Share

Chapter 47

Bahagyang natawa si Kelly nang muntik na madulas si Arthur sa pampang. Nagkayayaan silang dalawa na pumasyal sa ilog kung saan sila lumalangoy noon pang mga bata sila. Isa rin ito sa magandang spot ng lugar nila na puwedeng dayuhin ng mga turista. May parte ang ilog na malalim na pinupuntahan nilang mga adults.

Kumapit agad sa isang bato si Arthur at nakasimangot na nilinga siya. Nag-peace sign siya rito pero bumungisngis pa rin siya.

Pero nag-freeze ang ngiti niya nang feeling niya ay may matang nakamasid sa kaniya. Na parang kanina pa ito nakatingin sa kaniya na may halong pagka-miss. Mabilis na luminga siya at tinignan ang paligid nila pero wala siyang nakitang ibang tao.

Ikinuling niya ang ulo. Baka paranoid lang siya o kaya ay guni-guni lamang niya ito.

"May problema ba?" takang usisa ni Arthur. Nakangiting umiling siya.

"Wala naman. Akala ko ay may ibang tao akong narinig na papunta rito," pagsisinungaling niya.

Mukhang naniwala naman ito at inilahad ang kamay sa kaniya para ala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status