Home / Romance / The Scandal / Chapter One |

Share

The Scandal
The Scandal
Author: BG Writes

Chapter One |

Author: BG Writes
last update Last Updated: 2023-11-09 17:14:02

"ARE YOU OKAY HERE, HUN? KANINA PA KITA NAPAPANSING HINDI MAPAKALI. SOMETHING WRONG?" tanong ni Leonardo sa mapapangasawa nitong si Yvonne.

Punong-abala ito sa pag-aasikaso ng nalalapit nilang kasal kaya nasa isang simbahan ngayon para sa pagpapa-schedule ng pari at simbahan sa araw ng gusto nilang dalawa.

"Okay lang ako rito, Hun. Bakit may kailangan ka bang asikasuhin?" balik tanong ni Yvonne sa fiancé niya.

Kanina niya pa rin ito napapansing hindi mapakali at panay ang tingin sa sariling cellphone nito kahit kaninang magkatabi silang dalawa. Kapag madalas ganoon si Leo, alam niyang work matters ito at naiintindihan niya madalas ang sitwasyon. Isang branch manager si Leo sa rent-a-car service na sikat sa kamaynilaan.

"Kinukulang ng driver sa isang branch namin sa Makati. Hanep kasi ang mga tao ngayon at sabay-sabay ang leave," anito sa kaniya.

Sinasabi na nga ba niya. Napangiti na lamang siya wala siyang laban kung kinakailangan nitong umalis para nga sa sinasabi nitong trabaho.

"I understand, Hun. Sandali lang naman siguro 'to. Nasa meeting lang daw si father at narinig mo naman kanina na okay lang kahit mag-isa lang ang magpa-set ng schedule," aniya.

"Talaga ba? Okay lang ba?" tanong sa kaniya ni Leonardo.

"I'm fine here. Sigi na. Sayang din iyang kikitain niyo ngayon kung hindi mo pupuntahan. Alam ko dedikasyon mo sa trabaho, Leo. Naiintindihan ko. Atsaka baka mahirapan d'on si Danilo."

Tukoy nito sa kaibigan niyang may-ari ng kompanya.

"Salamat, Hun. Balitaan mo ako ha."

"I will. Mag-iingat ka."

Isang mabilis na halik sa labi niya ang pinagkaloob sa kaniya ni Leo bago ito nagmadaling umalis. Napakibit-balikat na lamang siya habang sinusundan ito ng tingin hanggang sa mawala sa paningin niya ang fiance niya.

"Miss Gonzalo, pinapatawag na kayo ni Father Enriquez," untag ng isang babae kay Yvonne. Hindi niya man lang namalayan ang pagdating nito sa harap niya.

"Iyong kasama niyo, ma'am?" tanong nito sa kaniya. Si Leo siguro ang tinutukoy nito.

"Umalis eh. May trabaho. Bakante na ba si father? Okay lang naman ako kahit ako lang 'di ba?"

"Wala naman problema, Ma'am. Halika po kayo."

Nagpatiuna ito sa paglalakad niya. Mabuti naman at ayos lang na siya lang mag-isa ang makipag-usap kay father. Hindi niya rin naisip kanina si Janice na isama ang kaibigan niya.

"Tuloy po kayo. Hintayin niyo lang ho si father at nagpalit lang ng damit."

Ngumiti si Yvonne dito. Mukha naman itong mabait kaya umaasa siyang mapapalagayan niya ito ng loob.

Ilang sandali nagpaalam ito sa kaniya. Umupo siya sa upuang binigay nito at malayang pinaikot ang paningin sa loob ng maliit na opisina kung saan siya nar'on ngayon. Simple lang ito, walang gaanong palamuti maliban sa holy family na pinagmamasdan niya ngayon sa harap niya sa ibabaw ng table ni Father Simon Enriquez.

~~~~

"HELLO! MR. ASUNCION? Nasaan ka na? Kanina pa kita hinihintay rito, our candle light room is ready, Luv," bungad ng babae sa kabilang linya.

Nakahinga ng maluwag si Leonardo ng tuluyan siyang makaalis sa loob kung saan naiwan si Yvonne. Nagsinungaling siya rito, para lamang hayaan siyang umalis ng mapapangasawa at hindi naman siya nabigo dahil hindi naman ito nagdalawang-isip para payagan siyang umalis sa dahilan niyang may kaugnayan sa trabaho.

"I'm coming. Alam mo naman na may lakad kami ni Yvonne ngayon. Hindi ako basta-basta nakaalis sa tabi niya, mabuti na nga lang at nakagawa ako ng paraan. Okay."

"Alam ko naman na wala kang kayang hindi gawin para sa akin, Leo. Ganyan mo ako kamahal. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit hindi ka na lang umatras sa kasal niyo sa babaeng iyon!"

"Liezel! Stop this! Napag-usapan na natin 'to. Nagkasundo na tayo. Huwag mo ng ulit-ulitin pa sa akin ang gusto mong mangyari, dahil alam mo ang magiging sagot ko!"

"Okay. Come on! Wala naman akong ibang sinabi pa, Luv. Ang akin lang naman ay ang mas mahabang oras mo sana. Alam mo naman na masaya akong kasama ka at alam kong ikaw rin kapag sa kama magkasama tayo hindi ba, Leo?!" makabuluhang wika nito sa kaniya.

Wala sa sariling napangiti si Leonardo. Magaling talaga ang babaeng kausap nya pagdating sa kahinaan niya- ang bagay na hindi kayang ibigay sa kaniya ni Yvonne n'on pa man. Kahit nakakaramdam siya ng inis dito minsan hindi niya maiwasang hindi hayaan ang sariling magpatuloy sa mga lihim na sandaling mayroon silang dalawa.

Ang pangangailangan niyang si Liezel Alegre lang ang nagbigay sa kaniya- ang matalik na kaibigan ng fiancee niyang si Yvonne.

Napasinghap si Leo sa mga naisip, wala siyang dapat ipangamba dahil hindi pa naman sila kasal ni Yvonne, malaya pa siyang gawin ang lahat ng gusto niya; kabilang na rito ang mga hiram na sandali nila ni Liezel.

Aminin niya man o sa hindi, ito lang ang nagbibigay sa kaniya ng ligaya pagdating sa kama, ang sensasyong gusto niyang maramdaman kay Yvonne.

Masyado lang naniniwala ang mapapangasawa niya na walang mangyayari sa kanilang dalawa hanggang hindi pa sila kinakasal. Naiintindihan niya naman si Yvonne sa lagay na 'yon, willing naman siyang maghintay.

Pakiramdam niya nga hindi na magtatagal at paunti-unti na ring pumapayag ang mapapangasawa sa pinagkakaloob niyang halik dito.

Napangiti siya.

Sino ba naman ang hindi pangangarapin ang tulad ni Yvonne? Maganda ito, seksi, makinis at maswerte siya dahil sa kaniya nakatakdang mapupunta ang kalinisan ni Yvonne. Hindi katulad ni Liezel, hindi na ito birhin ng unang pagniniig nilang dalawa; si Yvonne pa rin ang pangarap niya at ang babaeng pakakasalan niya dahil mahal niya.

Si Liezel lang ngayon ang nagbibigay sagot sa pangangailangan niya, ang nagsisilbing laruan niya bago ang kasal nila ni Yvonne. Para sa kaniya madali lang naman tanggalin sa buhay niya ang babae kapag kasal na silang dalawa ni Yvonne, hindi siya mahihirapan dahil iyon ang kanilang naging usapan bago pa may nangyari sa kanila hanggang sa naulit at naulit na lamang itong hindi niya rin magawang tanggihan.

Heto nga ngayon at naghihintay na naman sa kaniya si Liezel sa condo niya. Mapapasabak na naman siya sa laban.

~~~

NAPALUNOK si Yvonne sa hindi napaghandaang pag-akbay sa kaniya ni Father Simon. Hindi siya naging komportable lalo na ng pisilin nito ang balikat niya.

"Mawalang galang na po, Father. Ano ang ginagawa niyo?" Mabilis naman itong umatras para sa maliit na espasyong pagitan sa kanila. Hindi ito sumagot sa kaniya, ngunit nanatili ang makabuluhang ngiti na sumilay sa labi nito.

"You look so great, Ms. Gonzalo. Swerte ang mapapangasawa mo," anito sa kaniya. Iniwas ni Yvonne ang mga tingin niya't binaba sa cellphone na hawak niya.

Napalunok siya't kasabay na umiling-iling sa hindi maipaliwanag na nararamdaman.

"Ang mabuti pa, sa susunod na lang ako ulit pupunta rito! Kapag kasama ko na ang mapapangasawa ko. Excuse me!"

Mabilis ang ginawang pagtalikod ni Yvonne. Hindi niya inabala ang sarili niyang lingunin ang pari na kanina lang hinihintay niya, kung hindi siya magkakamali hindi magkakalayo ang edad nito at ni Leonardo. Sumagi sa isip niya ang ginawang pagpayag niya kanina rito, nalagay siya sa sitwasyong nagdulot sa kaniya ng hindi komportableng pakiramdam.

Mali sana ang iniisip niya, iyon ang paulit-ulit na usal ni Yvonne sa sarili habang walang lingon-likod na mabilis na naglakad palayo sa opisina ni Father Simon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Scandal   ENDING

    YEAR 2005 ISANG MALAMIG na araw n'on sa Siargao. Katatapos lang ng ilang linggong bagyo nang nagpasyang pumunta si Yvonne sa isla na iyon na mag-isa. Palubog na ang araw nang pagmasdan niya ito. Halos dalawang taon na rin ang lumipas nang mangyari ang lahat sa kanila; ang hindi pag tuloy ng kasal nila ni Leonardo, ang muntik na pagpapakasal ng pinsan nitong si Art.Everything is full into place, iyon naman talaga ang pangarap niya mula n'ong iniwan niya ang mga ito sa altar sa araw ng kasal nila dapat. Nang araw na iyon masaya na rin naman siya para kay Leonardo; sa lalaking minahal niya, sa lalaking inalayan niya ng lahat, sa lalaking unang dumurog sa puso niya.Napangiti si Yvonne nang maalala ang mga bagay na iyon. Paminsan-minsan hindi niya pa rin naman maiwasang masaktan kapag naiisip si Liezel at Leonardo n'on. Pero buti na lang may mga bagay na nakapagpa-alala sa kanila sa mga tama at mali. Napayuko si Yvonne sa puting buhangin nang maaalala ulit si Leona

  • The Scandal   Chapter 38

    The Scandal ||| The Last Scandal __ ST. THERESE BATANGAS, DAHIL sa pagiging abala ni Archie sa last exhibit nito, tanging si Yvonne lang naging ang punong-abala rin sa pag-aasikaso ng kasal nilang dalawa. Kasalukuyan siyang nandito sa simbahan ng St. Therese para magpa-schedule ng kasal nilang magkasintahan. Marami nang nagbago wala na rin iyong pari na minsang nagbigay sa kaniya ng kaba at pagkawala ng respeto niya sa ginawa nito sa kaniya n'on. Kasalukuyan siyang narito sa harap ng altar pinagmamasdan ang malaking krus. Umusal siya nang panalangin, ganoon na rin ang pangangamusta niya sa magulang niya at pagbibigay-alam niya sa mga itong nasa maayos ang lagay niya. "Yvonne.." Lumingon si Yvonne. Hindi akalaing si Leonardo ang napaglingunan niya. Tumingin siya ritong may pagtatanong kung ano ang ginagawa nito d'on. "Muntik na kitang hindi makilala. Short hair eh," natatawang sabi nito. Ngumiti siya. "Kamusta ka na?" Halos sabay pa nilang bigkas sa isa't i

  • The Scandal   Chapter 37

    THE SCANDAL || CHAPTER 37 Road to forever ___ "ANONG NANGYAYARI DITO?" Gulat na tanong ni Archie nang abutan niyang inalalayan ni Leonardo si Yvonne hanggang sa maayos nitong maiupo nang mahimatay ito sa bisig niya. Panay ang paypay niya rito gamit ang binigay na pamaypay ng isang ale na nakakita sa kanila. Gustuhin nya mang buhatin ito hindi pa kaya ng mga binti niya. Ayaw niyang matumba sila sa ganoong sitwasyon dahil baka masaktan lang si Yvonne. "Anong ginagawa mo rito?" dugtong niya pang tanong. "I'm sorry, Bro. Sinundan ko lang si Yvonne para kausapin," tugon niyang hindi makuha ang tingin kay Yvonne. Alam niyang nahimatay lang ito dahil sa masamang balitang natanggap nito. "And, why? Anong ginawa mo?" Umupo ito sa tabi ni Yvonne. Tinangka nitong gisingin si Yvonne sa pamamagitan ng pagtapik-tapik ng pisngi nito. "Vonne.. Vonne.." anito. "Leonardo, ano ang nangyari? Nahimatay ba siya? Why?" "Someone called her. Narinig ko namatay daw ang dad niya. Archie, believe me. W

  • The Scandal   Chapter 36

    THE SCANDAL || CHAPTER 36 THE TRUTH "HI..." Hindi niya inabala ang sariling lumingon. Nanatili iyong mga mata niya sa bahay niya, ang huling araw na mapagmamasdan niya ito. "How's your feeling now?" tanong nito sa kaniya. "Fine. I have to be fine," malungkot niyang sagot dito. "Malulungkot si mommy kapag tuluyan itong nawala sa akin. But apparently alam kong magiging okay din siya, tulad ko. Hindi ba?" aniya. Nanatili iyong mga mata nya sa bahay na pinamana sa kaniya ng mommy niya bago ito mamatay mahigit siyam na taon na ang lumipas. "She will be proud of you, Yvonne. Kasi ang layo na nang narating mo sa lahat-lahat ng napagdaanan mo. You're still there. Nakatayo at patuloy na lumalaban." "Kung buhay si mommy sasabihin niya sa akin, that's my girl." Ngumiti siya rito. "Ilang beses kong hiniling na kunin niya na ako, Archie. Pero ang tigas ng ulo ni mommy," natatawa niyang sabi rito. "I will never ever leave you here. I swear it, Yvonne. Kung kinakailangan isakripisyo ko

  • The Scandal   Chapter 35.2

    The Scandal || Chapter 35. 2 THE MIRACLE BACKSTORY, 6 YEARS AGO. "STILL CRYING?" tanong ni Leonardo sa kanya. Nasa ilalim sila ng isang puno ng akasya sa likod ng universidad kung saan sila nag-aaral na dalawa. Halos isang taon na rin silang magkaibigan ni Leonardo n'on mula nang namatay ang mommy niya ito lagi ang nakaramay niya. "Hindi ko magawang pigilin ang sarili ko eh. Masakit pa rin kasi," aniya rito. "Alam ko. I feel it. Here.." Tiningnan niya ang inaabot nitong isang bagay na nakabalot sa isang panyo. "Ano ito?" tanong niya. "Open it." Napailing-iling siyang tinanggap ito. Bumungad sa kaniya ang isang kwentas na may krus na pendant. "Para?" "Para kapag wala ako sa tabi mo, hindi ka na maging malungkot at umiyak. Kausapin mo lang siya, hindi siya sumasagot pero nakikinig siya sa lahat-lahat ng magiging sumbong mo." "Salamat ha. Paano iyan wala akong ibibigay sa iyo, hindi ko naman kasi alam na may paganito ka," natatawang pagkakasabi nya rito. Binalik niya

  • The Scandal   Chapter 35

    THE SCANDAL || CHAPTER 35 "ANO ANG GINAGAWA MO RITO?" tanong niyang nagtataka. Hindi niya man lang nakuhang tanggapin ang inaalok nitong panyo sa kaniya. Gusto niya malaman kung ano ang ginagawa nito rito. "Nakalimutan mo bang nag-aral din ako rito?" "Alam ko. Ang tinatanong ko rito." Posible bang nakita siya nito o naging pag-uusap nila ni Liezel? "Hindi kita sinusundan. Gusto ko lang pumunta dito para sa ilang bagay na gusto kong sariwain sa isip ko," aniya nito sa kaniya. "Kasama ko si Ramon," saad pa nito. "Ikaw ano ang ginagawa mo rito?" tanong nito sa kaniya. "Banyo 'to 'di ba? Ano ba ang ginagawa sa lugar na 'to?" mataray niyang sagot. Ngumiti ito. "Akala ko kasi iiyak ka na naman." "Hindi na ako bata at Yvonne na iyakin na nakilala mo, Leonardo—" aniya. "Pero ikaw pa rin iyong maganda at mabait na babaeng na nakilala ko, Yvonne —" Hindi siya nakakibo dahil sa narinig niya sa lalaki. Ang balak niyang pagpasok sa loob ay hindi niya nagawa dahil sa hindi inaasahang

  • The Scandal   Chapter 34

    THE SCANDAL || CHAPTER 34 STRUGGLE OF LIEZEL MARRIED LIFE. ❤️ HUMAWAK ng mahigpit si Yvonne sa balikat ni Archie habang naglalakad sila sa simbahan. Magkapareha sila sa pagiging secondary sponsor ni Tita Agnes at Tito Jun.Ramdam niya ang pagdantay ng palad nito sa kamay niya. Hindi napigilan ni Yvonne ang luha niya habang nakatingin kay Tito Jun na may mga luha din sa mata. Luha ng kaligayahan, dahil na rin sa lahat ng mga pinagdaanan ng mga ito buo pa rin sila at heto muling mangangako sa harap ng lahat maging sa harap ng pari at diyos sa habambuhay na pagsasama.Hinatid siya ni Archie sa upuan kahanay ang mga abay at ilang secondary sponsor din bago ito pumunta sa gawi nina Leonardo. Hindi nakaligtas sa kaniya ang mariin na namang tingin nito.Tinaasan niya na lang ito ng kilay at tinuon ang pansin kung saan naghihintay si Tita Agnes. Hindi pa sila nakapag-usap mula sa huling engkwentro nila tungkol sa pinagdiskitahan nitong larawan. Sino ba naman ang normal na taong m

  • The Scandal   Chapter 33

    THE SCANDAL | CHAPTER 33 RENEWAL OF VOW ||| ❤️ "GOOD MORNING," magiliw na bati ni Archie sa kaniya. Tumuloy sila sa bahay niya pagkatapos nila pumunta sa resort. "Breakfast in bed. Okay ka na ba?" tanong sa kaniya ni Archie. Nang sinundo siya nito nasabi niya ang tungkol sa allergy niya sa hipon. Nag-alala din naman ito sa kaniya at pinagsabihan pa siya kung bakit hindi niya agad sinabi rito. "Okay na ako. Salamat sa pag-alala." Binigyan siya ni Archie nang ilang tableta sa tray niya. Dumaan sila nang gabing iyon sa hospital para ipa-check-up niya. Ayaw niya pa sana pero naging mapilit ito. "Kumain ka na ha. Dadaan sina tito sa bahay, gusto mo ba sumama?" tanong nito sa kaniya. "Bakit daw? May problema ba?" "Wala naman. Dadaan lang para sa personal na imbitasyon sa susunod na araw sa kasal nila." Naalala niya. Tumango-tango siya rito. Nagdadalawang-isip ang loob niya kung sasama pa ba rito. "Okay lang ba?" "Sige. Kakain lang ako tapos I'll be ready." "Okay. Hintayin

  • The Scandal   Chapter 32

    The Scandal | Chapter 32 THE REUNION ___ "DITO KAYO UMUPO, YVONNE." Hinila si Yvonne nang mommy ni Leonardo. Mabuti na lang at dalawa ang pagitan at hindi niya tuluyang nakatabi si Leonardo. Pinakilala ng daddy nito ang mga hindi pamilyar sa kaniyang mukha. Ngumiti naman siya rito nang ngumiti ito sa kanila. "Upo. Upo kayo. Nandiyan na pala mga pagkain natin. Masasarap iyan. Para talaga sa inyo." Napatingin siya sa mga nakahain sa harap nila. Halos seafood ang lahat; kabilang na ang malalaking hipon at sa tingin pa lang mukhang masarap at mataba ng alimango. Inalalayan siyang makaupo ni Archie nang ipaghila siya nito ng upuan. "B-Bro," anito kay Leonardo. Tumango lang ang huli. Hindi man lang ito nagtaas ng tingin sa kanilang dalawa. "Hipon or crab?" tanong sa kaniya ni Archie. Napatingin siya rito. Sa pagkakataong iyon nagtama ang mga tingin nila ni Leonardo. "H-Hipon na lang," aniya. Umiwas siya nang tingin dito nang maramdamang nakatingin pa rin ito sa gawi n

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status