_____
"BAKIT kasi hindi mo na lang hiwalayan ang babaeng iyon. I'll make sure naman na magiging masaya ka sa akin kapag ang pinili mo, Leonardo.." Bigla ang ginawang pagtabing ni Leonardo sa babaeng kasama niya ngayon sa sarili niyang kama sa condo niya. "Ouch!" angil ni Liezel. Hindi nagawang paghandaan ang ginawa sa kaniya ng lalaki. "Ano ba nangyayari sa 'yo ha? Kanina lang we're fine. Tapos aartihan mo ako ng ganyan!" aniya pang hindi nagawang ikubli ang galit na naramdaman niya rito. "Dahil paulit-ulit ka! Napag-usapan na natin 'to! At alam mo kung ano ang papel mo sa buhay ko. Mahal ko si Yvonne, Liezel!" klaro at buo niyang bigkas dito. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang masamang tingin nito sa kaniya bago umiwas ng tingin. "Please, Liezel. Alam mong masaya ako sa iyo at ganoon ka rin naman sa akin. But you have to stay on your own place. Magiging asawa ko si Yvonne at pakakasalan ko siya kahit na ano ang mangyari." Tinangka niyang kunin ang kamay nito. Muling humarap sa kanya si Liezel— pareho silang hubo't hubad at tanging kumot lang ang nagsisilbing tabing sa kanilang katawan. "Ang akin lang naman, pahalagahan mo rin ako. Come on, Mahal. Ayaw ko ng ganito na lang palagi, iyong parang namamalimos ako sa atensyon at oras mo!" Sinundan niya ng tingin ang mga daliri nitong malayang nilaro-laro sa hubad niyang dibdib. "As I said, napag-usapan na natin 'to. Masaya tayo sa ganito, we don't have to ask for more.. right? I like you." "Like lang? Hindi love? Leonardo ha. Alam mong hindi lang kita basta gusto, mahal kita. That's why I used to do everything for you.." "Liezel. Please!" "Bakit ba hindi mo ako kayang mahalin? Ilang buwan na rin tayong masayang magkasama. Bakit ba, hindi ko pa rin kayang higitan yang pagmamahal mo sa babaeng iyon!" "Her name is Yvonne, and she is your bestfriend." Pagtatama niya rito. Napataas kilay si Liezel. Mabilis ang naging kilos para tumayo mula sa pagkakahiga nilang dalawa. Tumambad sa harap niya ang makinis na balat nito. "This is not enough? Kulang pa ba sa iyo ang katawang 'to! I'm almost perfect, Leonardo! Aminin mo man o hindi, hamak na mas lamang ako kay Yvonne!" may pang-uuyam nitong sabi sa kaniya. Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Leonardo, umupo't sinandal sa head board ng kama ang ulo niya. He feel stress sa pinapakitang tantrums sa kaniya ni Liezel. Totoo ang mga sinabi nito. "I need Yvonne. I need her that much. At alam mo ang dahilan kung bakit hindi ko siya kayang iwan, Liezel." "Dahil ano? Anak siya ng taong pinapatay ang mga magulang mo?!" Mabilis ang naging kilos ni Leonardo para malapitan si Liezel. Mahigpit niya itong hinawakan ng mariin sa balikat nito— nanlilisik ang mga mata niyang pinaglipat-lipat sa mga mata nito. "Aray! Leonardo, nasasaktan ako! Ano ba!" Pagpupumiglas ni Liezel. "Watch your word, Liezel! Dahil hindi ako mag-aatubiling saktan ka rin. Naiintindihan mo ako?! Huwag na huwag mong idadamay ang mga magulang ko rito! Magkakamatayan tayo!" galit na galit niyang usal sa harapan ng dalaga. Binitiwan niya ito mula sa pagkakahawak niya. "Honey.. Wait. I'm sorry!" Hindi nya nagawang pigilan si Liezel sa ginawa nitong paglasap ng labi niya't kasabay ang pagbaba ng kamay nito sa maselang parte ng katawan niya. Ang kahinaang nagpapaikot sa kaniya sa mga palad ni Liezel. Kahinaan at kaligayahang hindi kaya ibigay ni Yvonne. ••• TOWN HOMES, CAVITE. "ARE you okay, Yvonne?" tanong ni Janice kay Yvonne. Nakauwi na siya sa townhouse nila sa Cavite. Pinili niyang d'on umuwi at hindi sa Zambales kung saan nangako siya sa daddy niya na dadalawin niya ito. "I'm fine," tugon niya rito. Halos nakatatlong stick na rin ng yosi si Yvonne. Ganito siya kapag stress siya, hindi niya pa rin kasi magawang kalimutan ang ginawa sa kaniya ni Father Simon kanina. "Hindi ka ganyan. Kilala kita. Stress? From where? May maitutulong ba ako?" sunod-sunod nitong tanong sa kaniya. Umupo si Janice sa upuang nasa harapan niya sa veranda. Muli siyang bumuga ng malalim na buntong hininga pinasadahan ng tingin ang cellphone niya. Wala pa rin siyang natatanggap na tawag or text man lang mula kay Leonardo. "F-for wedding preparations," pagsisinungaling niya kay Janice. Iniwas niya ang tingin niya rito at muling nagsindi ng isa pang sigarilyo. "Nasaan ba kasi si Leonardo? Pansin ko lang ha, parang ikaw na lang din talaga nag-aasikaso ng lahat. Interesado pa ba siya sa kasal nyo ha?" anito. "He's busy!" "Saan? Sa trabaho? Sigurado ka ba na trabaho ang pinagkakaabalahan niya?" "Alam ni Leonardo ang kaya kong gawin sa kaniya oras na malaman kong nagsisinungaling siya sa akin! Hindi gagawa ng dahilan iyon para itulak niya ako sa pwedi kong gawin!" mariin niyang pagkakasabi rito. "I'm your friend, Yvonne. Alam mo naman na kilala kita. Hindi lang ako sanay na nakikita kang ganyan. Nakakapanibago." Tama si Janice. Kailan ba siya huling nanigarilyo? Matagal niya na ring hindi binalikan ito, mula nang mag-propose ng kasal sa kaniya si Leonardo. Alam niya rin na magagalit lang ang fiance niya kapag nakikita siyang ganito ngayon. But how she can refuse her mind para mabawasan ang stress niyang nararamdaman ngayon, at may malaking impact sa kaniya ang ginawang paghawak ni Father Simon sa balikat niya— hindi lang basta paghawak dahil sa pagpisil nito. Galit na binato ni Yvonne ang stick ng yosi sa ashtray na nasa harap niya. "Yvonne. Are you okay?" Tiningnan niya ng masama si Janice at mabilis niya ring iniwas ito binaling sa labas ng veranda nila. "Samahan mo ako! Hindi ako mapakali, I just want to have some fun. Gusto ko uminom, magwala, sumaya!" Tumayo si Yvonne at ganoon din si Janice. Sa balikat niya sinukbit niya ang mamahaling bag, naglakad ng mabilis palabas ng pinto ng bahay niya. Walang nagawa si Janice kun 'di ang sumunod ito sa kaniya. Kung saan man sila dalhin ng mga paa niya ngayon, nandiyan si Janice sa likod niya't hindi siya iiwan. Aalalayan siya nito hanggang sa bumalik sa normal ang kaniyang nararamdaman.YEAR 2005 ISANG MALAMIG na araw n'on sa Siargao. Katatapos lang ng ilang linggong bagyo nang nagpasyang pumunta si Yvonne sa isla na iyon na mag-isa. Palubog na ang araw nang pagmasdan niya ito. Halos dalawang taon na rin ang lumipas nang mangyari ang lahat sa kanila; ang hindi pag tuloy ng kasal nila ni Leonardo, ang muntik na pagpapakasal ng pinsan nitong si Art.Everything is full into place, iyon naman talaga ang pangarap niya mula n'ong iniwan niya ang mga ito sa altar sa araw ng kasal nila dapat. Nang araw na iyon masaya na rin naman siya para kay Leonardo; sa lalaking minahal niya, sa lalaking inalayan niya ng lahat, sa lalaking unang dumurog sa puso niya.Napangiti si Yvonne nang maalala ang mga bagay na iyon. Paminsan-minsan hindi niya pa rin naman maiwasang masaktan kapag naiisip si Liezel at Leonardo n'on. Pero buti na lang may mga bagay na nakapagpa-alala sa kanila sa mga tama at mali. Napayuko si Yvonne sa puting buhangin nang maaalala ulit si Leona
The Scandal ||| The Last Scandal __ ST. THERESE BATANGAS, DAHIL sa pagiging abala ni Archie sa last exhibit nito, tanging si Yvonne lang naging ang punong-abala rin sa pag-aasikaso ng kasal nilang dalawa. Kasalukuyan siyang nandito sa simbahan ng St. Therese para magpa-schedule ng kasal nilang magkasintahan. Marami nang nagbago wala na rin iyong pari na minsang nagbigay sa kaniya ng kaba at pagkawala ng respeto niya sa ginawa nito sa kaniya n'on. Kasalukuyan siyang narito sa harap ng altar pinagmamasdan ang malaking krus. Umusal siya nang panalangin, ganoon na rin ang pangangamusta niya sa magulang niya at pagbibigay-alam niya sa mga itong nasa maayos ang lagay niya. "Yvonne.." Lumingon si Yvonne. Hindi akalaing si Leonardo ang napaglingunan niya. Tumingin siya ritong may pagtatanong kung ano ang ginagawa nito d'on. "Muntik na kitang hindi makilala. Short hair eh," natatawang sabi nito. Ngumiti siya. "Kamusta ka na?" Halos sabay pa nilang bigkas sa isa't i
THE SCANDAL || CHAPTER 37 Road to forever ___ "ANONG NANGYAYARI DITO?" Gulat na tanong ni Archie nang abutan niyang inalalayan ni Leonardo si Yvonne hanggang sa maayos nitong maiupo nang mahimatay ito sa bisig niya. Panay ang paypay niya rito gamit ang binigay na pamaypay ng isang ale na nakakita sa kanila. Gustuhin nya mang buhatin ito hindi pa kaya ng mga binti niya. Ayaw niyang matumba sila sa ganoong sitwasyon dahil baka masaktan lang si Yvonne. "Anong ginagawa mo rito?" dugtong niya pang tanong. "I'm sorry, Bro. Sinundan ko lang si Yvonne para kausapin," tugon niyang hindi makuha ang tingin kay Yvonne. Alam niyang nahimatay lang ito dahil sa masamang balitang natanggap nito. "And, why? Anong ginawa mo?" Umupo ito sa tabi ni Yvonne. Tinangka nitong gisingin si Yvonne sa pamamagitan ng pagtapik-tapik ng pisngi nito. "Vonne.. Vonne.." anito. "Leonardo, ano ang nangyari? Nahimatay ba siya? Why?" "Someone called her. Narinig ko namatay daw ang dad niya. Archie, believe me. W
THE SCANDAL || CHAPTER 36 THE TRUTH "HI..." Hindi niya inabala ang sariling lumingon. Nanatili iyong mga mata niya sa bahay niya, ang huling araw na mapagmamasdan niya ito. "How's your feeling now?" tanong nito sa kaniya. "Fine. I have to be fine," malungkot niyang sagot dito. "Malulungkot si mommy kapag tuluyan itong nawala sa akin. But apparently alam kong magiging okay din siya, tulad ko. Hindi ba?" aniya. Nanatili iyong mga mata nya sa bahay na pinamana sa kaniya ng mommy niya bago ito mamatay mahigit siyam na taon na ang lumipas. "She will be proud of you, Yvonne. Kasi ang layo na nang narating mo sa lahat-lahat ng napagdaanan mo. You're still there. Nakatayo at patuloy na lumalaban." "Kung buhay si mommy sasabihin niya sa akin, that's my girl." Ngumiti siya rito. "Ilang beses kong hiniling na kunin niya na ako, Archie. Pero ang tigas ng ulo ni mommy," natatawa niyang sabi rito. "I will never ever leave you here. I swear it, Yvonne. Kung kinakailangan isakripisyo ko
The Scandal || Chapter 35. 2 THE MIRACLE BACKSTORY, 6 YEARS AGO. "STILL CRYING?" tanong ni Leonardo sa kanya. Nasa ilalim sila ng isang puno ng akasya sa likod ng universidad kung saan sila nag-aaral na dalawa. Halos isang taon na rin silang magkaibigan ni Leonardo n'on mula nang namatay ang mommy niya ito lagi ang nakaramay niya. "Hindi ko magawang pigilin ang sarili ko eh. Masakit pa rin kasi," aniya rito. "Alam ko. I feel it. Here.." Tiningnan niya ang inaabot nitong isang bagay na nakabalot sa isang panyo. "Ano ito?" tanong niya. "Open it." Napailing-iling siyang tinanggap ito. Bumungad sa kaniya ang isang kwentas na may krus na pendant. "Para?" "Para kapag wala ako sa tabi mo, hindi ka na maging malungkot at umiyak. Kausapin mo lang siya, hindi siya sumasagot pero nakikinig siya sa lahat-lahat ng magiging sumbong mo." "Salamat ha. Paano iyan wala akong ibibigay sa iyo, hindi ko naman kasi alam na may paganito ka," natatawang pagkakasabi nya rito. Binalik niya
THE SCANDAL || CHAPTER 35 "ANO ANG GINAGAWA MO RITO?" tanong niyang nagtataka. Hindi niya man lang nakuhang tanggapin ang inaalok nitong panyo sa kaniya. Gusto niya malaman kung ano ang ginagawa nito rito. "Nakalimutan mo bang nag-aral din ako rito?" "Alam ko. Ang tinatanong ko rito." Posible bang nakita siya nito o naging pag-uusap nila ni Liezel? "Hindi kita sinusundan. Gusto ko lang pumunta dito para sa ilang bagay na gusto kong sariwain sa isip ko," aniya nito sa kaniya. "Kasama ko si Ramon," saad pa nito. "Ikaw ano ang ginagawa mo rito?" tanong nito sa kaniya. "Banyo 'to 'di ba? Ano ba ang ginagawa sa lugar na 'to?" mataray niyang sagot. Ngumiti ito. "Akala ko kasi iiyak ka na naman." "Hindi na ako bata at Yvonne na iyakin na nakilala mo, Leonardo—" aniya. "Pero ikaw pa rin iyong maganda at mabait na babaeng na nakilala ko, Yvonne —" Hindi siya nakakibo dahil sa narinig niya sa lalaki. Ang balak niyang pagpasok sa loob ay hindi niya nagawa dahil sa hindi inaasahang