LOGINNangdidilim ang mga matang binulsa ni Scarlet ang bracelet na hawak niya at nagtungo sa kuwarto kung nasaan ang kaniyang kuya. Labing-dalawang bodyguards ang nakabantay sa labas ng ICU room ni Justine.
“Cous!”
Pagkarating na pagkarating palang ni Scarlet ay ang humahagulgol na pinsan niyang si Cynthia ang sumalubong sa kaniya.
“Buti naman at nandito ka na. Masama ang lagay ni kuya Justine, cous. Mag-isa ka nalang ngayon,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Cynthia.
Alam na alam ni Scarlet na palabas lang iyon ni Cynthia. Nakatayo rin sa tabi nito ang kaniyang tita Dina.
“Nandito si Ethan, Scarlet. Binibisita si Justine,” mahinahong dagdag naman ni Dina.
‘Talaga lang ha!’ Sambit ni Scarlet sa kaniyang isipan.
Akala siguro ni Dina ay hindi maalala ni Scarlet ang nangyari kagabi. Tikom lamang ang bibig ni Scarlet habang malamig na iwinaksi ang kamay ni Cynthia sa kaniyang braso.
“Bitawan mo nga ako! You’re disgusting!”
Pagkasabi niyon ay dire-diretsong naglakad si Scarlet papasok sa viewing area ng ICU.
Sa kabila ng makapal na salamin ay payapang nakahiga sa kama si Justine, pinalilibutan ng mga nagtataasang makina. Kahit na comatose ito at maputla, hindi pa rin natatabunan ang natural na gwapo nitong mukha.
Nakatayo naman sa labas si Ethan Montenegro. Ang kaniyang mga mata ay hindi maalis sa kaibigang nagligtas sa kaniya. Nakakunot din ang noo nito, blanko ang ekspresyon, at tila’y malalim ang kaniyang iniisip.
Nang makalapit na si Scarlet ay mas naaninag na niya si Ethan. Gwapo rin kasi ito—maputi, matangos ang ilong, makapal ang kilay, at may nakakatakot na awra. Totoo nga ang sabi-sabi, mukha siyang walang puso. No wonder kung bakit parang basura lang nila kung itrato ang mga tao sa paligid nila.
Mas lalo lamang lumalim ang pagkamuhi ni Scarlet sa lalaki. Kung wala lamang sila sa ICU room ni Justine ay baka nasuntok na nito si Ethan sa mukha.
Pinilit na ikinalma ni Scarlet ang kaniyang sarili, subalit ang nakakamatay niyang titig ay hindi nakalampas kay Ethan. Matangkad ang lalaki kaya nakayuko itong nakatingin kay Scarlet.
Sa sandaling iyon, hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng babae ang namumulang palapulsuhan ni Ethan.
“Scarlet, ito nga pala si Sir Ethan Montenegro,” ang boses ng kaniyang tiyuhin na si Marque ang nagputol sa kung anumang tensiyon sa dalawa.
Si Ethan Montenegro ay kabilang sa pinakamayamang pamilya sa buong Pilipinas. Sa edad na trenta ay siya na ang nag-m-manage ng Montenegro Group of companies, kung kaya’t labis itong kinakakatakutan ng mga tao.
“Sir Ethan, ito nga pala ang pamangkin ko, si Scarlet. Siya ang bunsong kapatid ni Justine. 20 years old palang po ‘yan at 2nd year palang siya sa college…”
“I know,” wala sa sariling sambit ni Ethan.
Naglikha naman ito nang pagkagulat sa mukha ni Marquee. Kilala ba ng lalaki ang kaniyang pamangkin?
“Kilala niyo po si Scarlet?” Aniya ni Marque.
“Uhm…”
“Kailan pa?” Nagugulumihanang tanong ulit ng tiyuhin.
Kahit naman na kaibigan ni Justine si Ethan ay hindi ito nagagawi sa bahay nito. Kaya paanong kilala nito si Scarlet?
Hindi sinagot ni Ethan ang tanong ni Marque. Bagkus ay itinuon nito ang pansin sa nakatayong Scarlet.
“I’m here to pick you up.”
Bago pa man makapagsalita si Scarlet ay pinutol siya nito kaagad ng nurse. Isa hanggang dalawang oras lang kasi ang visiting hours ni Justine.
“Tapos na po visiting hours para sa pasyente.”
Pagkatapos marinig iyon ay lumabas na ng ICU room si Ethan, habang si Marque naman ay dumiretso kay Scarlet.
“Nandito si Sir Ethan ngayon para kunin ka. Simula ngayon ay doon ka na raw sa kaniya titira. Kaya makinig ka sa mga sasabihin nu’n, okay?”
Asa naman silang makikinig si Scarlet sa kung anumang sasabihin ni Ethan. Tatarayan niya pa sana ang lalaki subalit wala na ito sa p’westo nito.
Hindi maalis kay Scarlet ang pagkamuhi dahil naging ganito ang kalagayan ng kuya niya pagkatapos iligtas si Ethan. Hindi nga niya makitaan ng awa o pagkasisi ang lalaking ‘yon.
Nakatayo naman sa labas ng pinto si Ethan, prenteng nakasandal sa dingding. Ang malapad na balikat at mahahabang biyas ay mas nakakadagdag ng kagandahang-lalaki nito. Hindi pa nakatulong na naka-long sleeves ito ngayon kaya mas lalong nadepina ang katawan nito.
Kaya hindi mo rin masisi na nakatulala lang ang dalawang babae—si Cynthia at Dina—habang nakatingin kay Ethan.
“Ma! Ang guwapo talaga ni Ethan!” Excited na sambit ni Cynthia.
“Kaya nga! Ang suwerte talaga ng bruhang iyan. Nilagyan ko na nga ng gamot ang tsaa niya pero nagawa niya pa ring makatakas,” nanggagalaiting sambit naman ni Dina. Gustong-gusto kasi nitong mawala sa landas nila si Scarlet, pero parang matatagalan pa ‘yon dahil kay Ethan.
“Ma!” Siniko ni Cynthia ang kaniyang ina dahil nakatingin na sa kanilang dalawa si Ethan.
Maraming oras pa ang mayroon sila para turuan ng leksiyon si Scarlet. Ngunit sa harap ng isang makapangyarihang bilyonaryo ay dapat lang na magpanggap silang mababait na kamag-anak upang hindi ito maghinala.
Agaran namang itinikom ni Dina ang kaniyang bibig at kiming ngumiti sa binata.
“Sir Ethan,” lakas-loob na lumapit si Cynthia sa binata, hindi inalinta ang malamig na titig ng lalaki.
“What?” Walang-emosyong tugon naman ni Ethan.
Parang may tambol sa loob ng katawan ni Cynthia ngayon, napakalakas ang kabog ng kaniyang dibdib.
“Kapag ba sumama sa inyo ang pinsan ko ay p’wede pa rin ba namin siyang puntahan?”
Mapanuri naman itong tinignan ni Ethan na labis na nagpakaba kay Cynthia.
“If she wants, you can come.”
Mas lalong sumidhi ang inggit sa puso ni Cynthia, sino ba naman ang hindi? Para rito ay perpektong tao si Ethan—matikas, guwapo, makapangyarihan at mayaman. Isang lalaking tila ba nasa kaniya na ang lahat ng biyaya sa mundo
Mabilis na tinawagan ni Leo ang numero, at matapos marinig ang sinabi sa kabilang linya ay nagbago ang kaniyang ekspresyon. Sinabi niya naman kaagad kay Ethan ang kaniyang nalaman."Sir Ethan, nasa presinto po si Miss Scarlet.""Nasa presinto?" Napakunot-noo si Ethan, at agad na lumamig ang kaniyang boses."Bakit hindi siya tumawag para ipaalam?"Sa isip ni Leo ay siyempre, galit na galit sa 'yo si Miss Scarlet at napakatigas ng ulo niyon, paano naman siya tatawag sa 'yo? Mas pipiliin pa nitong makulong kaysa humingi ng tulong sa kaniya!Bagaman alam na alam ni Leo ang totoong dahilan, nanatili pa rin siyang magalang at maingat sa pagsagot."Baka po natatakot siyang magalit kayo, Sir.""Go to the precint now," utos ni Ethan."Opo!" Paalis na sana si Leo.Ngunit hindi pa nakakaalis si Leo nang biglang tumayo si Ethan."Huwag na, ako na mismo ang pupunta."Laking gulat naman ni Leo sa narini
Ipinikit ni Scarlet ang kaniyang mga mata. Sa huli ay hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili at naglakad patungo sa kung nasaan si CynthiaSige. Gusto niyo akong pagka-isahan, 'di ba? Gusto niyo ring tuluyan na kaming magkasira, 'di ba?Ngayong gabi, ibibigay ko ang gusto ninyo! Kaya huwag nang umasa pang makakaalis dito si Cynthia nang walang nangyayari sa kaniya.Hindi ba't sinabi nitong malupit siya?Ipakikita niya rito kung gaano talaga siya kalupit!Humakbang si Scarlet at marahas na hinila si Cynthia mula sa mga bisig ni Primo."Umalis ka riyan."Namutla sa takot si Cynthia at nanginig ang buong katawan sa pinakitang karahasan ni Scarlet."Cous, pakiusap huwag mo akong saktan! Kuya Primo, please..."Sinubukang harangin ni Primo ang dalawa para pigilan si Scarlet sa ninanais nitong gawin.Ngunit huli na ang lahat dahil malakas na sinipa ni Scarlet si Cyn
Tinulungang tumayo ni Primo si Cynthia mula sa sahig habang sinusuri kung may galos ito o wala."Cynthia, ayos ka lang ba?"Sumiksik si Cynthia sa mga bisig ni Primo habang umiiyak."Kuya Primo, sinasabi ng pinsan ko na ninakaw ko raw ang kuwintas niya, pero hindi ko naman 'yon ginawa. Ayaw niyang maniwala sa akin...sinira niya ang bag ko at itinulak niya ako sa sahig."Napakunot-noo si Primo habang nakatitig kay Scarlet, lalo na nang makita ang sira-sirang damit ni Cynthia."Scar, bakit hindi mo muna siya kinausap nang maayos? Bakit kailangan mong manakit?""Ninakaw niya ang kuwintas ko, ito mismo! Bakit ako magiging magalang sa isang magnanakaw?" depensa ni Scarlet habang itinataas ang kuwintas sa kaniyang kamay.Mas lalo pang nagdilim ang mukha ni Primo."Ang kuwintas na 'yan...binili ko 'yan para kay Cynthia."Natigilan si Scarlet sa narinig. Hindi rin nakatulong ang pagsingit ni Cynthia sa usapan nilang dalawa.
Tulad ng inaasahan ay hindi binigo ni Scarlet si Ethan. Inirapan lang niya ang binata at patuloy na hinila ang kamay ni Cynthia."Sumama ka sa akin."Ang pagiging sunod-sunuran sa ngalan ng pag-ibig ay isang kahangalan.Isang malamig na panghahamak ang gumuhit sa mga mata ni Ethan habang naglalakad siya patungo sa ibang direksyon, tuluyang binabale-wala ang dalaga.Hindi naman nakalagpas kay Scarlet ang mapanghamak na tinging iyon sa kaniyang mga mata. Ngunit wala itong panahon para intindihin pa ang gustong ipahiwatig ng binata.Hinarap niya ang pinsan nang hindi pa rin umaalis sa p'westo niya."I came here to talk to you, Cyntia. Kung ayaw mo ng gulo, come with me.""Scar!" subok na pagpigil ni Primo na agad namang sinaway ni Cynthia."Ayos lang, Kuya Primo. Pinsan ko naman siya, kakausapin ko lang siya nang maayos. Nandiyan si Sir Ethan, pumunta ka muna doon at asikasuhin mo siya.""Pero..." Bahagyang nag-aalala si Primo at sumulyap kay Scarlet.Natatakot siyang baka saktan o i-bul
May bakas ng labis na pagmamahal sa mga mata ni Primo. Samantala ay nakaramdam naman ng kaunting pait si Scarlet...mukhang opisyal na ngang nagsasama ang dalawa. Kung p'wede lang na ibahin ang tadhana..."Kuya Primo!"Sa mga sandaling iyon ay isang matamis na boses ang narinig nila mula sa likod at ito rin ang dahilan kung bakit tuluyang natigil ang pag-uusap nilang dalawa.Napalingon naman dito si Scarlet. At nakita niya ang naglalakad na si Cynthia patungo sa kanila habang suot ang isang pearl white na damit. Talagang pinaghandaan nito ang gabi dahil ang kaniyang mahabang buhok ay nakakulot at maayos na nakalaylay sa kaniyang balikat---nagbibigay ito ng elegante at sopistikadong dating sa dalaga. Napakaganda niya ngayong gabi.Nagliwanag ang mga mata ni Primo sa pagkamangha nang makita ang ayos ni Cynthia."Ang ganda ng napili mong damit para sa gabing ito. It looks good on you...and you also look nice," nakangiting puri ni Primo sa kararating lang na si Cynthia."Salamat!" Kiming n
Subalit sa kabila ng kaniyang pagtahimik ay may isang baritonong boses ang biglang narinig para ipagtanggol siya."Anong pinagkakalat niyong hindi na kami nag-uusap?"Ang boses na iyon ay napakalamig na tila ba'y isa itong patalim na handang sugatan ang sinumang magsasalita na labag sa kagustuhan nito.Mabilis na napalingon si Scarlet at agad na nakilala kung kanino iyon. Si Primo...bahagyang sumikip ang kaniyang dibdib, kaya naman iniwas niya ang kaniyang tingin.Nakatayo doon si Primo. Ang kaniyang maikli na kulay-abong buhok, kasabay ng kaniyang matatalas na anggulo sa mukha, ay malamig na nakatitig sa mga tsismosang babae. Matangkad din si Primo, nasa 6'2" din ang height nito. Hindi rin maipaliwanag na karisma ang tinataglay ng binata kahit pa ang suot lang nito ay ang pinakasimpleng puting shirt at itim na pantalon.Natigilan ang mga babae noong una. Napakaguwapo talaga ni Primo!Ngunit ang kasunod na reaksyon nila ay matinding napahiya. Namula ang kanilang mga mukha at isa-isang







