LOGIN“Hoy!”
Halos lumipad ang kaluluwa ni Mae dahil sa gulat. Para siyang magnanakaw na nahuli ng may-ari. Nabitawan niya ang libro na nahirapan pa siyang makuha dahil sa walang-hiyang Kent na 'yon. Ayaw pa talagang ibigay ang libro na siya naman talaga ang nauna. Masiyado lang talaga itong bida-bida.
Agad niyang kinurot ang pinsan niya. Sumigaw ba naman ito malapit sa kaniyang tainga. Palagi na lang talaga siyang nahuhuli ni Vanessa kapag may kabaliwan siyang ginagawa.
“Sino ba ang sinisilip mo d'yan?" Usisa pa nito sa kaniya. "Para kang timang,” dagdag ng pinsan niya at nakisilip na rin sa baba ng building nila.
Wala siyang sinisilip, sinisiguro niya lang na wala ang kumag na Kent sa baba. Simula kasi kaninang umaga ay napapansin niyang para siya nitong binabantayan. Parang binabantayan nito kung bababa na siya sa building.
Hindi ako assuming, sigurado ako na binabantayan niya talaga lahat ng mga galaw ko. Pagkumbinsi niya sa sarili. Kasi impossible naman na nakasunod agad ito sa library kung hindi siya nito binabantayan, diba?
Sige, ipilit mo pa, Mae! Ang feeling mo naman masiyado.
"Wala akong sinisilip uy! Sino naman ang sisilipin ko, aber?"
Bumalik siya sa puwesto niya at umupo. Ito talagang pinsan niya masyadong OA. Lahat na lang ng mga galaw niya napapansin din. Nakita niyang nakasunod din si Vanessa at lumilingon pa rin sa baba ng building.
Panigurado, hindi siya nito titigilan kung hindi siya aamin.
Ipinasok na niya sa bag ang hiniram niyang libro. Mahirap na at baka maagaw pa, nag-iisa na lang kasi ang libro na 'to sa library nila kaya pilit na inagaw ni Kent ang libro. Para naman talagang nag-aaral ang kumag na 'yon. May balak pa yatang sirain ang kinabukasan niya.
“Sino ang tinitingnan mo sa baba? May crush ka sa Filipino major 'no?” Usisa na naman nito sa kaniya. Hindi talaga siya nito titigilan.
Pinaikot niya ang mga mata. Siya? May crush? Magiging puti na lang ang mga buhok niya pero never siyang magkakaroon ng crush. Imposible 'yon! Mas gugustuhin na lang niyang magbasa ng mga libro kaysa ibaling ang atensiyon niya sa mga crush-crush na 'yan.
"Ako?" Tinuro pa niya ang sarili. "Ako? May crush?"
“Sus, kunwari ka pa. Hindi mo ko maloloko, hoy! Gawain ko rin iyan kapag nandiyan si Gian, My Love. Kinikilig talaga ako,” dagdag ulit nito. Hinampas pa siya sa braso. "Para talagang may mga stars at butterflies sa paligid ko kapag nakikita ko si Gian."
“Edi ikaw na.” Pinaikot niyang muli ang mga mata. “So, kamusta naman kayo ni Sir Gian?” tanong niya sa pinsan na namumula pa rin.
Ngumiti ito tapos tumingin sa harapan. Eksaktong pagpasok ni Sir Gian sa classroom nila, ito ang instructor nila sa English Enhancement Program Two. Ang crush ng pinsan niya ay mismong instructor nila na nagbigay sa kaniya ng 1.50 na grado.
“Hi Sir, good morning po.”
Napahawak siya sa kaniyang noo, magsisimula na naman ang kalbaryo ni Sir Gian sa kamay ng pinsan niya. Ito talaga ang totoong malas.
Mas may malas pa pala sa kaniya. Napabulong na lang siya ng 'good luck' para kay Sir Gian na mahihirapan na namang ipabalik sa katinuan ang pinsan niya.
NAPASINGHAP si Mae nang may biglang humila sa kaniya papasok sa comfort room. Agad na tinakpan ng kung sinong mapangahas ang bibig niya upang hindi siya makagawa nang kung anong ingay.
Pilit siyang nagpupumiglas upang makawala sa mahigpit na pagkahawak ng tao sa kaniya pero mas mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang bewang habang ang isang kamay nito ay nasa kaniyang bibig.
Hindi na niya talaga maintindihan ang nangyayari sa kaniya. Una, may Kent na umaaligid, ngayon naman parang maki-kidnap pa yata siya ng wala sa oras.
Kailangan niyang gumawa ng paraan, hindi maaaring ma-kidnap siya.
Hinawakan niya ang kamay ng lalaki at kinagat ang mga daliri nito. Diin na diin ang mga ngipin niya kaya ang lalaki naman ang umimpit sa sakit dulot nang ginawa niyang pagkagat sa daliri nito.
“F*ck!”
Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Boses pa lang ay kilala na niya kung sino ang may-ari niyon. Agad siyang napalingon sa lalaki at tama nga ang hinala niya. Si Kent na naman.
“Are you crazy?” dagdag nitong reklamo. Napangiwi siya nang makitang namumula ang mga daliri nito at may marka sa ginawa niyang pagkagat.
“Ako pa ngayon ang baliw! Ikaw nga 'tong mukhang papatayin ako sa kaba.” Humakbang siya papalayo rito. Baka kung ano pang gawin nito sa kaniya. Hindi pa niya lubusang kilala si Kent, baka addict pala ito at gahasain pa siya.
“Diyan ka na nga!”
Tatakbo na sana siya ngunit mabilis siyang nahawakan ni Kent at naharangan nito ang pagtangka niyang pag-alis. Mabilis nitong sinara ang pinto ng comfort room na mas lalong nagpabilis nang pagkabog ng dibdib niya.
Pinalibot niya ang tingin sa buong comfort room. Dapat pala hindi comfort room ang tawag dito, hindi siya comfortable ngayon. Parang hinahabol ng kabayo ang dibdib niya at tila sumikip ang space ng comfort room.
Hindi niya mabasa ang iniisip ni Kent at mga balak nitong gawin. Hindi niya rin mawari kung bakit kailangan pa nitong ikulong siya sa comfort room.
Dios ko po, ayokong umuwing hindi na virgin.
“Next time, baby. Don’t bite me kung ayaw mo ring kagatin kita.”
Iyon lang ang naintindihan niya bago nilapat ni Kent ang mga labi nito sa labi niya. Ramdam na ramdam niya ang malambot nitong mga labi na lumapat sa mapupula niyang labi. Marahan itong gumalaw at parang inaanyayahan siyang sagutin at sundin ang mga halik nito.
Dapat tumutol siya. Dapat ilayo niya ang mga labi niya sa labi ng lalaki. Dapat sumigaw siya. Pero bakit tinutugon niya ang mga halik ni Kent? Bakit binuka niya ang labi niya upang tanggapin ang mga halik nito? Bakit nasasarapan siya? Bakit ganito ang nararamdaman niya?
Tinugon niya ang halik nito at tinumbasan ang mga halik na binibigay nito sa kaniya.
Parang may sariling utak ang mga braso niya dahil yumakap ito sa leeg ni Kent upang palalimin ang halik na pinagsasaluhan nilang dalawa. Ngunit parang mali yata ang ginagawa niya.
“That’s wild, baby. But I guess, you need practice,” wika nito na nagpapula sa mga pisngi niya.
Tangina, anong nangyayari?
Hindi na alam ni Mae kung paano siya napapayag. Ang alam lang niya ay ilang minuto matapos silang mag-usap sa hallway, ay narito na siya ngayon, nakaupo sa likod ng motor ni Kent. At kasalukuyang umaandar iyon.Mahigpit ang kapit niya sa gilid ng upuan at pilit iniiwasan ang sarili na humawak dito. Kahit ilang linggo na silang mag-jowa ni Kent ay parang nahihiya pa rin talaga siya sa boyfriend niya.Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni Kent. Hindi rin nito sinabi. At sa totoo lang hindi rin siya nagtanong.Ano bang ginagawa mo, Mae?Tahimik siyang napabuntong-hininga habang pinagmamasdan ang kalsadang nadadaanan nila. Pinagmamasdan na lang niya ang mga ilaw ng poste na unti-unting nagsisindi, mga taong pauwi na, at mga sasakyang dumadaan na tila walang pakialam sa gulong nasa isip niya.Dapat ay kinakabahan siya ngayon diba? Dapat ay nag-iingat siya. Pero bakit parang kabaligtaran ang nararamdaman niya?May kaba, oo pero may halo ring excitement.Isang bagay na hindi niya kayang
Hapon na nang matapos ang huling exam.Pagod na pagod si Mae. Parang may martilyo na pumupokpok sa ulo niya at sobrang bigat pa ng kaniyang ulo. Gusto na lang niyang umuwi para makapagpahinga at makatulog na rin. Gustong-gusto ng bumawi ng katawan niya sa pagtulog. Parang hindi lang ulo niya ang mabigat ngayon, pati mga mata niya.Idagdag pa ang pagod niya sa exam, hindi lang sa mga tanong na kinailangan niyang sagutan buong araw kundi sa sarili niyang pilit kinokontrol ang isip at damdamin.Ang hirap palang magpigil, bulong ng utak niya. Paglabas niya ng classroom kasama si Vanessa, agad siyang sinalubong ng ingay ng hallway, mga estudyanteng nag-uusap, nagrereklamo, nagtatawanan. Naririnig pa niyang nagyayabangan ang iba tungkol sa mga sagot ng mga ito kanina.Normal.Lahat ay normal maliban sa kanya. Hindi na normal ang sakit ng ulo niya.“Grabe, Mae! Math pa lang kanina, parang gusto ko nang umiyak,” reklamo ni Vanessa habang naglalakad sa tabi niya. Umiiling-iling pa ang pinsan
“Ano bang ginagawa niyo?” tanong ni Manang Fe, pero ang tono nito ay hindi mapanghusga kundi puno ng aliw.“W-wala po!” mabilis na sagot ni Mae, pero agad din siyang napaisip.Sht. Kailangan ng dahilan! Kilala niya si Manang Fe at alam niya kung anong tumatakbo sa utak nito ngayon. For sure ay iniisip nito ang iniisip niya.“M-Magrereview po kami,” bigla niyang dagdag, halos magkandautal. “Exam week po namin ngayon.”Saglit na natahimik si Manang Fe at napatingin ito kay Kent. Pagkatapos ay bumalik ang tingin sa kaniya na para bang sinusukat kung gaano katotoo ang sinasabi niya.“Review?” ulit nito.“Opo!” mabilis niyang sagot, sabay tango nang sunod-sunod. “May… may kailangan po akong ipaintindi sa kanya. Sa subject.” Tinuro pa niya si Kent.Bahagya siyang napalunok matapos sabihin iyon. Hindi niya alam kung convincing ba siya. Pero nang sumulyap siya kay Kent ay nakatingin ito sa kanya. At halatang pinipigilan ang sarili na huwag ngumiti.“Talaga?” tanong ni Manang Fe, ngayon ay may
Pagkaputol ng tawag ay tila bumalik ang katahimikan sa kwarto ngunit ibang katahimikan na ito. Hindi niya alam kung anong sunod niyang gagawin. Parang ayaw niya tuloy patayin ang tawag nila ni Vanessa at hayaan na lang itong magsalita ng kung ano-ano kaysa sa ibalik ang atensyon niya kay Kent. Pero syempre, hindi naman pwede kung gano’n.Dahan-dahang ibinaba ni Mae ang cellphone sa tabi niya. Hindi niya agad kayang tumingin kay Kent. Ramdam pa rin niya ang init ng katawan nito na napakalapit sa kaniya na para bang hindi pa tuluyang nawawala ang nangyari kanina.At sa totoo lang ay ayaw niya ring mawala iyon.Ngunit ngayon ay hindi na niya alam kung saan siya titingin o kung ano ang sasabihin. Nawala na yata ang tapang na napulot niya kanina.“Kaya pala…” mahina niyang sabi na pilit binabasag ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. “Tinanggal mo siya kanina.” Mahina niyang dagdag. Naalala niya tuloy na siya nga pala ang nag-utos dito na tanggalin ang pinsan sa GC nilang tatlo.May ba
Hindi na namalayan ni Mae kung kailan siya napasunod.Parang kusa na lang siyang hinila ng mga paa niya papasok sa loob ng kwarto, kasunod si Kent at sa isang mahinang tunog ng pagsara ng pinto, tila tuluyan nang nahiwalay ang mundong nasa labas sa kung anong meron sa pagitan nila.Bumalot ang katahimikan sa kanilang dalawa ni Kent at tila nakikiramdam sila sa isa’t isa. Pero ang katahimikang iyon ay mas maingay pa sa anumang ingay. ‘Yong katahimikan na maririnig na niya ang pagpintig ng puso niya.Nakatayo siya sa gilid ng kama niya, habang si Kent ay ilang hakbang lang ang layo sa kaniya. Nakatingin ito sa kanya na para bang may matagal na itong pinipigilan at ngayon ay nasa hangganan na.Ang dibdib niya ay mabilis na umaangat-bumaba. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa kaba o sa iniisip niyang mangyayari sa kanilang dalawa ngayon. Ayaw man niyang aminin pero gustong-gusto ng puso niya ang balak ng kaniyang isipan ngayon. At ngayon nga, kung hihilingin man ni Kent ulit ay hindi si
At sa pagitan ng gate ay naroon nga si Kent. Hindi pa rin makapaniwala si Mae sa nakikita niya. Pinuntahan pa talaga siya nito sa bahay nila.Napahinto siya, tila biglang nawalan ng lakas ang mga tuhod niya. Hindi siya agad nakagalaw na parang may kung anong humigpit sa dibdib niya habang nakatitig sa lalaking kanina lang ay nasa maliit na screen ng cellphone niya.Ngayon ay narito na ito. Sa harap niya. Totoo. Humihinga.At nakatingin sa kanya na parang siya lang ang nakikita nito sa buong mundo.Ang ilaw mula sa poste sa labas ay marahang tumatama sa mukha ni Kent, nagbibigay-lalim sa matitigas nitong features, sa panga nitong mahigpit, sa mga matang madilim at tila may pinipigilang kung ano.At doon pa lang ay ramdam na niya.Hindi ito simpleng pagkikita. Hindi ito basta pagbisita. May ibang dala ang gabing ito. May mas mapanganib.“Kent…” halos bulong na lumabas sa labi niya.Ngunit hindi ito sumagot.Sa halip, dahan-dahan itong lumapit sa gate at ang bawat hakbang ay kontrolado,







