Share

Kabanata 2

Author: Maureen Green
Tumingin si Massimo sa kamay ni Elisse, at unti-unting bumigat ang kanyang puso.

“Isang buwan lang at siguraduhin mong 'wag kang magtatangkang manloko, Luna. Kung meron kang kahit maliit na ibang balak, humanda ka sa 'kin.”

Ngumiti nang bahagya si Luna at sinabi, “Sige. Basta't handa kang manatili kay Kai, makikipagtulungan ako sa lahat ng bagay.”

“Bilang isang ama, hindi ba't dapat bigyan mo ng regalo sa kaarawan niya si Kai?” tanong pa ni Luna.

****

Sa mga oras na 'to, tahimik na nakahiga si Kai sa mga bisig ni Luna.

Sa sandaling iyon, nasa daan na ang sasakyan patungo sa bahay ng mga Alcantara.

“M-Mommy, darating ba talaga si daddy?” tanong ni Kai na bahagyang nanginginig ang tinig. Kahit pinipilit niyang kontrolin ito, hindi maitago ang pananabik sa kanyang mga mata.

Maingat na nilapat ni Luna ang kanyang palad sa likod ni Kai at mahinang tiniyak, “Oo naman.”

Biglang lumiwanag ang mga mata ni Kai sa narinig.

“Mommy, kung ganoon, huwag mo nang sabihin kay daddy na may sakit ako, ha? Natatakot akong magalit siya.”

Biglang uminit ang mga mata ni Luna, at nanlambot ang kanyang ilong. Maingat niyang hinaplos ang malambot na buhok ng kanyang anak.

“Sige. Pangako ni Mommy.”

Iniabot ni Kai ang kanyang maliit na daliri, at agad na naintindihan iyon ni Luna kaya ipinagdikit nila ang kanilang mga daliri.

“Huwag babaliin ang pangakong ito sa loob ng isang daang taon…” saad ni Kai na ngayon ay nakangiti nang matamis.

Ngunit nanlabo ang paningin ni Luna.

Ang kanyang anak, ang kanyang tanging kadugo na natira sa mundo ay malapit nang mawala. At bago iyon, nais lang niya na bigyan ang kanyang anak ng isang huling pangarap.

Pagdating sa bahay ng mga Alcantara, lumabas ang butler upang kunin ang kanilang mga bagahe.

“Nandito ba ang sir mo?” mahinahong tanong ni Luna.

Tumango ang butler. “Oo, nandito siya.”

Napahinga si Luna sa sagot, at sa wakas ay nakaramdam siya ng kapanatagan. Mula nang sila ay magpakasal, bihira si Massimo na manatili sa kanilang bahay, at si Kai ay nakita lang ang kanyang ama sa telebisyon.

Hinawakan ni Luna ang kamay ng kanyang anak at pumasok sa loob ng mansyon. Mula sa malayo, nakita na nila si Massimo na nakaupo sa sofa.

Lumitaw agad ang ningning sa mga mata ni Kai. Pinakawalan ni Luna ang kamay nito, hinaplos ang balikat, at bumulong, “Sige na.”

Dahan-dahan na lumapit si Kai, mahina at maingat ang kanyang maliit na katawan. Habang malayo pa ito sa sofa, mahinang tinawag nito ang ama.

“Daddy…”

Lumiwanag ang mga mata ni Massimo. Narinig niya ang pagdating ni Luna kanina, ngunit ayaw niyang bumati.

Nang marinig niyang tinawag siya ng bata na daddy at may kumapit sa kanyang kamay ay natigilan siya. Nakita niya ang inosenteng mukha, na halos kapareho ni Luna, at instinktibong umatras.

Biglang nanuyo ang kanyang lalamunan. Tingin lang ang kanyang tugon at kinuha ang kahon ng regalo sa tabi niya.

“Regalo para sa kaarawan mo.”

Namangha si Kai, ang mga mata niya ay hindi makapaniwala.

“Salamat po,” mahinang sagot niya at nahihiyang tinig.

Lumamig ang tingin ni Luna, halatang hindi natuwa sa paraan ng pagbibigay ni Massimo. Lumapit siya at mahinang hinaplos ang ulo ng anak.

“Kai, buksan mo at tingnan kung ano ang regalo ni daddy sa 'yo.”

Ngumiti si Kai at sinimulang buksan ang regalo. Ngunit nang makita niya ito, bahagyang namutla ang ngiti niya pero mabilis siyang nagpilit na ngumiti muli.

“Salamat po, Daddy. Gustong-gusto ko po ito.”

Tumingin si Luna sa pares ng mga hikaw na diyamante sa kahon, at biglang bumigat ang dibdib niya.

Pinigilan ang galit, mahina niyang sinabi, “Kai, pinangako natin kay tito na matutulog tayo nang maaga. Madilim na, at bukas, yayain ka ni daddy lumabas.”

Tila lumiwanag ang mga mata ni Massimo mang marinig ang salitang tito.

Sumunod naman si Kai. Bagaman ayaw niya ang regalo, sobrang saya na niya na makita ang mommy at daddy na magkasama.

Sinabi ng mommy niya sa kanya na kung ayaw niyang malaman ng daddy niya kung sino ang doktor, tatawagin niya itong tito kaya kailangang sundin niya si tito doctor at matulog nang maaga.

“Sige na,” ani Luna at ngumiti habang inaaya ng yaya si Kai paakyat ng hagdan.

Samantala, agad namang hinawakan ni Luna ang mga hikaw saka tumingin kay Massimo.

“Mr. Alcantara, alam kong busy kayo, pero kahit hindi ninyo pinag-isipan ang regalo, medyo sobra ang pagbibigay ng hikaw na diyamante sa apat na taong gulang, hindi ba?”

Naramdaman ni Massimo ang lamig nang tawagin siyang Mr. Alcantara ng babae. Malamig siyang sumagot, “Gabi na at sarado na ang mga tindahan. Hiniram ko ito kay Elisse at nagkamali lang. Hindi na ito mauulit.”

Gusto sanang sabihin ni Luna na wala nang susunod pa at hindi na niya makikita ang susunod na kaarawan ni Kai.

Ngunit, nilunok na lamang niya ang sakit sa dibdib, kinuha ang isang libro para sa mga bata.

“Bilang isang responsableng ama, ngayong gabi, magbabasa tayo ni Kai ng kwento bago matulog.”

“Hindi ako marunong,” malamig na sagot ni Massimo.

Subalit tila hindi naapektuhan si Luna at sinabi, “Ayos lang at ako ang magbabasa. Manatili ka lang dito at matuto.”

Pinigil ni Massimo ang pagkairita at napilitang tumango nang bahagya bilang sagot.

“Alam kong ayaw mo akong makita. Kapag natulog na si Kai, maaari ka nang pumunta kay Elisse mo basta bumalik ka lang sa tamang oras para ihatid si Kai sa kindergarten bukas.”

Nandilim ang mga mata ni Massimo sa narinig. Si Luna na kilala niya dati ay gagawin ang lahat para manatili siya sa bahay. Magpanggap pa nga na may sakit. Tatawagan pa siya ng lolo niya para lang mapilit bumalik.

Akala niya ay isa na naman itong patibong. At lalo pang nanlamig ang mukha niya.

“Hindi na kailangan. Mananatili ako sa guest room ngayong gabi.”

Hindi nag-react si Luna at sinabi, “Tara na.”

At sa unang pagkakataon, pumasok ang mag-asawa sa kwarto ng kanilang anak nang sabay.

Nakakatawa dahil limang taon na silang kasal, pero ito ang unang pagkakataon na pumasok si Massimo sa kwarto ni Kai.

Pinanood naman ni Massimo si Luna habang umuupo ito sa gilid ng kama, hawak ang libro, at binabasa ang lumang kwento ng ‘The Little Mermaid.’

Si Kai ay sobrang masaya dahil nariyan ang ama, palihim na tumitingin sa kanya nang may excitement sa mukha.

Ang atmospera, ang mga tingin…

Lahat ay tila kakaiba kay Massimo.

Gusto na niyang umalis nang ilang beses, pero naisip niya si Elisse kaya pinigilan niya ang sarili. Isang buwan lang naman.

“At kaya, ang sirena ay naging bula sa dagat at bumalik sa karagatan.”

Kalmado lang ang boses ni Luna na parang dumadaloy na ilog.

Sa malambot na liwanag ng lampara sa tabi ng kama, Tiningnan ni Massimo si Luna. Ang mainit na ilaw ay nag-outline sa payat niyang katawan. Ang kanyang tirintas ay marahang nakapatong sa dibdib, at ang kanyang tingin ay nakatuon kay Kai.

Bahagyang lumipat ang tingin ni Massimo.

“Mommy, gusto ko ng gatas,” biglang sambit ni Kai.

Ginamit ni Luna ang pagkakataon para iwan ang mag-ama nang mag-isa.

“Sige, kukuha si mommy ng gatas.”

Agad siyang tumayo.

Awtomatikong tumayo rin si Massimo pero nilinaw ni Luna sa tingin niya na mananatili siya. Naintindihan naman iyon ni Massimo kaya't pinagdikit niya ang mga labi, at muling umupo.

Pagkasara ng pinto, tumahimik ang kwarto. Napansin ni Massimo na nakatitig nang maigi sa kanya si Kai kaya iniba niya ang tingin.

“Ano ang problema?” aniya sa anak.

Kinausap na niya ang anak.

Pakiramdam ni Kai ay biglang napuno ang kanyang dibdib na parang may mainit na nananalaytay sa loob.

“Daddy, sobrang saya ko na dumating ka ngayon.”

Ang walang kamalay-malay na boses ay maingat na nagpahayag ng kanyang saya.

Tumingin si Massimo sa mga mata ni Kai na may liwanag ng pag-asa at nanahimik sandali.

“Bakit?” tanong niya rito.

Ang totoo, minsan lang silang magkita noon.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 100

    Pagkababa na pagkababa ni Elisse mula sa sasakyan, bahagya niyang isinandal ang kalahati ng kanyang katawan kay Massimo, tila takot na hindi mapansin ng iba kung gaano sila kalapit sa isa’t-isa. Hawak naman siya ni Massimo sa baywang habang naglalakad papasok, ngunit bigla nilang nakita si Luna na papalapit sa pintuan.Nang magtagpo ang mga mata ni Massimo at ang kalahating-ngiti, kalahating-panunudyo na titig ni Luna, may hindi maipaliwanag na kirot na sumundot sa kanyang dibdib. Biglang naging nakakailang ang pagkakahawak niya sa kamay ni Elisse.“Luna, sana huwag kayong magalit,” mahina ang tinig ni Elisse, namumuo ang luha sa kanyang mga mata nang magsalita siya. “Hindi pa po ako nakapunta sa ganitong uri ng selebrasyon. Nakiusap po ako kay Massimo na isama ako. Sobrang nakaka-bagot po sa ospital, kaya gusto ko lang huminga ng sariwang hangin. Hindi ko po alam na narito rin kayo.”Noon, siguradong gagawa ng eksena si Luna, hindi titigil hangga’t may bumigay. Ngunit ngayon, bahag

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 99

    Nagsimula ito sa isang tila napaka-agarang usapin, ngunit nakakagulat, tila hindi na nagmamadali si Massimo. Nakatayo lamang siya roon, tinititigan si Luna nang may pagtataka, hindi maunawaan kung bakit bigla na lamang itong tumigil sa pagiging palaaway sa kanya.Napansin ang pagkalito nito, tumingin din si Ning Luna pabalik sa kanya na may parehong ekspresyon bago kumaway nang tila walang pakialam.“Umalis ka na, huwag mo akong alalahanin.”“Hintayin mo akong bumalik,” sabi ni Massimo, ibinato ang mga salitang iyon bago siya mabilis na lumakad palayo.Habang pinagmamasdan ang papalayong pigura nito, napasinghap si Luna nang may paghamak. Pagkatapos ay lumingon siya kay Filipe na nakatayo malapit.“Ano pang tinitingin-tingin mo? Ihanda mo agad ang sasakyan. Hindi tayo maaaring mahuli,” malamig niyang sabi sa lalaki.“Pero sinabi ni Mr. Alcantara na hintayin ninyo siya…” saad ng lalaki, at naguguluhan. Sa isip niya, kailan pa naging ganito katapang si Madam Luna?Natawa si Luna s

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 98

    Nakaharap sa camera, nanatiling kalmado at mahinahon si Luna, walang bakas ng kahihiyan kahit pa nailantad na ang kanyang mga pribadong bagay, para bang wala siyang kinalaman sa lahat ng nangyayari.Noong una, gusto ni Massimo na makita ang ganitong maunawain at propesyonal na panig ni Luna. Ngunit kung bakit, nang magtama ang kanilang mga mata at makita niya ang malamlam at walang-buhay nitong tingin, isang hindi maipaliwanag na inis ang sumiklab sa kanyang dibdib.Noon, labis niyang kinamuhian ang mga pagkakataong ibinubuhos nito ang buong atensyon sa kanya. Ngunit ngayon, nang wala na ni bakas ng atensyon na iyon, mas mahirap pa para sa kanya na tanggapin ito.“Mrs. Alcantara, ano po ba talaga ang relasyon ni Miss Santiago at ni Mr. Alcantara?” tanong ng isang reporter sa kanya.“Si Miss Santiago ay si Miss Santiago lang. At ako...” tugon ni Luna na may mahinahong ngiti, saka nagpatuloy, “Ako ay si Mrs. Alcantara. Nasa tabi ko si Massimo Alcantara. Hindi ba’t iyon na ang pinakam

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 97

    Ito mismo ang epekto na gusto ni Luna. Hindi na posible para kay Elisse na mamuhay nang payapa ngayon. Matapos ang lahat ng pagpapahirap na ibinigay ni Elisse sa kanila, ginagawa ang buhay nila na mas masahol pa kaysa sa kamatayan, oras na para maranasan niya kung ano ang tunay na pakiramdam ng mga gabing walang tulog.Sa harap ng mga tanong ng mga reporter, dinala ni Luna ng sarili nang may biyaya at kumpiyansa na nakatanggap nang maraming papuri. Ginamit niya ang pagkakataong ito, hindi lamang upang opisyal na ipahayag ang kanyang pagkakakilanlan sa publiko, kung hindi pati na rin upang magbigay nang matibay na pahiwatig na siya ay isang may kakayahan at natatanging babae.Para kay Luna, ito ay isang pagkakataong minsan lang dumarating sa buhay. Gusto niyang malaman ng buong mundo ang kanyang pangalan. Siya si Luna Salazar at hindi ang isang nakakatawang ibong nakakulong na ginang ni Mr. Massimo Alcantara.Habang pinapanood kung paano niya kinokontrol ang sitwasyon at ginagabayan

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 96

    "Talaga ba? Ito ay isang runway piece na isinusuot lang ng isang international supermodel. Paano naging mumurahin iyon?"Napairap si Luna sa kanyang narinig, hindi tinanggap ang tangkang pangmamaliit ni Massimo at nagpasabog pa ng banat pabalik sa kanya.Hindi pa ito nangyari noon. Dati, kung ano man ang sabihin ni Massimo, iyon na ang nasusunod. Kahit paulit-ulit siyang pagdiskitahan ni Massimo, hindi siya lumalaban. Sa halip, iniisip pa niya kung may mali ba siyang nagawa.Pero hindi na ganoon kahangal si Luna ngayon. Alam na alam niyang wala siyang nagawang mali. Hindi siya kailanman nagkamali, sapagkat mali lang talaga ang taong nasa tabi niya kaya siya minamaliit.Kahit ang mga stylist kanina ay hindi matapos sa papuri sa kanyang ayos, pero ang lalaking ito lang ang nakakunot ang noo, sinasabing hindi daw angkop at maganda. Sa isip ni Luna, ano'ng klaseng malaswang panlasa iyon, at ang pangit ng mood na dala niya.Hindi inaasahan ni Massimo na ang salitang binitiwan niya ay s

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 95

    Matapos ang isang simpleng pag-aayos ng makeup, naging mas maayos at walang kapintasan ang anyo ni Luna. Tiningnan ni Ralph ang sariling gawa niya na may lubos na kasiyahan sa kanyang mukha.Kahit bihasa ang mga makeup artist, mas gusto pa rin nila ang mga kliyenteng may natural na maayos na basehan ng kagandahan. Mas madali kasing pagandahin ang likas nang maganda kaysa baguhin ito nang buo. Nakatitipid ng oras at lakas, at mas maganda pa ang resulta.Ang pinakamataas na antas ng makeup ay iyong parang walang kahit anong inilagay, ngunit banayad na binabago ang kabuuang anyo ng tao.Samantala, tinitigan naman ni Ning ang sarili niyang repleksyon sa salamin at natawa nang mapait. Noon, mahilig siyang magsuot ng matingkad na kulay, pero mula nang makasama niya si Massimo, palagi nitong pinupuna ang kanyang ayos bilang isang baduy. Unti-unti, nagsimula siyang sumunod sa gusto nito, nagsusuot ng lawlaw at laos na mga kulay para lang mapasaya siya. Ngayon, napagtanto niyang hindi na niy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status