Share

Chapter 3

Author: Quertoyou
last update publish date: 2026-06-22 22:08:22

Iyon ang naabutan ni Scarlet nang makalabas siya nang silid. Nanunuyang napangiti siya sa akto ng pinsan, hindi pa rin pala ito nagbabago.

“Cous! Sasama ka na pala ngayon kay Sir Ethan. Mag-iingat ka roon, ha?” Nakangiting paalala ni Cynthia sa pinsan, sabay hawak nang dahan-dahan sa kaniyang kamay.

“Take your filthy hands off me or I’ll break them,” malamig at mariing sambit ni Scarlet. 

“Nag-aalala lang naman ako sa’yo,” Namimilog ang mga mata na sambit ni Cynthia.

“Nag-aalala o nagpapapansin?”

Kabisadong-kabisado ni Scarlet ang galawan ni Cynthia. Mahilig kasi itong magpanggap na mahina siya sa harap ng mga tao, at paniwalang-paniwala naman ang mga uto-u***g nakapaligid rito.

Sa isang iglap ay nabaliktad ang sitwasyon ng dalawa: si Cynthia na ngayon ang aping-api, habang si Scarlet ang masama. Subalit wala na rito ang isip ng babae. Wala naman siyang pake kung ano ang isipin ni Ethan sa kaniya.

“Bakit ka naman ganiyan, cous? Hindi naman ako g-ganiyan…” naiiyak na ngayong sambit ni Cynthia, ang mga luha ay nag-aagos na sa kaniyang pisngi.

Kapag ganito kahina ang ipinapakita ng isang babae ay karaniwang pinoproktektahan ito ng lakako. Ngunit nanatiling blanko ang mukha ni Ethan, na tila ba’y matagal na niyang alam na nag-d-drama lang si Cynthia sa kaniyang harapan. 

Dumako naman ang tingin nito kay Scarlet bago magsalita.

“Let’s go,” aniya.

 Oops! Hindi patok ang pagdadrama ng best actress.

Mahina namang napaismid si Scarlet nang marinig ang boses ni Ethan. Ayaw niya man ay napipilitan siyang sumunod sa likod ng lalaki. Hindi niya rin inalintana ang matatalim na titig ni Cynthia sa kaniyang likuran. 

Nang malapit na sila sa entrance ng St. Luke’s ay bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan, sinabayan pa ito nang malalakas na dagundong ng kulog. Halos hindi na nga makita ang paligid dahil sa hamog na nanggagaling sa ulan.

“Sir Ethan, Ma’am Scarlet, sandali lang po at kukunin ko muna ang payong sa sasakyan,” paalam ni Leo, assistant ni Ethan, bago ito sumugod sa gitna ng ulan.

Tahimik naman ang dalawa habang naghihintay kay Leo. 

“Are you cold?” Biglaang tanong ni Ethan sa babae.

Bago pa man makasagot si Scarlet, isang pamilyar na pabango ang pumasok sa kaniyang ilong—ang natatanging sandalwood scent ng lalaki. Sa isang saglit, tila sumabog ang kaniyang utak nang magbalik ang mga tagpo kagabi. Pilit niya mang kinakalimutan ay para itong sirang plakang paulit-ulit na nag-p-play sa kaniyang utak.

Sa loob ng kotse noon, hindi inalintana ng kanilang mga katawan ang nag-aalab na init. Niyapos ni Scarlet ang lalaki bago ito marahas na hinalikan sa leeg. Nagmamadali niyang binuksan ang mga butones ng polo nito habang pigil-paghinga naman si Ethan na sinusubukang hulihin ang kaniyang mga kamay para mapigilan siya. Alalang-alala pa niya kung paano siya nagmakaawa rito, parang isdang nauuhaw sa tubig, desperadang makuha ang init na magpapawi sa gamot na dumadaloy sa kaniyang dugo.

Ngunit tinanggihan pa rin siya ng lalaki nang mga unang sandali. Hindi natinag si Scarlet; muli niyang ipinagapang ang kaniyang mga kamay sa matigas na katawan nito, umiiyak at namumula ang mga mata sa tindi ng pagnanasa.

Hanggang sa tuluyan nang niyanig ang kontrol ng lalaki. Ang malalaking kamay na kanina’y pumipigil sa kaniya ay unti-unti nang nakapulupot sa kaniyang baywang, mahigpit, tila hinahayaan na kung anuman ang mangyari sa kanila. Ang mga labi nito ay bumaba sa kaniyang leeg, dahan-dahang binabagtas ang maputing balat ni Scarlet sa isang mabagal ngunit nanginginig at gigil na ritmo…

“Sir Ethan,” mahinang tawag ni Leo. Nabalitwas si Scarlet sa kaniyang pagtulala nang marinig ang mahinang tawag ni Leo. Nakarating na pala ito sa harap nilang dalawa, basang-basa ang gilid ng polo.

Binigay niya kay Ethan ang payong na kaagaran naman nitong binuksan at pinayungan si Scarlet. 

“Tara na.”

Dahan-dahan namang nag-angat ng tingin si Scarlet. Sa mga sandaling iyon ay nagtama ang mata ng dalawa. Sa hindi inaasahan ay nag-alab ang galit sa dibdib ni Scarlet, tila naalalang galit pala siya kay Ethan. Tiniis niya ang lahat ng sakit sa loob ng ICU sa harap ng kaniyang kuya, pero ngayon—hindi na niya kailangang magpigil! 

PAK!

Sa isang iglap ay buong lakas na itinaas ni Scarlet ang kaniyang kamay at marahas na sinampal si Ethan.

“Sir Ethan!” Gulat na gulat na sigaw ni Leo.

Nakaawang naman ang bibig ni Ethan sa gulat at tuluyang nagdilim ang paningin nito. Bakas din sa kaniyang pisngi ang pamumula dahil sa sampal ni Scarlet. 

Iisa pa sana ulit si Scarlet ngunit mabilis na pinigilan ito ni Ethan. Malamig ang titig niya sa dalaga. Marahas niyang binitawan ang hawak na payong at mahigpit na hinawakan ang mga braso ni Scarlet. Tila tuta naman ang dalaga dahil wala na itong lakas kung ikukumpara mo kay Ethan. 

Hindi pa nakakabawi sa pagkabigla si Scarlet ay nagsidatingan naman ang mga bodyguards ni Ethan. Pinalibutan nila ang dalawa at handang kunin si Scarlet sa hawak ng boss nila.

“Anong karapatan mong saktan ang boss namin?!” 

Ang guwapong mukha ni Ethan ay mas lalong naging malamig…mas lalong nakakatakot. Kung nakakamatay lang ang tingin ay maramin na siguro ang nakahandusay sa ospital ngayon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ruthless Billionaire's Vow   Chapter 23

    Mabilis na tinawagan ni Leo ang numero, at matapos marinig ang sinabi sa kabilang linya ay nagbago ang kaniyang ekspresyon. Sinabi niya naman kaagad kay Ethan ang kaniyang nalaman."Sir Ethan, nasa presinto po si Miss Scarlet.""Nasa presinto?" Napakunot-noo si Ethan, at agad na lumamig ang kaniyang boses."Bakit hindi siya tumawag para ipaalam?"Sa isip ni Leo ay siyempre, galit na galit sa 'yo si Miss Scarlet at napakatigas ng ulo niyon, paano naman siya tatawag sa 'yo? Mas pipiliin pa nitong makulong kaysa humingi ng tulong sa kaniya!Bagaman alam na alam ni Leo ang totoong dahilan, nanatili pa rin siyang magalang at maingat sa pagsagot."Baka po natatakot siyang magalit kayo, Sir.""Go to the precint now," utos ni Ethan."Opo!" Paalis na sana si Leo.Ngunit hindi pa nakakaalis si Leo nang biglang tumayo si Ethan."Huwag na, ako na mismo ang pupunta."Laking gulat naman ni Leo sa narini

  • The Ruthless Billionaire's Vow   Chapter 22

    Ipinikit ni Scarlet ang kaniyang mga mata. Sa huli ay hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili at naglakad patungo sa kung nasaan si CynthiaSige. Gusto niyo akong pagka-isahan, 'di ba? Gusto niyo ring tuluyan na kaming magkasira, 'di ba?Ngayong gabi, ibibigay ko ang gusto ninyo! Kaya huwag nang umasa pang makakaalis dito si Cynthia nang walang nangyayari sa kaniya.Hindi ba't sinabi nitong malupit siya?Ipakikita niya rito kung gaano talaga siya kalupit!Humakbang si Scarlet at marahas na hinila si Cynthia mula sa mga bisig ni Primo."Umalis ka riyan."Namutla sa takot si Cynthia at nanginig ang buong katawan sa pinakitang karahasan ni Scarlet."Cous, pakiusap huwag mo akong saktan! Kuya Primo, please..."Sinubukang harangin ni Primo ang dalawa para pigilan si Scarlet sa ninanais nitong gawin.Ngunit huli na ang lahat dahil malakas na sinipa ni Scarlet si Cyn

  • The Ruthless Billionaire's Vow   Chapter 21

    Tinulungang tumayo ni Primo si Cynthia mula sa sahig habang sinusuri kung may galos ito o wala."Cynthia, ayos ka lang ba?"Sumiksik si Cynthia sa mga bisig ni Primo habang umiiyak."Kuya Primo, sinasabi ng pinsan ko na ninakaw ko raw ang kuwintas niya, pero hindi ko naman 'yon ginawa. Ayaw niyang maniwala sa akin...sinira niya ang bag ko at itinulak niya ako sa sahig."Napakunot-noo si Primo habang nakatitig kay Scarlet, lalo na nang makita ang sira-sirang damit ni Cynthia."Scar, bakit hindi mo muna siya kinausap nang maayos? Bakit kailangan mong manakit?""Ninakaw niya ang kuwintas ko, ito mismo! Bakit ako magiging magalang sa isang magnanakaw?" depensa ni Scarlet habang itinataas ang kuwintas sa kaniyang kamay.Mas lalo pang nagdilim ang mukha ni Primo."Ang kuwintas na 'yan...binili ko 'yan para kay Cynthia."Natigilan si Scarlet sa narinig. Hindi rin nakatulong ang pagsingit ni Cynthia sa usapan nilang dalawa.

  • The Ruthless Billionaire's Vow   Chapter 20

    Tulad ng inaasahan ay hindi binigo ni Scarlet si Ethan. Inirapan lang niya ang binata at patuloy na hinila ang kamay ni Cynthia."Sumama ka sa akin."Ang pagiging sunod-sunuran sa ngalan ng pag-ibig ay isang kahangalan.Isang malamig na panghahamak ang gumuhit sa mga mata ni Ethan habang naglalakad siya patungo sa ibang direksyon, tuluyang binabale-wala ang dalaga.Hindi naman nakalagpas kay Scarlet ang mapanghamak na tinging iyon sa kaniyang mga mata. Ngunit wala itong panahon para intindihin pa ang gustong ipahiwatig ng binata.Hinarap niya ang pinsan nang hindi pa rin umaalis sa p'westo niya."I came here to talk to you, Cyntia. Kung ayaw mo ng gulo, come with me.""Scar!" subok na pagpigil ni Primo na agad namang sinaway ni Cynthia."Ayos lang, Kuya Primo. Pinsan ko naman siya, kakausapin ko lang siya nang maayos. Nandiyan si Sir Ethan, pumunta ka muna doon at asikasuhin mo siya.""Pero..." Bahagyang nag-aalala si Primo at sumulyap kay Scarlet.Natatakot siyang baka saktan o i-bul

  • The Ruthless Billionaire's Vow   Chapter 19

    May bakas ng labis na pagmamahal sa mga mata ni Primo. Samantala ay nakaramdam naman ng kaunting pait si Scarlet...mukhang opisyal na ngang nagsasama ang dalawa. Kung p'wede lang na ibahin ang tadhana..."Kuya Primo!"Sa mga sandaling iyon ay isang matamis na boses ang narinig nila mula sa likod at ito rin ang dahilan kung bakit tuluyang natigil ang pag-uusap nilang dalawa.Napalingon naman dito si Scarlet. At nakita niya ang naglalakad na si Cynthia patungo sa kanila habang suot ang isang pearl white na damit. Talagang pinaghandaan nito ang gabi dahil ang kaniyang mahabang buhok ay nakakulot at maayos na nakalaylay sa kaniyang balikat---nagbibigay ito ng elegante at sopistikadong dating sa dalaga. Napakaganda niya ngayong gabi.Nagliwanag ang mga mata ni Primo sa pagkamangha nang makita ang ayos ni Cynthia."Ang ganda ng napili mong damit para sa gabing ito. It looks good on you...and you also look nice," nakangiting puri ni Primo sa kararating lang na si Cynthia."Salamat!" Kiming n

  • The Ruthless Billionaire's Vow   Chapter 18

    Subalit sa kabila ng kaniyang pagtahimik ay may isang baritonong boses ang biglang narinig para ipagtanggol siya."Anong pinagkakalat niyong hindi na kami nag-uusap?"Ang boses na iyon ay napakalamig na tila ba'y isa itong patalim na handang sugatan ang sinumang magsasalita na labag sa kagustuhan nito.Mabilis na napalingon si Scarlet at agad na nakilala kung kanino iyon. Si Primo...bahagyang sumikip ang kaniyang dibdib, kaya naman iniwas niya ang kaniyang tingin.Nakatayo doon si Primo. Ang kaniyang maikli na kulay-abong buhok, kasabay ng kaniyang matatalas na anggulo sa mukha, ay malamig na nakatitig sa mga tsismosang babae. Matangkad din si Primo, nasa 6'2" din ang height nito. Hindi rin maipaliwanag na karisma ang tinataglay ng binata kahit pa ang suot lang nito ay ang pinakasimpleng puting shirt at itim na pantalon.Natigilan ang mga babae noong una. Napakaguwapo talaga ni Primo!Ngunit ang kasunod na reaksyon nila ay matinding napahiya. Namula ang kanilang mga mukha at isa-isang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status