LOGINSandaling namangha at hindi pa yata ako nakilala nang itinaas ni Prof Laurence ang tingin sa akin.
“Good morning, Professor Laurence,” bati ko at doon niya lang ako tuluyang nakilala.
Namilog ang labi nito at kaagad na inayos ang sarili sa upuan.
“You really arrived." Parang hindi pa rin makapaniwala na nakikita ako ngayon sa harapan niya.
Nahihiya akong napangiti.
“Ang tagal din nating hindi nagkita, Prof.”
Matamis siyang ngumiti. "Yeah. Long time no see, I almost didn't recognize you."
Nakagat ko ang labi ng maramdaman ang panliliit.
“Nahihiya nga akong pumunta sa harap mo ng ganito ang anyo ko.”
Kaagad na kumuot ang noo niya. Tumayo ay nilahad ang upuan sa akin.
“Normal lang naman na magbago ang katawan mo habang nagdadalang-tao. Ayos lang ‘yan pagkatapos mong manganak. Please sit down."
Para akong nakahinga sa sinabi niya at naupo na sa sofa habang nagsasalin ito ng tubig sa baso.
"Here. Warm yourself up."
Kaagad ko itong tinanggap. "Thank you, Prof."
"Drop the formalities. Just call me Laurence," aniya at tinignan ang tiyan ko. "How many months into this little life?
"25 weeks na."
Napaisip siya bigla. "School starts at the end of January next year, and your due date will be then."
"Posible po bang ipagpaliban ko ang enrollment ko?”
Ang pagkakaroon ng anak ay hindi maiiwasan, ngunit talagang ayaw kong palampasin ang pagkakataong ito.
Tumingin siya ng seryoso sa akin at nagtanong, “Why do you want to go, anyway? I expected you to refuse… though I’m really glad you accepted.”
Bumagsak ang tingin ko sa aking kamay, bahagyang nag-aalinlangan. “Pagkatapos ipanganak ang bata, plano ni Kaiden na i-divorce ako. Gusto ko sanang magsimula na ng bago at sarili kong buhay.”
Kumunot ang noo niya. Kilala niya ako bilang masayahin kaya ang makita ako sa ganitong estado ay siguradong nakapaninibago sa kaniya.
“I’m so glad you’ve come to your senses and picked yourself up. You and that Kaiden are definitely not a good match. Siguradong makikilala mo ang isang taong totoong magmamahal sa’yo sa hinaharap.”
Napatango na lang ako. Alam kong naintindihan niya. Noon pa man ay mabuti na siyang kaibigan sa akin. At simula pa lang, hindi na siya sang-ayon sa plano kong maging assistant ni Kaiden. Pero iginiit ko ang sariling opinyon, at sa huli, nasaktan lang ako.
"Sa tingin mo anong klaseng tao si Kaiden?"
Tinimbang niya ang mukha ako bago sumagot.
“He’s someone who would do anything to get what he wants, who puts only himself first… and will never truly know love.”
"Ganon ba..." tanging nasabi ko, nanlumo bigla.
Kahapon, malambing siya sa babaeng kasama niya. Marahil ay alam niya naman talaga kung paano magmahal, sadyang hindi ko lang talaga iyon mararanasan
"Since you've already made up your mind, I can help you apply for a delayed enrollment later."
Medyo nabawasan ang pait na nararamdaman ko dahil doon.
"Thank you so much, Laurence. Tatanawin ko itong utang na loob."
"No problem, Gaile. I will be happy to help you."
Binigyan niya ako ng application form at sinimulan ko kaagad 'yon.
"Will the child stay with the Montelvar's after it's born?" bigla niyang tanong habang nag-f-fill up ako.
Mapait akong napangiti kasabay ng pagkirot ng puso ko. Kahit gusto kong kunin ang anak ko, alam kong wala akong laban sa Montelvar kapag ginusto nilang makuha ang custody. Kaya rin gusto ko tapusin ang PhD ko para na rin magkaroon ako ng pagkakataon kung sakaling lalaban ako sa kanila.
"I happen to need an assistant. It only takes a month. Do you want to give it a try?" tanong nya ulit nang hindi ko masagot ang unang tanong.
Walang pag-aalinlangan akong sumang-ayon. Simula kasi ng magbuntis ako, nilipat ako ni Kaiden sa tila walang halaga na posisyon sa secretary's office. Mula sa pagiging assistant ng presidente ay naging "a nobody" na lang ako sa isang iglap. Napunta sa wala ang lahat ng pagsusumikap ko.
Kailangan ko ng bagong trabaho upang maibalik ang direksyon ng buhay ko. Pagkakataon ko na rin ito kung sakali upang makapaghanda nang mas maaga para sa PhD ko.
Day-off ko ngayon kaya buong araw akong nanatili sa opisina ni Laurence para magsimula na agad bilang assistant niya. Naging estudyante ako dati ni Laurence, at ilang panahon din akong nagtrabaho nang masinsinan kay Kaiden. Kaya kahit ilang buwan akong nawalan ng sigla, mabilis kong naibalik ang ritmo ng trabaho at maayos itong naasikaso.
Sa sandaling iyon, sa gitna ng pag-iisip, muling kong natagpuan ang dating sarili at ang tunay kong halaga.
Tulad nga ng sabi ni propesor, dapat akong magningning sa aking propesyon, hindi lamang pag-ibig ang dapat bumuo sa aking buhay.
Nang gabing 'yon, hindi umuwi si Kaiden, gaya ng dati, paminsan-minsan lang naman kasi siyang umuuwi. Ngunit, hindi tulad noon, pinilit kong hindi siya isipin. Pinilit kong huwag bigyan ng pake dahil kahit naman magkapake ako, wala rin saysay.
Sa sumonod na araw, hinanda ko ang resignation letter ko.
Pagkarating ko sa kumpanya, saktong kabababa lang din ni Kaiden sa kaniyang kotse. Sa kanyang matangkad at matipunong pangangatawan, bihis na bihis sa isang suit, guwapo at sumisigaw ng kayamanan na tindig, walang duda kung bakit maraming babae ang lumuluhod makuha lang siya at kasama na ako roon.
Si Kaiden ang humawak sa mga industriya ng pananalapi ng pamilya nila, kabilang ang mga bangko at mga investment funds. Sa ganoong mapanganib at malupit na larangan ng kayamanan at katanyagan, nagawa niyang pamahalaan nang mag-isa ang mga pangunahing negosyo ng Montelvar's at patuloy na palawakin ang kanilang imperyo. Isang patunay na hindi lamang siya matalino at mahusay sa negosyo, kundi may malamig at walang-awang puso rin.
"President."
Sabay na sabay na bati ng empleyado sa kaniya. Mabilis akong yumuko at umatras ng dalawang habang para magbigay ng galang.
Pumasok lang ito sa kumpanya na para bang hindi niya ako nakita. Iniabot ko ang resignation letter ko kay Ven ang bago niyang sekretarya. Dati, subordinate ko siya. Ngunit nagbago ang kaplaran. Ako na ngayon ang subordinate niya.
Tanda ko pa nung bigla akong na-demote, nagulat ang lahat sa departamento. Naging assistant agad ako ng presidente pagkalabas pa lamang ng unibersidad, kaya hindi inaasahan ng lahat ang pagbaba ng posisyon ko.
Ang posisyon ng assistant ay hindi lamang nangangailangan ng kakayahan, mahalaga rin ang pisikal na anyo. Bagaman medyo pangkaraniwan lang ang itsura at pangangatawan ko, ako pa rin ang napili dati sa interview, patunay na kayang lampasan ng skills ko ang pisikal na anyo ko.
Minsan na rin akong pinuri ng CEO sa galing ko.
Tinitigan ni Ven ang resignation letter, bago napatingin siya sa umbok ng tiyan ko.
"Alam mo bang ang pinakamahalagang bagay sa isang tao ay ang malaman ang sariling hangganan? Dalasan mo ang pagtingin sa salamin," natatawang aniya.
"At huwag na huwag mong isipin na dahil buntis ka ay makakaakyat ka na sa tuktok. Don't you even know what kind of place the Montelvar family is, or what your own status is?"
Ang katotohanang nakarehistro na ang kasal namin ni Kaiden, ay wala pang sinuman sa kumpanya ang nakakaalam.
Nanlalaki ang mga mata ni Ven habang namumula sa galit."Ang kapal mo!" Imbes na bigyang-pansin, tumalikod na ako at iniwan na siya. Pangit lang ako pero alam kong mahusay ako kumpara sa kaniya. Hindi ko hahayaan na maliitin nila ako mula ngayon.Pagbalik ko sa puwesto ko, kumuha ako ng maliit na salamin at tiningnan ang bahagyang bakas ng dugo sa isang gilid ng aking pisngi. Hindi naman malalim ang sugat, kaya pinunasan ko na lang ito ng wet wipes. Hindi ko na rin ginamot sa pag-iisip na sa ganitong mukha, ano pa ba ang halaga ng isa pang pilat? Hindi ko na rin pinasa pa ang panibagong kopya ng files ng report ko.Bigla kong naalala ang histsura nung Gelly. Hindi ko alam kung bakit mukha siyang pamilyar...Nang halos patapos na ang trabaho, nakatanggap ako mg tawag mula kay Papa at sinabing nakabalik na ang Kuya Miguel ko."Akala ko sa akinse pa dating niya?" gulat na tanong ko."Nagulat din kami, eh, maaga raw natapos ang trabaho niya," sagot ni Papa."Sige po, uwi po ako diyan sa
"Financial statement analysis for del Vedas should be completed before the end of the workday at noon," utos ni Ven pagkabalik na pagkabalik ko palang sa workstation ko. Kahit nalipat na ako sa mababang posisyon, sa akin pa rin niya binabato halos lahat ng mga gawaing mahihirap na hindi naman na sakop ng responsibilidad ko. At kahit ayaw ko, hindi ako tumututol. Akala ko kasi na kapag nagpatuloy ako sa pagsisikap sa trabaho ko ay bibigyan na ko ni Kaiden ng kahit kaonting pansin. Pero, niloloko ko lang pala ang sarili ko dahil kahit isang sulyap wala akong natanggap mula sa kaniya. Halos isang oras lang ginugol ko upang tapusin ang analysis report. Pilit pang tinatago ni Ven ang pagkamangha sa bilis ko nang iniabot ko sa kaniya ang flashdrive for the soft copies and the paper versions. Oras na ng tanghalian at wala na akong gagawin kaya umorder na lang ako ng vegetables salad at cheese maraconi sa isang food app delivery. May cafeteria naman sa loob ng kumpanya pero laging crowde
Sandaling namangha at hindi pa yata ako nakilala nang itinaas ni Prof Laurence ang tingin sa akin. “Good morning, Professor Laurence,” bati ko at doon niya lang ako tuluyang nakilala.Namilog ang labi nito at kaagad na inayos ang sarili sa upuan. “You really arrived." Parang hindi pa rin makapaniwala na nakikita ako ngayon sa harapan niya. Nahihiya akong napangiti. “Ang tagal din nating hindi nagkita, Prof.”Matamis siyang ngumiti. "Yeah. Long time no see, I almost didn't recognize you."Nakagat ko ang labi ng maramdaman ang panliliit.“Nahihiya nga akong pumunta sa harap mo ng ganito ang anyo ko.”Kaagad na kumuot ang noo niya. Tumayo ay nilahad ang upuan sa akin. “Normal lang naman na magbago ang katawan mo habang nagdadalang-tao. Ayos lang ‘yan pagkatapos mong manganak. Please sit down."Para akong nakahinga sa sinabi niya at naupo na sa sofa habang nagsasalin ito ng tubig sa baso. "Here. Warm yourself up."Kaagad ko itong tinanggap. "Thank you, Prof.""Drop the formalities.
Hindi ako lumingon. Hindi rin siya nagsalita, pero dama ko ang bigat ng kanyang titig sa akin.“Linggo bukas,” dugtong ko, pilit pinatatatag ang boses na muntik nang mabasag. “May oras ka ba sa hapon?”Mahina akong huminga, sapat lang para hindi ako manginig. “Kung gusto mo… puwede na nating asikasuhin nang mas maaga.”Hindi ko alam kung hormones lang ba ito o pagod na pagod na ang puso ko. Pero sa sandaling iyon, iisa lang ang malinaw sa isip ko, ayoko nang maghintay. Ayoko nang umasa. Gusto ko na lang tapusin ang lahat bago pa tuluyang maubos ang natitira sa akin.Walang divorce sa Pilipinas, annulment lang. Pero dahil dual citizen si Kaiden, Filipino at Spanish, may karapatan siyang mag-file ng divorce bilang isang dayuhan. Kapag isinampa niya iyon pagkatapos kong manganak, kailangan pa naming dumaan sa isang buwang cooling-off period. Pero kung sisimulan namin ngayon, magiging opisyal na ang divorce sa mismong oras na ipanganak ko ang anak namin.Hindi pa rin siya kumikibo.Kumura
Gaile Enriquez POVNatigilan ako sa paglalakad nang matanaw ang sobrang pamilyar na pigura ng isang lalaki sa 'di kalayuan. Pinagsingkit ko pa ang mga mata ko, pilit inaaninaw kung tama ang hinala. Matangkad ito at nakasuot ng itim na coat. At kahit nakatalikod ito, hindi ako maaaring magkamali.Awtomatikong gumihit ang ngiti sa aking labi, ako mismo ang namalantsa kanina ng coat na iyon kaya sigurado akong si Kaiden ang natatanaw ko ngayon... ang asawa ko.Nandito ba siya para sunduin ako?"Kaid–"Naputol ang sana'y pagsigaw ko nang biglang lumapit sa kaniya ang isang magandang babae... Pinulupot nito ang kamay sa bisig ni Kaiden. Kasabay ng paglaho ng ngiti ko ang pagguhit naman ng ngiti mga labi nila. Inayos niya ang puting fur coat na suot ng babae, tila ayaw madapuan kahit kaunting lamig. Ang sinumang makakakita sa kanila ngayon ay masasabing magkasintahan silang dalawa.Hindi sinasadyang humigpit ang hawak ko sa resulta ng pregnancy test. Bumaling sila sa gawi ko dahilan para m







