kayang maging masaya sa mga achievements niya. May mas maiimprove pa raw siya, dapat pang mas maging mabuti.
Napailing siya. Masanay ka na, Mae. Masanay ka na.
Kinabukasan, maaga siyang pumunta sa campus dahil babasahin niya muna ang mga ipinasang literary works ng mga estudyante, lalo na iyong mga short stories para ma-edit niya kung may mga typo. Wala kasi ang adviser nila, may pinuntahan na meeting sa main campus.
Hinawakan niya ang namumugtong mata habang nasa pintuan pa siya ng opisina. Hindi pa pala sanay ang mga mata niya sa magdamag na iyakan, namumugto pa rin.
Sabagay, siya nga ay hindi pa nasanay, mata niya pa kaya?
Nang bubuksan na niya ang pinto ay may biglang humawak sa braso niya kaya hindi niya natuloy ang planong pagbukas. Hindi siya umimik, hindi rin niya tiningnan kung sino ang mapangahas na tao ang humawak sa braso niya.
Sa hugis pa lang ng kamay nito at sa pabangong gamit nito, alam niyang lalaki ang humawak sa kaniya. Hindi siya nakaramdam ng takot sa paraan ng paghawak nito sa kaniya, marahan lang naman ang paraan nito sa paghawak.
Bumuga siya ng hangin bago nagsalita. “Why? Do you need something?” tanong niya habang hindi pa rin tinatapunan ng tingin ang lalaki.
Lumipas pa ang ilang segundo bago ito sumagot. “Nahulog mo ang key ng office niyo. Parang wala ka sa sarili habang papunta rito.”
Sa boses pa lang, alam na niya kung sino ang kausap niya. Sinong hindi makakikila sa boses nito? Isa ang binata sa may pinakamagandang boses sa campus, isa rin iyan sa dahilan kung bakit maraming nahuhumaling dito.
“Any problem, Mae? You can count on me,” dagdag nito.
Umiling siya. “There’s nothing to—”
Hindi niya natapos ang mga sasabihin niya sana nang bigla siyang pinaharap ni Kent Wilson. Hinawakan nito ang mukha niya at pinahiran ang luha na hindi niya namalayan na umagos na pala.
Hindi ito nagsalita ng kung ano-ano. Hindi rin siya nakapagsalita at hindi siya nakalayo noʼng pinahiran nito ang luha niya. Siguro, kailangan niya siguro ng karamay at si Kent lang ang naroon.
Hindi siya nakatanggi ng yumakap ito sa kaniya.
“Lean on me if you need to, Mae.”
Tulala siyang nakatingin sa white board ng classroom nila sa oras na iyon. Kahit ilang beses niyang isipin ay hindi talaga kayang tanggapin ng utak niya ang nangyari. Parang nais na lang niyang sapukin ang ulo dahil sa kagagahan niya. Paano niya pinayagan ang sarili na sagutin ang yakap ng lalaki?
Sa buong buhay niya, ngayon pa lang siya pumayag na yakapin ng isang lalaki na hindi niya kaano-ano.
Iba pala ang pakiramdam kapag may yumayakap saʼyo. Wala sa sariling sinapok niya ang ulo.
“Yes, Ms. Alvarez?”
Gulat siyang napatingin sa instructor nila. Siya ba ang tinawag o ang pinsan niyang si Vanessa?
“Are you with us?” patuloy ng instructor nila.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at palihim na sinulyapan ang pinsan niya. Walang bahid ng kung anong emosiyon ang mukha ng pinsan na nakatingin din sa kaniya. Sabi na nga bang ako ang tinawag.
Tumikhim siya bago tumango. Nakahihiya ka, Mae!
Natapos ang klase na iyon na wala siyang naintindihan kunʼdi ang kahihiyang nasagupa niya. Unang beses itong napansin siya ng instructor na hindi nakikinig sa klase. Kapag nalaman ito ng Mommy niya, patay na naman siya.
“Okay ka lang, Mae? Something bothering you?”
Nahinto siya sa pagliligpit ng gamit niya nang nagsalita si Vanessa. Busy ito kalalaro ng Candy Crush sa cellphone nito at hindi siya tinapunan ng tingin.
Naisip niya agad ang nangyari kanina. Ang yakap kaya ni Kent ang bumabagabag sa kaniya? Hindi naman siguro. Bakit ko ba kasi iniisip 'yon? It’s just a hug. Naninibago ka lang, Mae. Walang meaning 'yon, okay?
“Wala naman,” sagot niya sa pinsan at pinagpatuloy ang naudlot niyang pagliligpit sa mga gamit.
“I know you. Alam ko kung may iniisip kang malalim. Are you sure that you’re okay?”
Nilingon niyang muli si Vanessa, pagkatapos ay bumuntong hininga.
“Wala nga. Kung ano-ano na lang talaga ang napapansin mo.”
Nang matapos siyang ipasok lahat ang gamit niya sa bag ay tumayo na siya. Hindi maaaring mapansin ni Vanessa o mahalata na may namamagitan sa kanila noʼng Kent Wilson na iyon.
“Pinagalitan ka na naman ba ni Tita? Gusto mo sabihan na natin ang Daddy mo sa mga ginagawa niya?”
Nahinto siya. Hindi dapat malaman ng Daddy niya ang lahat. Siya pa rin ang pagbubuntunan ng galit ng Mommy niya. Agad siyang napailing.
“Ayoko. Baka kung ano pa ang mangyari kay Daddy sa Dubai.” Lumingon siya sa pinsan niya na nasa kaniya na pala nakatingin. “Halika na, alis na tayo. Don’t worry about me, kaya ko 'to.”
Lumabas sila ng classroom at hindi na nagtanong pa si Vanessa. Nakahinga rin siya ng maluwag, akala niya napansin ni Vanessa ang nangyari sa kaniya kanina.
Napatingin siya sa paligid bago isinara ang pinto sa classroom.
Muntik na niyang mabitawan ang susi nang nakita niyang kumaway si Kent sa kaniya na nasa kabilang classroom lang pala.
Oh goodness! Bakit parang palagi ko siyang nakikita?
“Mae? Tulala ka na naman.”
“Ahh, yeah. Let’s go.”
“Akin na nga ang key, hindi mo pa na-lock ang classroom. Ano ba kasing nangyayari saʼyo?”
Kalma, Mae. Kalma.
MAG-ISA siyang pumunta sa library para manghiram ng isang libro nila sa minor. Kailangan niyang mag-aral para mabawi ang grades niya. Kung makakabawi pa ba siya?
Hindi naman sa wala siyang tiwala sa sarili. Kung tiwala lang ang pag-uusapan, marami siya noʼn, umaapaw pa nga. Pero paano pa siya makakabawi?
Mataas naman ang grades niya, hindi na rin masama ang 1.50 diba?
Napailing siya nang maalala na naman ang sinabi ng Mommy niya. Ano ba Mae? Stop it.
Wala nang magbabago kung iisipin pa niya iyon ng iisipin. Mas masasaktan lang siya.
Aabutin na sana niya ang libro na kanina pa niya hinahanap nang may biglang kumuha niyon. Agad siyang napalingon sa likuran niya.
“Ano ba! Ako ang nakauna—.”
Nabitin sa ere ang mga salita niya nang makita niya si Kent. Kent na naman?
“How are you, mi amor?”
“Bakit lukot na lukot na naman 'yang mukha mo?”Pinaikot ni Mae ang mga mata at hindi tinapunan ng tingin ang pinsan niyang si Vanessa. Paglipas ng ilang segundo ay tumayo siya at lumapit sa mesa na kadalasan niyang ginagamit tuwing may laboratory sila. Kung gaano kakalat ang mesa niya ay ganoon din kagulo ang utak niya ngayon. At mas lalo lang tuloy siyang na-stress kasi magulo na nga ang utak niya, magulo din ang environment niya. Napailiing na lang siya at nagbuntonghininga.Kinuha niya ang meter stick na nasa ibabaw ng mesa. Hinaplos niya iyon mula sa tuktok hanggang sa baba. Parang wala siya sa sarili na tinititigan ang bawat numero na nakasulat do'n hanggang sa narinig niya ang pagtawa ng pinsan niya.“Don’t tell me gagamitin mo 'yan sa boyfriend mo? Or sinusukat mo lang kung gaano kahaba ang ano ni Kent—”Hindi natapos ni Vanessa ang mga sasabihin pa sana nito dahil agad niyang nahablot ang tailorʼs chalk niya at binato sa pinsan. Kahit kailan talaga walang nasasabing matino an
“Chief, nakita mo na ba?” tanong ni Monique kay Mae na siyang ipinagtataka niya.Bitbit niya ang mga tela na gagamitin niya mamaya sa kanilang major nang tawagin siya ni Monique. Kahit na maiinit ang paligid ay nagawa niyang huminto para tingnan si Monique dahil parang may dala itong chismis. Parang mali yata ang pagkakakilala niya sa sarili niya, ang buong akala niya ay siya ang pinaka-tsismosa sa buong campus pero bakit parang si Monique yata ang updated sa mga latest ngayon at siya naman ang nahuhuli sa balita. Iba na yata ang takbo ng panahon, ah!Tumaas ang kaniyang kaliwang kilay at tinutukan si Monique. Ano na naman kaya ang dala nitong balita na ibubuhay ng dugo at kaluluwa niya?“Nakita ang alin?” takang tanong niya sa kaibigan at hindi pinapahalata na excited siya, baka hindi pa nito ituloy ang kwento.Ngumiti ang dalaga at humawak muna sa dibdib bago siya sinagot. Na para bang exciting talaga ang chismis nito. “Ang bagong layout natin ire-release na bukas.”Nalaglag ang pa
PADABOG na ibinalik ni Mae ang baso sa mesa dahil sa inis na nararamdaman niya, hindi na talaga siya natutuwa sa pinaggagawa ni Kent Wilson Orquina. Hindi lang inis ang nararamdaman niya, kun'di galit na talaga. Galit na galit na talaga siya. Pakiramdam niya ay umiinit na ang ulo niya at puputok na siya na parang bulkan.Simula nang maging kasama na ito sa Blossom ay mas nadagdagan ang inis niya rito. Hindi nakaya ng powers niyang pigilan ang pagpasok nito kaya araw-araw tuloy siyang naiimbyerna. Mali, hindi pala araw-araw kun'di minu-minuto pala. Kumukulo ang dugo niya tuwing malapit ito sa kaniya. Kahit nga maamoy niya lang ang gamit nitong pabango ay parang sinisilaban na siya sa galit. Ang mas malala pa ay umaabot siya sa punto na ang sarap na nitong kalbohin.Pasalamat na lang talaga ang Kent na iyon dahil may natitira pa siyang konsensiya sa sarili. Kunting-kunti na lang, hindi na siya maniniwala sa tinatawag na karma. Dahil kung wala na siyang natitirang kabaitan, baka nasumbon
Anong ginawa mo Mae? Hindi ka ba nag-iisip? Pagkausap ni Mae sa sarili habang kaharap ang salamin niya. Pinukpok pa niya ang kaniyang ulo dahil sa kagagahan niyang ginawa kanina. Mula nang makauwi siya kanina ay nagkulong na siya sa kwarto at wala na siyang ibang ginawa kun'di ang tumitig sa salamin at pagalitan ang sarili.Hindi na niya alam kung anong pumasok sa kukute niya at pumayag siyang gano'n ang mangyari. Kung bakit siya nagpahalik sa lalaking 'yon. Talagang hindi na tama 'to!Kahit anong gawin niyang pag-isip ng rason ay wala talaga siyang mahagilap. Napasigaw na lang siya sa inis."OMG!" Muli na naman niyang tili. "Nababaliw ka na ba talaga?" Halos pukpokin na niya ang ulo para lang magising siya sa kabaliwan niya.Muli na naman siyang tumingin sa salamin at tinanong ang sarili kung bakit siya pumayag. Talagang hindi pa siya pumalag! Samantalang pwede naman niyang sipain si Kent hanggang sa mamilipit sa sahig. Pero, anong ginawa niya?Wala talaga siya sa matinong pag-iisip.
“Hoy!”Halos lumipad ang kaluluwa ni Mae dahil sa gulat. Para siyang magnanakaw na nahuli ng may-ari. Nabitawan niya ang libro na nahirapan pa siyang makuha dahil sa walang-hiyang Kent na 'yon. Ayaw pa talagang ibigay ang libro na siya naman talaga ang nauna. Masiyado lang talaga itong bida-bida.Agad niyang kinurot ang pinsan niya. Sumigaw ba naman ito malapit sa kaniyang tainga. Palagi na lang talaga siyang nahuhuli ni Vanessa kapag may kabaliwan siyang ginagawa.“Sino ba ang sinisilip mo d'yan?" Usisa pa nito sa kaniya. "Para kang timang,” dagdag ng pinsan niya at nakisilip na rin sa baba ng building nila.Wala siyang sinisilip, sinisiguro niya lang na wala ang kumag na Kent sa baba. Simula kasi kaninang umaga ay napapansin niyang para siya nitong binabantayan. Parang binabantayan nito kung bababa na siya sa building.Hindi ako assuming, sigurado ako na binabantayan niya talaga lahat ng mga galaw ko. Pagkumbinsi niya sa sarili. Kasi impossible naman na nakasunod agad ito sa library
“Good evening, Mom,” tawag-pansin ni Mae sa kaniyang Mommy na nasa laptop nakatuon ang paningin. Pero kahit ilang beses na siyang sumubok na kunin ang atensiyon nito, bigo pa rin siya. Ganito palagi ang eksena kapag nandito siya sa bahay. Wala siyang makausap.Hindi niya rin alam bakit hindi pa siya nasanay. Mula yata no’ng grade school pa siya ay ganito na palagi ang setup nila. Okay na sa pamilya niya na may pagkain siya sa mesa at bahala na siya. Aalis siya ng bahay na hindi man lang nakakausap ang pamilya niya at uuwi siyang gano’n pa rin.Napagpasyahan niya na lang na umakyat na ng kwarto. Dapat talaga sanay na siya eh. Wala namang bago. Sa loob ng dalawampu’t isang taon niya sa mundo, kailanman ay pahirapan talaga siyang kunin ang atensiyon ng Mommy niya. Bakit nga ba hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nasanay?“Where are you going, Mae?”Nahinto siya sa paghakbang. Sa tuno pa lang ng pananalita ng Mommy niya ay may bahid ng trahedya. Nagawa niya pa rin ang paglingon kahit nai







