Share

Chapter 5

Penulis: Mrs. Bliss
last update Terakhir Diperbarui: 2026-01-28 10:35:40

Namutla sa galit si Alexis. Hinampas niya ang mesa at napatayo. “Maliya!”

Hindi ko na siya nilingon pa at derederetsong naglakad.

Pagbalik sa aking desk, kinuha ko ang isang maliit na salamin para tingnan ang bahid ng dugo sa aking pisngi. Hindi naman malalim ang sugat, kaya pinunasan ko lamang ito ng wet tissue. Hindi na rin ako nag-abala pang gamutin ito. Sa itsura kong ito, wala na sa akin kung magkakaroon man ng piklat ang mukha ko. Bahagya akong natigilan, ang babae kanina—si Angela. Ilang beses ko palang siyang nakikita, pero bakit parang pamilyar siya sa akin?

Tapos na ang oras ng trabaho kaya inaayos ko na ang mga gamit ko. Napatigil na lamang ako ng tumunog ang cellphone ko.

“Papa?” sagot ko.

“Maliya, anak. Nakauwi na ang Kuya Gabriel mo,” bungad nang nasa kabilang linya.

“Nakabalik na si Kuya Gabriel?” gulat kong tanong, “akala ko ba sa ika-labinlima pa siya darating?”

“Maagang natapos ang trabaho niya,” sagot ni papa, “umuwi ka rito pagka-out mo.”

Sumakay ako ng cab papunta sa bahay namin—isang malaking apartment ito sa Makati. Si Papa, ang ama ko, ay nagmamay-ari ng isang real estate company. Hindi kami kasing-yaman ng mga Argente. Tama lang para mamuhay ng kumportable.

Ngunit dumaan sa matinding krisis ang industriya ng real estate. Anim na buwan ang nakalipas, muntik nang tuluyang malugi ang kumpanya ni Papa. Nang malaman niyang buntis ako at si Luke Argente ang ama ng aking dinadala, hindi niya ako pinilit na ipakasal sa isang Argente—kahit batid niyang malaking tulong ang maaaring ibigay ng pamilyang iyon sa muling pagbangon ng aming negosyo.

Ngunit nang makita ko ang kalagayan ni Papa—kung paanong isa-isa niyang ipinagbibili ang aming mga ari-arian upang mabayaran ang mga utang—ako na ang gumawa ng desisyon. Lumapit ako sa matandang Argente, hindi lamang para kay Papa, kundi dahil sa sarili kong pagnanais na makasama si Lukas.

Humingi ako ng danyos—isang bayad kapalit ng aking katahimikan, ng pangakong hindi ko guguluhin ang kaniyang apo o ang kanilang pamilya. Sa tulong ng danyos na iyon, nailigtas mula sa pagkalugmok ang kumpanya ni Papa. Ngunit kapalit nito ang aking dangal—at ang tuluyang pagkawasak ng aking pagkatao sa mga mata ni Lukas.

Alam kong wala akong ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili ko. Sapagkat kahit nagbigay sila ng danyos, batid kong hindi nito kailanman matatahimik ang konsensya ng matandang Argente. Mula pa sa kanilang mga ninuno, malalim ang pagpapahalaga nila sa pangalan ng pamilya—sa dignidad at reputasyon. Hindi nila ugaling tumakbo o tumakas sa problema. Kaya sa huli, ipinakasal pa rin ako kay Lukas.

Pumabor sa plano ko ang lahat. Hit one, get two stones, ika nga. Ngunit ako rin ang naipit sa gitna. Sapagkat kahit anong gawin ko, hindi na nagbago ang tingin sa akin ni Lukas.

Pumirma man ako ng prenuptial agreement—isang kasunduang sa aming dalawa lamang—hindi pa rin nito nabura ang hatol niya sa akin.

Ganoon ako kabaliw sa isang Luke Argente.

Pagdating sa bahay, sinalubong ako ni Tita Shelly mula sa kusina. “Maliya, nandito ka na pala!”

Siyam na taong gulang pa lang ako noon nang maghiwalay ang mga magulang ko. Isinama ni mama si kuya sa kaniya at iniwan niya ako kay papa. Sa simula ay galit ako kay Tiya Shelly, ang kinakasama ni papa, dahil ayaw kong mag-asawa ulit si papa, pero kalaunan ay minahal ko na rin siya dahil sa ginawa niyang pag-aalaga sa akin at kay papa. Kahit sinusupladahan ko siya nang una ay pinagtatiyagaan pa rin niya ako. Ang anak niyang si Kuya Gabiel ay itinuring ko na ring tunay na kapatid.

“Tita Shelly, nasaan po si Papa?” Nagmano ako.

“Papunta na sila rito. Magpahinga ka muna sa kwarto mo.”

Tumango ako at ngumiti kay tita.

Pumasok ako sa kuwarto ko. Kahit kasal na ako, pinanatili ng papa ang kwarto ko sa istilong gusto ko. Dito, tila nawawala ang lahat ng pagod at sakit na nararamdaman ko sa labas.

Naupo ako sa kama. Nang makita ang photo album na nakapatong sa taas ng mesa sa gilid ng kama ay kinuha ko ito at binuksan. Sa unang pahina, isang punit na litrato ng pamilya namin noon. Naalala ko, ako ang nagpunit nito noon, nagalit ako kay mama dahil sa ginawang pag-iwan niya sa amin dalawa ni papa. Pero ngayon, wala na ang galit na iyon. Hindi ko alam, sadyang napawi lang. Marahil pagkatao ko na, ang hindi magtanim ng sama ng loob.

Nilipat ko ang pahina.

Ang dalagita sa litrato ay napakaganda at napakapayat, suot ang isang puting damit sa ilalim ng puno ng acacia. Ang kanyang ngiti ay napakakinang, at ang kanyang mga mata ay parang mga bituin sa langit. Ang dalagitang ito ay malaki na ang ibinago ngayon. Ang liit-liit na ng tingin niya sa sarili niya ngayon. Mapait akong ngumiti.

Nagkasakit ako ng malubha noon. Dahil sa mga hormone na gamot na ininom ko, bigla akong tumaba. Kahit anong diet o exercise ang gawin ko, hindi na bumalik ang dati kong katawan.

Bigla akong napatigil habang tinitingnan ang sarili kong litrato. Ang mga mata at hugis ng mukha ng babaeng kasama ni Lukas kanina, kaya pamilyar ang mukha nito… ang mukha ni Angela ay halos kamukha ng dalagita sa litratong ito. Paano iyon nangyari?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Scorned Wife’s Billionaire Revenge On Her Scumbag Husban   Chapter 6

    “Maliya! Maliya, nandito na ang papa at kuya mo,” tawag ni Tita Shelly habang kinakatok ang pinto ng kuwarto ko.Isinantabi ko muna ang mga gumugulo sa isip ko at inilapag ang photo album, tumayo ako at binuksan ang pinto. Nang makita ang dalawang lalaking papasok, ay masaya ko silang sinalubong, “Papa! Kuya!”Kaagad naman silang napabaling sa aking ginawang pagtawag sa kanila.“Maliya, may dala akong regalo para sa iyo. Tingnan mo kung magugustuhan mo,” agad na salubong sa akin ni Kuya Gabriel.Lumapit kaagad ako, tila batang sabik na sabik sa regalong dala ni kuya. “Anong regalo?”Ibinaba ni Kuya Gabriel ang mga dala niyang bag sa coffee table. Kinuha niya ang isang branded na jewelry box at iniabot ito sa akin. “Buksan mo at tingnan mo.”Nasasabik kong kinuha at binuksan. Naglalaman ito ng isang gintong bracelet na may napaka-detalyadong disenyo. “Salamat, Kuya! Gustong-gusto ko ito.”“Mabuti naman at nagustuhan mo.” Hinaplos ni Kuya Gabriel ang ulo ko. Hindi pa rin mawala sa kaniy

  • The Scorned Wife’s Billionaire Revenge On Her Scumbag Husban   Chapter 5

    Namutla sa galit si Alexis. Hinampas niya ang mesa at napatayo. “Maliya!”Hindi ko na siya nilingon pa at derederetsong naglakad.Pagbalik sa aking desk, kinuha ko ang isang maliit na salamin para tingnan ang bahid ng dugo sa aking pisngi. Hindi naman malalim ang sugat, kaya pinunasan ko lamang ito ng wet tissue. Hindi na rin ako nag-abala pang gamutin ito. Sa itsura kong ito, wala na sa akin kung magkakaroon man ng piklat ang mukha ko. Bahagya akong natigilan, ang babae kanina—si Angela. Ilang beses ko palang siyang nakikita, pero bakit parang pamilyar siya sa akin?Tapos na ang oras ng trabaho kaya inaayos ko na ang mga gamit ko. Napatigil na lamang ako ng tumunog ang cellphone ko.“Papa?” sagot ko.“Maliya, anak. Nakauwi na ang Kuya Gabriel mo,” bungad nang nasa kabilang linya.“Nakabalik na si Kuya Gabriel?” gulat kong tanong, “akala ko ba sa ika-labinlima pa siya darating?”“Maagang natapos ang trabaho niya,” sagot ni papa, “umuwi ka rito pagka-out mo.”Sumakay ako ng cab papunta

  • The Scorned Wife’s Billionaire Revenge On Her Scumbag Husban   Chapter 4

    “Finish the financial analysis for Argente Enterprise before the lunch break,” utos sa akin ni Lukas.Tumango ako at bumalik sa aking upuan. Kahit na ibinaba ang aking posisyon, patuloy pa rin akong binabagsakan ni Lukas ng mga trabahong hindi ko naman dapat gampanin. Noon, tinatanggap ko ang lahat ng mga pinapagawa niya dahil umaasa akong mapapansin niya. Ngayon, hindi ko na maloloko ang sarili ko.Pagkatapos ng report, ibinigay ko ang soft at hard copy kay Alexis at nag-order na lang ng takeout at magtatanghalian na. Ayaw kong pumunta sa canteen para iwasan ang mga mapanghusgang tingin ng mga empleyado. Gusto kong mapag-isa. Kaunting tiis na lang at ilang araw nalang ay makakalis na ako sa kumpanyang ito.Habang naghihintay, narinig kong nagtsitsismisan ang mga katrabaho ko.“Ang bata ng girlfriend ni Mr. Argente! College student pa raw!”“Sobrang ganda niya, parang manika. Iba raw tumingin si President sa kanya—sobrang lambing. Parang teleserye lang!”Hindi ko alam kung masasaktan

  • The Scorned Wife’s Billionaire Revenge On Her Scumbag Husban   Chapter 3

    “Come in.” Binuksan ko ang pinto pagkarinig ko niyon.Bigla akong nahiyang lumapit kay Professor Adrian nang makita ko ang kaniyang reaksyon, pagkapasok ko. Sino ba kasing mag-aakala sa anyo ko ngayon? Samantalang ang kaharap ko ay kuminang sa kaniyang suot na dark blue coat, na nagbibigay-diin sa kaniyang kakisigan. Sa likod ng bilog na salamin ay sumisilip ang mapupungay at kaakit-akit na mga mata, habang ang matangos na ilong ay tila inukit ng isang bihasang pintor, na akmang umuugnay sa curvy at mapulang labi niya. Matangkad siya at pinagpala ng isang makisig na pangangatawan na halos nakakaakit sa bawat sulyap. Bulag nalang ang hindi mahuhulog dito.Pero, hindi ako bulag. Sadyang kay Lukas lang ang puso ko.Tss. Baliw!“Professor Adrian,” banggit ko sa kaniyang pangalan.Bahagyang lumaki ang mga mata niya at kaagad din itinago ang kaniyang pagkagulat.“Maliya! You’re here.” Malawak siyang ngumiti nang banggitin niya ang pangalan ko.Inalis ko ang suot kong facemask. “It’s been a

  • The Scorned Wife’s Billionaire Revenge On Her Scumbag Husban   Chapter 2

    Matapos hindi masundan ang pag-uusap namin dalawa ay humirit ako. “Bukas,” pagputol ko na ikinabaling niya sa akin nang saglit, “kakausapin ko na ang abogado ko. Ako na ang maghahain ng petisyon at itutuloy natin sa grounds ng psychological incapacity. Ako ang lalabas na may pagkukulang—na hindi ko kayang gampanan ang obligasyon ko bilang asawa.”Huminga ako nang malalim. “Para hindi ko masira ang reputasyon ng pamilya ninyo—para hindi ko masira ang relasyon mo sa mga magulang mo. Ako na.”“sa ari-arian naman, wala akong hahabulin dahil may prenuptial agreement tayo. Ang hihilingin ko lang, sumang-ayon ka na lang sa lahat para hindi na tayo magtagal sa korte. Hindi ba’t iyon naman ang gusto mo? Gusto ko nang matapos ito nang maaga para sa ating dalawa.”Alam kong mahirap magpa-annul sa Pilipinas. Bawal ang magkasundo, at kailangang mapatunayan na talagang invalid ang kasal mula pa noong una. Pero kung may matibay na ebidensya at may perang ilalabas, magagawan ng paraan.Tumama ang mga

  • The Scorned Wife’s Billionaire Revenge On Her Scumbag Husban   Chapter 1

    Pagkalabas ng taxing sinaksakyan ay napatda ako mula sa aking kinatatayuan. Maging ang silay na ngiti sa mga labi ko ay nawala. Wala akong ibang nararamdaman kundi eksaytment para sa araw na ito. Ngunit, hindi—hindi matapos kong makita ang dapat ay hindi ko makita.Si Lukas, ang aking asawa, halos mga sampung hakbang lamang ang layo namin sa isa’t isa.Napaka-guwapo at elagante niya kung tingnan sa suot niyang itim na toxido habang bigkis siya ng isang maganda at tila babasaging babae. Balot ang babae ng mamahaling fox fur at malambot na scaft—ang kaniyang mukha ay kasing amo ng isang manika.Napahigpit ako ng hawak sa strap ng aking bag na nakasabit sa aking balikat hanggang sa maramdaman ko ang pagmamanhid ng aking kamay. Mas masakit pa sa hapdi ng sinag ng araw na tumatama sa aking balat ang kirot na nararamdaman ko ngayon. Napatigil siya nang makita ako. Ngunit, tuluyang ikinapunit ng puso ko ay ang ekspresyon niya na nanatiling blangko ang mukha. Wala man lang itong bahid ng hiya

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status