LOGINAnong ginawa mo Mae? Hindi ka ba nag-iisip? Pagkausap ni Mae sa sarili habang kaharap ang salamin niya. Pinukpok pa niya ang kaniyang ulo dahil sa kagagahan niyang ginawa kanina. Mula nang makauwi siya kanina ay nagkulong na siya sa kwarto at wala na siyang ibang ginawa kun'di ang tumitig sa salamin at pagalitan ang sarili.
Hindi na niya alam kung anong pumasok sa kukute niya at pumayag siyang gano'n ang mangyari. Kung bakit siya nagpahalik sa lalaking 'yon. Talagang hindi na tama 'to!
Kahit anong gawin niyang pag-isip ng rason ay wala talaga siyang mahagilap. Napasigaw na lang siya sa inis.
"OMG!" Muli na naman niyang tili. "Nababaliw ka na ba talaga?" Halos pukpokin na niya ang ulo para lang magising siya sa kabaliwan niya.
Muli na naman siyang tumingin sa salamin at tinanong ang sarili kung bakit siya pumayag. Talagang hindi pa siya pumalag! Samantalang pwede naman niyang sipain si Kent hanggang sa mamilipit sa sahig. Pero, anong ginawa niya?
Wala talaga siya sa matinong pag-iisip. Walang matinong babae ang magpapahalik sa lalaki na hindi naman niya nobyo. Hindi talaga siya nag-iisip.
Nagsalubong ang kaniyang mga kilay habang nasa harap ng salamin sa kaniyang kuwarto. Kinagat niya ang kaniyang labi at muli na namang umiling.
"Oh, Lord God. Ibalik niyo po ako sa katinuan."
Bakit kaya niya hinayaan si Kent na halikan siya? Bakit niya hinayaan si Kent na gawin iyon sa kaniya? Wala pang nakahahalik sa labi niya. Ni isa, wala pa. Muli siyang napasigaw sa inis.
Muli niyang kinastigo ang sarili at pinaulanan ng mga tanong. Bakit niya hinayaan ang Kent na iyon? Bakit? Bakit? Bakit!
Pinagmasdan niyang muli ang sariling repleksyon sa salamin at napadako ang tingin niya sa kaniyang mapupulang labi. Natural na mapula ang labi niya kaya hindi na niya kailangan na lagyan pa iyon ng lipstick o kung ano-ano pang pampapula.
Namana niya iyon sa kaniyang Mama.
Wala sa sariling hinawakan niya ang kaniyang labi at niramdam ang lambot niyon. Hanggang sa oras na ito ay ramdam pa niya ang halik na pinagsaluhan nila ni Kent. Na para bang hinahalikan pa rin siya nito. Muli siyang umiling.
Ang bawat galaw nito na parang inaanyayahan siyang igalaw din ang kaniyang labi. Nagpalabas siya ng isang buntong hininga.
Stop, Mae. Stop. Mali ang iniisip mo, mali!
Umalis siya sa harapan ng salamin at pilit na winaksi sa isipan ang mga nangyari kanina sa pagitan nila ng Orquina na iyon.
Playboy iyon. Kung sino-sino ang hinahalikan no’n, Mae.
Lumundag siya sa malambot niyang kama at ipinikit ang mga mata. Kailangan niya talagang ibaling sa ibang bagay ang isip niya. Bad influence ang lalaking iyon.
Biglang tumunog ang kaniyang cellphone na nasa ilalim ng unan niya. Wala naman siyang inaasahan na tawag ngayon kaya nagtataka siyang kinuha ang kaniyang aparato.
Hindi naka-registered ang number na tumatawag sa kaniya kaya hindi niya sinagot ang tawag. Binalik niya sa ilalim ng unan ang cellphone na patuloy pa rin sa pag-iingay. Wala siya sa mood makipag-usap.
Muli niyang ipinikit ang kaniyang mga mata nang bigla na namang nag-ingay ang cellphone niya. Inis niyang kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag.
“Hello! Rest day ko ngayon. Ano bang kailangan—”
“Mae?”
Patay, paano nalaman ng kumag na ito ang number ko?
Dahil sa gulat ay agad niyang pinatay ang cellphone at napahilamos sa kaniyang mukha gamit ang mga kamay. Kahit Mae lang ang narinig niya sa kabilang linya, alam na niya kung sino ito. Sa paraan pa lang ng pagbanggit nito sa pangalan niya, kilalang-kilala na niya.
God, bakit ayaw akong tigilan ni Kent? Wala ba siyang ibang mahanap kaya ako ang ginugulo niya?
Minulat niya ang mga mata at tumingin sa salamin. Nakailang buntinghininga siya at gusto na lang niyang umiyak.
Hindi dapat ako magpadala, bulong niya at muling humiga sa kama.
“CHIEF, may bagong recruit si Sir Chester. Alam mo ba?”
Ang boses agad ni Monique ang sumalubong sa kaniya, pagkapasok na pagkapasok niya sa opisina ng Blossom.
Panibagong-araw, panibagong buhay. Aba! Gusto niyang bumalik sa katinuan kaya ayaw niyang magpa-stress ngayon. Halos hindi siya nakatulog kahapon kakaisip sa nangyari. Kaya plano niya na magtambay na lang dito sa opisina nila dahil wala naman siyang klase ngayong umaga.
Umiling siya. “Hindi eh. Complete naman ang mga staff natin, bakit may bagong recruit?” takang tanong niya kay Monique na nagkibit-balikat lang.
“Ewan ni Sir. Balita raw kasi na aalis na si Aldwin bilang literary writer natin. Hindi pa naman sure na aalis talaga pero may ipinalit na ang adviser natin.”
Bumuntonghininga siya bago pumunta sa table niya at muling lumingon kay Monique.
“Alam na ba ni Aldwin 'to?” tanong niya sa kasama. Hindi siya makapaniwalang aalis na si Aldwin dahil napakagaling nitong magsulat. Ito 'yong writer na hindi ka papayag na hindi matapos basahin ang mga sulat niya.
“'Yan ang hindi ko alam.”
“Sino raw ang bagong recruit? Sana lang talaga na hindi ako mabaliw sa mga works niya,” natatawang wika niya nang maalala noong bagong pasok pa lang si Aldwin. Mahabang editan ang nasagupa nila. Pero nang tumagal na ito, siya naman ang nabaliw dahil hindi na siya nakakatulog kung hindi niya matapos basahin ang pinasa nitong kuwento.
“Hindi naman siguro.”
Nagsalubong ang mga kilay niya dahil sa sinabi ni Monique.
“Blogger daw iyon eh. May page rin daw sa F******k about sa poems, short stories, and epistolary. Hindi ka naman siguro mahihirapan na i-handle siya, Chief.”
Napatango siya. “Mukhang sanay na.”
Hinarap niya ang computer at muling nagtipa. Marami pa siyang aasikasuhin. Maliban sa mga nag-contribute ng mga literary works ay may editorial pa siyang gagawin.
Kinuha niya ang reading glass niya sa bag niya upang isuot nang biglang bumukas ang pinto ng opisina.
Nagtataka siyang tumingin sa pinto. Sino kaya ang tatambay din sa opisina? Kapag ganitong oras kasi sila lang madalas ni Monique ang nandito upang magtrabaho. Himala yata kung may tatambay din kasabay nila.
Nang masuot na niya ang reading glass ay tumingin siya kay Monique at binigyan niya ng nagtatanong na tingin. Napangiwi ito, marahil ay pareho silang hindi alam kung sino ang nagbukas ng pinto.
Hindi kasi sila sabay na nagtatrabaho dahil iba-iba ang schedule nila. Hindi sila sabay ng free time. Himala nga lang na kasabay niya si Monique ngayon na semester, hindi gaya ng dati na solo siyang nag-oopisina.
Ilang segundo lang ang lumipas nang pumasok na ang nagbukas ng pinto. Lalaki?
Si Aldwin lang naman ang lalaki sa Blossom, ah?
Bumilis ang pagpintig ng puso ni Mae nang mapagtanto kung sino iyon.
“Kent?”
Alas-tres ng hapon ang huling klase ni Mae ng araw na iyon nang naisipan niyang dumaan sa opisina ng Blossom. Maaga pa para umuwi kaya tatapusin na lang niya ang mga pinapa-edit sa kaniya.
Sobrang init ang yumakap sa kaniya kaya halos lumiit ang kaniyang mga mata habang tinatahak ang daan patungo sa opisina nila. Nakalimutan na naman niyang dalhin ang payong niya mabuti na nga lang ay may dala siyang jacket kaya hindi masyadong nanuot ang init sa kaniyang balat.
Hindi pa nga siya nakakalapit ay rinig na rinig na niya ang ingay na nagmumula sa opisina nila. Dinig na dinig niya ang musika na galing sa gitara. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto at idinikit ang tainga niya doon. Ang gandang pakinggan no'n. Ang galing ng nag-gigitara.
Bakit kaya ang ingay nila ngayon? Nagtataka niyang tanong habang patuloy pa ring nakikinig. Sino kaya ang nasa loob ng opisina?
May nagdala na naman siguro ng bisita sa opisina nila kaya napailing na lang siya. Wala na namang magawa ang mga kasama niya. Parang hindi pa rin siya makakatrabaho kung ganito ang eksena ng opisina. Parang kailangan na lang niyang baguhin ang plano niya para may magawa naman siyang tama ngayong araw.
Kinuha niya ang cellphone sa kaniyang bag nang naalala niya si Vanessa. Tiningnan niya kung may text ba galing sa kaniyang pinsan. May usapan kasi sila na pupunta sila sa library upang manghiram ng libro pero alas-tres na lang ay wala pa talagang mensahe mula sa pinsan niya.
Nakalimutan na naman marahil ng pinsan niya ang usapan nila. Ano na naman kayang ginawa no’n kay Sir Gian?
Napailing na lang siya at ibinalik ang cellphone sa bag bago itinulak ang pinto ng opisina. Dito na lang muna siya tatambay. Wala na naman siyang pasok kaya tatapusin na lang niya ang mga paper works niya na naudlot kahapon. Tatapusin niya kahit impossible na may magagawa siya sa gitna ng kaingayan.
“Nais kong malaman mo na iniibig kita…”
Hanggang titig lang ang nagawa niya sa limang staff na nasa loob ng opisina at kumakanta habang si Kent ang nag-gigitara.
Si Melody ang unang nakapansin sa kaniya at siniko nito si Monique na agad namang napatingin sa kaniya. Natigil ang lahat at natuon sa kaniya ang tingin pero si Kent ang unang nakabawi.
Inilapag ni Kent ang gitara sa mesa at nilapitan siya. Napaatras siya. Bakit lalapitan siya ng kumag na ito?
Bigla na naman siyang nanlalamig nang dumapo ang tingin niya sa labi ng binata. Naalala na naman niya ang ginawa nitong katarantaduhan kahapon.
Oh, Lord God, please have mercy on me, bulong niya sa sarili. Ilayo niyo po si Kent sa akin.
Pilit niyang pinakalma ang sarili at umiwas ng tingin dito. Bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng pwede maging bisita, bakit ito pa talagang kumag na 'to ang dinala ng mga kasamahan niya?
“Hi, Amor. How’s your day?” tanong nito sa kaniya na muling nagpaingay sa buong opisina.
Tinitigan niya nang masama si Kent. Kung pwede lang mapatay ang lalaking 'to sa pamamagitan ng tingin, nakaburol na 'to panigurado.
Hindi niya talaga maintindihan kung ano ba talagang plano nito or baka sadyang trip lang siya nitong inisin. Or baka wala na itong mahanap na babae na pwede nitong pagtripan. Nilampasan niya si Kent at pinaikot ang mga mata. Wala siyang oras para makipag-usap sa lalaking 'yon.
“Yown oh! Mukhang may love life na pala si Chief,” natatawang saad ni Monique na nagpataas ng kilay niya.
Siya? Magkaka-love life? Hello?!
Narinig pa niyang naghiyawan ang mga kasama niya at ang iba ang pinupokpok pa ang mga table na parang kilig na kilig talaga. Mas lalong uminit ang ulo niya at binigyan na naman ng masamang tingin ang binata.
“Sa wakas!” Si Evelyn naman ang nagsalita sabay palaklak. "Mabuti naman, ate, at naisipan mo ring magkaroon ng jowa. Para naman mabawasan 'yang pagka-nerd mo. Puro ka na lang aral, eh."
"Ang sabihin mo, palagi ka lang pinapagalitan ni Chief kasi mali-mali ang sinusulat mo." Tukso naman ni Monique.
Pinaikot niya ang mga mata at hindi pinansin ang mga pinagsasabi ng mga ito. Mabilis niyang tinahak ang mesa niya at umupo. Pero sa kasamaang palad, nakasunod pala ang binata sa kaniya at umupo sa harap ng mesa niya.
“Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba bagsak ka sa interview kahapon?”
Isa pala si Kent sa in-interview niya para mag-apply bilang isa sa staff ng Blossom kahapon bago nangyari ang halikang naganap sa CR. Mukhang buo na kasi ang pasya ni Aldwin na aalis na talaga sa group nila kaya wala na silang nagawa.
Nagsagawa na talaga sila ng interview dahil hindi talaga madali ang maging isang literary writer, baka matulad na naman dati na mahihirapan na naman sila at isa nga si Kent sa nag-apply. Pero syempre, hindi niya ito pinayagang maging parte sa grupo nila.
“And correction, hindi Amor ang pangalan ko,” dagdag niya at muling pinaikot ang mga mata.
Talaga namang hindi Amor ang pangalan niya, masyado lang talagang malandi ang lalaking 'to kaya may pa call sign pang nalalaman.
“Ang chismosa nating Editor-in-chief, tinutubuan na naman ng sungay,” sabi ni Melody habang pabalik sa mesa nito at pinindot ang monitor. Nang lumingon ito sa kaniya ay nag-peace sign ito at ngumiti. “Chief, wala po akong sinabi.”
“Sa iyo bagsak pero kay Sir Chester, pasado,” pahambog na sagot ni Kent at nagpacute sa kaniya. Nagawa pa nitong kindatan siya sabay nguso pa.
Putek! Nagawa pa talaga nitong magpa-cute sa kaniya! Pero kahit anong gawin nitong pa-cute, hindi tatalab iyon sa kaniya.
“Ahh, gano’n? Edi wow,” sarcastic niyang sagot at padabog na nilapag ang librong hawak niya. "Ligpitin mo ang kalat dito. Wala ka talagang magawang matino,” utos niya sa binata at sinuot ang earphone sa tainga.
“Kinantahan kita kagabi tapos ngayon wala pa rin akong magawang matino? Sakit no’n, Amor,” nagdramang wika nito sa kaniya at may pahawak-hawak pa sa dibdib.
“Wow, may kantahan pa lang nagaganap.” Nagtawanan muli ang mga kasama nila.
“Bakit hindi niyo man lang ako ininvite?” tanong ni Monique sa kanila pero hindi niya pinansin ang babae.
Kinuha niya ang stapler niya at binato kay Kent. Kailanman ay hindi siya kinantahan nito. Sa pagkakaalam niya, hindi kantahan niya kun'di halikan.
Bwesit!
“'Wag kang gumawa ng kwento, hoy! Kapal nito!” iritang sagot niya pero tumawa lang si Kent na mas lalong kinairita niya.
Bwesit!
Hindi na alam ni Mae kung paano siya napapayag. Ang alam lang niya ay ilang minuto matapos silang mag-usap sa hallway, ay narito na siya ngayon, nakaupo sa likod ng motor ni Kent. At kasalukuyang umaandar iyon.Mahigpit ang kapit niya sa gilid ng upuan at pilit iniiwasan ang sarili na humawak dito. Kahit ilang linggo na silang mag-jowa ni Kent ay parang nahihiya pa rin talaga siya sa boyfriend niya.Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni Kent. Hindi rin nito sinabi. At sa totoo lang hindi rin siya nagtanong.Ano bang ginagawa mo, Mae?Tahimik siyang napabuntong-hininga habang pinagmamasdan ang kalsadang nadadaanan nila. Pinagmamasdan na lang niya ang mga ilaw ng poste na unti-unting nagsisindi, mga taong pauwi na, at mga sasakyang dumadaan na tila walang pakialam sa gulong nasa isip niya.Dapat ay kinakabahan siya ngayon diba? Dapat ay nag-iingat siya. Pero bakit parang kabaligtaran ang nararamdaman niya?May kaba, oo pero may halo ring excitement.Isang bagay na hindi niya kayang
Hapon na nang matapos ang huling exam.Pagod na pagod si Mae. Parang may martilyo na pumupokpok sa ulo niya at sobrang bigat pa ng kaniyang ulo. Gusto na lang niyang umuwi para makapagpahinga at makatulog na rin. Gustong-gusto ng bumawi ng katawan niya sa pagtulog. Parang hindi lang ulo niya ang mabigat ngayon, pati mga mata niya.Idagdag pa ang pagod niya sa exam, hindi lang sa mga tanong na kinailangan niyang sagutan buong araw kundi sa sarili niyang pilit kinokontrol ang isip at damdamin.Ang hirap palang magpigil, bulong ng utak niya. Paglabas niya ng classroom kasama si Vanessa, agad siyang sinalubong ng ingay ng hallway, mga estudyanteng nag-uusap, nagrereklamo, nagtatawanan. Naririnig pa niyang nagyayabangan ang iba tungkol sa mga sagot ng mga ito kanina.Normal.Lahat ay normal maliban sa kanya. Hindi na normal ang sakit ng ulo niya.“Grabe, Mae! Math pa lang kanina, parang gusto ko nang umiyak,” reklamo ni Vanessa habang naglalakad sa tabi niya. Umiiling-iling pa ang pinsan
“Ano bang ginagawa niyo?” tanong ni Manang Fe, pero ang tono nito ay hindi mapanghusga kundi puno ng aliw.“W-wala po!” mabilis na sagot ni Mae, pero agad din siyang napaisip.Sht. Kailangan ng dahilan! Kilala niya si Manang Fe at alam niya kung anong tumatakbo sa utak nito ngayon. For sure ay iniisip nito ang iniisip niya.“M-Magrereview po kami,” bigla niyang dagdag, halos magkandautal. “Exam week po namin ngayon.”Saglit na natahimik si Manang Fe at napatingin ito kay Kent. Pagkatapos ay bumalik ang tingin sa kaniya na para bang sinusukat kung gaano katotoo ang sinasabi niya.“Review?” ulit nito.“Opo!” mabilis niyang sagot, sabay tango nang sunod-sunod. “May… may kailangan po akong ipaintindi sa kanya. Sa subject.” Tinuro pa niya si Kent.Bahagya siyang napalunok matapos sabihin iyon. Hindi niya alam kung convincing ba siya. Pero nang sumulyap siya kay Kent ay nakatingin ito sa kanya. At halatang pinipigilan ang sarili na huwag ngumiti.“Talaga?” tanong ni Manang Fe, ngayon ay may
Pagkaputol ng tawag ay tila bumalik ang katahimikan sa kwarto ngunit ibang katahimikan na ito. Hindi niya alam kung anong sunod niyang gagawin. Parang ayaw niya tuloy patayin ang tawag nila ni Vanessa at hayaan na lang itong magsalita ng kung ano-ano kaysa sa ibalik ang atensyon niya kay Kent. Pero syempre, hindi naman pwede kung gano’n.Dahan-dahang ibinaba ni Mae ang cellphone sa tabi niya. Hindi niya agad kayang tumingin kay Kent. Ramdam pa rin niya ang init ng katawan nito na napakalapit sa kaniya na para bang hindi pa tuluyang nawawala ang nangyari kanina.At sa totoo lang ay ayaw niya ring mawala iyon.Ngunit ngayon ay hindi na niya alam kung saan siya titingin o kung ano ang sasabihin. Nawala na yata ang tapang na napulot niya kanina.“Kaya pala…” mahina niyang sabi na pilit binabasag ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. “Tinanggal mo siya kanina.” Mahina niyang dagdag. Naalala niya tuloy na siya nga pala ang nag-utos dito na tanggalin ang pinsan sa GC nilang tatlo.May ba
Hindi na namalayan ni Mae kung kailan siya napasunod.Parang kusa na lang siyang hinila ng mga paa niya papasok sa loob ng kwarto, kasunod si Kent at sa isang mahinang tunog ng pagsara ng pinto, tila tuluyan nang nahiwalay ang mundong nasa labas sa kung anong meron sa pagitan nila.Bumalot ang katahimikan sa kanilang dalawa ni Kent at tila nakikiramdam sila sa isa’t isa. Pero ang katahimikang iyon ay mas maingay pa sa anumang ingay. ‘Yong katahimikan na maririnig na niya ang pagpintig ng puso niya.Nakatayo siya sa gilid ng kama niya, habang si Kent ay ilang hakbang lang ang layo sa kaniya. Nakatingin ito sa kanya na para bang may matagal na itong pinipigilan at ngayon ay nasa hangganan na.Ang dibdib niya ay mabilis na umaangat-bumaba. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa kaba o sa iniisip niyang mangyayari sa kanilang dalawa ngayon. Ayaw man niyang aminin pero gustong-gusto ng puso niya ang balak ng kaniyang isipan ngayon. At ngayon nga, kung hihilingin man ni Kent ulit ay hindi si
At sa pagitan ng gate ay naroon nga si Kent. Hindi pa rin makapaniwala si Mae sa nakikita niya. Pinuntahan pa talaga siya nito sa bahay nila.Napahinto siya, tila biglang nawalan ng lakas ang mga tuhod niya. Hindi siya agad nakagalaw na parang may kung anong humigpit sa dibdib niya habang nakatitig sa lalaking kanina lang ay nasa maliit na screen ng cellphone niya.Ngayon ay narito na ito. Sa harap niya. Totoo. Humihinga.At nakatingin sa kanya na parang siya lang ang nakikita nito sa buong mundo.Ang ilaw mula sa poste sa labas ay marahang tumatama sa mukha ni Kent, nagbibigay-lalim sa matitigas nitong features, sa panga nitong mahigpit, sa mga matang madilim at tila may pinipigilang kung ano.At doon pa lang ay ramdam na niya.Hindi ito simpleng pagkikita. Hindi ito basta pagbisita. May ibang dala ang gabing ito. May mas mapanganib.“Kent…” halos bulong na lumabas sa labi niya.Ngunit hindi ito sumagot.Sa halip, dahan-dahan itong lumapit sa gate at ang bawat hakbang ay kontrolado,







