LOGIN“Finally, huh? I found—"
Hindi ko na siya pinatapos magsalita muli at mabilis na akong kumaripas ng takbo palayo sa coffee shop na iyon.
“Hey, Paola!" dinig kong sigaw niya mula sa likuran ko.
Paglingon ko sa gawi niya ay nakita kong hinahabol na niya ako. Binilisan ko lalo ang pagtakbo ko habang mariin nang nakapikit ang mga mata ko.
“Bakit ka nandito, ha?! Umalis ka na bago pa ako magpatawag ng mga pulis!" sigaw ko sa pagitan ng mga takbo ko.
Nagpalinga-linga ako sa paligid upang makakita ng puwede kong daanan pero wala akong makita. Nalagpasan ko na ang labasan ng parking lot.
"Paola, stop! Let's talk first!” sigaw din niya pabalik, hinahabol pa rin ako kaya mas dinoble ko ang bilis ko.
Maraming kotse ang naririto pero parang kami lang ang nanditong tao. Lumiko ako sa kanan at umikot para mawala ko siya pero agad niya akong nasundan.
“Lumayo ka sa'kin, demonyo ka!" sigaw ko, tuloy lang ako sa pagtakbo.
Gusto kong magmura at magsalita ng masasama. Paanong napunta ulit siya dito e wala naman dito ang kotse niya?!
“Paola, stop!" galit na ang boses niya pero wala akong pakialam.
Lumiko pa ako sa pagitan ng mga kotse at doon ay nakipagpatintero na ako sa kaniya.
“Anong ginagawa mo rito, huh?! Anong kailangan mo sa'kin?!" hingal na hingal kong tanong sa kaniya, ang buong katawan ko ay handang handa nang tumakbo ulit isang hakbang lang niya.
"Alam mo kung bakit nandito ako. Nasaan ang anak ko, ha?!” malakas din niyang tanong gamit ang malalim niyang boses.
"W-Wala kang anak! Hindi mo ‘ko nabuntis—”
“Liar!" putol niya sa akin, akmang tatakbo ako nang makita kong hahakbang siya palapit sa akin, pero tumigil din siya at sumandal sa isang kotse.
Hinayaan ko rin ang sarili ko na magpahinga saglit nang makita kong ganoon din siya. Hingal na hingal siyang nakasandal sa gilid ng kotse pero ang mata niya ay matalim na nakapukol sa akin.
"Ang tagal ko kayong pinahanap…” aniya sa pagitan ng mga hingal niya. "Dito ka lang pala nagtatago sa probinsya namin.."
Namilog ang mga mata ko. "Probinsya? T-Taga rito ka?!” gulantang ko.
Pero imbes na sagutin niya ang tanong ko na ‘yun ay muli siyang humarap sa akin— dahilan para bumwelo ako kung sakaling lalapitan nga niya ako.
“Will you stop running? I still have a fever, for God's sake!” asik niya.
Pero hindi ako nagpadala. Mas lalo ko pa pinahanda ang sarili. “Ano nga kasi ang kailangan mo, ha?! Wala kang anak sa akin! 'Yung bata kahapon, anak ko ‘yun sa ibang lalaki! May asawa na ako!"
“Fvcking liar!" asik na naman niya na umalingawngaw sa buong parking lot. “Walang magkakagusto sa tulad mong magnanakaw!”
Aba.
Napatuwid ako ng tayo saka siya hinalukipkipan. “Sinong magnanakaw? 'Yung pera mo ba ang dahilan kaya ka nandito?! Kusa mo ‘yun binigay sa'kin! Pero sige, hindi ko naman ‘yun nagamit kaya ibabalik ko na sa'yo ‘yun!”
Buwisit na ‘to! Tinawag pa akong magnanakaw!
"Talaga?" Isang mapait at nakakatakot na ngisi ang sumilay sa mga labi niya. "You ranay away after taking my money, Paola. Bigla kang nawala na parang bula... at ang lakas ng loob mong itago sa akin ang anak ko."
"Hindi mo nga anak ‘yung bata kahapon! Bingi ka ba ha?! Ibibigay ko na ang pera mo at huwag na huwag ka nang magpapakita sa'kin!"
"Huwag mo akong gaguhin, Paola. Anak ko 'yung bata kahapon at wala kang magagawa kundi sumama kayo sa'kin ngayon!"
Umawang ang labi ko sa narinig. So kami nga ang pakay niya dito? At ano naman ang gagawin niya sa akin? Ipapakulong?
“Barya lang sa'kin ang perang tinakas mo," pagpapatuloy niya. “Pero ‘yung bata, akin ‘yun kaya dapat lang na sumama kayo sa'kin! And don't you dare deny it. Because if I find out that he's my son, you're not going to like what I'll do to you,” banta niya.
Pero hindi ako nagpatinag. Marahas akong suminghap at buong tapang ko siyang tinaasan ng kilay. "At ano? Ipapakulong mo ‘ko?! Baka nakakalimutan mo, ginalaw mo ako habang lasing ako! Rāpist ka! Rāpist!"
“Lasing din ako n'un at nasa akin pa ang kopya ng CCTV kung paano mo ‘ko sinunggaban sa bar. Buti nga inuwi pa kita sa hotel dahil kulang na lang, doon ka sa bar maghubad!" tugon niya na ikinagulantang ko.
"Ano?!”
Napatuwid siya ng tayo saka niya ako nginisian, tila ikinatuwa niya ang pagkakagulat ko.
"Do you even have any idea why Cassandra broke up with me, huh?” bigla niyang tanong sa mababang tono.
"A-Ano naman ang kinalaman ko sa inyo? W-Wala na akong pakialam kung hindi natuloy ang kasal niyo five years ago!"
“So you searched about it," seryoso niyang usal.
Dahan-dahan akong napahakbang paatras nang mapansin ko ang pasimple niyang paghakbang palapit sa akin.
"She broke up with me and called off our wedding because of you…”
"B-Bakit ako? W-Wala nga akong kinalaman sa inyo…" tugon ko, ang mga mata ko ay nakatuon na sa mga paa niyang palapit na nang palapit sa akin.
"She saw the video of what happened at the bar... of you sitting on my lap while kissing me…"
Hakbang pa siya nang hakbang palapit sa akin. Ako nama'y paatras na nang paatras.
“H-Hindi ko ‘yan maalala… pero lasing ako n'un…" sagot ko naman at ganoon lang ang pagkakalingon ko sa likuran ko nang maramdaman kong wala na akong maaatrasan.
Akmang tatakbo ulit ako ngunit mabilis na siyang nakalapit sa akin at agad akong nahawakan sa palapulsuhan.
"Technically, you're the reason why I'm still unmarried," mahina at halos pabulong niyang sabi.
Babawiin ko sana ang hawak niyang kamay ko ngunit napangiwi na lang ako nang marahas niya akong idiniin sa kinasasandalan kong kotse, sunod ay nilapit niya sa akin ng husto ang kaniyang mukha.
"A-Ano ba talaga ang pakay mo sa'kin, huh?” pagsuko ko dahil sa higpit ng pagkaka-corner niya sa akin dito.
Nginisian niya ako habang ang kaniyang mga mata ay diretsong nakatingin sa mga mata ko.
"You're not my type, but… let's get married…”
“Finally, huh? I found—" Hindi ko na siya pinatapos magsalita muli at mabilis na akong kumaripas ng takbo palayo sa coffee shop na iyon. “Hey, Paola!" dinig kong sigaw niya mula sa likuran ko. Paglingon ko sa gawi niya ay nakita kong hinahabol na niya ako. Binilisan ko lalo ang pagtakbo ko habang mariin nang nakapikit ang mga mata ko. “Bakit ka nandito, ha?! Umalis ka na bago pa ako magpatawag ng mga pulis!" sigaw ko sa pagitan ng mga takbo ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid upang makakita ng puwede kong daanan pero wala akong makita. Nalagpasan ko na ang labasan ng parking lot. "Paola, stop! Let's talk first!” sigaw din niya pabalik, hinahabol pa rin ako kaya mas dinoble ko ang bilis ko. Maraming kotse ang naririto pero parang kami lang ang nanditong tao. Lumiko ako sa kanan at umikot para mawala ko siya pero agad niya akong nasundan. “Lumayo ka sa'kin, demonyo ka!" sigaw ko, tuloy lang ako sa pagtakbo. Gusto kong magmura at magsalita ng masasama. Paanong napunta ulit siya
Magdamag akong hindi nakatulog pagkauwi namin kahapon. Paulit-ulit na bumabalandra sa utak ko ang paghaharap nina Tyler at ni Rafael. Ang layo ng Cagayan sa Manila kaya bakit nandito siya? Hindi kaya alam niyang dito ako nagtatago? At nandito siya para kunin sa akin ang anak ko?Dahil sa mga naisip ay naupo ako sa kama at naghanap ako ng artikulo tungkol sa kaniya, gamit ang luma kong cellphone. Baka mamaya ay namalik-mata lang pala ako at hindi siya ‘yung kahapon.Puro business tour, at kung anu-ano pang may kinalaman sa larangan niya ang lumabas sa internet nang i-search ko ang pangalan niya. Nag-scroll pa ako nang nag-scroll, nagbabakasakaling may makikitang artikulo na magkokonekta na nandito nga siya. Kaso isang artikulo na may petsang limang taon na ang nakararaan ang nahalungkat ko. Ang laman nito ay tungkol sa pagkansela ng dapat sanang kasal nila ni Cassandra limang taon na ang nakakalipas. Kumabog ng malakas ang dibdib ko pero ipinagpatuloy ko ang pagbabasa.Opisyal nan
Five years after…Napakabilis ng takbo ng panahon. Sa loob ng limang taon na iyon, pinatunayan ko sa sarili ko na kaya kong tumayo nang mag-isa nang walang lalaking aasahan. Ang perang kinuha ko kay Sir Raf ay nanatiling nakatabi sa isang sikretong account ko para sa kinabukasan ng anak ko. Ayaw ko ‘yun galawin kung hindi naman kailangan, dahil hangga't maaari, gusto kong buhayin ang anak ko mula sa sarili kong pawis at pagod. Iyon ang paraan ko para mapanatili ang natitira kong dangal.Kasalukuyan kaming narito ngayon sa Cagayan de Oro. Dito ko napiling manirahan dahil malayo ito sa magulong buhay sa Maynila, at sapat na ang liit ng lungsod na ito para magtago. Nagtatrabaho ako bilang isang saleslady sa isang sikat na cosmetics store sa loob ng isang simpleng mall dito. Mahirap, madalas ay sumasakit ang mga binti ko sa buong araw na pagtayo at pag-asikaso sa mga kustomer, ngunit lahat ng pagod ko ay agad na napapawi sa tuwing uuwi ako at makikita ko ang mukha ng aking anak.Oo. Hind
Mabilis kong hinila ang makapal na kumot at ipinangtakip ko sa aking katawan. Ang puso ko ay tila sasabog sa sobrang bilis ng tibok nito habang nanginginig na ang buong sistema ko. Tumingin ako kay Sir Raf na dahan-dahan ding nagmulat ng mga mata dahil sa malakas kong pagtili.Pero imbis na mataranta siya katulad ng reaksyon ko, prente lang siyang bumangon. Ni hindi inalintana ang katotohanang wala rin siyang saplot sa katawan. Pasimple lang niyang dinampot ang isang bathrobe sa gilid ng kama at isinuot iyon bago hinarap ang natatakot kong mga mata."S-Sir... Ano'ng... Bakit niyo nagawa 'to sa akin?!" sumisikip ang dibdib kong tanong, ang luha ko ay nag-uunahan na sa pagpatak. "Bakit niyo ako ginalaw?! Ano'ng ginawa niyo sa akin?!"Ang huling naaalala ko ay ang sakit ng pagtataksil ni Stefano, ang pagkalunod ko sa alak sa bar, at ang boses ng isang lalaki. Hindi ko naman sukat akalain na siya nga 'yung lalaki kagabi!"Calm down, Pao. Let's talk like civilized adults," pautos ngunit ma
“Pao, pakidala naman ito sa office ni Sir. Kailangan na kasi ito,” utos ni Ma'am Eliana, ang senior namin dito sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko.Tumango ako at kinuha ang makakapal na folder mula sa kanyang mesa. “Sige po.”Hindi pa man ako nakakalayo sa palapag na iyon ay nagsimula na naman magbulungan ang ibang officemates namin. “Panigurado, sinadya na naman ni Sir na siya ang utusan. Ano kayang nakita sa kaniya ni Sir, ’no?”"Ewan ko ba kay Sir. Balita ko pa naman may fiancée na siya. Malapit na nga silang ikasal, e.”"Maganda naman si Pao. Hindi lang palaayos. Huwag nga kayong magchismisan. Baka naririnig na kayo niyan…”Hilaw akong napangiwi. Sana aware sila na dinig na dinig ko sila. Pero dahil sanay naman ako sa paganito nila, nagkunwari na lang akong walang narinig at nagpatuloy na sa pag-akyat papunta sa opisina ni Sir. Magdadalawang taon na ako rito bilang normal na empleyado. At sa dalawang taon ko na rito, parang araw-araw ko na naririnig ang usap-usapan nilang may gu







