MasukAng pagsambit ni Ethan nang mga katagang ‘yon ay mas lalong nagpaalab ng galit sa puso ni Scarlet. Hinihiling niya na sana nakakamatay ang talim ng kaniyang pagtingin kay Ethan. Nag-aagaw-buhay ang kaniyang kuya dahil sa lalaking nasa harap niya at sasabihin lang nitong may inasikaso siyang iba? Wala talagang puso!
Tila ba’y naubusan na ng pasensiya si Ethan kay Scarlet kaya sumenyas ito sa kaniyang mga tauhan na isakay ang dalaga sa sasakyang niyang Bentley.
Pagkasakay palang ni Leo sa sasakyan ay napansin niya kaagad ang dugo sa damit ni Ethan.
“Sir, dinudugo ka. Bumuka ba ulit ang sugat niyo?” Nag-aalalang tanong ni Leo.
Ang totoo niyan ay hindi lang si Justine ang nabaril ng araw na iyon. Si Ethan ay natamo ri ng dalawang tama ng bala na muntik niya rin ikamatay.
Nitong mga nakaraang araw ay na-confine din si Ethan sa St. Mary’s Hospital. Kagabi lamang siyuang nagising at kahit puno pa ng sugat ang katawan niya ay agad niyang pinuntahan si Scarlet ng mabalitaang may nangyaring masama rito.
“I'm fine,” walang pakialam na sagot ni Ethan. Sinulyapan nito ang markang naiwan sa kaniyang braso bago tumingin sa labas ng bintana.
Magkahiwalay ng kotse si Scarlet at Ethan. Basang-basa na rin ang dalaga nang makapasok siya sa Bentley.
“Inform Nay Marta to prepare some soup,” utos ni Ethan kay Leo. Natigilan naman ito dahil kahit sa ganitong sitwasyon na dumudugo ulit ang sugat ng kaniyang boss ay nagawa pa rin nitong isipin ang kapakanan ng pasaway na batang ‘yon?
“Sir, ba’t hindi niyo nalang sabihin kay Ma’am Scarlet na sugatan din kayo? Pati na rin sa pagligtas niyo sa kaniya kagabi?”
“The less people know about what happened, the better.”
Ethan is the Chief Executive Officer of Montenegro Group of Companies. Kung kakalat ang balita na natamaan din siya ng bala at sugatan siya ay tiyak na maapektuhan at bababa ang stock price ng kompaniya nila. Kaya naman mas okay na itago nalang ang kaniyang kondisyon sa publiko.
“Scarlet’s still a girl, after all. Such things would damage her reputation, so try not to mention it in front of her,” dagdag ni Ethan.
Kalahating oras ang nagdaan ay nakarating na sila sa mansiyon ng mga Montenegro sa Forbes Park. Bumaba ng ng kotse si Ethan at agad naman na isinabit ni Leo ang coat nito sa balikat ng boss para matakpan ang dumudugong sugat nito. Alam niya kasing ayaw ng boss niyang may makaalam sa pinagdadaanan niya ngayon. Isa si Leo sa mga bilang sa daliring pinagkakatiwalaan ni Ethan.
Tumila na rin ang ulan ngunit nanatiling makulimlim at madilim ang kalangitan.
Pinilit na ibinaba si Scarlet sa bentley dahil nagpupumigil itong pumasok sa pamahay ng mga Montenegro. Mahigpit na nakakapit ang kaniyang malilit na kamay sa pinto ng sasakyan at ayaw magpatinag sa paghila ng mga tauhan ni Ethan.
“Ayokong pumasok sa pamamahay ng lalaking ‘yan! Ethan, tell your men to let me go! Hindi ko kailangan ng kalinga mo!”
Kahit wala siyang lakas para saktan ang lalaki ay hinding-hinding siya titira sa ilalim ng iisang bubong kasama si Ethan. Dahil ito ang dahilan kung bakit nag-aagaw-buhay ang kuya niya. Ayaw niyang makasama ang isang mamamatay-tao araw-araw!
Lubos na nahirapan ang mga tauhan ni Ethan sa katigasan ng ulo ni Scarlet kung kaya’t inutusan ng isa sa kanila ang isa pang kasama para sabihin ito sa boss nila.
“Sir Ethan, ayaw pong pumasok ni Ma’am Scarlet sa loob.”
Napahinto naman sa paglakad si Ethan at napatingin sa gawi kung nasaan si Scarlet. Matapang naman na sinalubong ni Scarlet ang malamig na titig ng lalaki at minura niya pa ito.
“Ethan Montenegro! Naririnig mo ba ako?! I don’t want to live with you, so let me go, this instant! You beast, scumbag, and two-faced monster! You deserve to die…”
Malakas talaga ang loob ni Scarlet dahil siya lang ang nakakayang sabihin ito sa harapan ng isang ETHAN MONTENEGRO. Ang lalaking makapangyarihan at bilyonaryo. Bukod pa roon ay minura niya pa ito. Ang mga tauhan ni Ethan ay hindi alam kung saan titingin, sa takot kung saan anong p’wedeng gawin ng lalaki sa dalaga. Kilala kasi nila ang boss nila, wala itong kinakakatakutan at kahit ano gagawin nito.
Parang may dumaan na anghel sa sobrang tahimik ng paligid. Lahat ng mga tauhan ni Ethan ay malagkit na pinagpapawisan, nakayuko rin ang mga ito at nagpapanggap na walang naririnig na kahit ano.
May mas ikadidilim pa pala ang mukha ni Ethan dahil mas lalong tumalim ang mata nito sa narinig. Bumigat din ang paligid, isa na siguro dahil umulan at madilim ang kalangitan, pero mas siguradong dahil ito sa malamig pa sa yelong ekspresyon ng binata. Kung nakakamatay lang ang pagtitig ay siguradong nakabulagta na sa kinauupuan niya si Scarlet.
“Drag her inside,” malamig na utos nito sa tauhan bago siya naglakad papasok ng kanilang mansiyon.
Mabilis na tinawagan ni Leo ang numero, at matapos marinig ang sinabi sa kabilang linya ay nagbago ang kaniyang ekspresyon. Sinabi niya naman kaagad kay Ethan ang kaniyang nalaman."Sir Ethan, nasa presinto po si Miss Scarlet.""Nasa presinto?" Napakunot-noo si Ethan, at agad na lumamig ang kaniyang boses."Bakit hindi siya tumawag para ipaalam?"Sa isip ni Leo ay siyempre, galit na galit sa 'yo si Miss Scarlet at napakatigas ng ulo niyon, paano naman siya tatawag sa 'yo? Mas pipiliin pa nitong makulong kaysa humingi ng tulong sa kaniya!Bagaman alam na alam ni Leo ang totoong dahilan, nanatili pa rin siyang magalang at maingat sa pagsagot."Baka po natatakot siyang magalit kayo, Sir.""Go to the precint now," utos ni Ethan."Opo!" Paalis na sana si Leo.Ngunit hindi pa nakakaalis si Leo nang biglang tumayo si Ethan."Huwag na, ako na mismo ang pupunta."Laking gulat naman ni Leo sa narini
Ipinikit ni Scarlet ang kaniyang mga mata. Sa huli ay hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili at naglakad patungo sa kung nasaan si CynthiaSige. Gusto niyo akong pagka-isahan, 'di ba? Gusto niyo ring tuluyan na kaming magkasira, 'di ba?Ngayong gabi, ibibigay ko ang gusto ninyo! Kaya huwag nang umasa pang makakaalis dito si Cynthia nang walang nangyayari sa kaniya.Hindi ba't sinabi nitong malupit siya?Ipakikita niya rito kung gaano talaga siya kalupit!Humakbang si Scarlet at marahas na hinila si Cynthia mula sa mga bisig ni Primo."Umalis ka riyan."Namutla sa takot si Cynthia at nanginig ang buong katawan sa pinakitang karahasan ni Scarlet."Cous, pakiusap huwag mo akong saktan! Kuya Primo, please..."Sinubukang harangin ni Primo ang dalawa para pigilan si Scarlet sa ninanais nitong gawin.Ngunit huli na ang lahat dahil malakas na sinipa ni Scarlet si Cyn
Tinulungang tumayo ni Primo si Cynthia mula sa sahig habang sinusuri kung may galos ito o wala."Cynthia, ayos ka lang ba?"Sumiksik si Cynthia sa mga bisig ni Primo habang umiiyak."Kuya Primo, sinasabi ng pinsan ko na ninakaw ko raw ang kuwintas niya, pero hindi ko naman 'yon ginawa. Ayaw niyang maniwala sa akin...sinira niya ang bag ko at itinulak niya ako sa sahig."Napakunot-noo si Primo habang nakatitig kay Scarlet, lalo na nang makita ang sira-sirang damit ni Cynthia."Scar, bakit hindi mo muna siya kinausap nang maayos? Bakit kailangan mong manakit?""Ninakaw niya ang kuwintas ko, ito mismo! Bakit ako magiging magalang sa isang magnanakaw?" depensa ni Scarlet habang itinataas ang kuwintas sa kaniyang kamay.Mas lalo pang nagdilim ang mukha ni Primo."Ang kuwintas na 'yan...binili ko 'yan para kay Cynthia."Natigilan si Scarlet sa narinig. Hindi rin nakatulong ang pagsingit ni Cynthia sa usapan nilang dalawa.
Tulad ng inaasahan ay hindi binigo ni Scarlet si Ethan. Inirapan lang niya ang binata at patuloy na hinila ang kamay ni Cynthia."Sumama ka sa akin."Ang pagiging sunod-sunuran sa ngalan ng pag-ibig ay isang kahangalan.Isang malamig na panghahamak ang gumuhit sa mga mata ni Ethan habang naglalakad siya patungo sa ibang direksyon, tuluyang binabale-wala ang dalaga.Hindi naman nakalagpas kay Scarlet ang mapanghamak na tinging iyon sa kaniyang mga mata. Ngunit wala itong panahon para intindihin pa ang gustong ipahiwatig ng binata.Hinarap niya ang pinsan nang hindi pa rin umaalis sa p'westo niya."I came here to talk to you, Cyntia. Kung ayaw mo ng gulo, come with me.""Scar!" subok na pagpigil ni Primo na agad namang sinaway ni Cynthia."Ayos lang, Kuya Primo. Pinsan ko naman siya, kakausapin ko lang siya nang maayos. Nandiyan si Sir Ethan, pumunta ka muna doon at asikasuhin mo siya.""Pero..." Bahagyang nag-aalala si Primo at sumulyap kay Scarlet.Natatakot siyang baka saktan o i-bul
May bakas ng labis na pagmamahal sa mga mata ni Primo. Samantala ay nakaramdam naman ng kaunting pait si Scarlet...mukhang opisyal na ngang nagsasama ang dalawa. Kung p'wede lang na ibahin ang tadhana..."Kuya Primo!"Sa mga sandaling iyon ay isang matamis na boses ang narinig nila mula sa likod at ito rin ang dahilan kung bakit tuluyang natigil ang pag-uusap nilang dalawa.Napalingon naman dito si Scarlet. At nakita niya ang naglalakad na si Cynthia patungo sa kanila habang suot ang isang pearl white na damit. Talagang pinaghandaan nito ang gabi dahil ang kaniyang mahabang buhok ay nakakulot at maayos na nakalaylay sa kaniyang balikat---nagbibigay ito ng elegante at sopistikadong dating sa dalaga. Napakaganda niya ngayong gabi.Nagliwanag ang mga mata ni Primo sa pagkamangha nang makita ang ayos ni Cynthia."Ang ganda ng napili mong damit para sa gabing ito. It looks good on you...and you also look nice," nakangiting puri ni Primo sa kararating lang na si Cynthia."Salamat!" Kiming n
Subalit sa kabila ng kaniyang pagtahimik ay may isang baritonong boses ang biglang narinig para ipagtanggol siya."Anong pinagkakalat niyong hindi na kami nag-uusap?"Ang boses na iyon ay napakalamig na tila ba'y isa itong patalim na handang sugatan ang sinumang magsasalita na labag sa kagustuhan nito.Mabilis na napalingon si Scarlet at agad na nakilala kung kanino iyon. Si Primo...bahagyang sumikip ang kaniyang dibdib, kaya naman iniwas niya ang kaniyang tingin.Nakatayo doon si Primo. Ang kaniyang maikli na kulay-abong buhok, kasabay ng kaniyang matatalas na anggulo sa mukha, ay malamig na nakatitig sa mga tsismosang babae. Matangkad din si Primo, nasa 6'2" din ang height nito. Hindi rin maipaliwanag na karisma ang tinataglay ng binata kahit pa ang suot lang nito ay ang pinakasimpleng puting shirt at itim na pantalon.Natigilan ang mga babae noong una. Napakaguwapo talaga ni Primo!Ngunit ang kasunod na reaksyon nila ay matinding napahiya. Namula ang kanilang mga mukha at isa-isang







