Share

Ruthless 4

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-07-01 08:23:19

Magdamag akong hindi nakatulog pagkauwi namin kahapon. Paulit-ulit na bumabalandra sa utak ko ang paghaharap nina Tyler at ni Rafael. 

Ang layo ng Cagayan sa Manila kaya bakit nandito siya? 

Hindi kaya alam niyang dito ako nagtatago? At nandito siya para kunin sa akin ang anak ko?

Dahil sa mga naisip ay naupo ako sa kama at naghanap ako ng artikulo tungkol sa kaniya, gamit ang luma kong cellphone. Baka mamaya ay namalik-mata lang pala ako at hindi siya ‘yung kahapon.

Puro business tour, at kung anu-ano pang may kinalaman sa larangan niya ang lumabas sa internet nang i-search ko ang pangalan niya. 

Nag-scroll pa ako nang nag-scroll, nagbabakasakaling may makikitang artikulo na magkokonekta na nandito nga siya. 

Kaso isang artikulo na may petsang limang taon na ang nakararaan ang nahalungkat ko. Ang laman nito ay tungkol sa pagkansela ng dapat sanang kasal nila ni Cassandra limang taon na ang nakakalipas. 

Kumabog ng malakas ang dibdib ko pero ipinagpatuloy ko ang pagbabasa.

Opisyal nang naianunsyo ng pamilyang Ashford na hindi na nga natuloy ang nakatakda sanang engrandeng kasal ng dalawa. Sari-sari ang naging reaksyon ng buong alta lipunan tungkol doon. May natuwa, may nagtaka, at may kinuwestiyon iyon. 

Subalit, kahit anong basa ko sa mahabang kolum, walang nakasaad na malinaw na dahilan kung bakit ito naudlot. Nanatiling tikom ang bibig ng magkabilang pamilya.

Pinatay ko ang cellphone ko at napatitig ako sa kawalan.

"Bakit hindi natuloy?" bulong ko sa sarili ko. “Hindi kaya dahil sa pagtakas ko? Dahil wala na silang magiging anak?" 

Mas lalong nadagdagan ang pangamba ko dahil sa nabasa. Kinaumagahan ay pinilit kong ikilos ang mabigat kong katawan. Wala akong masyadong tinulog.

Bago ako pumasok sa trabaho ay sinigurado ko muna na ligtas na nakapasok si Tyler sa kaniyang kindergarten class. Siya ang pinakabata sa klase pero siya ang pinakamatalino, kaya lang, ngayong umaga ay napansin ko ang pananahimik ng aking anak.

Mula sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa tapat ng kaniyang munting eskwelahan, hindi niya ako iniimik. Nakayuko lang siya at mahigpit ang pagkakahawak niya sa strap ng kaniyang backpack. Kapag ganito siya ay may tampo siya sa akin. 

"Tyler, baby..." tawag ko sabay luhod para mapantayan ko siya. Hinawakan ko ang kaniyang maliliit na balikat. "Galit ba ang baby ko kay Mommy?"

Umiling siya pero hindi siya tumingin sa mga mata ko. Ang kaniyang maliit na ibabang labi ay bahagyang nakausli—isang senyales na talagang masama ang loob niya.

Agad akong nakaramdam ng konsenya. Kahapon ay hindi ako nag-sorry sa panenermon ko sa kaniya dahil baka kulitin lang niya akong balikan si Raf. Pero ngayon na nakikita kong dinibdib niya ang panenermon kong iyon, parang pinipiga ang puso ko. 

"I'm sorry, baby, kung nasigawan ka ni Mommy kahapon, ah? Natakot lang talaga si Mommy na baka masagasaan ka sa parking lot," malambing kong paumanhin sabay halik sa kaniyang noo. "Pangako, pagkauwian niyo mamaya, bibilhan ka na ni Mommy ng paborito mong chocolate fudge cake at ice cream. Okay ba 'yun?"

Doon lang lumiwanag ang kaniyang mukha, kitang kita rin ang pagkislap ng kaniyang mga mata. "Talaga, Mommy? Promise po 'yan, ah?"

"Promise," malawak kong ngiti at muli siyang hinalikan sa noo. “O sige na, pasok ka na sa loob. Be a good boy, ha?" nakangiti kong paalam, ngunit nang makapasok na siya sa kaniyang room ay agad bumalik ang pangamba ko mula pa kagabi. 

Ayaw ko sanang pumasok dahil baka nandoon siya. Pero kailangan dahil sayang naman ang suswelduhin ko ngayong araw. 

Buong shift ko sa cosmetics store ay hindi ako mapakali. Para akong praning na ewan. Hawak ko man ang make-up brushes o nag-a-assist man ako ng mga kustomer, ang atensyon ko ay palaging nakatuon sa labas ng store.

Tuwing may mapapadaan sa harap ng store na matangkad na lalaki na naka-amerikana o 'di kaya ay nakapormal ang pananamit, awtomatiko akong nagtatago sa likod ng malalaking display racks ng mga pabango. 

Baka kasi mamaya ay siya na pala iyon. Na bumalik siya sa mall para hanapin ako dahil nakilala pala talaga niya ako kahapon. 

“Pao, okay ka lang ba? Para kasing may tinataguan ka,” puna ng kasamahan kong saleslady nang mapansin ang kakaiba kong kilos.

"A-Ah, oo. Okay lang ako. Medyo masakit lang ang katawan ko kaya pasimple akong nag-eexercise dito. Alam mo na, palakad-lakad," palusot ko, nagkunwaring naglakad-lakad para mapanindigan ang palusot.

Ganoon lang ang ayos ko sa buong araw ko sa store. Sa kabutihang palad, natapos ang shift na walang Raf na biglang sumulpot. 

Nakahinga ako nang maluwag nang mag-clock out na ako sa trabaho. Siguro nga ay nag-o-overthink lang ako. Na baka nga hindi siya ‘yung kahapon. Tutal cancelled na ang kasal nila ni Cassandra noon, baka kinalimutan na rin niya ang pakay niya sa akin. Isa pa, CEO siya kaya wala siyang panahon na mapunta pa rito. 

"Tama ? Tama!” pagkumbinsi ko sa sarili habang papalabas na ako ng store. 

Nasa labasan na ako ng mall nang naisip ko na naman ang panenermon ko kay Tyler kahapon. Mas lalo akong nakaramdam ng guilt. Talagang nagtampo ang bata, at bilang ina, gagawin ko ang lahat para lang mapangiti siya ulit. Kaya naman, pinanindigan ko ang pangako ko sa kaniya ngayong hapon.

Bumalik ako sa loob ng mall at tinungo na ang daan papunta sa pinanggalingan naming coffee shop kahapon. Habang pabalik ako doon, bumalik ang pangamba ko na baka makita ko na lang siya bigla. Lalo na't bago ako pumasok sa coffee shop ay mapapadaan muna ako sa parking lot kung saan ko siya nakita. 

Maingat muna akong tumungo sa gilid ng pasilyo, itinago ang sarili sa likod ng mga concrete pillars saka ko mimanmanan nang maigi ang buong parking lot. Tiningnan ko ang bawat sulok, sinuri ang mga nakaparadang sasakyan doon.

Matapos ang ilang minutong pagmamasid, wala akong namataan na mamahaling itim na SUV o anumang sasakyan na katulad ng sa kaniya kahapon. Nakahinga na naman ako nang malalim.

Safe. Wala ang demonyong lalaki!

Tinakbo ko ang distansya patungo sa pintuan ng coffee shop. Excited pa ako dahil sa wakas ay ligtas kong mabibilhan ng paborito niya ang anak ko. 

Kaso, ang mabilis kong mga hakbang ay biglang napako sa sahig nang unang nakita ng mga mata ko ay ang nag-iisang customer ng shop. Nakaupo siya sa pinakamalapit na lamesa sa kinaroroonan kong pintuan, may hawak na tasa ng kape, at ang mata niya ay agad na dumirekta sa akin. 

It was him…

Nandito siya!

"Limang taon, Paola..." kalmado niyang bulalas, tila alam na alam na darating ako. "Limang taon kitang hinahanap. At sa wakas, nahanap ko na rin kayo ng anak ko...”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ruthless CEO's Forced Wife   Ruthless 5

    “Finally, huh? I found—" Hindi ko na siya pinatapos magsalita muli at mabilis na akong kumaripas ng takbo palayo sa coffee shop na iyon. “Hey, Paola!" dinig kong sigaw niya mula sa likuran ko. Paglingon ko sa gawi niya ay nakita kong hinahabol na niya ako. Binilisan ko lalo ang pagtakbo ko habang mariin nang nakapikit ang mga mata ko. “Bakit ka nandito, ha?! Umalis ka na bago pa ako magpatawag ng mga pulis!" sigaw ko sa pagitan ng mga takbo ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid upang makakita ng puwede kong daanan pero wala akong makita. Nalagpasan ko na ang labasan ng parking lot. "Paola, stop! Let's talk first!” sigaw din niya pabalik, hinahabol pa rin ako kaya mas dinoble ko ang bilis ko. Maraming kotse ang naririto pero parang kami lang ang nanditong tao. Lumiko ako sa kanan at umikot para mawala ko siya pero agad niya akong nasundan. “Lumayo ka sa'kin, demonyo ka!" sigaw ko, tuloy lang ako sa pagtakbo. Gusto kong magmura at magsalita ng masasama. Paanong napunta ulit siya

  • The Ruthless CEO's Forced Wife   Ruthless 4

    Magdamag akong hindi nakatulog pagkauwi namin kahapon. Paulit-ulit na bumabalandra sa utak ko ang paghaharap nina Tyler at ni Rafael. Ang layo ng Cagayan sa Manila kaya bakit nandito siya? Hindi kaya alam niyang dito ako nagtatago? At nandito siya para kunin sa akin ang anak ko?Dahil sa mga naisip ay naupo ako sa kama at naghanap ako ng artikulo tungkol sa kaniya, gamit ang luma kong cellphone. Baka mamaya ay namalik-mata lang pala ako at hindi siya ‘yung kahapon.Puro business tour, at kung anu-ano pang may kinalaman sa larangan niya ang lumabas sa internet nang i-search ko ang pangalan niya. Nag-scroll pa ako nang nag-scroll, nagbabakasakaling may makikitang artikulo na magkokonekta na nandito nga siya. Kaso isang artikulo na may petsang limang taon na ang nakararaan ang nahalungkat ko. Ang laman nito ay tungkol sa pagkansela ng dapat sanang kasal nila ni Cassandra limang taon na ang nakakalipas. Kumabog ng malakas ang dibdib ko pero ipinagpatuloy ko ang pagbabasa.Opisyal nan

  • The Ruthless CEO's Forced Wife   Ruthless 3

    Five years after…Napakabilis ng takbo ng panahon. Sa loob ng limang taon na iyon, pinatunayan ko sa sarili ko na kaya kong tumayo nang mag-isa nang walang lalaking aasahan. Ang perang kinuha ko kay Sir Raf ay nanatiling nakatabi sa isang sikretong account ko para sa kinabukasan ng anak ko. Ayaw ko ‘yun galawin kung hindi naman kailangan, dahil hangga't maaari, gusto kong buhayin ang anak ko mula sa sarili kong pawis at pagod. Iyon ang paraan ko para mapanatili ang natitira kong dangal.Kasalukuyan kaming narito ngayon sa Cagayan de Oro. Dito ko napiling manirahan dahil malayo ito sa magulong buhay sa Maynila, at sapat na ang liit ng lungsod na ito para magtago. Nagtatrabaho ako bilang isang saleslady sa isang sikat na cosmetics store sa loob ng isang simpleng mall dito. Mahirap, madalas ay sumasakit ang mga binti ko sa buong araw na pagtayo at pag-asikaso sa mga kustomer, ngunit lahat ng pagod ko ay agad na napapawi sa tuwing uuwi ako at makikita ko ang mukha ng aking anak.Oo. Hind

  • The Ruthless CEO's Forced Wife   Ruthless 2

    Mabilis kong hinila ang makapal na kumot at ipinangtakip ko sa aking katawan. Ang puso ko ay tila sasabog sa sobrang bilis ng tibok nito habang nanginginig na ang buong sistema ko. Tumingin ako kay Sir Raf na dahan-dahan ding nagmulat ng mga mata dahil sa malakas kong pagtili.Pero imbis na mataranta siya katulad ng reaksyon ko, prente lang siyang bumangon. Ni hindi inalintana ang katotohanang wala rin siyang saplot sa katawan. Pasimple lang niyang dinampot ang isang bathrobe sa gilid ng kama at isinuot iyon bago hinarap ang natatakot kong mga mata."S-Sir... Ano'ng... Bakit niyo nagawa 'to sa akin?!" sumisikip ang dibdib kong tanong, ang luha ko ay nag-uunahan na sa pagpatak. "Bakit niyo ako ginalaw?! Ano'ng ginawa niyo sa akin?!"Ang huling naaalala ko ay ang sakit ng pagtataksil ni Stefano, ang pagkalunod ko sa alak sa bar, at ang boses ng isang lalaki. Hindi ko naman sukat akalain na siya nga 'yung lalaki kagabi!"Calm down, Pao. Let's talk like civilized adults," pautos ngunit ma

  • The Ruthless CEO's Forced Wife   Ruthless 1

    “Pao, pakidala naman ito sa office ni Sir. Kailangan na kasi ito,” utos ni Ma'am Eliana, ang senior namin dito sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko.Tumango ako at kinuha ang makakapal na folder mula sa kanyang mesa. “Sige po.”Hindi pa man ako nakakalayo sa palapag na iyon ay nagsimula na naman magbulungan ang ibang officemates namin. “Panigurado, sinadya na naman ni Sir na siya ang utusan. Ano kayang nakita sa kaniya ni Sir, ’no?”"Ewan ko ba kay Sir. Balita ko pa naman may fiancée na siya. Malapit na nga silang ikasal, e.”"Maganda naman si Pao. Hindi lang palaayos. Huwag nga kayong magchismisan. Baka naririnig na kayo niyan…”Hilaw akong napangiwi. Sana aware sila na dinig na dinig ko sila. Pero dahil sanay naman ako sa paganito nila, nagkunwari na lang akong walang narinig at nagpatuloy na sa pag-akyat papunta sa opisina ni Sir. Magdadalawang taon na ako rito bilang normal na empleyado. At sa dalawang taon ko na rito, parang araw-araw ko na naririnig ang usap-usapan nilang may gu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status