Share

Kabanata 3

Author: Maureen Green
“Kasi gusto ka talaga ni mommy. Okay lang kung hindi gusto ni daddy si Kai, pero pwede mo bang mahalin pa nang kaunti si mommy?”

Sumilay ang isang ngiti sa mga labi ni Kai nang sabihin ito.

“Pwede mo bang tratuhin si mommy nang mas mabuti sa susunod?” tanong pa ulit nito.

Napakalambing ng kanyang tinig, at ang malalaki niyang itim na mga mata ay tumingin kay Massimo.

Bahagyang nag-iba ang ekspresyon ni Massimo. Tulad nang inaasahan.

Alam na niyang hindi lang para sa bata ang paglapit ni Luna sa kanya.

“Tinuruan ka ba ng mommy mo na sabihin ‘yan?” malamig na tanong ni Massimo, may halong pagmamataas at sarkasmo.

“Hindi!” mabilis na umiling si Kai.

Kitang-kita na hindi naniwala si Massimo, at lumamig pa ang kanyang tingin.

Naramdaman ni Kai na baka nadismaya ang kanyang ama sa sinabi niya, pero alam din niyang limitado ang kanyang oras, tulad ng maliit na sirena. Kahit sinabi sa kanya ng mommy na gumaling na siya, ramdam niya sa puso na seryoso pa rin ang kanyang karamdaman.

Pero kung balang araw, siya ay magiging bula at babalik sa dagat, sana ay may taong tunay na magmamahal sa kanyang mommy.

Tumayo si Kai, inilapat sa malambot na carpet ang mga paa, nilakad ang maliit na estante ng mga libro, at kinuha ang isang kuwaderno.

“Daddy, gusto ka talaga ni mommy. Pwede mong tingnan ang laman nito.”

Natigilan sandali si Massimo, tumingin sa mata ni Kai na puno ng pag-asa. Tinanggap niya ang leather notebook at halatang matagal na ito.

“Kailangan mong basahin ito, ha?” nakangiting matamis na sabi ni Kai.

Alam naman ni Massimo na gusto siya ni Luna. Hindi na kailangan pang ipaliwanag ito ng iba dahil matagal na niyang naintindihan. Kaya hindi niya balak buksan ang diary. Basta tumango na lang siya nang walang interes.

Pagbalik ni Luna dala ang isang baso na mainit na gatas, masunurin na bumalik si Kai sa kama.

Maingat na iginiya ni Luna si Massimo mula sa kwarto. Nang magsara na ang pinto at nakalayo na sila nang kaunti, nagsalita siya.

“Bukas ng umaga, isasama mo si Kai sa kindergarten. Hindi mo kailangan matulog sa guest room dahil doon ako matutulog.”

Malamig na tumawa si Massimo at sinabing, “Ano, gusto mo bang pumasok ulit sa kwarto ko ngayong gabi?”

Namutla nang ilang sandali si Luna sa matalim na panunukso nito.

Naalala niya noon.

Noong una silang naging mag-asawa. May ginawa siyang katangahang bagay. Kahit iniutos ng matanda na gawin niya 'yon, pinili pa rin niyang suungin ang panganib.

Sa paglipas ng mga taon, naintindihan niya ang kahihinatnan ng mga desisyon niya.

Kinagat ni Luna ang kanyang pang-ibabang labi at saka sinabi, “Huwag kang mag-alala. Hindi ko na uulitin.”

“Sana nga,” malamig na usal ni Massimo.

Kitang-kita na hindi naniwala si Massimo sa kanya, pero pakiramdam ni Luna ay hindi na siya obligado na magpaliwanag pa. Matagal na nawala ang pagmamahal niya rito.

Biglang tumunog ang telepono ni Massimo at lumitaw sa screen ang pangalan na Elisse.

Maingat na lumayo si Luna. Sa likod niya, lumambot ang tinig ni Massimo na tila puno ng pag-ibig.

“Elisse,” ani Massimo. "Hindi ako pupunta ngayong gabi. Magpahinga ka nang mabuti.”

Nanatiling kalmado ang puso ni Luna, payapa tulad ng tubig.

Kinabukasan, tinulungan niyang magbihis si Kai habang nakatayo si Massimo malapit lang at nanonood.

Walang alinlangan na iniabot ni Luna kay Massimo ang pink na bote ng tubig at schoolbag.

Napataas nang bahagya ng noo si Massimo sa mga pink na bagay. Lumapit si Steven para tumulong, pero pinigilan siya ni Luna.

“Massimo, ikaw mismo ang humawak.”

May bahagyang pag-aalangan ang tingin ni Massimo, pero tinanggap niya ang mga iyon.

Napatingin si Steven sa malamig at seryosong si CEO Massimo na ngayon ay may hawak na dalawang pink na gamit, parang bagong tatay na talaga siya. Hindi niya napigilang ngumiti sandali.

Nang makita iyon ni Kai, napuno ang puso niya ng tuwa. Dati, nakikita niya lang sa TV ang ganitong eksena, pero ngayon, narito ang mommy niya. Narito rin ang daddy niya.

Ramdam niya ang labis na pagpapala. Hinaplos ni Luna ang noo ng kanyang anak saka nagsalita.

“Kumain ka nang maayos, at mag-aral ka nang mabuti,” saad niya tapos humarap siya kay Massimo. “Iiwan ko si Kai sa 'yo.”

Tumango si Massimo. “Steven, kontakin mo ang mga major shareholders. May meeting sa Alcantara Enterprise sa loob ng tatlumpong minuto.”

Agad na nagpalit si Steven sa kanyang pagiging propesyonal at sinabi, “Copy, sir.”

Habang nagsasalita, mabilis siyang tumakbo para buksan ang pinto ng kotse para kay Kai.

Sumakay ang mag-ama sa kotse isa-isa at tahimik na nanonood si Luna habang umaalis sila.

Sa loob ng kotse, nanahimik ng ilang sandali. Hindi madalas magkasama ang mag-ama, kaya pati si Steven ay nakaramdam ng alanganin sa sitwasyon.

Pero hindi alam ni Massimo na para kay Kai, ang makasama lang ang ama ay ang pinakamaligaya niyang bagay sa mundo.

Nagsimula siyang asamin ang bukas, pati na ang mga susunod pa na araw. At baka pati na rin ang mga susunod pa rito.

Inisip niyang baka sobra na ang gusto niya. Tumingin si Kai kay Massimo na puno ng pag-asa.

Tumingin naman si Massimo sa kanya, at medyo nag-aatubiling nagsalita, “May problema ba?”

Maingat na umubo si Kai. Mahina at puno ng pag-asa ang tinig niya. “Daddy, pwede mo ba akong sunduin sa kindergarten ngayon? Pero ayos lang kung busy ka...”

Habang nagsasalita, lalong huminahon ang boses niya. Walang gaanong kumpiyansa.

Bahagyang nandilim ang mga mata ni Massimo. Matapos niyang makasama si Kai noong nakaraang araw, hindi niya masasabi na ayaw niya sa bata. Bukod dito, ipinangako niya na makikihalubilo siya sa bata bilang isang ama. Kaya hindi mahirap ang pagsundo.

“Ano'ng oras ka natatapos sa school?” tanong niya.

Biglang sumigla ang mood ni Kai, kumislap ang mga mata niya.

“Alas kuwatro y media!” tuwang sambit niya.

“Sige,” tugon ni Massimo.

Pakiramdam ni Kai ay lumulutang siya sa ulap dahil sa tuwa. Kung panaginip ito, ayaw na niyang magising. Ngumiti siya nang matamis.

Nakita ni Massimo ang ngiti mula sa gilid ng kanyang mata. Mas naging komplikado ang kanyang ekspresyon.

‘Silly girl. Kung hindi ka lang naging anak ni Luna, baka talagang magustuhan kita,’ ani Massimo sa isip.

Pagdating ni Kai sa kindergarten, agad siyang nagpadala ng voice message sa mommy niya gamit ang kanyang smartwatch.

“Mommy! Alam mo ba na sinabi ni daddy na susunduin niya ako ngayon!?”

Ang boses niya ay puno ng pagmamalaki. Sinadya niyang lakasan ang boses para marinig ng mga batang malapit sa kanya.

“Kai, talagang susunduin ka ng daddy mo ngayon?” tanong ng isang batang babae nang may pagkamausisa.

“Oo naman!” sagot ni Kai.

“Ayos ‘yan!” saad ng batang babae sabay ngiti. Dati, sinasabi ng lahat sa klase na walang tatay si Kai at palaboy-laboy lang siya.

Ngayon, wala nang magtatangkang sabihin pa iyon.

Hindi na makapaghintay si Kai na matapos na ang araw sa school.

Kasabay no'n, natanggap ni Luna ang voice message.

“Mommy! Alam mo ba na sinabi ni daddy na susunduin niya ako ngayon!?”

Napaluha siya, at napangiti nang bahagya pero may kirot pa rin sa puso. Sa mga huling sandaling ito, gusto niyang mapasaya si Kai nang husto.

Basta masaya si Kai, handa siyang gawin ang lahat.

Sumagot siya ng voice message rin, “Sige, hindi na pupunta si mommy para sunduin ka ngayon. Kaya mo ‘yan, Kai!”

Pagkatapos, binuksan ni Luna ang social media feed niya. Ang unang post na nakita niya ay mula kay Steven.

Larawan ito ng isang pares ng pink na diamond na hikaw at may nakalagay sa caption.

“Isang special na item na hiniling ng CEO! Isa na namang araw ng pagkainggit kay Miss Elisse! Ang dami nang mayayaman sa mundo, bakit hindi ako maging isa sa kanila?!”
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 50

    “Hindi ko pakikialaman ang mga usapin tungkol sa Alcantara Enterprise, at hindi rin ako makikisali sa anumang bagay online. Tungkol naman sa nakakatawang sinasabi mong paglilinaw, wala akong kinalaman doon!” sagot ni Luna. "Dahil ginawa mo ‘yan, dapat mong akuin ang mga resulta. Pumusta ka kaya tanggapin mo ang pagkatalo. Panahon na para bayaran mo ang kapalit ng sinasabi mong pagmamahal at pagpaparaya!”Bawat salitang binitiwan ni Luna ay mabigat at walang bahid ng emosyon na makinita sa kanya kung hindi tanging galit at hinanakit lamang ang naroon.Tuluyan na niyang binitiwan ang lalaking ito at hindi lang basta iniwan, kung hindi labis na kinamuhian.Noong una, ginawa niya ang lahat para protektahan ang imahe ni Massimo. Siya pa nga ang kusang umarte bilang mapagmahal na asawa. Ngunit ngayong inaalala niya ito, hindi niya maiwasang mangdiri sa sarili at sa nakakaawang kahinaan.“Luna, huwag mong pagsisihan ito,” ani Massimo habang nakatayo roon, taglay pa rin ang aroganteng post

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 49

    “Hayop ka!”Hindi na napigilan ni Luna ang sarili at napamura nang malakas.Hindi niya kailanman inakalang may tao pa pala na ganito kakapal ang mukha sa mundong ito.Nagsasalita pa ito nang buong yabang at kumpiyansa. Nakakahiya, at sobra ang kapal ng mukha.Noon, si Luna ay pinipiling kimkimin na lang ang galit niya, pero ngayon, pinili niyang lumaban, sa literal na paraan.Malakas niyang sinampal si Massimo, hinablot ito sa kwelyo, at buong puwersang hinila sa harap ng litrato ni Kai na nasa altar.“Tingnan mo! Tingnan mo si Kai! May mukha ka pa bang ulitin ang sinabi mo kanina?!” galit niyang sigaw rito.Hindi inakala ni Massimo na taglay ng babaeng ito ang ganoong kalakas na pwersa.Nakatitig sa inosente at masayahing ngiti ni Kai sa larawan, bumuka ang bibig ni Massimo at kalmadong nagsalita, “Kahit na nagpagamot tayo noon, mapapahaba lang ang buhay niya, pero hindi siya lubusang gagaling. Ang manatili sa mundong ito ay puro paghihirap lang para sa kanya.”“Nagdurusa nga

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 48

    Alam niyang natatangi si Luna, ngunit alam din niyang wala itong magawa. Nanatili ito sa bahay, inaalagaan ang kanyang anak, at walang gaanong alam tungkol sa mundo ng trabaho.“Kung may dumating na sundalo, lalaban tayo. Kung tubig naman, haharangin natin ng lupa. Ang pang-aaping ito ay kailangan kong makamit ang katarungan,” ani Luna habang mariing nakangisi, madilim ang ekspresyon sa mukha. Sa simula pa lang, kaya niyang palampasin ang lahat, at wala nga siyang pakialam sa mga ari-arian ng pamilya Alcantara.Ngunit makasarili si Massimo. Para sa sarili niyang interes, pinanood niya lang mamatay ang kanilang anak sa harap mismo ng kanyang mga mata. Dahil sa kanyang pagkilos, namatay si Kai.Hindi niya ito basta na lang mapapalampas. Kung hindi siya lalaban, hindi siya karapat-dapat maging isang ina.'Hindi ba’t ang pinaka-pinahahalagahan ni Massimo ay ang sariling interes? Sige, kukunin ko iyon nang paisa-isa ang lahat ng mahalaga sa lalaking 'yon,' nakangising sabi Luna sa isi

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 47

    Sa harap ng malamig na titig ni Massimo, nakaramdam nang matinding kaba si Elisse. Kinakabahan siya at hindi sigurado kung may natuklasan na ba si Massimo.“M-Massimo, b-bakit? Bakit hindi ka nagsasalita?” nauutal niyang tanong sa lalaki.Iniunat ni Elisse ang kamay at marahang hinila ang manggas ni Massimo.“Lumampas ka na sa linya, Elisse,” saad ni Massimo.Nanatiling walang emosyon ang mukha ni Massimo, ngunit banayad pa rin ang kanyang tinig. Gayunman, ang laman ng kanyang mga salita ang nagpatigil sa tibok ng puso ni Elisse.Pumatak ang kanyang mga luha habang nauutal na nagsalita, “O-Oo, alam kong k-kasalanan ko, pero hindi ko naman sinasadya. Gusto ko lang talagang tumulong sa 'yo. 'Yong babaeng si Luna, s-siya—”Hindi natapos ni Elisse ang sasabihin nang magsalita si Massimo.“Ang mga problema natin ay ako ang bahalang humarap diyan,” putol ni Massimo sa kanya.Sa pagkakataong ito, tuluyan nang naglaho ang kunwaring kabaitan niya. Ang natira ay isang babala, isang hulin

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 46

    Napakuyom na lamang ng mga kamao si Massimo at matalim na Tiningnan si Luna. “Tumahimik ka!” sigaw nito sa babae.“Bakit ako mananahimik? Ano'ng karapatan mong utusan akong tumahimik? Akala mo ba nasa lumang panahon pa rin tayo? Matagal nang pinalaya ang mga kababaihan. Mas mabuti pang pumunta ka na lang sa impiyerno!” inis na sagot ni Luna sa kanya.Ibinuhos ni Luna ang natitirang kape sa kanya at lumakad palayo nang may kumpiyansa at kahinahunan sa bawat galaw.Habang tumatalikod siya, napansin niya si Dustin na nakatayo sa labas ng pintuan na ngayon ay kita sa salamin.Sa hindi maipaliwanag na dahilan, kahit pa matapang at palaban siya ilang saglit lang ang nakalipas, nang magtagpo ang mga mata nila ni Dustin, bigla siyang nakaramdam ng hiya.Binilisan niya ang lakad at lumabas, bahagyang nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya. “Bakit ka narito?” takang tanong niya sa lalaki.“Pumunta ako para protektahan ka pero mukhang hindi na kailangan,” tapat na sagot ni Dustin.

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 45

    “Luna, kailanma ay hindi ka minahal ni Massimo. Ni katiting ay wala. Kahit anong gawin mo, hindi mo kailanman makukuha ang kanyang pabor, kaya bakit ka pa nagpupumilit?”Tila taos-pusong nangungumbinsi si Elisse sa kanya. Tinitigan ni Luna si Elisse sa ganoong estado at napatawa siya.“Ang mga shares na hawak ko, kahit ibenta ko pa ay aabot nang hindi bababa sa tatlong bilyon. At nagdala ka sa akin ng tatlumpung milyon para makipag-negosasyon? Akala mo ba hindi ako marunong magbilang?”Napangisi pa siya, matalim at walang sinasanto ang tono.“Elisse, ano bang halaga ni Massimo? Noon, baka binigyan ko pa siya nang kaunting pansin alang-alang sa bata. Pero ngayong wala na si Kai, para sa akin, wala siyang silbi kung hindi ay parang utot lang!”Bahagyang itinaas pa niya ang kanyang baba, kumikislap ang mga mata sa malamig na kumpiyansa na nakatitig kay Elisse.“Hawak ko ang fifty-one percent ng shares ng Alcantara Enterprise. Ano'ng klaseng lalaki ba ang hindi ko kayang makuha kung

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status