Share

13

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-10-17 19:27:35

At kung personal background naman ang pag-uusapan, base sa nababasa ko ngayon, mas may 'class' pa nga raw siya kompara sa ibang bigating artista dito sa Pilipinas.

Grabe! Para akong binabaon ng paulit-ulit sa lupa habang nakatitig lang ako sa picture niya. It was like comparing a sunset to a flashlight.

Sino ba ang babaeng 'to?

How in the world did Riel get tangled up with someone like that, only for her to vanish?

Nag-scroll pa ako nang nag-scroll, nagbabakasakali na malaman ang rason ng pagka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Ruthless CEO's Forced Wife   76

    “Gabo!”Napalingon siya mula sa loob ng workshop. “Ano?”“May naghahanap sa'yo.”Nasa may pintuan ako, hawak ang maliit na paper bag na dala ko mula sa bayan. Hindi ako dapat nandito nang ganitong oras. At least, iyon ang sinabi ko sa sarili ko habang naglalakad papunta rito.May meeting sana ako kinabukasan tungkol sa bagong sourcing assignment na ibinigay ni Dario, pero natapos nang mas maaga ang ginagawa ko sa Mang Rogelio’s. Wala na akong ibang kailangang puntahan.Kaya dumiretso ako rito. Hindi dahil gusto kong makita si Gabo.Hindi.Dahil may ilang notes lang akong kailangang ibigay tungkol sa order. At dahil malapit lang naman.At dahil…Bahala na. Hindi ko na rin alam.Lumabas si Gabo, may hawak na measuring tape at lapis na nakasuksok sa likod ng tenga niya.“Akala ko bukas ka pa.”“Natapos ako nang maaga.”Tumango siya. “May kailangan?”“Inaayos ko lang 'to.”Iniangat ko ang paper bag. “Para sa—”Hindi ko natapos dahil may lumabas na babae mula sa likod ng workshop.“Gabo, s

  • The Ruthless CEO's Forced Wife   75

    “Anong ginawa niya rito?”Nagtupi si Gabo ng measuring tape.“Tinulungan niya akong sukatin 'yong mga kahoy.”“Bakit?”“May kailangan si Mang Lando.”“Ah...”Natahimik ako.“Bella.”“Ano?”“Selos ka ba?”Natawa ako nang maikli. “Excuse me?”“Selos.”“Hindi ah! Asa ka naman!”“Sure?”“Very sure.”Tumango siya. “Okay.”“Bakit mo naman naisip na magseselos ako?”“Dahil tinanong mo kung bakit siya nandito.”“Curious lang ako.”“Again?”“Yes.”“Okay.”Napairap ako. “Ang yabang mo.”“Hindi ako nagyayabang.”“Then stop smiling.”Doon siya natawa. “Hindi ako nakangiti.”“Mas lalo kang nakakainis kapag ganyan.”“Ganyan paano?”“Ganyan.”“Hindi ko alam kung ano 'yong ganyan.”“Exactly.”Tumalikod ako pero narinig ko pa rin ang tawa niya.“Bella.”Hindi ako sumagot.“Bella.”“What?”“Si Marissa, anak ni Mang Lando.”“I know.”“May asawa na.”Napahinto ako sabay dahan-dahan akong lumingon.“R-Really?”“Oo.”“Ah.”“May dalawang anak.”“Okay.”“Why?”“Wala.”“Hindi ka na nagseselos?”“Hindi naman t

  • The Ruthless CEO's Forced Wife   74

    “Gabo, kulang ng dalawa.”Napatingin si Gabo sa hawak kong listahan bago siya lumingon sa kabilang mesa.“Dalawa?”“Dalawang cutlery holder.”Lumapit siya at kinuha ang papel mula sa kamay ko. Hindi siya agad nagsalita. Tiningnan muna niya ang mga kahon na nakasalansan sa gilid ng workshop, saka isa-isang binilang gamit ang daliri.“Forty-eight.”“Exactly.”“Baka nasa kabilang kahon.”“Binilang ko na.”Tumingin siya sa akin.“Tatlong beses?”“Four.”Napangiti siya nang bahagya. “Masipag.”“Hindi masipag. Ayoko lang na mapahiya tayo sa delivery.”“Hindi naman tayo mapapahiya.”“Kapag kulang, mapapahiya tayo.”“Hindi naman kulang.”“Gabo.”“Bella.”Nagkatinginan kami. Muntik na akong matawa dahil sa sobrang seryoso ng mukha niya habang hawak pa rin niya ang listahan.“Fine. Hanapin natin.”“Alam ko naman.”“Hindi mo mukhang alam.”“Gusto mo bang ako na lang maghanap?”“Hindi. Baka pati sarili mo mawala.”Napairap ako. “Very funny.”Hindi na siya sumagot. Naglakad na lang siya papunta sa

  • The Ruthless CEO's Forced Wife   73

    Tatlong araw pa lang mula nang magsimula ang paggawa ng order, pero parang mas mabilis na ang takbo ng mga araw. Pagmulat ko pa lang sa umaga, alam ko nang may gagawin ako. May talaang kailangang ayusin. May mga materyales na kailangang bilangin. May mga natapos na kahon na kailangang tingnan.At may isang taong kailangan kong bantayan dahil kapag pinabayaan, malamang ay makakalimutang kumain.Hindi ko alam kung kailan naging bahagi ng araw ko si Gabo nang ganoon kabilis. Dati, kapag may nakita akong lalaki na palaging nasa likod-bahay, ang una kong maiisip ay kung gaano karaming alikabok ang nililikha niya.Ngayon, kabisado ko na kung saan niya inilalagay ang lapis kapag naghahanap siya ng gamit.Alam ko kung kailan siya pagod dahil mas tahimik siya. Alam ko rin kung kailan siya masaya dahil mas madalas siyang mang-asar. At nakakainis aminin, pero napapansin ko na rin kapag wala siya.Ganoon pala kapag may taong unti-unting nagiging pamilyar. Hindi mo namamalayan na may espasyo na si

  • The Ruthless CEO's Forced Wife   72

    “Hindi mo kailangang magdala ng pagkain.”Ibinaba ko ang bayong sa mesa. “Hindi ko naman hinihingi opinion mo tungkol dito, tsk…”Nasa harap ko si Gabo, nakasandal sa haliging kahoy habang pinapanood akong ilabas ang mga laman ng dala ko.Pandesal, jtlog, kaunting prutas, ay dalawang bote ng malamig na tubig ang dala ko. “Para sa lahat,” sabi ko.“Akala ko ba may pagkain tayo?”“Meron.”“E bakit may dala ka pa?”“Dahil alam kong mauubos agad ang pagkain ninyo kapag ikaw ang unang kumuha.”“Hindi ako ganoon.”Mula sa likod namin, sumingit si Junjun. “Kuya, totoo.”“Junjun.”“Wala naman akong sinabi.”“Sinabi mo na.”Napangiti ako. Hindi ko na pinansin ang dalawa at inayos ang pagkain sa mesa.“May trabaho tayo.”“May trabaho tayo?” ulit ni Gabo.“Oo.”“Akala ko ako ang lang ang gumagawa.”“Hindi ba sabi mo kailangan mo ng kasama?”“Hindi ko alam na ikaw na pala ang boss.”“Hindi ako boss.”“E ano?”“Partner.”Napatingin siya sa akin kaya sandali akong napatigil.Hindi ko naman pinag-i

  • The Ruthless CEO's Forced Wife   71

    May kakaibang ingay ang isang bahay kapag may unang malaking trabahong dumating.Hindi naman literal na mas maingay. Pareho pa rin ang tunog ng lagari, kalansing ng mga gamit, yabag ng mga taong pumapasok at lumalabas, at boses ni Aling Nena na paulit-ulit na nagpapaalala na huwag magkalat ng kahoy sa daanan.Pero may ibang bigat ang lahat. May dahilan na ang bawat kilos. May bilang na kailangang tapusin. May deadline na hindi puwedeng lampasan. At higit sa lahat, may perang kailangang kumita.Pagdating ko kina Gabo nang umagang iyon, nakita ko agad ang mga kahoy na nakahanay sa ilalim ng bubong. Nakahiwalay ang mga kailangan para sa mga kahon at ang para sa mga lalagyan ng kubyertos.Nasa gilid si Nico at may sinusukat. Si Junjun naman ay naglilinis ng maliliit na piraso ng kahoy.At si Gabo… nasa gitna ng lahat.May lapis sa likod ng tainga niya, bahid ng alikabok sa pisngi, at hawak na kuwaderno. Mukha siyang taong hindi natulog nang maayos.“Good morning.”Napatingin siya. “Bakit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status