Share

Chapter 4

Author: Mrs. Bliss
last update Last Updated: 2026-01-28 10:34:22

“Finish the financial analysis for Argente Enterprise before the lunch break,” utos sa akin ni Lukas.

Tumango ako at bumalik sa aking upuan. Kahit na ibinaba ang aking posisyon, patuloy pa rin akong binabagsakan ni Lukas ng mga trabahong hindi ko naman dapat gampanin. Noon, tinatanggap ko ang lahat ng mga pinapagawa niya dahil umaasa akong mapapansin niya. Ngayon, hindi ko na maloloko ang sarili ko.

Pagkatapos ng report, ibinigay ko ang soft at hard copy kay Alexis at nag-order na lang ng takeout at magtatanghalian na. Ayaw kong pumunta sa canteen para iwasan ang mga mapanghusgang tingin ng mga empleyado. Gusto kong mapag-isa. Kaunting tiis na lang at ilang araw nalang ay makakalis na ako sa kumpanyang ito.

Habang naghihintay, narinig kong nagtsitsismisan ang mga katrabaho ko.

“Ang bata ng girlfriend ni Mr. Argente! College student pa raw!”

“Sobrang ganda niya, parang manika. Iba raw tumingin si President sa kanya—sobrang lambing. Parang teleserye lang!”

Hindi ko alam kung masasaktan ako sa mga naririnig ko, pero saglit akong napatulala.

Napasulyap ako sa kanila nang tumigil sila sa kanilang ginagawa. Nakatuon na ngayon ang kanilang buong atensyon sa akin at tila sinusuri ako mula ulo hanggang paa. Nanatili akong nakaestatwa sa aking kinauupuan at nagpanggap na hindi ko sila napansin.

“Mula nang ma-demote, lagi na siyang naka-mask at hindi na kumikibo. Mahirap paniwalaan na siya ang dating star assistant ng kumpanya.”

Muli akong natigilan.

Nang mag-alas dos ng hapon, nilapitan ako ni Alexis.

“Pinapatawag ka ng President,” aniya.

Bigla akong kinabahan sa hindi ko malamang dahilan.

Pagpasok ko sa opisina, sinalubong ako ng mabigat na awra ni Lukas.

“Is this the report you prepared?” galit na tanong ni Lukas. Ibinato niya ang file sa mismong mukha ko.

Nakaramdam ako ng hapdi mula sa aking pisngi, pero hindi ko na iyon ininda. Hinawakan ko ang aking tiyan at kahit nahihirapan ay isa-isa kong pinulot ang mga papel na nakakalat sa sahig. Hindi na ako nag-expect pa na tutulungan ako ni Lukas. Malamig niya lang akong pinanood.

Isa-isa ko ring tiningnan ang report at may mga mali akong nakikita. Hindi ito ang gawa ko—malayo ito sa mga gawa ko. “Mr. Argente, hindi ito ang report na ginawa ko,” pagdepensa ko.

“Enough! I don’t want to hear your excuses.”

Mahigpit akong napahawak sa mga papel na hawak ko. Nanginginig ako, hindi dahil sa takot dahil sa nagawa niyang pagtaas ng boses, kundi dahil sa ginagawa niya sa akin, ramdam kong gusto niya lang akong ipahiya at bigyan ng butas para lalo niya akong kamuhian. Kilala ko si Lukas.

“May backup copy ako sa computer,” matapang kong sabi, “ise-send ko ulit sa ‘yo ngayon para makita mo ang totoo. Pagkatapos mo itong suriin, doon mo na ako pagsabihan.”

Nanliit ang mga mata ni Lukas. "Siguruhin mo lang," aniya.

“Hindi mo man lang itinanong ang panig ko o hingan mo muna ako ng paliwanag bago ako pagalitan?” biglang nabitiwang kong salita habang nanginginig ang boses, "hindi ba dapat ay may karapatan akong protektahan ang trabaho ko?"

Sarkasmong natawa si Lukas. “What’s the point anymore? I already know you. I know every move you make. Do you think there’s still any room to trust you?” bulyaw niya.

Parang sinaksak ang puso ko. Sa gitna niyon ay biglang bumukas ang pinto mula sa private room ni Lukas sa kaniyang opisina at lumabas ang isang babaeng naka-pink na silk nightgown. Siya iyong babaeng kasama ni Lukas sa hospital.

"Luke, I heard your angry voice. What happened?!" malambing na tanong ng babae.

Kaagad kong ibinalik ang tingin ko kay Lukas. Gusto ko sanang itanong kung bakit nandyan ang babae niya sa kaniyang private room, ngunit marahil ay hindi na lamang ako dapat lumingon. Sapagkat sa sariling mga mata ko mismo ay nasaksihan ko ang kasagutan—kung paanong ang bigat ay gumaan at ang dilim ay unti-unting nagliwanag. Sa isang iglap, naglaho ang madilim na awra ni Lukas at napalitan ng isang malambing at banayad na anyo.

Dahil sa nasaksihan ay mas lalo akong nanliit sa aking sarili.

Walang laban ang pangit na katulad ko sa tila isang dyosa na nasa harapan ngayon ni Lukas. Marahil isa nga akong masamang panaginip sa kaniya para ituring niya ako ng ganito.

“Angela. Love, I’m sorry. Nagising ba kita?” may paglalambing na tugon niya.

Napatalikod ako, upang hindi nila pareho mapansin ang pamumuo ng mga luha ko sa mga mata.

 “Labas,” utos ni Lukas, kaagad naman akong lumabas ng opisinang iyon. Tumakbo ako—na para bang hindi ako buntis. Dumiretso ako sa exit at naupo sa hagdanan. Doon ko na tuluyang hindi napigilan ang sarili. Humagulgol ako.

Tama ngang itapon ko na lang ang walong taong pag-ibig ko kay Lukas, kahit ang sakit na dulot nito ay parang pagwasak sa kalahati ng aking pagkatao—kasama ang lahat ng sakripisyo at ang mga panahong sinayang ko, na sana’y ginugol ko sa pagiging buo.

Para sa sarili ko. Para sa anak ko.

Pagkabalik ko sa desk, ay hindi ko inaasahang makasalubong si Angela—ito ang pangalan niya, na narinig ko mula kay Lukas kanina. Napaka-elegante niya sa suot niyang satin dress kasama ang assistant ni Lukas na si Alexis.

Ikinagulat ko ang paggawang pagngiti sa akin ni Angela, may kinuha ito sa kaniyang bag. Lumapit siya at kinuha ang kamay ko. Inilagay niya ang isang maliit na box sa aking palad. “Huwag ka nang malungkot. Hindi na magagalit si Luke. At gamutin mo ‘yang sugat sa mukha mo, sayang naman ang ganda kung magkakapiklat.”

Napatingin nalang ako sa binigay niya nang umalis siya.

Mahihilom din ba nito ang sugat sa puso ko? Hindi ko alam kung alam ba ng babaeng iyon na asawa ako ni Lukas? Kung pinakilala ba ako ni Lukas sa kaniya? Natawa nalang ako sa isipan ko.

Nakalimutan kong bara pala ako sa buhay niya. Sabik na nga siyang burahin ako sa buhay niya, ipakilala pa kaya?

“Bakit hindi ka nagpasalamat kay Miss Angela?” pagalit na sabi sa akin ni Alexis, pero hindi ko iyon pinansin. Kaya iritable itong umalis nalang sa harapan ko.

Pagbalik sa desk, muling pinrint ko ang original na file at ibinalandra ito sa harap ni Alexis. “Ngayon alam mo na kung anong klaseng babae ang bagay sa President,” pang-iinsulto niya.

Napangisi ako, “Maaaring hindi ako ang bagay sa kanya, pero lalong hindi ikaw. Gumagamit ka ng maduming paraan para lang manabotahe, pero wala kang kinabukasan dito. Trenta anyos ka na, Alexis. Maghanap ka na lang ng mapapangasawa kaysa mangarap sa lalaking sabi mo nga hindi ibababa ang standard para sa atin.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Scorned Wife’s Billionaire Revenge On Her Scumbag Husban   Chapter 6

    “Maliya! Maliya, nandito na ang papa at kuya mo,” tawag ni Tita Shelly habang kinakatok ang pinto ng kuwarto ko.Isinantabi ko muna ang mga gumugulo sa isip ko at inilapag ang photo album, tumayo ako at binuksan ang pinto. Nang makita ang dalawang lalaking papasok, ay masaya ko silang sinalubong, “Papa! Kuya!”Kaagad naman silang napabaling sa aking ginawang pagtawag sa kanila.“Maliya, may dala akong regalo para sa iyo. Tingnan mo kung magugustuhan mo,” agad na salubong sa akin ni Kuya Gabriel.Lumapit kaagad ako, tila batang sabik na sabik sa regalong dala ni kuya. “Anong regalo?”Ibinaba ni Kuya Gabriel ang mga dala niyang bag sa coffee table. Kinuha niya ang isang branded na jewelry box at iniabot ito sa akin. “Buksan mo at tingnan mo.”Nasasabik kong kinuha at binuksan. Naglalaman ito ng isang gintong bracelet na may napaka-detalyadong disenyo. “Salamat, Kuya! Gustong-gusto ko ito.”“Mabuti naman at nagustuhan mo.” Hinaplos ni Kuya Gabriel ang ulo ko. Hindi pa rin mawala sa kaniy

  • The Scorned Wife’s Billionaire Revenge On Her Scumbag Husban   Chapter 5

    Namutla sa galit si Alexis. Hinampas niya ang mesa at napatayo. “Maliya!”Hindi ko na siya nilingon pa at derederetsong naglakad.Pagbalik sa aking desk, kinuha ko ang isang maliit na salamin para tingnan ang bahid ng dugo sa aking pisngi. Hindi naman malalim ang sugat, kaya pinunasan ko lamang ito ng wet tissue. Hindi na rin ako nag-abala pang gamutin ito. Sa itsura kong ito, wala na sa akin kung magkakaroon man ng piklat ang mukha ko. Bahagya akong natigilan, ang babae kanina—si Angela. Ilang beses ko palang siyang nakikita, pero bakit parang pamilyar siya sa akin?Tapos na ang oras ng trabaho kaya inaayos ko na ang mga gamit ko. Napatigil na lamang ako ng tumunog ang cellphone ko.“Papa?” sagot ko.“Maliya, anak. Nakauwi na ang Kuya Gabriel mo,” bungad nang nasa kabilang linya.“Nakabalik na si Kuya Gabriel?” gulat kong tanong, “akala ko ba sa ika-labinlima pa siya darating?”“Maagang natapos ang trabaho niya,” sagot ni papa, “umuwi ka rito pagka-out mo.”Sumakay ako ng cab papunta

  • The Scorned Wife’s Billionaire Revenge On Her Scumbag Husban   Chapter 4

    “Finish the financial analysis for Argente Enterprise before the lunch break,” utos sa akin ni Lukas.Tumango ako at bumalik sa aking upuan. Kahit na ibinaba ang aking posisyon, patuloy pa rin akong binabagsakan ni Lukas ng mga trabahong hindi ko naman dapat gampanin. Noon, tinatanggap ko ang lahat ng mga pinapagawa niya dahil umaasa akong mapapansin niya. Ngayon, hindi ko na maloloko ang sarili ko.Pagkatapos ng report, ibinigay ko ang soft at hard copy kay Alexis at nag-order na lang ng takeout at magtatanghalian na. Ayaw kong pumunta sa canteen para iwasan ang mga mapanghusgang tingin ng mga empleyado. Gusto kong mapag-isa. Kaunting tiis na lang at ilang araw nalang ay makakalis na ako sa kumpanyang ito.Habang naghihintay, narinig kong nagtsitsismisan ang mga katrabaho ko.“Ang bata ng girlfriend ni Mr. Argente! College student pa raw!”“Sobrang ganda niya, parang manika. Iba raw tumingin si President sa kanya—sobrang lambing. Parang teleserye lang!”Hindi ko alam kung masasaktan

  • The Scorned Wife’s Billionaire Revenge On Her Scumbag Husban   Chapter 3

    “Come in.” Binuksan ko ang pinto pagkarinig ko niyon.Bigla akong nahiyang lumapit kay Professor Adrian nang makita ko ang kaniyang reaksyon, pagkapasok ko. Sino ba kasing mag-aakala sa anyo ko ngayon? Samantalang ang kaharap ko ay kuminang sa kaniyang suot na dark blue coat, na nagbibigay-diin sa kaniyang kakisigan. Sa likod ng bilog na salamin ay sumisilip ang mapupungay at kaakit-akit na mga mata, habang ang matangos na ilong ay tila inukit ng isang bihasang pintor, na akmang umuugnay sa curvy at mapulang labi niya. Matangkad siya at pinagpala ng isang makisig na pangangatawan na halos nakakaakit sa bawat sulyap. Bulag nalang ang hindi mahuhulog dito.Pero, hindi ako bulag. Sadyang kay Lukas lang ang puso ko.Tss. Baliw!“Professor Adrian,” banggit ko sa kaniyang pangalan.Bahagyang lumaki ang mga mata niya at kaagad din itinago ang kaniyang pagkagulat.“Maliya! You’re here.” Malawak siyang ngumiti nang banggitin niya ang pangalan ko.Inalis ko ang suot kong facemask. “It’s been a

  • The Scorned Wife’s Billionaire Revenge On Her Scumbag Husban   Chapter 2

    Matapos hindi masundan ang pag-uusap namin dalawa ay humirit ako. “Bukas,” pagputol ko na ikinabaling niya sa akin nang saglit, “kakausapin ko na ang abogado ko. Ako na ang maghahain ng petisyon at itutuloy natin sa grounds ng psychological incapacity. Ako ang lalabas na may pagkukulang—na hindi ko kayang gampanan ang obligasyon ko bilang asawa.”Huminga ako nang malalim. “Para hindi ko masira ang reputasyon ng pamilya ninyo—para hindi ko masira ang relasyon mo sa mga magulang mo. Ako na.”“sa ari-arian naman, wala akong hahabulin dahil may prenuptial agreement tayo. Ang hihilingin ko lang, sumang-ayon ka na lang sa lahat para hindi na tayo magtagal sa korte. Hindi ba’t iyon naman ang gusto mo? Gusto ko nang matapos ito nang maaga para sa ating dalawa.”Alam kong mahirap magpa-annul sa Pilipinas. Bawal ang magkasundo, at kailangang mapatunayan na talagang invalid ang kasal mula pa noong una. Pero kung may matibay na ebidensya at may perang ilalabas, magagawan ng paraan.Tumama ang mga

  • The Scorned Wife’s Billionaire Revenge On Her Scumbag Husban   Chapter 1

    Pagkalabas ng taxing sinaksakyan ay napatda ako mula sa aking kinatatayuan. Maging ang silay na ngiti sa mga labi ko ay nawala. Wala akong ibang nararamdaman kundi eksaytment para sa araw na ito. Ngunit, hindi—hindi matapos kong makita ang dapat ay hindi ko makita.Si Lukas, ang aking asawa, halos mga sampung hakbang lamang ang layo namin sa isa’t isa.Napaka-guwapo at elagante niya kung tingnan sa suot niyang itim na toxido habang bigkis siya ng isang maganda at tila babasaging babae. Balot ang babae ng mamahaling fox fur at malambot na scaft—ang kaniyang mukha ay kasing amo ng isang manika.Napahigpit ako ng hawak sa strap ng aking bag na nakasabit sa aking balikat hanggang sa maramdaman ko ang pagmamanhid ng aking kamay. Mas masakit pa sa hapdi ng sinag ng araw na tumatama sa aking balat ang kirot na nararamdaman ko ngayon. Napatigil siya nang makita ako. Ngunit, tuluyang ikinapunit ng puso ko ay ang ekspresyon niya na nanatiling blangko ang mukha. Wala man lang itong bahid ng hiya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status