Share

Chapter 2

Author: harliexx
last update Huling Na-update: 2025-11-24 08:58:58

Tinikman ni Hannah ang niluluto niyang beef soup para sa pagdating ni Cedric, gabi ng Lunes, saktong umuulan.

Kaya napatingin siya sa labas ng bintana ng kusina, hawak ang sandok at kutsarang ipinangtikim niya. Sandali niya itong ibinaba at pinagmasdan ang bawat pagpatak ng ulan…

Parang gusto niyang lumabas para damhin at hayaang pumatak ito sa kanya…

Mabilis siyang napatalon sa gulat nang magsalita si Manang Fe mula sa likuran niya, na pumasok pala sa kusina.

“Hannah, tapos na ba iyan? Parating na si Cedric.”

Dali-dali namang kumilos si Hannah pagkasabi ni Manang Fe at in-off niya agad ang stove.

“O-Opo, Manang. Tapos na.” Bahagya niya pang hinalo ang ilalim at inalis ang potholder na nakasuot sa kanang kamay niya, at mabilis siyang naghugas sa lababo at nagtuyo rin ng kamay. Hinubad na rin niya ang suot niyang apron.

“Lalabas na ho ako at sasalubungin ko na po siya,” nagmamadali na niyang paalam at akmang lalabas na nga siya at lalagpasan na sana si Manang Fe nang hawakan siya nito sa braso at sandali siyang pinigilan.

“Hindi mo kailangan parating magmadali at mataranta.” Naroon ang hinahon at awa ni Manang Fe para sa kanya, buhat ng malamlam nitong mga matang may linya na dala na ng katandaan.

Pero ngumiti lang si Hannah. “Hindi ho pwedeng hindi ako magmadali, Manang.” Hinawakan niya ang kamay nitong nakawak sa kanya. “Ayos lang ho, sanay na po ako sa paspasang kilos at alam niyo naman po ang mangyayari kapag pabagal-bagal—”

“HANNAH.”

Nanlaki ang mga mata ni Hannah, ganoon din si Manang Fe, nang marinig ang buo at malagong na boses ni Cedric mula sa bukana ng bahay, tawag na ang pangalan niya. Kaya dali-dali na siyang lumabas mula sa kusina na may pangangatal. Ang akala niya ay nasa biyahe pa lang ito, narito na pala!

“What took you so long?” tanong ni Cedric nang makalapit siya, saktong kapapasok lang nito ng bahay. Dapat bago ito dumating, nakaabang na siya sa pintuan para salubungin, pero hindi siya naabutan kaya agad siyang hinanap.

“P-Pasensya na! N-Naghanda kasi ako,” sagot ni Hannah buhat ng malambing na boses na medyo nauutal pa.

Hindi na siya nag-abala pang tingnan si Cedric sa mukha. Hinubad na lang niya ang coat nitong medyo nabasa dahil naampiyasan ng ulan sa lakas ng hangin sa labas.

Buti binigyan siya ng kasambahay ng malinis na tuwalyang nakaabang na at kinuha niya agad ito at maingat na ipinunas sa nabasa nitong mukha at buhok. Lihim naman si Hannah na napapalunok dahil sa paninitig ni Cedric sa kanya habang masuyo niya itong pinupunasan nang nakatingala at nakatingkayad dahil matangkad ito ng husto sa kanya. Kaya hindi rin maiwasang magtama ang kanilang mga mata, pero si Hannah kaagad ang unang umiiwas.

Kahit isang beses hindi niya pa natagalan ang titig ni Cedric na takot lang ang hatid sa kanya.

Nang ayos na, agad siyang lumayo at nagbaba ng mukha at itinuon ang tingin sa sahig na magkadaop ang kamay, hawak ang tuwalya.

“Balik lang po ako ng kusina, ihahanda ko lang ang pagkain niyo” paalam niya na sandali at mabilis na tumalikod siya pero agad din siyang natigilan nang magsalita si Cedric.

“Let the maids prepare my food. Follow me.”

Mariin na lang si Hannah na napapikit at tumango.

Nauna na si Cedric na magtungo sa hagdanan at si Hannah naman ay tahimik na lang na sumunod sa kanya paakyat habang nilalamukos ang sarili niyang mga kamay sa kaba habang nakatingin sa malapad nitong likod at malaking pangangatawan, suot ng black plain long sleeve polo dress na naka-tuck in sa black slacks nitong pamasok sa trabaho.

Sa katunayan, kung hindi siya kilalang masamang tao, una mong mapapansin kay Cedric ay ang kakisigan niya at ang magandang pamumustura at katawan, ngunit sa kabila nito… hindi mo siya gugustuhing makilala.

Tumigil si Cedric sa tapat ng pintuan ng kanyang silid, siyang tigil din ni Hannah. Nauna itong pumasok sa loob, kasunod siya.

Tumigil si Hannah nang nasa loob na sila at tahimik lang din niyang sinundan si Cedric ng tingin nang magtungo ito sa tabi ng kama at hinubad ang suot na relo at ipinatong sa ibabaw ng bedside table.

Saka siya hinarap ni Cedric at itinupi naman ang magkabilang mahabang manggas hanggang sa siko. Hindi alam ni Hannah bakit hindi maganda ang pakiramdam niya sa katahimikang ipinakikita nitong ito.

Pero kailan ba gumanda ang pakiramdam niya sa tuwing nandiyan si Cedric.

“Hannah” tawag nito sa kanya buhat ng mahinahong boses at tiningnan siya. Saka humakbang si Cedric ng mabagal papunta sa kanya kaya bahagya siyang napaatras at humigpit ang hawak niya sa tuwalya.

“P-Po?” Hirap siyang napalunok.

Patuloy pa si Cedric sa paglapit sa kanya nang magtanong ito. “Did you try to contact someone secretly over the phone to ask for help, hmm?”

Namilog ang mga mata ni Hannah, hindi siya agad nakasagot. Muli siyang humakbang paatras at nag-umpisa na manginig ulit ang mga binti niya nang tumalas at dumilim na ang mga mata ni Cedric.

How did he…

But before she could speak, she just found herself hanging in the air and her body forcefully and painfully hit the wall by him holding her neck using his only one hand through his fast movement and because of shock, she got stunned.

Hawak na siya ni Cedric sa leeg at nabitiwan na rin niya ang hawak niyang tuwalya. Kahit sigaw hindi na niya nagawa sa bilis ng pagsalya nito sa kanya sa dingding.

Bukod tanging singhap at igik lang ang nagawa niya, kasabay nang impit na pag-iyak, hawak ang kamay ni Cedric na nasa leeg niya gamit naman ang dalawa niyang kamay, pilit niluluwagan but she had no strength…

Napaawang na lang ang bibig niya sa hirap nang huminga, ang mga paa niya nakaangat na sa sahig at nakita niyang iba ang galit ni Cedric ngayon kumpara nitong nagdaang araw. Parang hindi na siya bubuhayin nito…

“You think I wouldn't know?” He smirked darkly. "We already talked about this, as far as I remember." He chuckled but his eyes are getting dark and more intense.

"Trying to call a cop, huh?"

It happened this morning. Nakita ni Hannah naiwan ng isang bantay ang phone nito sa may labas sa likod ng bahay malapit sa pintuan palabas ng kusina at sinamantala niya ang pagkakataon.

Kinuha niya and she tried to dial 911 out of desperation kaso naudlot dahil narinig niya agad ang boses ng mga pabalik na niyang mga tauhan at nag-uusap tungkol sa phone na naiwan ng may-ari kaya binalikan.

At bago pa siya mahuli, ibinalik niya rin kaagad sa pinagkunan niya. Marahil nakita nila sa may call history dahil napa-ring niya ng isang beses. Wala na siyang oras para burahin pa at wala naman silang alam na ibang tatawag ng emergency hotline kundi siya lang…

“I-I'm sorry!” Lumakas ang iyak niya. “H-Hindi na po…” Napahagok siya. “M-Mauulit—ack!”

"You're so... innocent and very... naive."

At sa halip na bitiwan siya ay tumawa lang si Cedric at sunod napasigaw siya nang bigla na lang pahampas siya nitong binitawan na may hustong lakas kaya humampas siya sa muwebles na sahig at namilipit nang mauna ang likod niya sunod ang ulo niya and it made a loud impact sound on the floor.

Pansamantala natigilan si Hannah sa paghinga at napahiga na lang habang awang ang bibig niyang nakatingin sa kisame, pilit at pahagok na sumasagap ng hangin.

Pero parang naipit ang baga niya kasabay ng pag-ubo niya at sa pagkabigla rin tila hindi niya na naramdaman pa ang katawan niya hanggang may naramdaman na lang siyang mainit na dumaloy mula sa likod ng ulo niya na nakalapat sa sahig…

She felt temporary paralized and her sight started to blur. Hindi na siya nakalikha pa ng ingay…

At hindi lang sa ulo niya may naramdaman na mainit na dumadaloy sa kanya, kundi pati na rin sa pagitan ng kanyang mga hita na sinabayan pa ng matinding sakit at pagkirot sa bandang puson na parang may bagay na hindi kaya ampatan, at doon niya na siya narinig na malakas na napamura.

“SH*T… D*MN…” he sounds shocked by what he saw…

When he walked closer to her, hindi man malinaw na makita ni Hannah, pero naaninag niya ang takot at gulat sa mukha ni Cedric na kahit ito mukhang nabigla sa ginawa niya.

And the last thing she remembered, he scoop her from the floor but her body did not respond like a veggie and she heard him calling one of his men’s name outside the room and he immediately ordered to call a doctor…

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Ruthless Mafia's Regret (R18+)   Chapter 4

    Nakatulala si Hannah habang nakaupo at nakasandal sa kama, nakatanaw sa labas ng bintana ng munti niyang silid. Tanging lampshade lang na nasa ibabaw ng maliit na lamesa tabi ng kama ang nakabukas na nagbibigay konting liwanag sa kanya.Gabi na sa labas, bukas ang bintana at isinasayaw ng hangin ang kulay asul at manipis nitong kurtina habang malayo ang tingin niya nang bumukas ang pintuan at pumasok si Manang Fe na may dalang tray ng pagkain.“Hannah, kumain ka. Kaninang tanghali ka pa hindi kumakain,” nagaalala na nitong sinabi nang makalapit sa kama at inilagay sa tabi ang tray. Hindi nag-abalang lingunin ni Hannah si Manang Fe.“Wala ho akong gana…” tamlay niyang sagot.Kaninang umaga lang siya iniuwi ni Cedric matapos ng isang linggo niyang pamamalagi sa ospital.Wala na rin naman naging imik pa ito, hindi na naulit pa ang pag-uusap nila noong araw na iyon na ipinagpasalamat niya. Hindi niya rin na rin siya ginambala at hinayaan siyang makapagpahinga hanggang ngayong nakauwi siya

  • The Ruthless Mafia's Regret (R18+)   Chapter 3

    Isang malakas na amoy ng antiseptic ang tumama sa ilong ni Hannah nang magkamalay siya.Nasaan siya? Malabo pa rin ang paningin niya pagkatapos niyang imulat ang mga mata at biglang tumama ang matinding sakit sa ulo niya na nagpa-daing sa kanya nang may lumapit sa kanyang isang nurse.Nasa ospital siya… dinala siya ni Cedric rito?“Huwag kayong kumilos, Ma’am! Sandali, tatawagin ko ho si Doc.” Nagmamadali na itong lumabas at mayamaya lang, bumalik nga ito kasama ang Doctor, pero may isa pang lalaking pumasok kaya nanlaki ang mata ni Hannah at nanigas siya sa kinahihigaan niya.Biglang nag-ingay ang aparato, hudyat na nagpapanic siya, kaya mabilis na nila siyang dinaluhan at lumapit din sa kanya si Cedric na may kakaibang emosyon sa mga mata na hindi niya lubos na maintindihan.Tila… pagsisisi na hindi niya mapaniwalaan dahil wala naman ito no’n…“Calm down, Ma’am. We’re here to check on you not to hurt you,” paniniguro ng lalaking Doctor nang makita nito ang takot at pamumutla sa mukh

  • The Ruthless Mafia's Regret (R18+)   Chapter 2

    Tinikman ni Hannah ang niluluto niyang beef soup para sa pagdating ni Cedric, gabi ng Lunes, saktong umuulan.Kaya napatingin siya sa labas ng bintana ng kusina, hawak ang sandok at kutsarang ipinangtikim niya. Sandali niya itong ibinaba at pinagmasdan ang bawat pagpatak ng ulan…Parang gusto niyang lumabas para damhin at hayaang pumatak ito sa kanya…Mabilis siyang napatalon sa gulat nang magsalita si Manang Fe mula sa likuran niya, na pumasok pala sa kusina.“Hannah, tapos na ba iyan? Parating na si Cedric.”Dali-dali namang kumilos si Hannah pagkasabi ni Manang Fe at in-off niya agad ang stove.“O-Opo, Manang. Tapos na.” Bahagya niya pang hinalo ang ilalim at inalis ang potholder na nakasuot sa kanang kamay niya, at mabilis siyang naghugas sa lababo at nagtuyo rin ng kamay. Hinubad na rin niya ang suot niyang apron.“Lalabas na ho ako at sasalubungin ko na po siya,” nagmamadali na niyang paalam at akmang lalabas na nga siya at lalagpasan na sana si Manang Fe nang hawakan siya nito

  • The Ruthless Mafia's Regret (R18+)   Chapter 1

    “P-Pakiusap, Cedric, huwag mo akong saktan,” pakiusap ni Hannah. “W-Wala naman akong g-ginawang masama…”Nagsimula siyang manginig. Kaya pinagmasdan ni Cedric Rama ang pagsusumamo niya.“Ano ang gagawin ko sa iyo kapag umakit ka pa ng ibang lalaki?” tanong nito, naghihintay na magsalita siya.“A-Alam mo na hindi ko iyon ginawa kahit minsan.”Halos pabulong at nanginginig ang boses ni Hannah dahil sa takot, ngunit napadaing siya sa sakit nang mas lalo siyang idiin ni Cedric. Lalong umiyak si Hannah habang iniisip kung kailan matatapos ang paghihirap niya sa lalaki.“Siyempre, ginawa mo, baby… Palagi mo akong pinaparamdam ng ganito.”“Hindi ko ginawa!” humihikbi niyang pagmamakaawa na pakawalan siya.“Ano ang magagawa mo para tumigil ako? Hmm?”Bakit napakawalang-puso ni Cedric?Bakit may kundisyon pa para tigilan niya ang pananakit sa kanya?“Bakit mo ba ito sa akin palaging ginagawa?” tanong ni Hannah na may hikbi.“Dahil…” Hinaplos ni Cedric ang basang pisngi niya gamit ang isa niyan

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status