Share

Chapter 2: THE SECRETS

Aвтор: ladyaugust
last update Последнее обновление: 2024-12-25 15:33:10

Dalawang linggo na ako sa Montenegro Corporation, at sa wakas, pakiramdam ko’y nasasanay na ako sa mabilis at walang-patawad na trabaho rito. Pero kahit anong gawin ko, tila hindi pa rin ako makakuha ng matinong feedback mula sa boss kong si Dylan Montenegro. Araw-araw, pareho lang ang routine—matataray na utos, malamig na titig, at sandamakmak na paperwork.

Minsan, gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader.

"Sir, here's your coffee," sabi ko habang maingat na inilapag ang tasa sa harapan niya.

Hindi man lang siya lumingon. "Did you double-check the budget proposal for the board meeting later?"

"Yes, Sir! Triple-checked pa nga po," sagot ko, pilit na ngumiti kahit kinakabahan.

"Good." Malamig ang tinig niya, parang robotic, habang nakatutok pa rin sa mga papeles.

Napapikit ako sandali at napailing. Parang walang araw itong hindi nakasimangot, tsk… pero ang gwapo mo kahit ganyan mukha mo.

Habang naglalakad ako pabalik sa desk ko, napadaan ako sa conference room kung saan nagmi-meeting ang marketing team. Narinig kong nagtatawanan ang ilan sa kanila.

"Grabe, no? Si Sir Dylan parang hindi marunong ngumiti. Ang sungit 24/7!"

"Oo nga! Buti pa si Trixie, parang hindi tinatablan."

Napangiti ako nang bahagya. Kung alam lang nila kung anong klase ng tiyaga at dasal ang kailangan para lang makasabay sa mood swings ni Boss Dylan. Para akong may PhD sa "Pagtitimpi at Pagsasawalang-bahala 101".

 

Kinahapunan, habang abala ako sa pagrerevise ng Cebu Project proposal, biglang bumukas ang pinto ng opisina kaya nagulat ako.

"Kuya, nandiyan ka ba?!" sigaw ng isang pamilyar na boses.

Napalingon ako. Si Lance Montenegro, ang nakakabatang kapatid ni Dylan, mabilis na pumasok sa opisina na may dalang folder. Kitang-kita sa mukha niya ang pagmamadali.

Napatigil ako sa ginagawa at sinulyapan si Boss. Naku, wala sa mood ‘to ngayon… Good luck na lang sayo, Lance!

Pagkapasok ni Lance, agad siyang sinalubong ng matalim na tingin ni Dylan.

"What is it, Lance? I told you, don’t come here unless it’s urgent."

"Kuya, this is urgent!" sagot ni Lance, may diin ang boses. "May problema sa isang project sa Cebu. I need your signature for this."

Nakita kong napabuntong-hininga si Dylan bago sumagot. "Fine. Leave it here, I’ll look at it later."

Paglabas ni Lance, halatang inis ito. Pagkakita niya sa akin, agad siyang ngumiti na parang walang nangyari.

"Grabe, ang sungit talaga ni Kuya. Paano mo siya natitiis?" tanong niya, sabay upo sa gilid ng desk ko.

Napatawa ako. "Sanayan lang siguro. At least ikaw, pwede kang umalis anytime. Ako, hindi."

"Hindi ka naman mukhang nahihirapan," biro ni Lance. "Mukhang nag-e-enjoy ka pa nga."

"Enjoy? Baka ikaw 'yung enjoy sa buhay. Ako, nagdadasal na lang araw-araw para makaraos."

Tumawa si Lance, pero may kakaibang kislap ang mata niya. "Alam mo, Trixie, ikaw lang siguro ang may tiyagang tumagal kay Kuya. Baka ikaw na lang ang pag-asa namin para mapalambot 'yang bato niyang puso."

Natigilan ako. "Ha? Anong kalokohan 'yan? Hindi niya ako therapist, no."

"Just saying," sagot niya bago tumayo. "Good luck! Mukhang kailangan mo talaga ng maraming dasal."

 

Business Trip to Cebu

Sa mga sumunod na araw, naging abala ako sa paghahanda ng mga dokumento para sa Cebu project. Hindi ko akalaing isasama ako ni Dylan sa mismong business trip.

"Sir, sigurado po ba kayo na kailangan akong sumama?" tanong ko nang iniabot niya ang ticket sa akin.

"Yes. You're my secretary. I need you there," sagot niya, walang bakas ng alinlangan.

Sa isip ko, Ano bang kasalanan ko at pati out-of-town trip, kasama pa rin kita, Boss?

Dumating ang araw ng flight, at doon ko lang napansin kung gaano ka-intense ang schedule ni Dylan. Pagkalapag namin sa Cebu, dumiretso agad kami sa isang business meeting na tumagal ng mahigit tatlong oras. Habang pinapanood ko siyang magsalita, hindi ko maiwasang humanga. Ang talino niya. Ang bilis niyang mag-isip. Pero ang kapal pa rin ng mukha niyang hindi ngumiti kahit minsan.

Pagkatapos ng meeting, napansin kong biglang nagbago ang mood ni Dylan. Tahimik siya habang nasa sasakyan pabalik sa hotel, nakatingin lang sa labas ng bintana.

 

Isang Lihim na Larawan

Kinagabihan, habang inaayos ko ang schedule para sa susunod na araw, tumawag si Lance.

"Trixie, kumusta ang Cebu trip?"

"Okay naman. Pero parang pagod si Sir Dylan."

"Si Kuya? Pagod? Bihira mangyari 'yan. Alam mo, minsan kailangan din niyang mag-relax. Subukan mong kumbinsihin siyang magpahinga kahit sandali."

"Ha?! Ako? Paano ko naman gagawin 'yun?"

"Ikaw na ang bahala. I have faith in you," sagot ni Lance bago ibaba ang tawag.

Kinabukasan, nagising ako nang maaga para ipaghanda si Dylan ng kape. Pero pagdating ko sa lobby ng hotel, nakita ko siyang mag-isa sa coffee shop, nakatitig sa isang lumang litrato na hawak niya.

Dahan-dahan akong lumapit dahil baka mamaya bigla nalang akong sigawan ng kumag na ito.

"Sir." Mahinahong kong sambit sa kanya.

Napatingin siya sa akin, pero hindi nagsalita kaya kinakabhan ako. Tahimik niyang iniabot sa akin ang isang folder kaya nagtataka ako. "Review this. I want it done before the next meeting."

"Yes, Sir." Pero sa likod ng folder, napansin ko ang larawan na hawak niya kanina.

Isang babaeng nakangiti, may hawak na bouquet ng bulaklak. Mukhang luma na ang larawan, pero halata ang saya sa mukha ng babae.

Napakunot ang noo ko. Sino siya? At bakit parang ang lungkot ni Sir Dylan kanina habang tinitingnan ito?

Sa gitna ng lahat ng misteryo, isang bagay ang malinaw—may nakaraan si Dylan na hindi pa niya nalalampasan. At kahit hindi ko pa alam kung bakit, alam kong may dahilan kung bakit ang isang tulad niya ay nagpakulong sa mundo ng trabaho at malamig na pananalita.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 41: A Secret

    Mag-uumaga na pero di pa rin nakatulog ng maayos si Trixie. Di maalis sa isip niya ang envelope na dala ni Samantha kahapon. Nacucurious siya sa laman ng envelope na yun. "Ano ba ang papel na yun at bakit ayaw ni Dylan na makita ko yun?" sa isip niya. "May mga binabalak nanaman ba ang bruha na yun? Kahit ano man yun kailangan kong malaman kung ano nanaman ang balak ni Samantha." Papasok pa lang si Trixie sa lobby ng hotel ay kitang kita na niya si Samantha na nakatayo sa harap ng elevator. "Makakasabayan ko pa ang bruhang ito. At ang aga-aga ano naman ang kailangan nito?" bulong niya sa sarili. "Hi, Trixie nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" pang- asar na tanong ni Samantha. Inis man ay pilit pa ring nginitian si Samatha. "Para kang manghuhula, alam na alam mo ang nangyayari sa buhay ko, ganun na ba ako kasikat?" ganting asar ni Trixie na sinabayan ng pilit na ngiti. Bago pa man makasagot si Samantha ay bumukas na ang elevator at nagpatiuna naman itong pumasok. "Oh, s

  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 40:

    Naramdaman ni Trixie ang tensyon sa opisina habang patuloy na nagri-ring ang phone niya. Ang mga mata ni Dylan ay matalim na nakatutok sa pangalan sa screen.Adrian.Parang automatic na nag-scan si Trixie sa utak niya ng kahit anong excuse, pero bago pa siya makagalaw, mas lalong sumeryoso ang mukha ni Dylan."Sagutin mo," malamig nitong sabi.Napalunok siya.Kung ibababa niya ang tawag, siguradong mas maghihinala ito. Pero kung sasagutin naman niya, ayaw niyang magalit lalo si Dylan.Bago pa siya makapagdesisyon—BAGO PA SIYA MAKAGALAW—Hinablot ni Dylan ang phone niya."D-Dylan!"Napatayo siya sa gulat, pero huli na. Sinagot na nito ang tawag."Hello?" Malalim at matigas ang boses ni Dylan habang nakatitig kay Trixie.Alam niyang si Adrian ang nasa kabilang linya, pero hindi niya narinig ang sagot nito dahil naka-on ang speaker ng phone."Yeah, si Dylan ‘to," dagdag pa ng binata. "Bakit ka tumatawag kay Trixie?"Napalunok si Trixie at napatingin kay Samantha at sh*t, hindi niya nag

  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 39: YOU ARE MINE

    Hinalikan ko siya.As in, HINALIKAN KO SI DYLAN.OH MY GOD.Pero bago pa niya ma-panic ang sarili, bigla siyang hinatak ni Dylan palapit.At ang balak lang niyang mabilis na halik?Naging mas malalim.Damn it.Ramdam na ramdam niya kung paano lumalim ang halik ni Dylan.Paano nito marahang sinakop ang mga labi niya.Paano nito dahan-dahang hinaplos ang batok niya, hinihigop ang bawat segundo ng halik nila.She felt weak.Nanghina ang mga tuhod niya, at kung hindi siya mahigpit na hawak ni Dylan, malamang bumagsak na siya sa sahig."Uhm… Dylan…"Ramdam niyang unti-unti na siyang nauubusan ng hangin.Pero hindi pa rin siya nito binitawan.Instead, lalo lang itong naging mapanukso.Hanggang sa…KNOCK. KNOCK."Sir Dylan, may naghahanap po sa inyo."Putangina.Halos manigas si Trixie sa kinatatayuan niya.Dylan, on the other hand, clearly looked pissed.With a heavy sigh, slowly, he pulled away.Pero bago siya tuluyang bumitaw, muli nitong hinalikan ang gilid ng labi niya."Tapos tayo mama

  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 38: SAMANTHA'S PLAN

    From a distance, nakamasid lang si Samantha habang pinapanood ang tatlo.Nakatayo si Trixie sa pagitan nina Dylan at Adrian—halatang nasa awkward situation.Nakangiti siya. Perfect timing.She turned to her phone and sent a quick message."Nandito na siya. Siguraduhin mong aabot si Sir Ethan."Pagkatapos, ibinalik niya ang tingin sa tatlo.Now, let’s see how much pressure Dylan can handle.Pakiramdam ni Trixie ay literal siyang nasa gitna ng nagbabanggaang kidlat at kulog.Nakaharap siya kay Adrian, na mukhang kalmado pero may bahagyang amusement sa mga mata, habang nasa likuran naman niya si Dylan—at kahit hindi pa siya lumilingon, alam niyang ang lalaki ay parang isang bulkang handa nang sumabog.Oh my God, bakit ngayon pa?"Ano'ng ginagawa mo rito?" ulit ni Dylan, mas mababa at mas matalim ang tono."Sinusundo ko si Trixie," simpleng sagot ni Adrian, walang bahid ng kaba o alinlangan. "Bakit, may problema ba?"Trixie wanted to run away. NOW.Pero bago pa siya makakilos, naramdaman

  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 37: SELOS

    Trixie was doomed.Kitang-kita niya ang paghigpit ng panga ni Dylan habang nakatitig sa pangalan sa screen ng cellphone niya. Adrian.Tangina. Ngayon pa talaga tumawag si Adrian?!Lumingon siya kay Samantha, na tahimik na nakamasid lang sa kanila. Pero hindi iyon ang focus ni Trixie ngayon—ang mas kinatatakutan niya ay ang lalaking nakaupo sa harapan niya.Dylan was staring at her like he was seconds away from murder."Are you not going to answer that?" malamig na tanong ni Dylan.Nagkibit-balikat si Trixie, pilit na hindi nagpapahalata na kinakabahan. "Bakit? Akin naman ‘tong phone, ‘di ba?"Napakuyom ng kamao si Dylan. "Sagutin mo."Oh, hell no.Alam niyang delikado kapag sumunod siya. Alam din niyang delikado kapag hindi.Lose-lose situation ‘to, Trixie. Good luck sa buhay mo.Sa isang iglap, napansin niyang tumigil na ang pag-ring ng phone niya. Thank God!Pero bago pa siya makahinga nang maluwag, biglang…RING!Adrian is calling again.Halos mapamura siya nang makita ang galit sa

  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 36: THE PAST

    “Trixie, gusto mo bang ipakita ko kung gaano ako ka-OA?” SH*T. Halos hindi makahinga si Trixie habang unti-unting bumaba ang mukha ni Dylan papunta sa kanya. Too close. Too intense. At sa sobrang lapit nila, ramdam niya ang mainit nitong hininga sa labi niya. Napakapit siya sa gilid ng desk, pilit na nilalabanan ang tuksong pumikit at hayaang mangyari ang hindi dapat mangyari. Pero bago pa man may mangyari— TOK. TOK. TOK. “Dylan?” BIGLANG NATIGIL ANG MUNDO NI TRIXIE. Wait… THAT VOICE. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig habang napaatras si Dylan, halatang naistorbo. Nanatili siya sa pagkakaupo sa desk, hindi pa rin makagalaw. Napatingin siya sa pintuan. Kilala niya ang boses na ‘yon. At nang bumukas ang pinto— Nagkatotoo ang hinala niya. SAMANTHA. Nakatayo ito sa may pintuan, nakaputing fitted dress, nakaayos ang buhok, at may matamis na ngiti sa labi. Pero kahit nakangiti ito, hindi maikakaila ang lungkot at kakaibang tensyon sa mga mata nito. "L

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status