Share

Chapter 48

"Mama!" reklamo ni Kelly nang biglang mahawi ang kurtina ng kuwarto niya at tumama sa kaniyang mukha ang malakas na sinag ng araw.

Nakasimangot na kinusot niya muna ang mata bago humihikab na bumangon. Dumako agad ang kaniyang mata sa ina niya na lumingon sa kaniya at napailing. Ito na ang panghuling araw niya rito sa kanila at pakiramdam niya ay hapong-hapo siya. Babalik na naman siya sa kulungan niya bukas at labis na tumututol ang puso niya.

Makikita muli niya ang binata na kung puwede lang ay ayaw niyang makasama. Maliban lang noong sinundan sila nito sa ilog ay hindi na muling nagparamdam ang binata sa kaniya. Pero alam niyang nasa paligid lang ito at minamasdan siya sapagkat ramdam niya ang matiim na tingin sa likod niya. Pakiramdam pa nga niya ay may stalker na siya.

"Ano pa ang ginagawa mo riyan? Bumangon ka na at nasa ibaba ang Boss mo," sita ng kaniyang ina.

Nahinto siya sa pag-inat at dumaan ang panibugho sa mata niya na agad ding nawala. Bakit sa huling araw pa niya rito s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status