Sa loob ng maaliwalas na conference room ng hotel kung saan ginaganap ang meeting, hindi maipinta ang mukha ni Trixie habang patuloy na pinagmamasdan si Dylan. Para itong robot na walang emosyon habang nagpapaliwanag sa kliyente. Malinaw na sanay itong magdala ng presensya sa kwarto—isang CEO na laging handa, matalino, at hindi natitinag ng anumang sitwasyon.
TRIXIE
Matapos ang halos tatlong oras ng pagpupulong, nagpaalam na ang mga kliyente. Bumalik si Dylan sa kanyang upuan, at kahit na walang sinabi, ramdam ko ang bigat ng mga responsibilidad na nakaatang sa kanya.
"Sir, may kailangan po ba kayong idagdag sa agenda natin mamaya?" tanong ko, sinusubukang magsalita ng normal.
Tumingin siya sa akin ng bahagya, parang naguguluhan sa pag-ibig ng mga tanong ko. "Nothing. Prepare the minutes for this meeting. Make sure to send it to my email before five PM."
"Noted, Sir," sagot ko na lang, hindi na alintana ang mabigat na presensya ng kanyang mga mata.
Papalabas na ako ng conference room nang bigla siyang tumikhim.
"Trixie."
"Yes, Sir?" Saglit akong napalingon, naguguluhan sa tono ng boses niya.
Nagtaglay ng ilang sandaling katahimikan si Dylan, parang may gustong itanong ngunit nag-aalangan. Sa wakas, sumagot siya, "Do you need anything? Or may problema ba?"
Nagulat ako, hindi ko akalain na tatanungin niya ako ng ganoon. "Ah, wala naman po, Sir. Ako nga dapat ang magtanong kung okay lang po kayo," sagot ko, pilit na ikino-comfort ang sarili ko.
Tinutok ni Dylan ang tingin sa akin, at nagkunot ang kanyang noo. "I'm fine. Bakit mo naman naisip 'yan?"
Napatingin lang ako sa kanya, iniwasan ko na ang mag-comment pa. “Wala lang po. Napapansin ko lang po kasi na parang pagod na pagod po kayo sa sunod-sunod na meetings," sagot ko, medyo nag-aalinlangan.
Nagulat siya sa sinabi ko, ngunit mabilis din niyang ibinalik ang malamig na ekspresyon. “Focus on your work, Trixie. I don’t need distractions.” Ang tono niya ay may kabigatan, kaya’t nagmamadali akong umalis sa conference room.
"Kung di lang pogi, eh di kita papansinin," bulong ko sa isip ko. Tsk, paano ba naman ako matututo sa kanya?
Kinagabihan, habang tahimik na nagta-type ng minutes ng meeting sa hotel room, hindi ko maiwasang balikan ang litrato sa folder.
"Sino kaya ang babaeng iyon? At ano ang kinalaman nito kay Sir Dylan?"
Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, biglang tumunog ang telepono. Si Lance.
"Uy, Trixie! Kumusta na? Mukhang abala ka ah," bungad ni Lance sa kabilang linya.
"Lance, anong ginagawa mo? Late na ah. Hindi ka pa ba natutulog?" tanong ko, pilit na ibinabalik ang focus ko sa trabaho.
“Eh kasi naman, curious lang ako. Kumusta si Kuya? Still acting like a robot?” biro ni Lance.
Napatawa ako sa biro ni Lance. "Grabe ka. Hindi naman robot. More like... yelo na hindi natutunaw kahit mainit na." Sagot ko sa kanya.
“Haha! That’s my brother. Pero alam mo, Trixie, hindi naman talaga siya ganyan dati.”
Napahinto ako sa sinabi niya. "Talaga? So may panahon pala na... normal siya?" biro ko, sabay ngisi.
“Of course! Pero—" Biglang natigilan si Lance, may biglang naisip na hindi na yata niya kayang sabihin. "Never mind. I don't think it’s my story to tell."
"Anong ibig mong sabihin, Lance?" tanong ko, hindi na malaman kung dapat ba akong magtanong pa.
Tahimik sa kabilang linya si Lance. Naririnig ko ang mabigat niyang paghinga. “You saw the picture?”
"Oo. Kaninong litrato 'yun? Girlfriend ba niya? Asawa? Ex?" Tanong ko na medyo naguguluhan.
Nagbuntong-hininga si Lance. "Trixie, alam kong madaldal ka, pero this time, promise me, you won't ask Kuya about it." Sabi niya na may konting pagbibiro.
"Bakit?" Tanong ko, medyo nalilito na sa mga nangyayari.
“Because...” Tumigil si Lance. "That woman in the picture... she's someone Kuya doesn't want to talk about. At kung gusto mong manatili bilang secretary niya, trust me—don't bring it up." Pagpapa-alalang tugon niya.
Kinabukasan, maaga pa lang ay nasa lobby na si Dylan, naghihintay para sa kanilang susunod na meeting. Hindi ko maiwasang mapansin ang kanyang pananahimik. Mukhang mas tahimik siya ngayon, hindi tulad ng mga nakaraang araw na tila may nangyayaring mabigat sa kanyang isipan.
Habang nasa meeting, hindi ko maiwasang titigan siya habang nagsasalita sa gitna ng meeting. Hindi ko maiwasang pagpantasyahan siya sa kagwapuhan ba naman ng boss ko. Hindi ko maipaliwanag, pero parang magnet siya na patuloy akong hinihila.
Kaya di ko rin masisisi ang mga kababaihang nagpapakita ng motibo dito. Bukod sa taglay nitong kagwapuhan at talino complete package na ito dahil sa pagiging mayaman at lakas ng karisma nito.
"D*mn, Trixie! Nagde-daydream ka na naman," kastigo ko sa sarili ko.
Hindi ko rin namalayan na nakatingin na pala siya sa akin. Bigla akong napatigil at iniwas ang mata. “Ano ba naman yan, Trixie, nakakahiya ka,” Gigil ko sa sarili ko.
Dahil sa sobrang kahihiyan, nagkunwari na lang akong busy sa pagsusulat ng minutes. Parang napakabagal ng oras ng mga sandaling iyon, at hindi ko maiwasan ang ma-distract sa bawat sulyap ni Dylan. Lalo na nung nagkasalubong ang mga mata namin—napansin ko kung paanong kahit sa kanyang mga titig, ay parang may kung naghahabulan sa dibdib ko.
Nagmadali akong magligpit pagkatapos ng meeting, ngunit nang akala ko ay ligtas na, bigla siyang nagsalita.
"Do you have any problem? Mukhang kanina ka pa parang di mapakali?" Tanong niya, may halong sarcasm.
"Amm, nothing sir," sagot ko na hindi makatingin.
Lumapit siya ng konti kaya't mas tumindi ang kaba ko. Ang distansya namin ay napakaliit na, ramdam ko ang bawat hininga ko.
"You're daydreaming again, Miss Lopez," sinabi niya na may nakangiting nang-aakit.
Habang tinutukso ako, sinubukan kong itago ang nararamdaman. Muling ibinalik ang sarili ko sa pagpapanggap. Alam kong gaano na kapula ang pisngi ko ng mga oras na iyon kaya lalo ako natataranta.
"Ano daw?! Ako nagde-daydream?" Inis ko sa sarili ko habang sinundan siya. “Kapal niya, tsk—apaka-hambog!” maktol ko sa sarili.
Hindi ko kayang magpatalo, kaya nagpatuloy ako sa pagsunod sa kanya, pero nagbigay na ako ng konting distansya—baka mamaya may masabi na naman siya. At dahil sa mabilis na paglakad ni Dylan, halos hindi ko siya maabutan.
"Can you walk faster, Miss Lopez?" Inis na tanong niya.
Napabuntong-hininga ako at binilisan na lang ang hakbang ko, kahit naiinis sa kanya. Ang lakas ng mando!
Mag-uumaga na pero di pa rin nakatulog ng maayos si Trixie. Di maalis sa isip niya ang envelope na dala ni Samantha kahapon. Nacucurious siya sa laman ng envelope na yun. "Ano ba ang papel na yun at bakit ayaw ni Dylan na makita ko yun?" sa isip niya. "May mga binabalak nanaman ba ang bruha na yun? Kahit ano man yun kailangan kong malaman kung ano nanaman ang balak ni Samantha." Papasok pa lang si Trixie sa lobby ng hotel ay kitang kita na niya si Samantha na nakatayo sa harap ng elevator. "Makakasabayan ko pa ang bruhang ito. At ang aga-aga ano naman ang kailangan nito?" bulong niya sa sarili. "Hi, Trixie nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" pang- asar na tanong ni Samantha. Inis man ay pilit pa ring nginitian si Samatha. "Para kang manghuhula, alam na alam mo ang nangyayari sa buhay ko, ganun na ba ako kasikat?" ganting asar ni Trixie na sinabayan ng pilit na ngiti. Bago pa man makasagot si Samantha ay bumukas na ang elevator at nagpatiuna naman itong pumasok. "Oh, s
Naramdaman ni Trixie ang tensyon sa opisina habang patuloy na nagri-ring ang phone niya. Ang mga mata ni Dylan ay matalim na nakatutok sa pangalan sa screen.Adrian.Parang automatic na nag-scan si Trixie sa utak niya ng kahit anong excuse, pero bago pa siya makagalaw, mas lalong sumeryoso ang mukha ni Dylan."Sagutin mo," malamig nitong sabi.Napalunok siya.Kung ibababa niya ang tawag, siguradong mas maghihinala ito. Pero kung sasagutin naman niya, ayaw niyang magalit lalo si Dylan.Bago pa siya makapagdesisyon—BAGO PA SIYA MAKAGALAW—Hinablot ni Dylan ang phone niya."D-Dylan!"Napatayo siya sa gulat, pero huli na. Sinagot na nito ang tawag."Hello?" Malalim at matigas ang boses ni Dylan habang nakatitig kay Trixie.Alam niyang si Adrian ang nasa kabilang linya, pero hindi niya narinig ang sagot nito dahil naka-on ang speaker ng phone."Yeah, si Dylan ‘to," dagdag pa ng binata. "Bakit ka tumatawag kay Trixie?"Napalunok si Trixie at napatingin kay Samantha at sh*t, hindi niya nag
Hinalikan ko siya.As in, HINALIKAN KO SI DYLAN.OH MY GOD.Pero bago pa niya ma-panic ang sarili, bigla siyang hinatak ni Dylan palapit.At ang balak lang niyang mabilis na halik?Naging mas malalim.Damn it.Ramdam na ramdam niya kung paano lumalim ang halik ni Dylan.Paano nito marahang sinakop ang mga labi niya.Paano nito dahan-dahang hinaplos ang batok niya, hinihigop ang bawat segundo ng halik nila.She felt weak.Nanghina ang mga tuhod niya, at kung hindi siya mahigpit na hawak ni Dylan, malamang bumagsak na siya sa sahig."Uhm… Dylan…"Ramdam niyang unti-unti na siyang nauubusan ng hangin.Pero hindi pa rin siya nito binitawan.Instead, lalo lang itong naging mapanukso.Hanggang sa…KNOCK. KNOCK."Sir Dylan, may naghahanap po sa inyo."Putangina.Halos manigas si Trixie sa kinatatayuan niya.Dylan, on the other hand, clearly looked pissed.With a heavy sigh, slowly, he pulled away.Pero bago siya tuluyang bumitaw, muli nitong hinalikan ang gilid ng labi niya."Tapos tayo mama
From a distance, nakamasid lang si Samantha habang pinapanood ang tatlo.Nakatayo si Trixie sa pagitan nina Dylan at Adrian—halatang nasa awkward situation.Nakangiti siya. Perfect timing.She turned to her phone and sent a quick message."Nandito na siya. Siguraduhin mong aabot si Sir Ethan."Pagkatapos, ibinalik niya ang tingin sa tatlo.Now, let’s see how much pressure Dylan can handle.Pakiramdam ni Trixie ay literal siyang nasa gitna ng nagbabanggaang kidlat at kulog.Nakaharap siya kay Adrian, na mukhang kalmado pero may bahagyang amusement sa mga mata, habang nasa likuran naman niya si Dylan—at kahit hindi pa siya lumilingon, alam niyang ang lalaki ay parang isang bulkang handa nang sumabog.Oh my God, bakit ngayon pa?"Ano'ng ginagawa mo rito?" ulit ni Dylan, mas mababa at mas matalim ang tono."Sinusundo ko si Trixie," simpleng sagot ni Adrian, walang bahid ng kaba o alinlangan. "Bakit, may problema ba?"Trixie wanted to run away. NOW.Pero bago pa siya makakilos, naramdaman
Trixie was doomed.Kitang-kita niya ang paghigpit ng panga ni Dylan habang nakatitig sa pangalan sa screen ng cellphone niya. Adrian.Tangina. Ngayon pa talaga tumawag si Adrian?!Lumingon siya kay Samantha, na tahimik na nakamasid lang sa kanila. Pero hindi iyon ang focus ni Trixie ngayon—ang mas kinatatakutan niya ay ang lalaking nakaupo sa harapan niya.Dylan was staring at her like he was seconds away from murder."Are you not going to answer that?" malamig na tanong ni Dylan.Nagkibit-balikat si Trixie, pilit na hindi nagpapahalata na kinakabahan. "Bakit? Akin naman ‘tong phone, ‘di ba?"Napakuyom ng kamao si Dylan. "Sagutin mo."Oh, hell no.Alam niyang delikado kapag sumunod siya. Alam din niyang delikado kapag hindi.Lose-lose situation ‘to, Trixie. Good luck sa buhay mo.Sa isang iglap, napansin niyang tumigil na ang pag-ring ng phone niya. Thank God!Pero bago pa siya makahinga nang maluwag, biglang…RING!Adrian is calling again.Halos mapamura siya nang makita ang galit sa
“Trixie, gusto mo bang ipakita ko kung gaano ako ka-OA?” SH*T. Halos hindi makahinga si Trixie habang unti-unting bumaba ang mukha ni Dylan papunta sa kanya. Too close. Too intense. At sa sobrang lapit nila, ramdam niya ang mainit nitong hininga sa labi niya. Napakapit siya sa gilid ng desk, pilit na nilalabanan ang tuksong pumikit at hayaang mangyari ang hindi dapat mangyari. Pero bago pa man may mangyari— TOK. TOK. TOK. “Dylan?” BIGLANG NATIGIL ANG MUNDO NI TRIXIE. Wait… THAT VOICE. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig habang napaatras si Dylan, halatang naistorbo. Nanatili siya sa pagkakaupo sa desk, hindi pa rin makagalaw. Napatingin siya sa pintuan. Kilala niya ang boses na ‘yon. At nang bumukas ang pinto— Nagkatotoo ang hinala niya. SAMANTHA. Nakatayo ito sa may pintuan, nakaputing fitted dress, nakaayos ang buhok, at may matamis na ngiti sa labi. Pero kahit nakangiti ito, hindi maikakaila ang lungkot at kakaibang tensyon sa mga mata nito. "L