Mag-log inNakatulala si Hannah habang nakaupo at nakasandal sa kama, nakatanaw sa labas ng bintana ng munti niyang silid. Tanging lampshade lang na nasa ibabaw ng maliit na lamesa tabi ng kama ang nakabukas na nagbibigay konting liwanag sa kanya.
Gabi na sa labas, bukas ang bintana at isinasayaw ng hangin ang kulay asul at manipis nitong kurtina habang malayo ang tingin niya nang bumukas ang pintuan at pumasok si Manang Fe na may dalang tray ng pagkain.
“Hannah, kumain ka. Kaninang tanghali ka pa hindi kumakain,” nagaalala na nitong sinabi nang makalapit sa kama at inilagay sa tabi ang tray. Hindi nag-abalang lingunin ni Hannah si Manang Fe.
“Wala ho akong gana…” tamlay niyang sagot.
Kaninang umaga lang siya iniuwi ni Cedric matapos ng isang linggo niyang pamamalagi sa ospital.
Wala na rin naman naging imik pa ito, hindi na naulit pa ang pag-uusap nila noong araw na iyon na ipinagpasalamat niya. Hindi niya rin na rin siya ginambala at hinayaan siyang makapagpahinga hanggang ngayong nakauwi siya ng bahay nito.
Naupo si Manang Fe sa gilid niya at tumabi sa kanya. Natigilan si Hannah nang kunin nito ang kamay niya at hinawakan kaya napabaling siya sa banda niya. Kitang-kita niya ang labis nitong pagkahabag para sa kanya.
“Gusto kong malaman mo anak na wala ni-isa sa amin sa bahay na ito ang may gusto sa nangyari sa iyo…” Si Manang Fe ang naiiyak para sa kanya. “Kahit si Cedric…” Huminga muna siya ng malalim at napa-iling. “Balisa at tuliro din sa nangyari… marahil nga sumobra siya pero hindi niya nagustuhan ang resulta ng ginawa niya…” Batid ni Hannah na pinababango lang nito ang pangalan ng alaga niya.
Natawa siya ng mapakla at pagak at napa-iling. Ibinalik niya ang tingin niya sa labas ng bintana.
“Manang… kahit na ano pang sabihin niyo, hindi rin naman ako naniniwalang may konsensya siya” mahinahon pero puno ng hinanakit at galit niyang sambit.
“Ni isang beses hindi ko siya nakitaan ng awa sa tuwing may ginagawa siyang bagay sa akin…”
“Kaya para sa akin mahirap po iyang paniwalaan.” Ngumiti pa siya. “Siguro kung ano man ang nararamdaman niya sa mga oras na ito hindi ho iyon para sa akin kundi sa anak niya na sana, kaso nawala pa.” Muli siyang natawa pinipigilan maluha.
At ibinalik niya ang tingin niya kay Manang Fe na tanging pagkahabag lang ang mababasa sa mukha.
“Masakit din naman po para sa akin dahil hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataong malaman na may nabuo pala pero sa kabilang banda…”
Sandali pa siyang tumigil at huminga ng malalim saka ngumiti. “Nagpapasalamat din ako sa nangyari.”
Nanlaki ang mata ni Manang Fe kay Hannah.
“Hannah!” Batid niyang mali ang ipagpasalamat iyon at bumalatay ang pagkadismaya niya sa kanya. “Oo! Naiintindihan ko na galit ka roon sa Tatay pero wala namang kinalaman ang bata—”
“Alam ko ho.” Ngumiti siya muli at natigilan si Manang Fe. “Nagpapasalamat ako hindi dahil ayaw ko siyang mabuhay dahil bunga siya ng pang-aabuso… kundi dahil… ayaw ko danasin niya ang mga kasalukuyang nararanasan ko.”
Natigilan ito.
“Palagay niyo ho ba… anong mangyayari sa aming mag-ina kung nagkataon?” Natawa na lang siya nang hindi ito nakasagot.
“Sigurado baka kahit na anak pa niya iyan, sasaktan niya pa rin dahil wala namang halaga iyung ina.”
“Hannah, huwag mo iyang sabihin! May halaga ka!" saway ni Manang Fe at hinawakan siya sa balikat pero natawa na lang siya muli.
"May halaga ho? Ako? Sa kanya?" Itinuro pa niya ang sarili niya. "Duda po ako diyan." At tumawa pa siya sabay iling.
“Manang, iyon ho talaga ang katotohanan.” Ngumiti siya. “Ganoon ho ang mangyayari kaya mabuti na rin nang nakunan ako kaysa pati siya maghirap, baka pareho lang kami ng sapitin.”
Bakas ang pagkahabag ni Manang Fe sa mukha pero ipinaglaban pa rin niya ang sariling paniniwala.
“Pinangungunahan mo agad, Hannah… masama oo kung sa masama si Cedric pero iba na kapag usapang anak—”
“Kahit pa anong sabihin niyo iyon na ang pagkakilala ko sa kanya, nakatatak na sa akin kung anong klaseng tao siya… kaya kahit na anong pagtatanggol niyo sa kanya, hindi ko kayang paniwalaan.”
Natahimik si Manang Fe.
“Idagdag pa ho na… alila niya lang ako rito at babaeng ginagamit-gamit niya lang kapag kailangan niya pero wala naman po kaming espesyal na ugnayan...”
Nanginit muli ang mga mata ni Hannah kasabay nang pagbabara ng kanyang lalamunan.
“Kaya tama na ho, magiging maayos din naman ako at makakabalik din ako sa trabaho na parang walang nangyari, tapos ganoon po ulit.” Nagkibit balikat siya at tumawa.
“Balik lang po sa dating gawi dahil kung sumuway man ako matapos ng nangyari hindi ho iyon epektibo sa kanya, pipilitin at pipilitin niya pa rin ako gawin ang mga bagay na ayoko kaya pumapayag na lang ako.”
“Hannah…” tanging nasambit niya na lang.
“Sige na po, gusto ko na po magpahinga… pakidala na rin nitong pagkain masasayang lang at hindi ko rin naman makakain,” malumanay na niyang pagtataboy dito sa kagustuhan niyang mapag-isa.
Tumayo na rin si Manang Fe na may naaawang tingin na lang sa kanya at kinuha na nga ang tray para ibalik sa kusina at ibinalik niya na rin ang tingin niya sa labas ng bintana, sa kawalan at doon niya na lang itinuon ang isip niya.
Pumikit siya, siyang bagsak ng butil ng luha sa magkabila niyang pisngi. Narinig niya na ang pagsara ng pintuan hudyat na tuluyan na nga siyang iniwan ni Manang Fe kaya napahugot siya ng malalim na paghinga na may panginginig ng labi at lalamunan.
Yumuko siya at napa-hikbi. Nagasungot na lang niya ang kumot na nakabalot sa kanya hanggang tiyan at muling napapikit ng mariin sabay napamulat rin siya nang muling bumukas ang pintuan at ang akala niya si Manang Fe na bumalik ulit pero hindi…
Napaatras siya sa sulok ng headrest ng kama at nayakap niya ang dalawa niyang tuhod nang sundan niya ng tingin si Cedric na walang abisong pumasok at napansin niya agad ang hawak nito, ang tray na dala ni Manang Fe kanina.
“Why don't you eat? Can't you swallow?” tanong niya habang naglalakad palapit at tumigil siya sa tabi ng kama ni Hannah at dumako ang tingin niya sa hawak niya. “The foods brought for you since lunch why you didn't touch them?”
Hindi siya nakasagot at mas niyakap ang mga binti at tuhod niya. Narinig niya itong bumuntong-hininga and he seems like he's controlling his temper.
“Hannah,” he now used his cold and tough tone which made her stiff. “Come here.” He offered his hand for her to hold kaya nabigla siya at natigilan.
"Let me feed you,” he sounds like he’s trying to be soft spoken and his two eyebrows raised waiting for her to hold his hand patiently.
“Don't make me repeat myself,” he simply warned her which leave her no choice but to hold him at marahan niya siyang hinila kaya nagpatangay na siya at pagapang na lumapit kay Cedric.
“Kailangan ba puntahan pa kita?” tanong niya nang maupo siya at binitawan na ang kamay niya para kunin ang platong naglalaman ng hapunan niya mula sa tray na inilapag niya rin sa katabi niya sa kama.
Umayos naman siya ng upo at muling sumandal sa headrest at pinanuod siyang ayusin ang pagkain. Hindi naman talaga siya kakain, mapipilitan lang dahil dinadaan siya ni Cedric sa pananakot.
Sumulyap sa kanya ang may talim nitong mga mata kaya napaiwas siya ng tingin.
“You are threatening me… so I will eat even I don't want to,” she said being rational kaya sinamaan siya nito ng tingin batid na huwag niya siyang sagut-sagutin.
“Be thankful you're still injured, because if you are not… you see this spoon?” Tinaas niya ang kutsarang hawak niya at ipinakita pa sa kanya. “I'll make you swallow this,” he added, which made her eyes heat up again.
She anxiously swallowed her own saliva. “Sorry,” she apologized in her soft and weak voice.
He just ignored her and scoop the food from the plate using the spoon and he put it closer to her mouth. Natigilan siya at nagulat na literal siya pala ang magpapakain sa kanya.
“Open your damn mouth,” he said like he’s not used to being sweet but just being forced to do this.
Hindi niya binuksan ang bibig niya but she spoke. “You don't have to this—”
“I won’t f*cking repeat myself.” This time he started to look pissed.
Kaya ngumanga na lang siya kaya ganap na niya siyang nasubuan pero pagalit pa na kulang na lang isungalngal sa kanya kaya napaatras ang mukha niya at nasapo ang bibig niya habang pilit pa ang pagnguya habang pinapanuod siyang pagalit na sumandok ulit at dinala muli sa bibig niya.
“NGANGA,” mariin at pagalit niyang utos kaya wala nang pagdadalawang isip na muli niyang ibinuka ang bibig niya at isinalampak niya muli ang pagkain sa kanya na agad niya rin nginuya at napaluha na lang.
Hindi uso ang pagiging malumanay sa lalaking ito. Kung ganito rin lang ang susuyo sa iyo parang dibali na lang parang nakakasama lalo ng loob at halata naman napipilitan lang dahil sa pagka-guilty sa nangyari…
At sa pangatlong subo na sana niya ng kutsara sa kanya, sandali siyang tumigil at tumagal ang tingin sa platong hawak niya habang ang isang binti nakatiklop at nakasampa sa kama nang tingnan niya si Hannah.
“Did you regret you had my baby because you thought I might hurt it?” he seriously asked like he took advantage of this moment to ask this, which made her stop. Napatitig siya sa mukha nitong nakatagilid. She can see he’s in deep thought.
“What are you expecting me to think after all the abuse?” Ibinalik niya rito ang tanong napuno ng pait at unti-unti niyang ibinalik ang tingin niya sa kanya.
“Don't expect me to be happy” Umiling siya at mapait na natawa. “And you don't have to do this and act good in front of me just because you're just guilty about the child.”
Yumuko siya at humawak sa kumot at nagasungot niya ito.
“Who told you I'm acting good in front of you?” he asked coldly. “I am just feeding you to regain your strength and continue your job as my slave,” he added like a spitfire hitting her chest kaya natahimik siya.
Oo nga pala, you assumed things, Hannah... nanumbalik bigla sa isip niya kung ano nga lang pala siya rito…
He's just showing a little bit of gentleness just because she's injured but it doesn't mean he cares, and it does not change the fact that her only purpose here is to serve him, nothing else. He is also helping her to regain her strength so she can be useful to him again...
She just took a deep breath and smiled to cover what she really feel. “Tama ka... kailan man, hindi ka magiging mabuti."
Nakatulala si Hannah habang nakaupo at nakasandal sa kama, nakatanaw sa labas ng bintana ng munti niyang silid. Tanging lampshade lang na nasa ibabaw ng maliit na lamesa tabi ng kama ang nakabukas na nagbibigay konting liwanag sa kanya.Gabi na sa labas, bukas ang bintana at isinasayaw ng hangin ang kulay asul at manipis nitong kurtina habang malayo ang tingin niya nang bumukas ang pintuan at pumasok si Manang Fe na may dalang tray ng pagkain.“Hannah, kumain ka. Kaninang tanghali ka pa hindi kumakain,” nagaalala na nitong sinabi nang makalapit sa kama at inilagay sa tabi ang tray. Hindi nag-abalang lingunin ni Hannah si Manang Fe.“Wala ho akong gana…” tamlay niyang sagot.Kaninang umaga lang siya iniuwi ni Cedric matapos ng isang linggo niyang pamamalagi sa ospital.Wala na rin naman naging imik pa ito, hindi na naulit pa ang pag-uusap nila noong araw na iyon na ipinagpasalamat niya. Hindi niya rin na rin siya ginambala at hinayaan siyang makapagpahinga hanggang ngayong nakauwi siya
Isang malakas na amoy ng antiseptic ang tumama sa ilong ni Hannah nang magkamalay siya.Nasaan siya? Malabo pa rin ang paningin niya pagkatapos niyang imulat ang mga mata at biglang tumama ang matinding sakit sa ulo niya na nagpa-daing sa kanya nang may lumapit sa kanyang isang nurse.Nasa ospital siya… dinala siya ni Cedric rito?“Huwag kayong kumilos, Ma’am! Sandali, tatawagin ko ho si Doc.” Nagmamadali na itong lumabas at mayamaya lang, bumalik nga ito kasama ang Doctor, pero may isa pang lalaking pumasok kaya nanlaki ang mata ni Hannah at nanigas siya sa kinahihigaan niya.Biglang nag-ingay ang aparato, hudyat na nagpapanic siya, kaya mabilis na nila siyang dinaluhan at lumapit din sa kanya si Cedric na may kakaibang emosyon sa mga mata na hindi niya lubos na maintindihan.Tila… pagsisisi na hindi niya mapaniwalaan dahil wala naman ito no’n…“Calm down, Ma’am. We’re here to check on you not to hurt you,” paniniguro ng lalaking Doctor nang makita nito ang takot at pamumutla sa mukh
Tinikman ni Hannah ang niluluto niyang beef soup para sa pagdating ni Cedric, gabi ng Lunes, saktong umuulan.Kaya napatingin siya sa labas ng bintana ng kusina, hawak ang sandok at kutsarang ipinangtikim niya. Sandali niya itong ibinaba at pinagmasdan ang bawat pagpatak ng ulan…Parang gusto niyang lumabas para damhin at hayaang pumatak ito sa kanya…Mabilis siyang napatalon sa gulat nang magsalita si Manang Fe mula sa likuran niya, na pumasok pala sa kusina.“Hannah, tapos na ba iyan? Parating na si Cedric.”Dali-dali namang kumilos si Hannah pagkasabi ni Manang Fe at in-off niya agad ang stove.“O-Opo, Manang. Tapos na.” Bahagya niya pang hinalo ang ilalim at inalis ang potholder na nakasuot sa kanang kamay niya, at mabilis siyang naghugas sa lababo at nagtuyo rin ng kamay. Hinubad na rin niya ang suot niyang apron.“Lalabas na ho ako at sasalubungin ko na po siya,” nagmamadali na niyang paalam at akmang lalabas na nga siya at lalagpasan na sana si Manang Fe nang hawakan siya nito
“P-Pakiusap, Cedric, huwag mo akong saktan,” pakiusap ni Hannah. “W-Wala naman akong g-ginawang masama…”Nagsimula siyang manginig. Kaya pinagmasdan ni Cedric Rama ang pagsusumamo niya.“Ano ang gagawin ko sa iyo kapag umakit ka pa ng ibang lalaki?” tanong nito, naghihintay na magsalita siya.“A-Alam mo na hindi ko iyon ginawa kahit minsan.”Halos pabulong at nanginginig ang boses ni Hannah dahil sa takot, ngunit napadaing siya sa sakit nang mas lalo siyang idiin ni Cedric. Lalong umiyak si Hannah habang iniisip kung kailan matatapos ang paghihirap niya sa lalaki.“Siyempre, ginawa mo, baby… Palagi mo akong pinaparamdam ng ganito.”“Hindi ko ginawa!” humihikbi niyang pagmamakaawa na pakawalan siya.“Ano ang magagawa mo para tumigil ako? Hmm?”Bakit napakawalang-puso ni Cedric?Bakit may kundisyon pa para tigilan niya ang pananakit sa kanya?“Bakit mo ba ito sa akin palaging ginagawa?” tanong ni Hannah na may hikbi.“Dahil…” Hinaplos ni Cedric ang basang pisngi niya gamit ang isa niyan







