Share

Kabanata 4

Author: dangeroni
last update Last Updated: 2026-01-28 07:38:01

"Financial statement analysis for del Vedas should be completed before the end of the workday at noon," utos ni Ven pagkabalik na pagkabalik ko palang sa workstation ko. 

Kahit nalipat na ako sa mababang posisyon, sa akin pa rin niya binabato halos lahat ng mga gawaing mahihirap na hindi naman na sakop ng responsibilidad ko. 

At kahit ayaw ko, hindi ako tumututol. 

Akala ko kasi na kapag nagpatuloy ako sa pagsisikap sa trabaho ko ay bibigyan na ko ni Kaiden ng kahit kaonting pansin. Pero, niloloko ko lang pala ang sarili ko dahil kahit isang sulyap wala akong natanggap mula sa kaniya. 

Halos isang oras lang ginugol ko upang tapusin ang analysis report. Pilit pang tinatago ni Ven ang pagkamangha sa bilis ko nang iniabot ko sa kaniya ang flashdrive for the soft copies and the paper versions. 

Oras na ng tanghalian at wala na akong gagawin kaya umorder na lang ako ng vegetables salad at cheese maraconi sa isang food app delivery. May cafeteria naman sa loob ng kumpanya pero laging crowded. Ayoko rin kasing pinagtitinginan ako ng mga kapwa empleyado lalo't karamihan sa kanila ay mga eskandalosa at mga marites kaya mas pinipili kong magbaon ng lunch, sadyang napagod lang talaga ako kahapon kaya hindi na ako nakapaghanda ng lunch ko ngayong araw. 

Habang hinihintay ang in-order na pagkain, narinig ko ang tsismisan ng mga katrabaho.

"Napakabata pa pala ng girlfriend ni President. Mukhang college student!"

"Siguro nga, napakaganda ba naman, eh. Parang manikang porselana sa puti."

"Sabi nga ni Eli, nakita niya raw na sobrang lambing ni President doon sa babae. I never expected the usually serious president to have such a loving side. Na para bang mhie at dhie ang tawagan!" 

Kasabay ng tawanan nila ang pag-awang ang labi ko. Hindi ko alam kung ano ang unang bibigyan ng pansin, ang sakit na nararamdam o ang katotohang lantaran na pala sila ng babae niya...

Natigil sa pagtawa ang tatlong babae nang makitang nakatulala ako sa kanila. The looks on their faces told me that they're judging me secretly. Wala akong kinakausap ni isa kapag hindi tungkol sa trabaho kaya naging mailap din silang lahat sa akin. At ngayong nahuli nila akong nakatingin ay na-w-weird-uhan sila. Mukha ring hindi pa rin sila makapaniwala hanggang ngayon na wala pang isang taon ang lumipas noong ako ang pinaka-high-profile na assistant.

Hindi ko na lang sila pinansin pa, sakto naman na nag-message na ang deliveryman kaya bumaba na lang ako sa ground floor upang kuhanin ang order ko. 

Bandang alas-dos ng hapon nang nakangising lumapit sa akin si Ven. "Tawag ka ni president, ngayon na, dalian mo." 

May kung ano sa ngisi niya na naghatid sa akin ng kaba. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda. 

"Good afternoon, President," kalmadong bungad ko nang makarating ako sa office niya kahit pa halos abot langit ang tahip ng dibdib ko.

Sinalubong niya ako gamit ang malalamig at madilim niyang titig. 

"Is this the analysis report you made?" kumawala ang galit sa boses niya sabay bato ng mga papel sa mismong mukha ko. Tila kanina pa siya nagpipigil at ngayon ay tuluyan ng sumabog.

Kaagad ko naramdaman ang hapdi sa aking pisngi nang dumaplis parteng matalas ng papel. Naestatwa ako sa gulat at kusang lumandas ang mata ko sa mga papel na ngayon ay nagkalat.

Sa nanginginig na kamay, hinawakan ko ang tiyan ko at lumuhod kahit nahihirapan para damputin ang mga papel. Pinanood niya lang ako habang ginagawa iyon. Sinuri ko ang mga papel at agad nakitang may mga discrepancy na ang mga numero roon. Tila sinabotahe ang gawa ko!

"T-this is not the report I prepared!" protesta ko.

"Do you think I will believe you?" sarkastiko siyang ngumisi, hindi pa rin humuhupa ang  galit. "Just shut the fvck up and admit your msitake. I don't want to hear excuses."

Kusang humigpit ang pagkakahawak ko sa mga papel. Nangilid ang luha sa mga mata ko, hindi dahil sa galit kundi dahil sa sakit at awa sarili ko. Alam kong alam niyang hindi pa ako kailanman pumalpak sa mga dokumento. Alam niya rin ang kakayahan ko. Talagang ayaw niya lang ako pakinggan dahil kinasusuklaman niya ako. 

Huminga ako nang malalim, saglit na pinikit ang mata para kalamahin ang sarili ko bago ko matapang na sinalubong ang galit niya. 

"I have a backup. I can send it to you now, Sir. Kapag napatunayan mong mali ako, you can scold me then."

Naningkit ang mata niya at sarkastiko ulit na ngumisi. "Now, you're trying to manipulate me?" 

Sobrang dilim na mukha niya ngayon at hindi ko maiwasang makaramdam ng pangamba. Parang isamg maling sagot ko lang, hindi siya magdadalawang isip na saktan ako. 

Gusto ko na lang biglang umalis sa harapan niya. Naalala kong mag-d-divorce na nga rin pala kami kaya hindi ko na kailangang i-please pa siya. Dagdag pa na mag-r-resign na ako kaya hindi na ako muling tatapak dito kaya ano pa nga ba ang kinatatakot ko? 

Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko at nagsalita. "Kahit ano namang paliwanag ang gawin ko, hindi mo paniniwalaan. Pero bilang presidente ng kumpanya, hindi naman yata patas na maging one-sided ka na lang at pagbintangan ako ng kung ano-ano."

Halatang nagulat siya sa biglaang pangangatwiran ko pero mabilis din na nakabawi.

"That's what you deserved. A social climber who will do everything to reach the top like you doesn’t deserve to be heard, everything you say is a lie!” madiing aniya, ang mga mata’y puno ng pagkamuhi.

Nanginig ang labi ko. Parang dinudurog ang puso ko. To be hated this much by the man I love deeply is both pathetic and painful.

"Enough with this nonsense conversation, get—"

Nabitin sa ere ang sasabihin niya nang biglang bumukas nag pintuan ng lounge. Isang pamilyar na babaeng suot ang isang kulay pink na silk slip dress ang lumabas mula roon. Makintab ang mahaba nitong itim na buhok. Parang nyebe ang kaniyang kaputian na mahirap ignorahin ng bawat taong mapapatingin sa kaniya.

Namilog ang mga mata ko ng matantong siya yung babaeng kasama ni Kaiden sa ospital...

"What's going on?"

Kahit ang kaniyang boses ay malambing at banayad na talaga namang kaaya-ayang pakinggan.

Magkahalong pagkabigo at panliliit bumuhos sa akin. Ngayong nakikita ko na ang buong mukha niya, hindi ko mapigilang makaramdam ng hiya para sa sarili. Hindi siya mukhang manika, tila siyang anghel sa sobrang ganda niya... At ako? isang tila masamang elemento lang kung ikukumpara sa kaniya. Wala akong laban.

"Just nothing," sagot ni Kaiden sa dalaga, banayad na rin ang boses pero ng bumaling sa akin ay bumalik na naman ang lamig, "What are you waiting for? get out now." 

Naramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng mata ko dahil sa pagpipigil ng emosyon kaya mabilis na akong tumalikod at lumabas bago pa man nila makita.

Sobrang sakit. Harap-harapan kong nakita ang kabit ng asawa ko at wala man lang akong nagawa kundi tumitig at manliit. Nang makarating sa bandang sulok ng hagdan doon na tuluyang sumabog ang emosyon ko. Sumandal sa rehas gamit ang isang kamay at hinayaang dumaloy ang mga luha sa aking pisngi na kanina ko pa pinipigilan. Tila pinipiga ang sikmura ko sa sakit, parang tinutusok.

Masama iyon para sa baby kaya pilit kong kinalma ang sarili. Hindi dapat ako maapektuhan. Hindi dapat ako masaktan pero tila pagpunit sa sariling buto at laman ang pagkukunwaring okay lang ang lahat.

Hindi ko alam kung gaano katagal ang lumipas bago na naikalma ang sarili. Nagpasya na akong bumalik sa workstation ko sa kamalas-malasan nga naman, nakasalubong ko pa sa daan ang babae ng asawa ko. Papalapit ito sa akin kaya nakita ko kung gaano siya kapino at karangya mula ulo hanggang paa, halatang lumaki sa isang mayaman at inaalagaang kapaligiran.

Sa tabi niya ay si Ven na parang asong nakangisi. 

"Hey, are you okay? Don't worry na, Hindi ka na papagalitan ni Kai," sinabi ng babae ng asawa ko.

At may endearment pa pala siya... Mukha siyang inosente at mabait. May nilabas pa ito sa kaniyang bag. 

Inabot niya sa akin ang isang band-aid na kulay pink at isang perlas na puting bracelet…

"This is for you. Don't be sad na. Remember to treat the injury on your face. It's not nice for a girl to have scars on her face," ngiti niya.

Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako o maiinsulto. Alam kaya niyang may asawa na ang boyfriend niya? Kasi kung oo, ang kapal ng mukha niya.

Napatitig ako sa kaniya. Walang-wala talaga akong binatbat sa ganda niya. Para akong nakatatawang payaso sa harapan niya.

Nang mapansing hindi ako nagsalita, umismid si Ven.

"Hindi ka man lang ba magpapasalamat kay Miss Gelly?" 

Iyon pala ang pangalan niya... Gelly, my husband's mistress. 

Sinamaan ko ang tingin kay Ven. Masyadong balimbing.

Napansin yata ni Gelly ang namumuong tensyon kaya umiling siya kay Ven.

It's alright, let's go na!"

Sinamaan pa ako ng tingin ni Ven bago sila tuluyang nawala sa harapan ko habang naiwan akong hindi makagalaw at nakatitig sa binigay niyang band-aid at bracelet.Dapat ay magalit ako sa kaniya dahil kabit siya pero wala nga pala akong karapatan. At ang hirap magalit sa kaniya. Paniguradong hindi sinabi ni Kaiden na may asawa na siya dahil hindi rin niya naman ako tinuturing na asawa.

Palakad pa lang sana ulit ako nang bigla akong hatakin sa braso ng kung sino. Napadaing ako. Si Ven iyon na nakangising aso pa rin hanggang ngayon.

"Ngayon, alam mo na kung anong klaseng babae ang karapat-dapat para kay President.”

Nag-alab ang galit sa sistema ko, hindi dahil sa sinabi niya, kundi dahil sa naisip kong siya ang sumabotahe sa report ko.

Padarag komg binawi ang kamay ko at dinuro siya.

“Alam kong hindi ako karapat-dapat at mas lalong hindi ikaw. Ang kaya mo lang naman kasing gawin ay umasa sa mga pansasabotahe. Wala kang magiging kinabukasan. Lampas trenta ka na, kaya magmadali ka nang humanap ng mapapangasawa. Tumigil ka na sa mga pantasya mo."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ruthless Trillionaire I Divorced Now On His Knees for Me   Kabanata 5

    Nanlalaki ang mga mata ni Ven habang namumula sa galit."Ang kapal mo!" Imbes na bigyang-pansin, tumalikod na ako at iniwan na siya. Pangit lang ako pero alam kong mahusay ako kumpara sa kaniya. Hindi ko hahayaan na maliitin nila ako mula ngayon.Pagbalik ko sa puwesto ko, kumuha ako ng maliit na salamin at tiningnan ang bahagyang bakas ng dugo sa isang gilid ng aking pisngi. Hindi naman malalim ang sugat, kaya pinunasan ko na lang ito ng wet wipes. Hindi ko na rin ginamot sa pag-iisip na sa ganitong mukha, ano pa ba ang halaga ng isa pang pilat? Hindi ko na rin pinasa pa ang panibagong kopya ng files ng report ko.Bigla kong naalala ang histsura nung Gelly. Hindi ko alam kung bakit mukha siyang pamilyar...Nang halos patapos na ang trabaho, nakatanggap ako mg tawag mula kay Papa at sinabing nakabalik na ang Kuya Miguel ko."Akala ko sa akinse pa dating niya?" gulat na tanong ko."Nagulat din kami, eh, maaga raw natapos ang trabaho niya," sagot ni Papa."Sige po, uwi po ako diyan sa

  • The Ruthless Trillionaire I Divorced Now On His Knees for Me   Kabanata 4

    "Financial statement analysis for del Vedas should be completed before the end of the workday at noon," utos ni Ven pagkabalik na pagkabalik ko palang sa workstation ko. Kahit nalipat na ako sa mababang posisyon, sa akin pa rin niya binabato halos lahat ng mga gawaing mahihirap na hindi naman na sakop ng responsibilidad ko. At kahit ayaw ko, hindi ako tumututol. Akala ko kasi na kapag nagpatuloy ako sa pagsisikap sa trabaho ko ay bibigyan na ko ni Kaiden ng kahit kaonting pansin. Pero, niloloko ko lang pala ang sarili ko dahil kahit isang sulyap wala akong natanggap mula sa kaniya. Halos isang oras lang ginugol ko upang tapusin ang analysis report. Pilit pang tinatago ni Ven ang pagkamangha sa bilis ko nang iniabot ko sa kaniya ang flashdrive for the soft copies and the paper versions. Oras na ng tanghalian at wala na akong gagawin kaya umorder na lang ako ng vegetables salad at cheese maraconi sa isang food app delivery. May cafeteria naman sa loob ng kumpanya pero laging crowde

  • The Ruthless Trillionaire I Divorced Now On His Knees for Me   kabanata 3

    Sandaling namangha at hindi pa yata ako nakilala nang itinaas ni Prof Laurence ang tingin sa akin. “Good morning, Professor Laurence,” bati ko at doon niya lang ako tuluyang nakilala.Namilog ang labi nito at kaagad na inayos ang sarili sa upuan. “You really arrived." Parang hindi pa rin makapaniwala na nakikita ako ngayon sa harapan niya. Nahihiya akong napangiti. “Ang tagal din nating hindi nagkita, Prof.”Matamis siyang ngumiti. "Yeah. Long time no see, I almost didn't recognize you."Nakagat ko ang labi ng maramdaman ang panliliit.“Nahihiya nga akong pumunta sa harap mo ng ganito ang anyo ko.”Kaagad na kumuot ang noo niya. Tumayo ay nilahad ang upuan sa akin. “Normal lang naman na magbago ang katawan mo habang nagdadalang-tao. Ayos lang ‘yan pagkatapos mong manganak. Please sit down."Para akong nakahinga sa sinabi niya at naupo na sa sofa habang nagsasalin ito ng tubig sa baso. "Here. Warm yourself up."Kaagad ko itong tinanggap. "Thank you, Prof.""Drop the formalities.

  • The Ruthless Trillionaire I Divorced Now On His Knees for Me   Kabanata 2

    Hindi ako lumingon. Hindi rin siya nagsalita, pero dama ko ang bigat ng kanyang titig sa akin.“Linggo bukas,” dugtong ko, pilit pinatatatag ang boses na muntik nang mabasag. “May oras ka ba sa hapon?”Mahina akong huminga, sapat lang para hindi ako manginig. “Kung gusto mo… puwede na nating asikasuhin nang mas maaga.”Hindi ko alam kung hormones lang ba ito o pagod na pagod na ang puso ko. Pero sa sandaling iyon, iisa lang ang malinaw sa isip ko, ayoko nang maghintay. Ayoko nang umasa. Gusto ko na lang tapusin ang lahat bago pa tuluyang maubos ang natitira sa akin.Walang divorce sa Pilipinas, annulment lang. Pero dahil dual citizen si Kaiden, Filipino at Spanish, may karapatan siyang mag-file ng divorce bilang isang dayuhan. Kapag isinampa niya iyon pagkatapos kong manganak, kailangan pa naming dumaan sa isang buwang cooling-off period. Pero kung sisimulan namin ngayon, magiging opisyal na ang divorce sa mismong oras na ipanganak ko ang anak namin.Hindi pa rin siya kumikibo.Kumura

  • The Ruthless Trillionaire I Divorced Now On His Knees for Me   Kabanata 1

    Gaile Enriquez POVNatigilan ako sa paglalakad nang matanaw ang sobrang pamilyar na pigura ng isang lalaki sa 'di kalayuan. Pinagsingkit ko pa ang mga mata ko, pilit inaaninaw kung tama ang hinala. Matangkad ito at nakasuot ng itim na coat. At kahit nakatalikod ito, hindi ako maaaring magkamali.Awtomatikong gumihit ang ngiti sa aking labi, ako mismo ang namalantsa kanina ng coat na iyon kaya sigurado akong si Kaiden ang natatanaw ko ngayon... ang asawa ko.Nandito ba siya para sunduin ako?"Kaid–"Naputol ang sana'y pagsigaw ko nang biglang lumapit sa kaniya ang isang magandang babae... Pinulupot nito ang kamay sa bisig ni Kaiden. Kasabay ng paglaho ng ngiti ko ang pagguhit naman ng ngiti mga labi nila. Inayos niya ang puting fur coat na suot ng babae, tila ayaw madapuan kahit kaunting lamig. Ang sinumang makakakita sa kanila ngayon ay masasabing magkasintahan silang dalawa.Hindi sinasadyang humigpit ang hawak ko sa resulta ng pregnancy test. Bumaling sila sa gawi ko dahilan para m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status